Followers

Thursday, December 30, 2010

Year End Report sa Engkantadiya 2010

This is the 2nd time that i will be having a year end report about what were happened in the engkantadiya the whole year round of 2010. Some were exciting, some were happy.. some were sad. But generally.. full of fun and excitement.. here they are..

January

Nagcelebrate si Lukayo ng kanyang ika 27th birthday sa Watering hole, sa may tabi ng Shangrila Plaza at Megamall. Mangilan ngilan lang sa mga engkantos ang nakarating. Busy pa siguro kahit tapos na ang nakaraan holiday seasons. Dumating si Jc Bunso, na namiss ng lahat sa Christmas Party.

At sa magkaibang tagayan ang bagong dating galing abroad na si Papa Marhk ay nag aya ng isang vidoeke Session at first time niya sana makita in person si dingdong, pero sa kasamaang palad di nakarating si papa dingdong sa Videoke Session ng mga engkantos sa Music21. Nagkaroon kasi ng interest itong si papa Marhk kay Papa Dingdong noong nakita niya ang picture nito sa Christmas Party na naganap sa Atrium hotel, noong Dec 27, 2009. Bukod tanging si Papa Dingdong lang yata ang di nakarating sa nasabing Videoke Session.


February


Since it is the Love Month, di papahuli ang mga magkakapartner na mga engkantos na magcelebrate ng Valentines Day. Lihis sa nakagawiang pagcecelebrate ng valentines day, ang dalawang mag partner na si Dugyot/welder at yagit ay nag celebrate kasama ang kargador. Para daw maging discreet pa din ang kanilang celebration, isinama nila ang Kargador, na noon ay kaka break pa lang sa kanyang kauna unahang jowa, ching!!! kaya single at ready to mingle itong si kargador. Nagpaunlak naman siya sa dalawa. At ayun nga.. 3sum ang date na naganap. (wag madumi ang isip, kaya 3sum kasi 3 silang tumagay). Parang ordinaryo lang ang nangyaring date. Para di halata na nag date ang dalawa, sinama nila ang karagador. Nag umpisa ang date ng tatlo sa pagpapamasahe sa wensha at nagtuloy na lang sila sa malate at tumagay sa isang bar. Nakasuot pambahay lang ang dalawa samantalang naka maong at tshirt naman ang kargador. Nagmistulang mukhang mayaman ang dating na kargador. Itabi mo ba naman sa dugyot at yagit. hahaha.

March

First Time na mag blow job este blowout ang bunso ng kanyang ika 23rd birthday. Opo siya po ang nagbayad ng bill sa aming tagayan. Oh diba? bumawi naman ang bunso? Kahit wala siyang work may pambayad siya ng bill sa tagayan. Teka, baka may sponsor ang bunso? hahaha. Wala naman masyadong event nitong buwan na ito kaya ito lang ang na ilagay kong kaganapan na nangyari sa buwan na ito.

April

First time na gumala ang mga engkantos sa labas ng Metro Manila. Isang imbitasyon mula sa may ari ng inuupahang parlor ni dugyot na magkakaroon daw ng blowout sapagkat nakapasa daw ang anak nito sa bar exam at ito ay ginanap pa sa malayong probinsiya ng Pangasinan. Sinamantala ni dugyot ang pagkakataong makapunta sa malayong lugar kaya isinama niya si Yagit at si Kargador. Matapos ang selebrasyon, nag tuloy ang tatlo sa Baguio. Nagliwaliw ang tatlo, picture picture kung saan saan. Nag night life pumunta sa isang sikat na bar. At nagkaroon ng bonding moments ang tatlo. Isa ito sa di malilimutang masayang pagkakataon para sa tatlong engkantos.

May

Nagkaroon din ng selebrasyon ang tatlong engkantos na may birthday sa buwang ito. Si Fox, si Popoy at si Maxwell. Ngunit di nakarating si Maxwell dahil may selebrasyon din daw sa kanilang bahay. Masaya ang naging tagayan nung gabing iyon.

June:

No particular event took place during this month

July:


Siyempre ang pinagkaaabangang selebrasyon ng ika 3rd na taon ng engkantadiya. Kasabay na din nag pag celebrate ng birthday ni Papa Pilyo nagkaroon ulit ng Videoke session ang mga engkantos sa Music21. Halos kumpleto lahat ang mga engkantos bukod sa dalawang nasa abroad na sila papa Marhk at Bloigg. Isa ito sa pinaka importanteng events sa mundo ng enkantadiya. di biro ang umabot sa ikatlong taon ng masayang pagkakaibigan at pagbabarkadahan. Malayo pa ang ating mararating.

August

Isang engkanto ang nangibang bansa upang humanap ng greener pasture. Si Silentboi. Kakalungkot mang isipin na mawawalay siya sa piling ng kanyang mga kapatid na engkanto pero kung sa ikakaganda ng kanyang buhay at masaya na din ang mga engkantos para sa kanya.

September:

First time na nagkaroon ng birthday celebration ang isang engkanto, si Dingding, at ito'y tumagal ng halos 10 hours. Lasingan kung lasingan, lunuran sa alak kung lunuran. At itoy ginanap sa isang private place na pag aari din ng isa pang engkanto. Dala ng espiritu ng alak, naging naughty ang mga engkanto. (alamin niyo na lang kung ano yung ginawa ng mga engkantos nung gabing iyon. Clue: Icecream, Yun na!) At dito nabuhay ang isang imortal na nilalang, si Shalala. Nag ikina tampo ni Bianca Echosera. Nasapawan daw siya sa presensiya ni Shalala at mega walk out daw siya.

