Followers

Thursday, October 22, 2009

WHY NOT ???

Aalis na pala ng bansa si X, malulungkot kaya si Y? Ang sabi ni Z, “wow, free na sya, pwede na akong pumasok sa eksena”. Sagot ng mga lamanlupa: “WHY NOT !” Afterall, maibibigay mo ba ang kaligayahan nung isa?
-------------
Nagpapatulong pala si Alpha kay Omega kung paano dumiskarte kay Phi. Masyado kasing hottie tong si Phi. Support to the max na lang itong si Omega dahil naawa sya kay Alpha. Sagot ni Oblation: “why not! Eh bakit wala bang karapatan si Alphang lumigaya?” Sumagot ka dyosa! Sumagot ka!
--------------
Nagdi-date pala si Einstein at Phytagoras sa sikat na mall. (Bakit pala? As if nde alam hehehe). May nakapagsabing nagkakaintindihan na pala sila. Ang sabi naman ni Confucious, friends lang daw ang dalawa, at kahit kelan walang mamamagitan sa dalawa. Eto naman ang sagot ng pilosopong philosopher, kung magiging sila…. “WHY NOT!” eh bagay kaya sila. Wag ka ngang makialam confucious… kasi confusing ka, promise.
-------------
Mentor daw si UST boy nina Ateneo Boy at Lasalle Boy na kasalukuyan ding naghahanap ng karir. Ang sabi naman ni UP boy, kay UST boy na ngayon ay nakatira sa bahay ni Kuya Oblation: “Kapatid, ipag-match mo na lang kaya si Ateneo boy kay Lasalle boy. Afterall, magaling ka naman sa match-making di ba?” Sagot ng professor na galing sa UST…….. “WHY NOT! Para di na ako makalbo sa kunsumisyon noh!”
---------------
Tahimik ngayon si bato, na dating pasaway sa bahay ni kuya. Maging si gunting, behave na rin. Etong si papel tiklop na rin. Sila ang mga dating pasaway. Naninibago ang mga nagja-jack en poy sa kanilang katahimikan. WHY NOT? Sabi ni kuya. Sayang ang lang panghahagupit ko sa kanila noh?
---------------
Nagkatinginan sina gymboy, athletic boy, at macho boy sa suot ni buffed daddy. Pano nga naman.. looking HOT si buffed daddy sa kanyang body fit na polo shirt. Grabe! Pakiramdaman ang mga nasa STAG PARTY, kabog! as in KABOG ! sa suot ni buffed daddy. Nagbunga ang kanyang ilang buwang pagji gym. Bulungan ang mga twinks… Binara sila ni macho boy: “WHY NOT! Bakit kayo lang ba nakikipag EB para mag gym? Kung alam nyo lang, fully booked si BUFFED DADDY !”
-----------------
Napromote na pala si kapre. Eto si tikbalang, naghihintay pala ng pa-fishball ni kapre. Eh sinabi ni tikbalang kay aswang. Alam naman ng lahat na si aswang, nangpa-prangka kung ano ang gusto. Pero tameme itong si aswang kay kapre. Hinayaan nya na lang na magkusa itong si kapre, afterall may pagkagalante naman sya kapag may datung. Oo nga naman mga lamanlupa maghintay nga kayo noh! Baka malay nyo hindi lang fishball ang ipakain sa inyo, kundi DUGO pa!
-----------------
Kinilig daw itong si Xe, nang makita nya si Ex. Pano ba naman sa TV nakita ni Xe si Ex. Naghuhurimantado namang nagtxt si Ye sa kakiligan ni Xe... Ang sabi sa txt: “Gago! Akala ko ba naka move on ka na? “……………… Eyyyyyyyyyyy ang sabi ni Ey, WHY NOT? Masama bang kiligin pa rin si Xe kay Ex? Eh samantalang nagsama sila sa iisang bubuong, kumain sa iisang plato at kutsara? Hindi bitter si Xe ano? Naka get over na sya. At least may ngiti na sya sa labi tuwing naaalala nya si Ex. Oh,,,, tularan nyo si Xe ha? (Nakataas ang kilay na sumagot si Ew: “exactly!)
-------------------
Nag-away pala si crispin at basilio. Eh pano ba naman sinabihan na ni crispin si basilio na wag na magdota kasi may pasok pa kinakabusan. Pasaway talaga itong si Basilio – nagdota pa rin at inabot pa ng 2AM! Hindi natakot sa galit ni crispin. To cut the story short: Pagkatapos ng dota, umuwi si basilio sa bahay ni crispin. Nagdorbell, kumatok. Hindi pinagbuksan ni crispin sa sobrang inis. Pati cellphone pinatay din para hindi makatawag itong si basilio. Kaawa-awa daw ang lagay ni basilio kasi mulang 2am hanggang 5am nakaabang sa pinto ni crispin. Pinutakte na ng lamok, nabasa pa ng ulan. Talagang hindi pinagbuksan ni crispin.
“Why not?, eh si “toooooooooooot” nga tiklop kay crispin nung sila pa!” Very strong na ang personality ni “toooooooot” ha.

