So there, natuloy din ang meeting cum tagayan. Purposely, para pag usapan ang planned Christimas Party ng mga engkantos. Mga aroung 7:45pm unang dumating si Kargador. Usapan kasi nila ni Maldita ay magkikita sila ng 8pm. Generously, nag invite itong si Maldita ng dinner. Wow! bago yun ah! first time yata mag ti treat itong si Maldita kay nag paunlak naman itong si Kargador.
Habang hinihintay nila ang iba pang enkantos, kumain muna sila. Nagkwentuhan, nag update ng mga bagay bagay. It's been a long time din nang huling nakasama sa tagayan itong si Maldita kaya happy naman ang mga engkantos na muling siyang makakasama. Bago magsidatingan ang iba, nagtungo na ang dalawa sa Bat Cave (Garahe). Unang dumating sa mga iniexpect na engkantos ay itong si Busy. Nagulat ang Kargador! For a long time na di nagpakita itong si Busy, tila blooming siya. Nag improve! gumanda ang katawan. Larawan ng isang masayang nilalang sa piling ng kanyang minamahal. Hehehe. (Long time no see!!! we're glad to see you again). Sumunod na dumating ay sina Pulis at Virginal. Sabi nga ng isang engkanto, package deal na daw ngayon ang pag punta ng mga engkantos. Walang Pulis kung walang Virginal and vice versa.
Sumunod na dumating ay si Alcoholic, as usual, blooming pa din, parang bagong dilig lang na bulaklak. Fresh na fresh. (rolleyes!!!) hahaha. Dala pa din ang kanyang props! ang kanyang bag. Sumunod na dumating ay si Payatot. Naka bonnet.. parang galing lang ng baguio. Pero ang totoo galing daw siya ng bulacan. Birthday daw yata ng pamangkin niya. Later, dumating si Bunso. Medyo sumigla ang atmosphere. Usually naman pag nasa tagayan itong si bunso, masaya ang mga engkantos. Panay ang labas nitong si Kargador at tila yata may regular caller. Tanong ng mga engkantos, sino kaya yung caller ni Kargador? Kaya di niya namalayan ang pagdating ni Belami, na isa din sa mga engkantong bihira sumama sa tagayan. May curfew daw kasi. Magagalit ang kanyang mother goose at ang kanyang mga wicked sisters. Ala cinderella lang ang dating. Huling dadating.. una ding aalis.
Napagkasunduan sa tagayan ang date ng kanilang Christmas Party. It will be on December 27, 2010, Monday. Ang venue? To follow. Wala pang definite venue. Keep update na lang daw dito sa blog para malaman kung saan talaga ang venue. Nagbunutan din sila ng para sa exchange gift. Nag provide si engkantong kargador ng papel at kanya kanyang sulat ng codename para sa nasabing monito-monito. At yung mga hindi nakadating sa tagayan at tinext isa isa ni Kargador na mag bigay sila ng kanya kanyang codename at bahala na si Kargador na bumunot para sa kanila. (ask niyo nalang siya kung sino ang nabunot niya para sa exchange gift niyo.)
Mga nagsi punta:
1. Engkantong Kargador
2. Engkantong Pulis
3. Engkantong Alcoholic
4. Engkantong Maldita
5. Engkantong Payatot
6. Engkantong Bunso
7. Engkantong Virginal
8. Engkantong Busy
9. Engkantong Belami
Mga Hindi nagsi punta:
1. Engkantong Welder - nasa tagayan kasama ang kanyang kapatid na dumating galing probinsiya
2. Engkantong Yagit - nasa duty. One week siyang night shift ngayon..
3. Engkantong Lukayo - may event sa kanilang company.
4. Engkantong Kalbo - package deal sila ni engkantong lukayo, pag wala yung isa.. wala din siya
5. Engkantong Karpentero - nasa bahay lang.. ( di alam ang dahilan kung bakit di pumunta ) pero alam ni engkantong kargador ang totoong dahilan.. hahaha
6. Engkantong Boy-next-door - nasa bahay din at kakalabas lang daw ng kanyang mom sa hospital
7. Engkantong Pokpok (nasa Abroad) - nagka casino.. lols
8. Engkantong OFW ( nasa Abroad ) - nasa work.
=========================================================
Gaya last year... gamiting ang blog na ito para sa inyong WISH LIST. Gamit ang inyong Codenames. Iparating sa iyong monito kung ano ang inyong kahilingan. Anonymous ang gamitin, kadugtong ang iyong codename sa ibaba. Ang price ng gift ay P300... up!
==========================================================