October:

Dahil nga sa pangingibang bansa ng isang engkanto, napag desisyunan ng mga pioneers ng engkantadiya na mag recruit ng mga bagong kutong lupa. Madami ang naging prospects pero bukod tanging dalawa lang ang napili, sina JC wimpy kid, the virginal engkanto at si Karpentero. Sila ay mula sa mundo ng blogsphere. Masaya at mainit ang pagtanggap ng mga engkantos sa dalawang bagong kutong lupa. Naging aktibo din ang mga engkantos sa pagboblog. Na enganyong gumawa ng sariling blog sila tagay, marhk at si silentboi. At madami din blogger ang nakilala ng mga engkantos. Special mention kay Soltero, Nimmy, MsChuniverse and the rest.

November:

Medyo dumilim ng konti ang paligid ng engkantadiya. Nagkaroon ng tampuhan ang dalawang engkantos na ikinabahala ng husto ng pinuno. Isang tampuhan na nag ugat sa isang di pagkaka unawaan. Medyo nagstop ang ikot ng mundo para sa mga engkantos. Somehow lahat ay naging effected. Hoping na sana, the soonest possible ay maayos din ang lahat.

December:

Siyempre ito ang pinakamasaya at pinakaaabangang buwan ng tao. Madaming plano at magagandang bagay ang inaasahan. Ang yearly christmas Party ng mga engkantos. Pero bago yun, ay nag celebrate ng kanilang kaarawan ang dalawang engkantos, sina Mugen at si Shoti. Na halos magkasunod lang na araw ang kanilang birthday.

Dec 27, 2010 naganap ang pinakamasayang araw sa mga engkantos. Ang Christmas Party. Ito na yata so far ang pinakamasayang Pasko para sa mga engkantos. Bukod sa nagkabati na ang dalawang engkantos na nagkasamaan ng loob, ay halos complete attendance bukod kay silentboi na nasa ibang bansa. At dumating mula sa ibang bansa sila bloigg at si Marhk kay lubos ang naging kasiyahan ng mga engkantos.

Isang bisita ang isinama ng isang engkanto sa nasabing kasiyahan. Ang partner ng isa sa mga engkantos na si papa tagay. Napagkasunduan ng mga pioneer na "by virtue of marriage" marapat lang na gawin din siyang isang engkanto. Si Engkantong Albularyo. One of this coming days ay magkakaroon ng formal na pag welcome para sa bagong engkantong ito. And after a very long time na hindi nagpakita si Maxwell sa mga tagayan since January, na akala ng mga engkantos ay tuluyan nang tinalikuran ni Maxwell ang group. At last nagpakita siya sa tagayan. Kakaibang maxwell ang kanilang nakita. He's so fresh, so hot and looks at his best. Naglalarawan ng isang happy soul. Long time no see Maxwell.!!

Isa itong gabi na hindi malilimutan sa puso at isipan ng mga immortal na nilalang ng mundo ng engkantadiya.


So there, year end report ng mga kaganapan sa loob at labas ng engkantadiya.



HAPPY NEW YEAR to all of us!!!

This the first year end report i did for the year 2009


disclamer:

Again, this is just for the record purposes only

Tuesday, December 28, 2010

Christmas Party Stars

What: CHRISTMAS PARTY 2010
Who: All the ENGKANTOS
When: December 27, 2010, 6:00pm - December 28, 2010, 5:00 am.
Where: Private Place

===================================
Revelation of Codenames for the Exchange gift:

Fox - Kums
Pilyo - CJ Falcon
Mugen - Blackship
Tagay - Kilua
Marhk - Sojourn
Ryan - Malaya Lumber
Bloigg - Echosera
Shoti - Manuel
Maxwell - Paul
Popoy - Keeper's
Jc Bunso - Shoti
Dingdong - Jaco
Johnny Cursive - Bonifacia Kerembaloo
Dingding - James Gap
JC Wimpy Kid - Blitzkrieg
Karps - Panget

====================================
Monito - Monito

Fox - Paul
Maxwell - Bonifacia Kerembaloo
Johnny Cursive - Kums
Dingdong - Malaya Lumber
Ryan - Kilua
Tagay - James Gap
Popoy - Shoti
JC Bunso - Sojourn
Marhk - Blackship
Mugen - Panget
Karps - Keeper's
Pilyo - Manuel
Shoti - Blitzkrieg
JC Wimpy Kid - CJ Falcon
Bloigg - Jaco
Dingding - Echosera

========================================

Hindi lang si Bianca at Shalala ang nagpatalbugan sa kanilang mga suot kagabi. Pati ang mga engkanto rin ay lumitaw isa-isa mula sa kanilang mga lungga na todo ang mga porma upang mapansin ni Shalala. Kumpleto ang lahat maliban kay engkantong OFW na ngayon ay nakabase sa Singapore.

Masaya ang lahat. Ito na ng pinakamasayang Christmas Party ng engkantadya buhat nang mabuo ito noong 2007. Kitang-kita sa mukha ng Dyosa ang kaligayahan dahil unang-una halos kumpleto ang lahat. Pangalawa, nagkapatawaran na ang mga may tampuhan at samaan ng loob. Bumalik ang dating pagtititinginan at sigla ng engkantadiya.

Kulitan at burautan to the max ang Party kagabi na ginanap sa isang pribadong lugar na pag-aari ng isang engkanto. Isang makapigil hiningang major-major awards ang inanounce ng Dyosa na nagpakulay sa isang engrandeng chrismast party!

Star of the Night – MAHRK

Tilian at sigawan ang lahat sa kanyang paglitaw. Mas maganda ang katawan nya ngayon at mas gwapo sya. Oo nasa Pilipinas na sya. Isa-isang niyakap nya ang mga engkanto na sabik na sabik sa kanya. Ipinakilala rin sya sa mga bagong myembro.

Face of the Night – MAXWELL

Ilang buwan din syang nawala at nagulat ang lahat sa ipinagbago ng kanyang katawan. Naging lean ang kanyang katawan at naging firm ang mga muscles. At ang higit sa lahat, pogi sya kagabi. Pinagbubulungan sya ng mga engkanto sa kanyang naiibang aura.

