Followers

Showing posts with label engkantos... new member. Show all posts
Showing posts with label engkantos... new member. Show all posts

Tuesday, May 10, 2011

Ang Bagong Engkanto... Si Rocco

By virtue of Brotherhood! not by Marriage.
Long time friend/brother kasi siya ni Engkantong Pulis (Mugen)
He's been going out with the engkantos.
And now, he's officially a new member ng Engkantadiya.

Si Rocco









Single.. Hot... Yummy... Wafu..
Engineer by profession, astig, very discreet, straight acting, no trace

Welcome sa mundo ng Engkantadiya!!

Mga Kapatid!!! i welcome natin ang bagong ninyong kapatid!!

Sunday, November 14, 2010

Ang bagong Engkanto... si KARPENTERO

Mula sa di kalayuan probinsiya, napadpad ang binatang ito sa kaharian ng engkantadiya. Una siyang nakilala ni Mugen, at ayun kay Mugen ay nasa ibayong dagat pa lang ang binatang ito ay naging magkaibigan na sila.At halos isang taon na ang nakararaan nang sila ay magkakilala. Matagal na din minatyagan ni Fox ang kanyang blog mula nang ito'y ipakilala ni Mugen sa kanya. Maangas kung sa maangas, astig at walang pakialam sa mundong kanyang ginagalawan, ganyan niya ipinakilala ang kanyang sarili sa mundo ng blogsphere. Mga ilang buwan din siyang nawala sa sirkulasyon. Naging abala siya sa ibang bagay. At nang magbalik, taglay pa din niya ang kaangasang nagbigay pansin sa mga ibang bloggers, lalo na ang mga engkantong bloggers.

Nitong nakaraang buwan lamang, naging controversial ang binatang ito. Naging usap usapan, na noong una, ay di masyadong pinapansin ng mga engkanto lalo na si Fox, until narealized ni Fox na itong binatang is the same guy na ipinakilala ni Mugen isang taon na ang nakaraaan. At dahil na din sa kanyang blog, muling nagbalik ang interest ni Fox pati na din ang engakantong buraot na si Pilyo.

Formal na ipinakilala ni Mugen kay Fox ang binatang ito nang ibigay ni Mugen ang YM address nito. Mula noon, nag usap at nagkakilala ng maayos si Fox at si Karpentero. Teka bakit nga pala naging Karpentero ang kanyang bansag? Isa sa mga blog posts niya dati ay nagpag alamang marunong pala siya sa woodworking. Tables, chairs, kahit anong wood furnitures ay kayang niyang gawin. Talentado pala ang mokong.

Nakipag kita ang binatang ito kay Fox, mga 2 weeks na ang nakararaan. Sa unang pagkikita pa lamang ay nag "click" na agad ang dalawa. Siyempre di mawawala ang burautan, angasan. Laking gulat din ni Fox na ang kaangasang ipinakita ng binatang ito ay kabaligtaran sa personal. Na realized ni Fox na sa kabila ng kaangasan nito ay isang simpleng tao, may taglay na kabaitan at kababaan ng loob. Nagulat pa nga si Fox, iniexpect niya na sobrang intimidating ang dating nitong binatang ito na gaya ng pino portray niya sa kanyang blog. May mga simpleng banat ang binatang ito na tumutugma naman sa panlasa ni Fox. Kahit paano kasi ay buraot at maangas din naman si Fox. Sa ikalawang pagkikita ni Fox at karpentero ay mas lalong naging desidido si Fox na isama siya at ipakilala sa mundo ng engkantadiya. Of course with the approval of Mugen and Pilyo.

Last night, nagkaroon ng simpleng tagayan, inimbitahan nila Fox at Pilyo si karpentero na sumama sa kanila tagayan. Kinita ni Fox si karpentero sa MRT north ave station. At nagtungo sila sa bahay ni Pilyo. Ito ang kauna unahang pagkikita ni Pilyo at Karpentero. Di na kataka taka na sila ang magiging kumportable sa isat isa. Nagkakausap na sila sa text at sa ym chat. Kumbaga, extension na lang ang kanilang pagkikita sa personal. naging magaan din agad ang loob ni Pilyo sa binatang ito. Click din agad sila sa isat isa. Sa tagayan, nagkita din sila karpentero at si Mugen. First time silang nagkita, kahit matagal na silang nagkakausap sa text at sa chat. Mula pa noon itoy nasa abroad. Nakilala din niya si JC ang bagong kutong lupa, at si Dingding. masaya naman ang naging pagtanggap ng mga engkanto sa binatang ito. Sayang nga lang at wala ang ibang mga engakantos. Sa ngayon, nagkasundo sila Fox, Mugen, Pilyo, JC at Dingding na putungan na korona ang bagong engkanto. Si Karpentero.