May Isang Engkanto...

(abangan....)



















magugulat kayo....


















magugulantang....





















mawiwindang.....






















abangan....

Monday, October 19, 2009

Hindi mo ba ako mahal?

A likes B,
B likes C,
C likes D,
E likes D,
D likes A

Where A is math wizard
Where B is numerical expert
Where C is digital analytic
Where D is analog specialist
Where E is Mr. Congeniality

Whereas:
Sets A,B,C,D,E are elements of P
Where P stands for Prospero

Thus:

[B>A], [A>E], [B>C], [B>D], [B>E], [A>C], [C>E], [A>D], [D>C], [D>E]


Whereas:
The union of sets A, B, C, D, and E in an element of P is [gwapo]
The intersection of sets A, B, C, D, and E in an element P is [characterl]
Symmetric difference of sets A,B,C,D, and E in an element P is [appeal]

Clue:
Common denominator of A, B, D, and E is color (literally)
Common denominator of A and C is color (figuratively)

Conclusion:
No one likes E. But did u know that E was bankable just a few months back? “Bilog ang mundo”, one source said. Let it spin. And let’s wait E to re-SHINE.

Sunday, October 18, 2009

Nakabukang Liham

Mahal kong mga Engkantos,

Ilang buwan na din ang nakakaraan nang huli tayong nagkita kita. Halos 4 na buwan na pala yon. At sa apat na buwan na yon ay madami na din kayong mga boteng natoma at kwentong napagchikahan.

Katunayan, may mga bago nang miyembro ang Engkantadya na di ko pa nakikilala at ngayon lang ay may nabasa ako na baka may mawala agad at di ko man lang sila nakikilala.

Marami na ding nangyari sa inyo dyan sa Pinas. At tanging ang blogs na lamang ang aking paraan upang maging updated sa mga nangyayari diyan. At syempre, minsan kapag nakakachat ko ang Dyosa, Kondesa at si Tinkerbell.

At ngayon, bago na ang katawagan ng mga tao sa isa't isa. Wala na ang mga iba't ibang katawagang engkanto, bagkus ay mga pangalang Kastila na machong macho ang dating. Sabagay, karamihan naman ng mga engkanto ay mga machong bakla! DIVA gurls???!!!

Anyways, excited na ako na makita kayo. At tulad ng pangako ko sa bruhang Buraot, ang pasalubong ko ay mga Indonesian Chocolates kasi si Tita Marhk naman ay European Chocolates ang ipapadala. Pasensya na, sa third world lang ako nagtatrabaho di tulad ni Tita na nasa mayamang Europa. Hihihi!

At dahil baliw pa ako sa mga bagong codenames, gamitin ko muna ang mga lamang lupa na codenames natin para magbigay ng message sa inyo. (Imagine niyo na lang nagmimiss universe walk ako habang sinasabi ko ito and dont worry BURAOT na engkanto, ill teach you the steps when i get home!)

Dyosa: Graveh, ano na ba ang nangyayari dyan? Bakit parang melrose place na ang engkantadya batay sa mga nababasa ko? tama ba ang aking interpretasyon? Sumasakit na ba ulo mo at nauubos na ang white hair mo? Di bale, meron namang Svenson hair center pag kinalbo ka sa kunsimisyon ng mga engkantong pasaway or kung di ka makalbo nang tuluyan, syempre available naman si Pin Antonio para lagyan ng highlights hair mo na pumuputi sa sakit ng ulo. Hihihihi!