Best Dressed Engkanto – SOULJACKER/MUGEN

Ikaw na! Ikaw na ang maging BaaBaa ng kanyang BaaBaa ! Ayon sa kanyang speech kagabi nang tanggapin nya ang award, ang nagregalo pala ng kanyang outfit ay ang kanyang BaaBaa. At ang BaaBaa rin nya ang dahilan kung bakit cool na cool ang kanyang mga porma nung mga nagdaang tagayan.

Diva of the night – BLOIGGSTER

Nasa isang tabi lang sya sa center stage. Nakaupo na parang reynang-reyna. Busy na ang lahat sa group hug, beso-beso, kulitan at burautan. Pero sya? Kailangan mo syang lapitan kung gusto mo syang i-hug! Oo, supladita at maldita ang kanyang aura pero in fairview mabait naman talaga sya. DIVAH nga lang! letse!



Ito na…. ito na ang pinaka-hate ng mga engkanto… ang pagkaladkad sa kanila sa kahihiyan!

BLIND ITEM:

# 1 (from icey mendoza)

Sinetch itong engkanto na nagsimula at natapos ang Party na naka-shorts lang at sando lang! Susko, panay ang tingin sa orasan ni Shalala kung anong oras magbibihis itong lamanlupang ito pero nakuntento na yata sa kanyang suot na parang nangungulekta lang ng basurahan sa labas! Oo para syang basurero, o construction worker!

Yan ba ang dahilan Shoti kung bakit…… kung bakit may pagnanasa ka kagabi kay engkantong pormang construction workER? Hindi pa rin nagbabago ang fetish mo sa ER ! Last christmas party sa hotel, nakatulog si pormang basurero sa kamang sobrang dumi ng paa, na tila kagagaling lang sa Farmville. Pero sabi naman ni Shalala kahit na pormang basurero sya kagabi.. mabango naman sya. At oo! Hunk na hunk sya sa kanyang puting sando at felix bakat na shorts!

Clue? Kailangan pa ba ng clue? Nasan na ang mga IQ nyo!

#2 (from Shalala)

Ahhhhhhhhhrrrrrrrrrrrrrrrrr (matinis at garalgal na boses)

May bagong engkanto!!! Oo. May bagong engkanto. Subalit datapuwat, napagdesisyonang ang Christmas Party ay gawing exclusive at walang guest, pero sinetch itong engkantong KIBUR, as in kiburlah sa policy ng Dyosa. Isinama ang kanyang partner sa unang pagkakataon! Shock ang lahat. Nosebleed si Bianca. Sino syaaaaaaaa?

At dahil partner na sya ng isang engkantong karerista (NOON). Ayan ha? Big caps.. Noon! Matino na pala sya. At pinatino sya ng kanyang partner? Ang tanong… matino na ba talaga sya? Taasan ang kilay ng mga engkanto.

Owwws? Ano yung mga kapilyuhan nya sa MRT? … ching!

Mainit ang pagtanggap ng lahat sa partner ng isang engkanto. Hindi sya outcasted, in fact humataw sya sa videoke. Maganda ang boses nya mga teh. May dating sya at hindi sablay ang kilos.

And by virtue of marriage…. Whether he likes it or he likes it ? Magigigi na syang engkanto! May nakahanda nang pangalan sa kanya. Lulutuin sya ng Dyosa. At kapag ready na ang lahat. May bagong engkantong lilitaw……. ENGKANTONG ALBULARYO.

#3 (Bianca)

Walang pakundangan itong si Engkanto A kung yakapin si Engkanto B. Samantalang nasa harap ang kanyang partner??? Oo! Ok lang sana kung yakap na walang pagnanasa. Pero oo, may pagnanasa si A kay B. At ang alam ng lahat ang pagnanasa.

KIBUR sa kanyang partner. Sanay na sya sa kapilyuhan ng partner!

# 4 (DJ Mota)

Walang blind item.. .diretsahan to! Ikaw na ang maging si DJ Mota… ching!

Oo Mahrk, star of the night ka. Pero…. Na-kiss mo ba si Dingdong ? Hindi !!! Hanggang yakap lang. Halos 6 months mong hinintay ang pagkakataong makiss sa lips itong si Dingdong pero bakit ngayon pa-demure effect ka. At mas naglindian pa kayo ni Shoti… kahit nanggagalaiti si Pilyo sa selos sa paglalandian nyo ni Shoti. Ay! Ching lang daw yung panggagalaiti ni Pilyo hahahahaha.

Hanggang salita ka lang Mahrk! Hindi mo kayang i-kiss sa lips si Dingdong. Bahag ang iyong buntot. Pumapayag na sana si Dingdong pero uma-aura ka pa!


# 5 (Shalala)

Ahhhhrrrrrrrrrrrrr.

Dalawa ! Dalawa ang sasabunot sakin kapag na-post ko ito. Kibur! Pero may magtatanggol sakin .. si Pilyo!

Alas onse pa lang nagpapaalam na itong si Pek, kesyo meron daw sya eklavu kinabukasan pero hindi sya pinapayagan ng Dyosa. Hinarang din sya sa pintuan ni Pilyo. Kinaladkad papasok sa party.

Umalis na ang isang engkanto dahil may duty pa, at umuwi na rin ang isa pa dahil hatinggabi na, at ang isa pa na may duty pa kinabukasan. 1:30AM na at paalam ulit itong si Pek kasi nga may eklavu pa raw sya pero pinipigilan sya ni Pilyo. May kasamang pambuburaot na ang pagpigil sa kanya ni Pilyo dahil kung talagang gusto na nyang umalis ay pwede naman. Para ano pat may kapangyarihan syang mag-teleport na tipong maglalahong parang bula… Di ba Dyosa ?????????

