Followers

Showing posts with label engkantos harutan blues... Show all posts
Showing posts with label engkantos harutan blues... Show all posts

Monday, August 1, 2011

Blind Items ala Mr. Mahusay.. (Give Way Ate Bianca, Shalala and Gorabella)

At last nairaos din ang pinaka aabangan ng lahat,  ang 4th Anniversary Celebration ng Engkantadiya na ginanap last Saturday, July 30, 2011 sa Karaoke Republic along timog ave. qc.. Hindi man nakarating ang ibang engkantos na sila Dingdong, na ayun sa kanya ay may work daw siya, si shoti, na nagpasabing may prior appointment daw siya kaya nagpasabi na agad na di siya makakarating, at si Karp na up to the last minute ay hindi nagparamdam sa di malamang dahilan. Well siyempre expected nang di makakarating ang mga engkantong nasa ibayong dagat na sila Papa Marhk, Bloiggy, silent_boy at ang nagliliwaliw na si Bunso. So far so good naman ang naging celebration ng kanilang 4th Anniversary (2007-2011). 

Oh by the way highway, maharil ay nagtataka kayo kung bakit ang inyong lingkod, si Mr. Mahusay ang nagsusulat ng inyong pinaka aabangang Blind Items. Eto ang mga dahilan, una, Si Biancang Echosera ay may hang over pa. Super nag enjoy daw siya sa "pakikiniig" sa mga engkantos nang gabing iyon. Lalo na sa bagong engkanto na si engkantong Hapon. Mukhang nakipag bonding siya ng husto sa bagong engkanto at sobrang humanga daw siya sa galing sa pag awit nitong bagong engkanto na ito, na sa tuwing hawak ng mikropono at pakiwari ni Biancang echosera gusto niyang hawakan ang "mikropono" ng bagong engkanto hahaha. Ikalawa, si Shalala, ayun, namaos at nawalan ng boses sa kakatili sa tuwing kumakanta ang kanyang idol na si Johnny Cursive. Kaya ayun nang matapos ang videoke session, labas ang dila at di na niya ito maipasok kaya direcho sya sa Saint Luke's Hospital at ipina opera ang kanyang dila.Ang mind you, katabing kwarto lang daw niya si CGMA, na kakatapos lang maoperahan sa kanyang Cervical Spinal Cord. Susyal ang hitad diba? hahaha. Ikatlo, si Gorabella Flores, hindi nakarating ang pobre, hindi pinayagan ng kanyang mga amo na sila Papa Tagay at Papa Seph. Ayon sa dalawang engkantos nag general cleaning daw si Gorabella, at papayagan lang daw siyang maka attend ng celebration on the condition na tatapusin niya lahat ng mga gawain bahay na ini utos sa kanya ng kanyang dalawang amo. Inuna pa daw kasi ang panonood ng Star Talk at The Buzz kaya ayun di natapos ang trabaho. Hahaha. 


So there, ako muna ang naatasang gumawa ng pinaka aabangang BLIND ITEMS. But wait,. hindi exempted dito ang mga engkantong hindi nakarating sa celebration ha. Pati sila kasama. Oh ready na kayo? Hala sige, magsitago na kayo at gaya ng mga nakaraang blind item... kakaladkarin kayo sa kahihiyan... LOL

Blind Item #1

Sino daw itong engkantong ito na "against all odds" ang drama. Sinuong nya ulan at malakas na hangin makarating lang sa celebration kaya ang siste, pag pasok niya sa room ay lahat ng mga mata ng mga engkanto ay sa kanya naka focus. Bakit? Mukhang sa sobrang lakas ng hangin sa labas ayg pati buhok niya ay binagyo yata at gulo gulo. hahaha. Oh kailangan pa bang pag isipan yan kung sino siya? hahaha