Prinsesang Buraot: so hindi ka na pala papipigil? itutuloy mo na ang pagsusuot ng gown na pula! tandaan mo ang sinabi ko sayo dati, hindi ka magandang transvestite! at never mo magiging kamukha si angel locsin kahit anon pang gawin mo na make up at ayos! siguro si mommy dionisia magiging kamukha mo pag nag gown ka sa december. pero ayos lang yun, at least, nafulfill mo na ang iyong dream, diva? Im sure, keri mo naman ang paggagown, yun nga lang, mukha kang tomboy! Yung Indonesian chocolates mo ay iuuwi ko, pramiz! Hmmm manggagaling pa pala ako ng Thailand bago umuwi, ano gusto mo dun? Thai twink? Hihihihi!

Kondesa: Siz! miss na kita! Kumusta ka na nga ba? Usually ay hi at hello lang tayo sa YM. madalas ka na pala lumandi ngayon sa Malate base sa mga tweet mo. Ang bongga mo! nakakailang cute boys ka na ba dun? Jusme, bumebenta ka ba sa mga kapwa bakla? Im sure, madami kasi may itsura ka naman!

Tinkerbell: hoy bakla! kumusta ang blowjob mo sa mga engkanto? di na ako nakatext back kagabi dahil nakatulog ang big sister mo dahil pagod. sana masaya naman. At tulad ng sabi ko sayo dati, ako ang isa sa magiging masaya kapag naka graduate ka na! Bakit kamo? kasi naman para ikaw na manlilibre at di ka na lang lagi libre pag gumigimik! At tandaan, di ako kasali sa blowjob mo kagabi kaya pagdating ko dyan ay may separate at special blowjob ako dahil sabi mo nga, ako ang iyong bestfriend klasmeyt! hihihi! gusto ko dun sa mahal...sa HEAT sa edsa shang! hahaha!

Santa santita: Tita! Pukeh mo! ayaw ko na magmessage sayo dahil madalas naman tayo mag usap! Pati load ko sa cellphone ay naubos dahil sa mga messages mo sa YM mobile ko! leche na to! Tandaan mo, di lang dapat sina Lukayo at Rain ang may pasalubong galing Europa, dapat ako din! kasi lagi mo ako binuburaot! baklang to! At korek, magpapackage ka sa December para naman makatikim ako ng galing Europa pag uwi ko ng Pinas.

Amasona: Gurl, ang dami ko na nakikilala online na cute na Indos! gusto mo pakilala kita? meron din palang gwapo dito kahit papano. Syempre, di ko naman sila malandi dahil taken na ako at wiz ko sila type dahil di naman sila chinito. Pero may chinito dito na instructor sa gym na pinaglalaway ako. syet, sister, gusto ko sya hubaran habang nagtuturo sya ng combat! hihihi! Uy, gusto ko yung post mo na guro. nakakarelate akech! cant wait for the continuation. :)

At sa mga iba, saka na ulit kasi masakit na kamay ko sa pagtatype, regards na lang muna sa inyo. magluluto pa ako ng longganisa at darating ang aking asawa for lunch.

Ang bottomline ng entry na ito ay

MISS KO NA KAYO MGA SISTERS!!!!

ingat kayo lagi and ill see you soon!

Saturday, October 17, 2009

Red Gown

Hindi na talaga mapigilan ang kahibangan ni Bartolome.
Akalain mo, nagpupursige syang sa private room ng 5-star hotel ganapin ang Christmas party para makapagsuot sya ng red cocktail gown!

Hindi na bago ang ganitong issue. Di nga ba’t ang birthday wish nya dati ay magsuot ng red gown. Hindi nga lang natuloy kasi nabahag ang buntot nya. Inabot ng nerbyos at paranoia. Natatakot daw syang ma-adik sa pagsuot ng red gown.

Akala ng mga lamanlupa, tapos na ang kahibangan ni Bartolome. Nakahinga na sila ng maluwag, at mapayapa nang nagtatanim, umaani at bumabayo sa Farmville. Pero nagulantang ang sanlibutan nang itutuloy daw ni Bartolome ang pagsuot ng red gown!