At bukaket nga ba paalam to the max itong si Pek samantalang di naman nya magawang umalis.

Ahhhhhhhhhhrrrrrrrrrr.

Oo. Dahil nasa likod sya at may kachurvahannnnnn !!!

Sinetch ang kachurvahan nya? Si Pak na crush ni Pok !

Kung inyong matatandaan, may something or past itong si Pek at Pok. Regodon nga ba ang nangyaryari kasi itong crush ni Pok na si Pak ay kachurva kagabi ni Pek!

Ano ka ba naman Bianca ang dumi ng iniisip mo! Eh mina-massage lang naman ni Pek si Pak! Eh ano naman ngayon kung sobrang sweet sila kagabi? Masama ba?

OO nga! Echosera yang Bianca na yan. Ang dumi ng isip!

Clue? Pok-pek-phaaaaaaaak!!!!!!!!!!!



TO BE CONTINUED....

Monday, December 27, 2010

Christmas Party Today

YEHEYYYYYY DECEMBER 27 NA!!! NGAYON NA ANG CHRISTMAS PARTY !!!

SINA BIANCA AT SHALALA ANG HOST NGAYON, KAYA PINASASABI NILA BAWAL ANG MA-LATE PARA HINDI MA-OKRAY SA BLIND ITEM.

6PM TO 6AM ANG ORGY ESTE PARTY.

TODO NA TO : SING, DANCE, GAME, EAT AND DRINK !!! NO LIMIT!

SINO KAYA ANG TATANGHALING ...

1. FACE OF THE NIGHT?
2. STAR OF THE NIGHT?
3. MOST DRESSED ENGKANTO ?
4. DIVA OF THE OCCASION?

SINO KAYA ANG MGA NOMINEES?

Sunday, December 19, 2010

Shalala Chronicles: Blind Items ala Juicy

Arrrrhhhhhh!!! (matinis na boses)

Eto na naman ako mga sis, ateh, sisturettes!.. ariba ariba!! Arrrrhhh!! It's BLIND ITEM once again!!!.. Matagal tagal din aketch nagpahinga. MEdyo kumulimlim kasi ang paligid dito sa Engkantadiya, kayo medyo naipon ang aking mga latest news tungkol sa aking mga kapatid na engkantos. Sinasamantala ko lang mahabang VL (vacant leave) ni Bianca Echosera. (sana wag na siyang bumalik, para solong solo ko na ang aking mga Hot FAFA. Arrrrhhhhhhh)

anyways.. eto ang aking pinakalatest blind items.. im sure madali nyo lang siyang mahuhulaan.

Blind item no 1.

Sino daw itong dalawang magjowa na ito na kelan lang ay nag celebrate ng kanila _th monthsary!!. Akala ng lahat ay break na sila at palaging nababasa sa mga post nung isa na sila ay may tampuhan.. alitan.. samaan ng loob. Bitter amplaya herb ang drama ng isa. Kaya suma tutal. inakala ng lahat ng matagal na silang hiwalay. Ngunit, sibalit, dapatwat may isang enganto ang nakakaalam ng tunay na estado ng kanila relasyon. At hindi na siya nagugulat sa mga press release ng dalawang engkantong itech! Mnsa nga sobrang napaniwala nila ang engkantong ito, at dahil sa sobrang concern ay todo support siya sa dalawa. Kinakausap, tinitext, para kahit paano ay maaliw baka kasi maisipang maglaslas ng pulso! eh ayun, nung minsang dumalaw ang engkantong todo concern sa kanila eh laking gulat pa nito na nakitang magkasama sila sa kwarto at naglalambigan pa ang dalawang hitad!.. hmmmp.. echoz lang pala ang lahat!! So ngayon.. di na nagugulat ang engkantong ito kung magpress release silang dalawa na "BREAK" na sila!

So, yun nga.. nag celebrate sila ng kanilang monthsary lately lang.. at nagkataong kasama din ang engkantong taga fairview at engkantong taga bulacan. Ang saya saya!!.. ARRRRHHHHHH!

Bonus na yan ah!!.. pag di niyo pa nahulaan.. ewan ko na lang.. so siya siya.. next blind item please!!!..


Blind item no. 2.

Arrrrhhh!!!.. sino daw itong engkantong A ito na biglang nagkaroon ng interest sa isa pang engkanto, si engkanto B. Nagulat ang pinunong engkanto at hinihingi sa kanya ni engkantong i A ang number ni engkanto B. At tinatanong kung gwapo daw ba si enkanton B. Kung single daw at at searching.. hahaha.. nag ask muna ng permission ang pinunong engkanto kung pwedeng ibigay ang number ni engkanto B.. siyempre for ethical reason.. di naman basta basta ngbibigay ng number ang pinuno. Ask muna siya ng permission sa may ari.

wala din clue!!! bahala na kayo mag isip! Arrrrhhhhh!!!



Blind item no.3

Arrrrrhhhh!!!. uso na naman ngayon ang christmas party!!!. Si engkanto A ay may participation sa kanilang Party. May presentation daw sila ang kasali daw ito sa isang dance number. Ang music ay "Shake Body body dancer". Halos 4 hours daw nag practice ang engkantong ito ay di daw siya natuto, kasi naman parehong kaliwa ang kanyang mga paa!!.. Ang kinalabasan, taga hawak na lang daw siya ng banner!!.. lols..but in fairness.. nanadalo sila. 2nd place, worth 3k. Samantala si engkanto B, may participation din sa kanilang christmas party. Gaya ni engkanto A kasali din daw siya sa dance number!. At ang music ay "Foker Face" ni Lady gagita este lady gaga pala. hahaha. Nanalo din daw sila sa kanilang presentation at First Prize! yun nga lang.. worth 2K lang. hahaha. Isa pang engkanto ang napag alamang may masamang karanasan sa kanilang christmas party, si engkanto C. Matapos daw ang raffle of prizes sa mga employee.. at pinapila daw ang mga hindi nanalo sa raffle knowing na bibigyan sila ng consolation give aways. Nang malapit na daw sila ng kanilang kasama, sinabihan daw na hindi sila kasama, komot di daw sila regular employee.. tsk tsk tsk.. descriminated ang ating kasamang engkanto.