Blind Item #2

Sino itong engkantong ito na sa sobrang kalasingan ay nag ala macho dancer at gumiling giling sa lap ng kanyang partner. Hiyawan ang lahat ng makita siyang gumigiling. Kakaiba ang engkantong ito na tila yata "huling sayaw sa balintataw" ang drama eh ilang buwan lang naman mawawala ang kanyang partner at pupunta ito ng ibayong dagat. Biglang nasulyapan ko sila Bianca at Shalala, nakataas ang kilay habang gumigiling ang engkantong ito. Sa isip ng dalawa, mas magaling daw silang gumiling kung bibigyan lang daw sila ng pagkakataon. Si Bianca, gigilingan daw niya sa lap si Papa Lukayo para maging mabait na daw ito sa kanya, at si Shalala naman ay gigilingan daw niya si Papa Johnny Cursive kahit pa labas ang kanyang dila. hahaha. Kailangan pa bang imemorize yan kung sino ang tinutukoy ko? Clue? kailangan pa ba? hahaha

Blind Item #3

As ever, tuwing may videoke session ang mga engkanto, hindi pwedeng hindi hahawak ng microphone ang engkantong ito. In fairness, kakaiba ang repertoire ng kanyang mga kanta, From RnB to PoP to whatever! hahaha. At may isang kanta siya na ikinagulat ng mga engkanto. Kantang pambabae, nagulat ang mga engkantos nang makita ang song na nakasalang sa Screen. Tawanan ang lahat ng nag reason out ang engkantong ito at sabihin, "Favorite to ng GIRLFRIEND KO, LAGI NIYA ITONG KINAKANTA MGA PRE" hahaha. Napatambling si Bianca at si Shalala nang marinig ito. hahaha. Clue? Videoke King siya !!!

Blind Item #4

As a part of the Anniversary Celebration, nagkaroon ng Souvenir Tshirt ang mga engkantos. Nagsipag bigay sila ng kanya kanyang size ng tshirt ang mga engkantos. Pero tila mukhang mali ang size ng mga  tshirts na nabili nila Pilyo at Fox. Porque komo body fit ang tshirt, inassume ni Pilyo na tama lang ang size na nabili, pero hindi body fit ang dating mukhang naging "stretchable" yata. Small size dapat naging Extra Small, Medium dapat naging Small, at Large dapat naging Medium. Kaya sa tuwing isusukat ng bawat engkanto ang kanya kanyang tshirt at paglabas ng CR ay nakahawak sa suso at tila yata nahihiya makita na sobrang FIT ng Tshirt at ayaw makita ang bakat nilang mga nipples.. hahaha. Pero ito na ang Blind Item. Sino itong engkantong ito na di akalain na mag fifit sa kanya ang size Medium. Kering keri daw ng engkantong ito ang kanyang suot na tshirt. Biglang nahiya daw ang ibang engkanto dahil sa size ng tshirt niya na sukat na sukat sa kanya. Samantalang ang iba ay nag iilusyon na size medium daw sila eh size large nga eh di umubra! hahaha Pero itong engkantong ito. Swak na swak sa kanya ang size Medium. Hahaha. Sino siya? hahaha

Blind Item #5

Dumating na! dumating na ang pinakabagong buraot na engkanto. Bunso, papa marhk, Pilyo, tabi tabi muna kayo! Eto na siya, dumating na! Kaya humanda na kayo. Sobrang nakakaaliw ang engkantong ito. Hindi siya kinaya ni Pilyo. Lasing na nga si Pilyo sa RedHorse ay lalo pa siyang nalasing sa kaburautan nitong engkantong ito. Halos magkanda lupasay na si Pilyo sa kakatawa dahil sa mga kakengkuyan nitong new buraot na ito. Pati si Fox, kaka relate sa mga pinagtatawanan nitong engkanto na ito at ni Pilyo. Magkatinginan lang silang tatlo, bubunghalit agad sila ng tawa. Magkakasing wavelenght daw silang tatlo. Hahaha But infairness, magaling din kumanta ang engkantong buraot na ito. Walang sinabi si Kyla. Hahaha. Sino siya? Clue? Ask Papa wimpykid about kay "Kyla". Hahahaha


=============================================

so there, yan muna ang aking blind item. Isip pa ako ng iba. so far galing lang lahat ng info na yan kay Ate Bianca. Si shalala kasi hindi ko pa nakakausap, kasi ayun sa latest news, di pa daw naibabalik ang kanyang dila sa normal. Kailangan daw ng Major Operation. Isasama na daw sa operation pati buong mukha niya. hahaha..



yours truly,

Mr. Mahusay



Monday, May 30, 2011

Ang Pagbabalik....