Sa iyo Karpentero,

Isa ka nang ganap na engkanto. Naway maging masaya ka sa mundo ng engkantadiya. Soon makikilala mo din ang iba mo pang mga kapatid na engkantos. Lima pa lang kami na nakita mo at nakasama, marami pa sila. And im sure, tatanggap ka din nila na bilang kapatid na engkanto gaya ng pagtanggap namin sa iyo. Humayo ka at magpakasaya sa mundong aming ginagalawan. Ang mundo ng ENGKANTADIYA!

=============================

previous posts about other engkantos:

si JC
si Dingdong
Si Maxwell, Popoy, at Shoti
Si Lukayo.

Saturday, October 23, 2010

Ang Bagong Kutong Lupa.. si JC..

Mula sa blogsphere, pinasubaybayan ni Mugen kay Fox ang batang ito. Baguhan daw sa mundo ng blog. Binasa ni Fox ang kanyang mga entries mula sa simula. Sabi ni Fox kay Mugen, we'll watch out for this kid. Mukhang interesting ang kanyang pagkatao. Ipinakilala din siya ni Fox sa isa pang engkanto na si Pilyo. At ganun din, sinubaybayan din niya ang blog ng batang ito. Buraot din kung tutuusin, mahilig makipag harutan, nakakaaliw, nakakatuwa. Isa sa mga kataingian hinahanap ng mga engkantos ang pagiging buraot. Marunong makipagsabayan. Marunong makipag biruan.

Nang dumating ang time na kailangan nang imi meet na ng engkantos itong batang ito.. nagvolunteer si Mugen, siya na daw ang bahala. Pero dahil sa sobrang ka - busy - han ni Mugen, ay ipinasa sa kay Fox ang obligasyon. Araw ng sabado ang kanilang usapan. Binigay ni Mugen ang numero ni Fox at sinabing si Fox na lang ang bahala sayo, na noong time na yun ay may gimik si Fox kasama ang iba pang engkantos.

Hindi simpleng tagayan ang gimik ni Fox, kaya nagpaalam si Fox sa dalawang engkantos na kanyang kasama. Si Lukayo at si Johnny Cursive. " May "applicant" tayo sa engkantadiya, prospective na kutong lupa. Imimeet dapat ni Mugen, pero sakin ipinasa. Ano papapuntahin ko ba?" Tumugon ang dalawang engkantos at sinabi papuntahin daw ang batang magiging kutong lupa. Sa pag assess ni Fox at ng dalawa pang engkantos, Pasado ang bata. Nag click naman agad sa panlasa ng mga engkantos. Si Fox ang unang nag approved. Dumating sa gimik si Mugen, at ganun din ang kanyang assessment. Pasado din ang bata.

Sumunod na linggo, kasama ulit si Fox, nakasalamuha naman ng batang ito si Pilyo, na isa sa kaburautan sa blog. Impressed din si Pilyo. Komot pareho silang ng line of interest, nagkasundo sila. Approved din ang bata kay Pilyo. Napag alaman ni Pilyo na ang batang ito ay isang scholar mula sa isa sa pinaka prestihiyosong Unibersidad sa Manila. Graduate ng computer Science. Nagtatrabaho sa Makati. Masipag at matulingin sa Pamiliya. At ayun din sa obserbasyon, smarte kumilos at magsalita ang bata. Kayang kaya niya dalhin ang kanyang sarili. Marunong makibagay, makisalamuha. Mga katangiang, naging basehan nila Fox, Pilyo at Mugen upang gawin siyang isang ganap na engkanto.

Nag organize si Fox ng isang tagayan cum welcome party para sa Bagong Kutong Lupa. Unti unting nakaka blend ang batang ito sa mga engkantos. At unti unti na din niyang nakakasalamuha sa personal ang iba pang engkantos. At nakita na din siya ng dalawa pang engkantos na sila Dingdong at Dingding. And sooner or later, mami meet din siya ng iba pang mga engkantos.

Sa iyo JC, isa ka nang ganap na kutong lupa. Isa ka nang ganap na engkanto. Naway mag enjoy ka sa piling ng iyong mga kapatid na engkantos. We hope to see more of you. Makasama ka pa sana namin sa mga iba pang susunod na tagayan. Welcome sa mundo ng Engkantadiya and Congratulations!!