BLIND ITEM NO. 4 - From Icey Mendoza


Masayang nag-aasaran itong sina Regodon at Cutillion. Nang magawi ang tingin ni Regodon sa kabilang table.

Biglang tumaas ang hormone level nitong si Regodon dahil ……… dahil may gwapong hombre! Oo gwapo sya mga ateh, tiyang at ditseh.

Kaya lang may kasama syang girlfriend na pulupot to the max kay gwapo. Eto naman si gwapo wala man lang kalambing lambing kay belat na froglette! At eto ang kwento:

Tingin nang tingin itong gwapo sa table ng mga engkanto !!!!!!!!

Ahrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr !

(Letseh, shalala moment ko to, tumahimik ka !)

Regodon: “Bro, kita mo ba yung gwapo sa kabilang table, tingin nang tingin sakin. So tiningnan ko rin. Nakipagtitigan ang loko.

Cutillion: “Confirmed sya bro, kasi tinitingnan din ako. Nakipagtitigan din sakin. Tingnan mo ang kilos nya, medyo malambot, pero gwapo di ba?

Regodon: :”Mahal ko na sya!”

So tuloy ang inuman. Nakaraming red horse na sina gwapo at belat na froglette. Ang mga engkanto marami na ring uminom. Hanggang tumitig itong si gwapo kay Regodon at sabay tayo, at pumunta sa CR! In fairview ha? Felix Bakat sya!

Out of katuwaan, pinasusunod ng mga engkanto itong si Regodon kung kaya nyang landiin itong si gwapo sa CR kasi nga obvious mga ateh! 101% confirmed na gustong makipag trade ng number itong si gwapo! Susko. Ang kaso hindi madala sa kantyaw itong si Regodon, kahit ipagtulakan ni Cutillion.

Eh kasi naman, suplado itong si Regodon at feelingerang mataas kuno ang market value! Katunayan marami nga sa kanyang intimidated na mga bloggers! Di vahhhhhhhhhhhhhhh!

Eto na bumalik na sa upuan itong si gwapo at medyo disaapointed to the highest level. Bigla syang tumayo, nagbayad ng bill at kinaladkad na itong si belat na kontodo pulupot pa rin kay gwapo…

Ay wait, bago pala lumisan itong si Gwapo, humarap muna sa mga engkanto at nagpa-BAKAT ng kanyang DAKOTA HARRISON PLAZA!
Nalokah ang ang mga engkanto!

Clue: For sure si Regodon kilala nyo na. At kapag di nyo sya nakuha, siguradong 75% ang average nyo sa Barrio High School! AT si cutillion naman???? Hmmmmmm…. i-nestea at jollibee ang saya!



Blind Item No. 5 (same character as in blind item no. 4)

Pabibo itong si REGODON sa kanyang mga kasama bago pumunta ng tagayan. Sumakay sila ng jeep. (purita na yata at ayaw mag taxi) Naglabas ng P20. akala niya yata P5 lang ang mapasahe, eh apat silang sumakay ng jeep. Bumunot ng P100 si CONSTANTINO kasi alam niyang kulang ang P20 ni REGODON. Pagkuhan ng sukli, P48 lang. Nag isip itong si REGODON bakit ganun lang ang sukli. Sabi niya kay CONSTANTINO, "P7 lang pamasahe ah. dapat P72" ang sukli. Biglang humirit sa driver itong si REGODON, "bossing lacson lang galing yun P100, sa timog bababa, apat kami". Bigla abot ng driver ang kulang na sukli. Tumatagintin na P4 lang.. samakatuwid, P12 pala ang isa. Samakatuwid P12 lang pala pamasahe, hindi P7. Nagtawanan sila REGODON at CONSTANTINO.. hahaha pabibo kasi..


========================


Blind Item No. 6 – ( Blind Item ng Blind Item)

Sinetch itong magjowa na nag-jombagan daw?

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhrrrrrrrrrrr !

Nalokah akeezz mga ka-freshness! Kasi dahil daw sa kapilyuhan nitong si Engkanto A eh jinombag ni Engkanto B. Pero teka, magjowa ba sila?

Kasi raw nalaman nitong si B (through Bianca) na nakikipagflirt si A kay C !

Susko Bianca! Paskong-pasko gagawa ka na naman ng gulo! Tumulad ka sakin Behave na akeez!

Ahhhhhhhhhhhhhhhhrrrrrrrrrrrrr !!!

Oo mga ka-freshness nag-jombagan sila sa Unibersidad de Santa Tamaraw? Tama ba akeez? Oo ! basta dun sa middle nun!

“Sa may Espana?”

“Oo”

“Malapit sa P. Noval?

“Oo nga ang kulet”

“Unibersidad de Santa Tamaraw? Me ganung school ba?”

“Bobo! Read betweent the lines!”

“Nurse ba yung jomombag?”

“Oo”

“Eh yung jinombag ? nasa Industry ba ng Information and Communications Technology?”

“Oo!”

“Magaling ba sa Math yung jomombag?”

“Oo! At magaling din sa Math yun na-jombag!”

Eto na………. Tumawag na itong si Engkanto A na galit na galit kay Bianca!

A: “Hindi totoo ang paratang mo! Hindi ko sya kinakarir!