Matagal tagal na din akembang nawala sa eksena. Ang daming namiss. Mga gimik at tagayan ng mga papa kong engkantos. Buti na lang ang naging maluwag ang aking pwet este ang aking schedule last saturday at kaya di nila inaasahan ang aking pagbabalik. At dahil post birthday celebration ni papa JC, kaya invite ko sarili ko nang di nila alam. hahaha Pero hindi aware ang aking mga fafa na ako'y nagbalik. Andun lang ako sa isang tabi at nagmamasid. Kung tinatanong niyo kung nasaan sina Shalala at si Gorabella Flores, anuvah!! MA at PA!! di ko sila namimiss! kayo namimiss niyo ba ang dalawang hitad na itech?





Birthday cake courtesy of Papa P. and Dingding


At ano itong nababalitaan ko tungkol dito kila Mr. Mahusay at Felix Bakat? ZINO ZILA!?! Ilang buwan lang ako nawala at may umaaura na sa mga mahal kong fafa!! Hindi ako excited na makilala sila! Mas excited akong makilala ang bagong engkanto na si PAPA ROCCO!!! syet! picture pa lang naglalaway na aketch!!! Sayang nga lang at di ko siya nakita last saturday. According to papa mugen, may sakit daw. Hopefully makita ko na siya sa susunod na tagayan ng aking mahal na engkantadiya!

Oh namiss niyo ba akembang? At ang aking mga BLIND ITEMS? Ako lang naman ang nagpauso ng mga blind items na yan.. Kaya nga ulumpihit ang mga tumbong ng mga mahal kong engkantos tuwing ako'y gumagawa ng mga blind items na yan. Oh well, habang andito ang iyong mahal na Ate Bianca, hindi mawawala ang blind items na yan. Oh handa na ba kayo? Brace yourselves mga fafa.. esep esep kung sino ang aking mga tinutukoy.


Blind item no.1

Sino itong engkantong ito na bago pumunta sa tagayan last saturday ay balita ko na may chinorva muna? Malakas ang aking pang amoy kaya na sense ko agad na masaya siya! Amo'y sex kumbaga! LOL Kaya nang dumating siya sa tagayan at mapulang mapula ang kanyang hasang. Abot langit ang kanyang ngiti. Kaya tila nasa mood siya at masayang masaya. Hindi siya gaanong nalasing, although may tama siya ang medyo nahilo lang.

Clue? WALA!!!! hahahaha


Blind Item no. 2

Bihira siyang nakakasama sa mga tagayan. At laking gulat ng mga engkantong fafa ang kanyang pagsulpot last saturday. Oh well, as always siya pa din ang pinaka gwapong engkanto!. Mahal na mahal ko na siya!! Tuwing nagpapakita siya lalo siyang gumagwapo! Rosy chick ang fafa and the lips!! mwaaah!!.. Nakipagchickahan siya sa pinuno at na confirmed ng pinuno kung sino talaga ang kanyang dakilang partner! Umamin ang fafa!! siya nga at wala nang iba!!!

Clue? Kailangan pa ba? hahaha


Blind Item no. 3

First time nalasing ni fafa. At siyempre concern to the max ang kanyang partner! Ilang beses bang tumawag ng uwak si papa sa loob ng cr?Hmmmm medyo matagal silang nanatili sa loob ng cr.. ano kaya ang kanilang ginawa? Pero hindi niyo alam na nagpalit ng tshirt ang magpartner sa loob ng cr. Pinagpawisan daw ng todo si fafa at bilang concern ng kanyang partner ay nakipag palit ito ng tshirt kay fafa. Mataas ang tolerance sa alcohol ni fafa ngunit, subalit, datapwat, noong saturday ay bumigay din ito! ang culprit? ang THE BAR!! LOL..