Bianca: “Well, accdg lang naman sa baklameter ko, alam nyo naman na reliable sourc e to”

Susko! Nosebleed bigla itong si Engkanto A, galit na galit pa rin. Pero at the end of the day, nagkaayos na sila kasi afterall close na close naman talaga si Engkanto A at Bianca.

Nagburautan lang sila na nauwi sa jombagan ng magjowa. Teka… magjowa ba sila?

CLUE: Walang Clue! Hinding hindi nyo sila makikilala kasi nga may-i-hide na ang black-eye ni Engkanto A. At saka tatanggi na sila. OO !!! tatanggi na sila! Kinahihiya nila ang kanilang pag-jombagan noh!
Kailangang mag-imbestiga ng Dyosa at at alamin kung sino itong dalawang nag-jombagan!

Ahhhhhhhhhhhhhhrrrrrrrrrrrrr

Anooooooo? Kilala na ng Dyosa ang dalawa?

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhrrr.

Dyosa please wag kang pumiyok silent lang tayo, baka ako naman ang majombag nina Bianca, A, at B !

Sunday, December 12, 2010

TULOY ANG LIGAYA!!!

TO ALL ENGKANTOS:

No matter what happens, TULOY ang CHRISTMAS PARTY. I'll text you where would the VENUE be. Same date, December 27, 2010 at 9:00pm sharp. Just bring your gift with you.

PS:

All the engkantos are expected to attend. Just All of us!!! No more no less!!!



- FOX
==============================


dito na kayo ng post ng inyong mga WISH LIST.

Codename: XXXXXXXX

Wish/es: (in order of priority)

1.
2.
3.

Sunday, December 5, 2010

WISHLIST

Nagbunutan ang mga Engkantos para sa kanilang monito-monito ngayong darating na Christmas Party na gaganapin sa December 27, 2010 (Monday) ayun sa napagkasunduan. Ang place or venue ng party? To follow pa. Just keep posted sa blog at malalaman ninyo kung saan ang ating venue.

Ang bawat isa ay may code. At iyon ang gagamiting name sa bunutan. Kaya’t walang idea kung sinong lamanlupa ang mabubunot. May nag suggest na dapat daw magka-idea ang engkantos kung anong gustong gift ng kanyang monito. Dapat daw may wish list. Hmmm.. Good idea sabi ni shalala at bianca (teka, kasama ba sila sa bunutan kagabi? o nagsabunutan na lang sila?) hahaha.

Kaya post nyo na lang sa comment kung ano ang wish nyo using below format. Your name must be anonymous.


--------------------------
Codename: XXXXX
Wish list (in order of priority)
1.
2.
3.

PS. Para sa mga iba pang detalye.. mag antay ng text message mula kay Engkantong Kargador.

Pre-Christmas Party ng mga Engkantos

So there, natuloy din ang meeting cum tagayan. Purposely, para pag usapan ang planned Christimas Party ng mga engkantos. Mga aroung 7:45pm unang dumating si Kargador. Usapan kasi nila ni Maldita ay magkikita sila ng 8pm. Generously, nag invite itong si Maldita ng dinner. Wow! bago yun ah! first time yata mag ti treat itong si Maldita kay nag paunlak naman itong si Kargador.

Habang hinihintay nila ang iba pang enkantos, kumain muna sila. Nagkwentuhan, nag update ng mga bagay bagay. It's been a long time din nang huling nakasama sa tagayan itong si Maldita kaya happy naman ang mga engkantos na muling siyang makakasama. Bago magsidatingan ang iba, nagtungo na ang dalawa sa Bat Cave (Garahe). Unang dumating sa mga iniexpect na engkantos ay itong si Busy. Nagulat ang Kargador! For a long time na di nagpakita itong si Busy, tila blooming siya. Nag improve! gumanda ang katawan. Larawan ng isang masayang nilalang sa piling ng kanyang minamahal. Hehehe. (Long time no see!!! we're glad to see you again). Sumunod na dumating ay sina Pulis at Virginal. Sabi nga ng isang engkanto, package deal na daw ngayon ang pag punta ng mga engkantos. Walang Pulis kung walang Virginal and vice versa.

Sumunod na dumating ay si Alcoholic, as usual, blooming pa din, parang bagong dilig lang na bulaklak. Fresh na fresh. (rolleyes!!!) hahaha. Dala pa din ang kanyang props! ang kanyang bag. Sumunod na dumating ay si Payatot. Naka bonnet.. parang galing lang ng baguio. Pero ang totoo galing daw siya ng bulacan. Birthday daw yata ng pamangkin niya. Later, dumating si Bunso. Medyo sumigla ang atmosphere. Usually naman pag nasa tagayan itong si bunso, masaya ang mga engkantos. Panay ang labas nitong si Kargador at tila yata may regular caller. Tanong ng mga engkantos, sino kaya yung caller ni Kargador? Kaya di niya namalayan ang pagdating ni Belami, na isa din sa mga engkantong bihira sumama sa tagayan. May curfew daw kasi. Magagalit ang kanyang mother goose at ang kanyang mga wicked sisters. Ala cinderella lang ang dating. Huling dadating.. una ding aalis.

Napagkasunduan sa tagayan ang date ng kanilang Christmas Party. It will be on December 27, 2010, Monday. Ang venue? To follow. Wala pang definite venue. Keep update na lang daw dito sa blog para malaman kung saan talaga ang venue. Nagbunutan din sila ng para sa exchange gift. Nag provide si engkantong kargador ng papel at kanya kanyang sulat ng codename para sa nasabing monito-monito. At yung mga hindi nakadating sa tagayan at tinext isa isa ni Kargador na mag bigay sila ng kanya kanyang codename at bahala na si Kargador na bumunot para sa kanila. (ask niyo nalang siya kung sino ang nabunot niya para sa exchange gift niyo.)

Mga nagsi punta:

1. Engkantong Kargador
2. Engkantong Pulis
3. Engkantong Alcoholic
4. Engkantong Maldita
5. Engkantong Payatot
6. Engkantong Bunso
7. Engkantong Virginal
8. Engkantong Busy
9. Engkantong Belami

Mga Hindi nagsi punta:

1. Engkantong Welder - nasa tagayan kasama ang kanyang kapatid na dumating galing probinsiya
2. Engkantong Yagit - nasa duty. One week siyang night shift ngayon..
3. Engkantong Lukayo - may event sa kanilang company.
4. Engkantong Kalbo - package deal sila ni engkantong lukayo, pag wala yung isa.. wala din siya
5. Engkantong Karpentero - nasa bahay lang.. ( di alam ang dahilan kung bakit di pumunta ) pero alam ni engkantong kargador ang totoong dahilan.. hahaha
6. Engkantong Boy-next-door - nasa bahay din at kakalabas lang daw ng kanyang mom sa hospital
7. Engkantong Pokpok (nasa Abroad) - nagka casino.. lols
8. Engkantong OFW ( nasa Abroad ) - nasa work.

=========================================================

Gaya last year... gamiting ang blog na ito para sa inyong WISH LIST. Gamit ang inyong Codenames. Iparating sa iyong monito kung ano ang inyong kahilingan. Anonymous ang gamitin, kadugtong ang iyong codename sa ibaba. Ang price ng gift ay P300... up!






==========================================================


Sunday, November 28, 2010

MEETING CUM TAGAYAN

ATTENTION: ALL ENGKANTOS
WHAT: MAJOR TAGAYAN
WHERE: As usual (to the BAT CAVE)
WHEN: December 4, 2010, saturday 8:00 PM

Agenda:
1. Finalize natin yung plans for the Christmas Party 2010
2. Kris Kringle.. Monito-Monito

Be there!!!..

Welcomeback party natin kay BLOIGG!!! (Hoy Bloigg!!! Pasalubong namin!!)

Sunday, November 21, 2010

madilim ang paligid sa encantadia

nagtatago ang haring araw... sa maitim na ulap ng kalangitan... nagbabadiya ng isang matinding ulan..

malungkot ang mga engkantos...

Monday, November 15, 2010

Evolution of Names

Kund dati mga fairies ang name ng mga engkantos. Ngayon nag evolved na. Laki ng impluwensiya nitong bagong pasok na engkanto. Si Karpentero. Kaya ngayon, nagpalit na ng names ang mga engkantos.

1. Engkantong Kargador = Si Fox. Sa laki ng kaha niya Mukha daw siyang kargador. At least sounds like kargad"er". Diba mga HOT ang "er".. Diba Shoti?

2. Engkantong Pulis = Si Mugen. Kung tawagin siya ay pulis pangkalawakan. Dati sgt. at arms siya.. binabantayan niya ang mga pasaway na engkantos, Ngayon, dapat yata sarili niya ang bantayan niya.. Toink!!.. lols

3. Engkantong PokPok = Si Marhk. Dahil ayun sa kanya.. isa siyang International Pokpok. Kung saan saang bansa nakakarating. At kahit sa malayong lugar. Umaaura pa dinng tunay. lols

4. Engkantong Maldita = Si Bloigg. Dahil sa kanyang taglay na katarayan. Lahat ng nambuburaot sa kanya ay kanyang tinatarayan, Kilala man niya o hindi basta binuraot siya, lagot kang bata ka!!.

5. Engkantong OFW = Si Silentboi. Siya ngayon ay nagtatrabaho sa ibayong dagat. Nagsisikap upang maitaguyod ang pamilya. Nagpapakahirap, nagpapakapawis. magkapagpadala lang ng dollar remittance.. teka.. may pamilya na ba siya? hahaha

6. Engkantong Chubilita = Si Lukayo. Kapag nakikita siya ng lahat. Isa lang ang napapansin sa kanya. Isa na siyang Chubilita. May alagang sawa na nakapalupot sa kanyang beywang. Napabayaan na niya ang kanyang sarili. Dati siyang HOT.. pero ngayon.. less HOT na lang..

7. Engkantong Payatot = Si Popoy. Kung si Lukayo ay tumataba, itong engkantong ito ay pumapayat. lalong pumapayat. Parang wala na makain. Laging puyat. Kulang sa vitamins. lols.

8. Engkantong Shalala = Si Johnny Cursive. Ang brusko brusko nitong engkantong ito pero ngutin datapwat subalit, kaboses pala niya si SHALALA. Kapag humirit na ang engkantong ito.. Humahagalpak na ang lahat.

9. Engkantong Bunso = Si JayCee. Siya pa din ang aming tinuturing na bunso. Kahit may dumating pa na isa ding JC.. wala nang papalit sa puso ng mga engkantos bilang aming bunso. Nag evolve na din siya ngayon. Self proclaimed Jollibee na siya ngayon. LOL

10. Engkantong Boy-Next-Door = Si Dingdong. Sino nga ba ang nagbansag sa kanya ng title na boy next door.. eh sino pa nga ba? tanungin si engkantong Pokpok. hahaha

11. Engkantong Busy = Si Maxwell. Umpela itong si Papa Maxwell. Hindi daw siya nawawala. Busy lang daw siya sa maraming bagay. Kaya pinalitan ang kanyang codename. From Engkantong Nawawala into Engkantong Busy. Pero sana Papa Maxwell, makasama ka na namin soon!! Miss ka na namin!!!.

12. Engkantong Belami = Si shoti. Si Papa Lukayo ang nagbansag sa kanya ng BELAMI. Mukha daw kasing porn star ng BELAMI.COM itong si Shoti. Kaya nga patay na patay itong si Papa Pilyo. Lalo pat mahilig mag suot itong si shoti ng white brief na fetish talaga ni Papa Pilyo. diba Engkantong Welder?