Clue? Kailangan pa bang imemorize yan?


Blind Item no. 4

Tila nasa mood din ng tagayan si fafa. Mukhang hindi siya nalalasing. Sabi niya, isa daw siya sa last men standing!! oh well, pano ba naman, eh late siyang dumating! Kahit anong habol ang gawin niya eh mukhang di siya nalalasing! hmmm.. ano kaya ang sikreto ni fafa? At mukhang nasa mood din siyang chumorva. In fact pak pak, may imi meet daw dapat siya sa monumento, pero since hindi na daw nagreply ang kanyang katext, nakitulog na lang siya sa bahay ng isang engkanto. Siyempre may pulis siyang kasama!! at sino itong pulis na ito? Hindi si papa mugen! hanggang tagayan lang pwedeng magpulis si papa mugen. hahaha

clue? sino engkantong ito? at sino ang naging pulis? LOL


Blind Item no. 5

Sinong engkantong ito ang naging KJ ng tagayan? Tinatago niya ang mga bote ng the bar para matigil ang inuman. Malas lang niya ay malakas talaga ang pang amoy ng mga engkanto at kahit saan niya itago ang bote eh, isang singhot lang ng mga engkanto amoy agad kung saan nakatago ang bote. hahaha. Sorry ka fafa, sunog atay yata ang mga engkanto kaya hindi mo pwedeng itago nang basta basta ang alak. Next time, kung itatago mo, i uwi mo na lang sa bahay, para doon na lang kayo mag inuman. Tiyak maaamoy pa din ng mga engkantos ang alak. LOL.

Clue? alam niyo na yun! hahaha


Blind Item no. 6 (ito na yata ang pinaka shocking na revelation)

Siya ang naging star of the night! hindi dahil siya ang pinaka hot, pinaka gwapo at pinka maangas! Kundi dahil sa kanyang mga revelations. Nasa hot seat ang ating fafa! According to our fafa, matagal na niyang nameet si PAPA ROCCO. Shock lahat ang mga engkantong fafa! With matching descriptions pa ng place ni papa rocco kaya convinced lahat na nag meet na nga sila. Pero ang tanong? May nangyari kaya sa kanilang milagro? hmmmm.. At bumanat pa ang isang engkanto, na mayroon silang common friend na kakilala din ng engkantong ito at nakipag meet din siya dito. Nilalaglag siya pero todo deny pa din ang engkantong ito. hahaha. At ang pinaka shocking question ng lahat para kanya, isa ba siyang NESTEA ICE TEA? hmmmm... ang kanyang sagot, NO, NO, NO!! masarap pa din ang butas!!! LOL

Clue? alam niyo na yun.. hahahah

so there ang aking mga blind items!!! more to come!!


akala niyo nanahimik na ako ng tuluyan no?



Ang nagbabalik,

ATE BIANCA




Monday, November 23, 2009

Advertisement

Isang paanyaya mula sa mga Lamanlupa.

Ang mga engkanto po ay naghahanap ng Kutong Lupa in training. Kinakailangan po na siya ay between 20-25 years old (bawal po ang 19 and below at baka biglang kiligin ang DAKILANG buraot) discreet, lalaking-lalaki kumilos, gymfit at higit sa lahat eh kayang tumungga ng anim na San Mig Light ng hindi nalalasing. Bawal po ang balat sibuyas dahil trip ng mga engkanto mamburaot sa isa't isa. Bawal rin po ang makipaglandian sa kapwa engkanto sapagkat mabilis pa kay Kuya kapag i-nevict siya sa kaharian ng Diyosa. Ang mapipiling bagong Kutong Lupa ay makakatanggap ng kabuhayan showcase courtesy of Ms. International at Ms. Asia Pacific. Magkakaroon rin po siya ng sangkatutak na mga kuya na maninindak ng mga boylets na kakarir sa magiging bagong engkanto. Higit sa lahat, magkakaroon siya ng priviledge na na-eenjoy lang ng isang opisyal na engkanto gaya ng libreng make-over sa parlor ni Buraot at mga matalinhaga at nosebleed na mga payo galing mismo kay Buff Daddy.