13. Engkantong Diabetic = Si dingding. Recently lang ay nahospital ang engkantong ito. Nagdiagnose siya na isa pala siyang diabetic. Ayan.. ang takaw mo kasi sa softdrinks.. Ingats ingat sa pagkain ng sweets..

14. Engkantong Virginal = Si JC. Ang bagong kutong lupa. Na ayun sa kanya, gusto niyang ma maintain ang pagiging virgin. (taas ang kilay nila engkantong kargador at engkantong welder) hahaha. At magpapa press release daw siya na ayaw daw niya sa Premarital Sex. (Taas Ulit ng Kilay) lols

15. Engkantong Karpentero = Si Hungry Beast. (di ko ma mention name niya dito baka daw may makakilala. Lol) Nabanggit na dito kung bakit siya tinawag na Karpentero. Isa siyang HOT na karpentero. Matigas, Matikas! at higit sa lahat. Maangas!!


so there.. Huwag na kayong umangal. Yan na talaga ang tawag sa mga engkantos. Hahaha

Sunday, November 14, 2010

Ang bagong Engkanto... si KARPENTERO

Mula sa di kalayuan probinsiya, napadpad ang binatang ito sa kaharian ng engkantadiya. Una siyang nakilala ni Mugen, at ayun kay Mugen ay nasa ibayong dagat pa lang ang binatang ito ay naging magkaibigan na sila.At halos isang taon na ang nakararaan nang sila ay magkakilala. Matagal na din minatyagan ni Fox ang kanyang blog mula nang ito'y ipakilala ni Mugen sa kanya. Maangas kung sa maangas, astig at walang pakialam sa mundong kanyang ginagalawan, ganyan niya ipinakilala ang kanyang sarili sa mundo ng blogsphere. Mga ilang buwan din siyang nawala sa sirkulasyon. Naging abala siya sa ibang bagay. At nang magbalik, taglay pa din niya ang kaangasang nagbigay pansin sa mga ibang bloggers, lalo na ang mga engkantong bloggers.

Nitong nakaraang buwan lamang, naging controversial ang binatang ito. Naging usap usapan, na noong una, ay di masyadong pinapansin ng mga engkanto lalo na si Fox, until narealized ni Fox na itong binatang is the same guy na ipinakilala ni Mugen isang taon na ang nakaraaan. At dahil na din sa kanyang blog, muling nagbalik ang interest ni Fox pati na din ang engakantong buraot na si Pilyo.

Formal na ipinakilala ni Mugen kay Fox ang binatang ito nang ibigay ni Mugen ang YM address nito. Mula noon, nag usap at nagkakilala ng maayos si Fox at si Karpentero. Teka bakit nga pala naging Karpentero ang kanyang bansag? Isa sa mga blog posts niya dati ay nagpag alamang marunong pala siya sa woodworking. Tables, chairs, kahit anong wood furnitures ay kayang niyang gawin. Talentado pala ang mokong.

Nakipag kita ang binatang ito kay Fox, mga 2 weeks na ang nakararaan. Sa unang pagkikita pa lamang ay nag "click" na agad ang dalawa. Siyempre di mawawala ang burautan, angasan. Laking gulat din ni Fox na ang kaangasang ipinakita ng binatang ito ay kabaligtaran sa personal. Na realized ni Fox na sa kabila ng kaangasan nito ay isang simpleng tao, may taglay na kabaitan at kababaan ng loob. Nagulat pa nga si Fox, iniexpect niya na sobrang intimidating ang dating nitong binatang ito na gaya ng pino portray niya sa kanyang blog. May mga simpleng banat ang binatang ito na tumutugma naman sa panlasa ni Fox. Kahit paano kasi ay buraot at maangas din naman si Fox. Sa ikalawang pagkikita ni Fox at karpentero ay mas lalong naging desidido si Fox na isama siya at ipakilala sa mundo ng engkantadiya. Of course with the approval of Mugen and Pilyo.

Last night, nagkaroon ng simpleng tagayan, inimbitahan nila Fox at Pilyo si karpentero na sumama sa kanila tagayan. Kinita ni Fox si karpentero sa MRT north ave station. At nagtungo sila sa bahay ni Pilyo. Ito ang kauna unahang pagkikita ni Pilyo at Karpentero. Di na kataka taka na sila ang magiging kumportable sa isat isa. Nagkakausap na sila sa text at sa ym chat. Kumbaga, extension na lang ang kanilang pagkikita sa personal. naging magaan din agad ang loob ni Pilyo sa binatang ito. Click din agad sila sa isat isa. Sa tagayan, nagkita din sila karpentero at si Mugen. First time silang nagkita, kahit matagal na silang nagkakausap sa text at sa chat. Mula pa noon itoy nasa abroad. Nakilala din niya si JC ang bagong kutong lupa, at si Dingding. masaya naman ang naging pagtanggap ng mga engkanto sa binatang ito. Sayang nga lang at wala ang ibang mga engakantos. Sa ngayon, nagkasundo sila Fox, Mugen, Pilyo, JC at Dingding na putungan na korona ang bagong engkanto. Si Karpentero.

Sa iyo Karpentero,

Isa ka nang ganap na engkanto. Naway maging masaya ka sa mundo ng engkantadiya. Soon makikilala mo din ang iba mo pang mga kapatid na engkantos. Lima pa lang kami na nakita mo at nakasama, marami pa sila. And im sure, tatanggap ka din nila na bilang kapatid na engkanto gaya ng pagtanggap namin sa iyo. Humayo ka at magpakasaya sa mundong aming ginagalawan. Ang mundo ng ENGKANTADIYA!

=============================

previous posts about other engkantos:

si JC
si Dingdong
Si Maxwell, Popoy, at Shoti
Si Lukayo.