Ang mga interesado ay sagutan lamang ang form na ito at ilagay sa comment box.

Internet Handle: _____________________
Stats: _______________________________
Location: ____________________________
Edad: ________________________________
School: ______________________________
Allowance Per Week (If Student) ______
Sex Position (T,B,V) _________________
Paboritong Show Sa TV: _______________
Paboritong Music Artist: _____________
Favorite Sports: _____________________
Favorite Dish: _______________________
Favorite Tambayan Place ______________
Favorite Color _______________________
Nagpupunta ba sa Malate: Yes ___ No ___
Gymgoer: Yes: ______ No: _______
Hobbies: _____________________________
Bakit Gusto Mo Maging Engkanto:
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Deadline of submission of Entries is on December 1, 2009. Magregister na. Dali! Baka ikaw na ang hinihintay namin.

Sunday, November 8, 2009

Secret Crush..

masayang naghaharutan ang dalawang engkantos sa chat. nag bibiruan..naglalandian.. tinatanong kung ano ang mga latest na kachurvahan na kanilang pinag gagagawa lately.. Kinakamusta ni engkanto A kung ano na ang latest kay engkanto B... ayun kay engkanto B.. masaya naman daw siya at tuloy pa din ang kanyang paghahanap. Meron daw siyang natitipuhang dalawa.. katunayan.. nag dedate na daw sila. (siyempre hindi niya sabay na dinidate yung dalawa). kinamusta ni engkanto A yung dalawang dinidate ni engkanto B. Sagot ni engkanto B.. ayos naman daw.... kaso ung isa sa dinidate niya ay almost taken na daw... meaning nakareserve ang puso para sa iba.. yun isa naman daw..trip na trip daw siya.. pero.. siya naman daw ang nag se second thought kung tutuluyan ba niya o hindi.. so sa makatuwid.. parang wala lang sa kanya itong dalawang dinidate niya..

sa takbo ng kanilang pag chachat... biglang nasabi ni engkanto B kay engkanto A..

"may secret crush ako sa mga engkantos. "

"Oh? sino naman itech?" tugon ni engkanto A..

Walang kagatul gatul na sagot ni engkanto B ay.. " si papa ______ (insert the name of engkanto)."

"ganun?" tanging naitugon ni engkanto A.

"So panu yan.. hindi na secret yan.. kasi sinabi mo na eh" follow up ni engkanto A.

"Eh madaldal ako eh.. LOLS" tugon ni engkanto B.

"Ako din naman may secret crush eh" banat naman ni engkanto A kay engkanto B.

"OMG!!! ikaw din meron? Sinetchiwa?" tanong ni engkanto B.

"kaya nga secret eh.. pag sinabi ko sayo.. hindi na secret yun... Basta!!" sagot ni engkanto A.

"baka pag nalaman mo kung sino ang secret crush ko.. mawindang ka!!! hahaha"...

"sino ba kasi itech na secret crush mo?"

" Later on malalaman mo" Basta sa tuwing nakikita at nakakasama natin siya.. unti unti nalalaglag ang panty ko.. at unti unting nagiging super crush ko na siya.. lols"

"ikaw ha... lagot ka.. gusto mo bang mahagupit ng latigo?"

"Eh bakit.. crush lang naman ah.. wala namang masama sa crush.. kung kayo nga... daming niyong crush.. bakit ako hindi pwede? hahaha"


OO NGA NAMAN... CRUSH LANG NAMAN EH.. WALA NAMANG NAMAMATAY SA CRUSH LANG.. LOLS..