Hindi kumbunsido si Prospero, ang pinuno ng grupo sa kahibangan ni Bartolome. Minsan nang tumanggi si Prospero sa ideyang ito, ngunit sadyang spoiled brat at barumbado si Bartolome. What he wants, he gets, no matter what (weh, napa-inggles tuloy ako). Nagbanta pa si Bartolome na pag hindi nasunod ang kanyang kahibangan – magki-create sya ng chaos sa mga lamanlupa!

Kabog si Prospero. Kesa naman makalbo sya sa kunsumisyon. Pag-agree na lang ang ginawa nya.

Hindi nga ba’t inaway din dati ni Procopio si Bartolome dahil dito. Hindi daw ma-imagine ni Procopio na nakasuot ng red gown si Bartolome. Oo nga naman, sa isip-isip ko. Macho si Bartolome. Astig kung kumilos at walang bahid, kaya komontra agad si Procopio. Ngunit tulad nang inaasahan, minura na ni Bartolome si Procopio. Ayun, tameme si Procopio. Agree na lang rin daw sya kahit masama ang loob.

Mahabang diskusyon din ang nangyari kina Bartolome at Abner. Eh ang kaso nang mag-angas na si Bartolome, kabog ang Abner. Kalaun-launan, si Abner pa ang na-assign na mag produce ng accessories at make-up ni Bartolome.
Ayon sa isang reliable source. Lalabas na lang daw nang Hotel si Procopio at Abner kapag suot na ni Bartolome ang gown. Hindi raw nila kayang sikmurain ang magiging ayos ni Bartolome.

Nakarating naman kay Bartolome ang ideyang yun. Kinausap ni Bartolome ang mga lamanlupa. Kinutsaba. Na sasabihin sa dalawang hinubad na raw ni Bartolome ang red gown at pwede na silang pumasok. Pero ang totoo. Nakaabang ang Bartolome sa pinto naka-pose na mala-Bebe Gandang Hari. At pagbukas ni Procopio at Abner…………………. “OLA Engkantadya! “ ang maharot na bigkas ni Bartolome habang gigiling-giling ng bonggang bongga!

Ang original plan, si Maximo ang magiging escort ni Bartolome. Ayaw man nya, pero wala syang magawa. Eh si Prospero na ang nakiusap eh. Kaya go na lang ang kawawang Maximo. Si Domingo daw ang magsasaboy ng bulaklak sa kagandahan ni Bartolome. Excited daw ang Domingo. Taasan tuloy ang kilay ng mga lamanlupa.

Pero mukhang mababago daw ang plano. Gusto raw gawing escort ni Bartolome si Domingo. Ang tanong…. Masikmura kaya ni Domingo ang ideyang iyon? Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Halos lahat ng mga lamanlupa, hindi kumbinsido sa kahibangan ni Bartolome. Mukhang si Eminiano lang yata may aprub. Sabagay, napaka-cool nitong si Eminiano, bukod sa mabait – very supportive pa.

Di nga ba’t nilakad daw ni Eminiano at Prospero ang kahabaan ng Erod sa paghanap ng red gown? Grabeng effort daw ang ginawa nang dalawang ito, mapagbigyan lang si Bartolome. At ayon kay Prospero, nagdrama daw si Eminiano sa Boutique o rentahan ng mga elegant gown. Kesyo may stage play daw sila na magsusuot daw ng gown ang kaibigan nya, at silang dalawa ang naatasang mag rent ng gown.

Hindi namin alam kung kumbinsido nga ang gown consultant sa paliwanag ni Eminiano. Pero kiber daw sa isip isip ni Prospero. Afterall mga client sila noh? At may pambayad sila ng gown! Oo nga naman, hehehe.

Nag-enjoy daw ang Eminino sa pagpili ng mga gown… At ang kanyang natipuhan nga… red gown! Dali-dali daw sinukat ni Eminiano ang gown habang shock daw ang Prospero. Mega-explain pa raw itong si Eminiano habang sinusukat ang gown.. kesyo magkasing sukat daw sila ng original na magsusuot… at kung anu-ano pang explanation. Tumalikod na lang daw ang Prospero at itinaas nya ang kilay nang walang nakatingin.

If I know (sabi ng source) eh feel din daw magsukat ng gown nitong si Prospero, inabot lang daw ng nerbyos.

Pero ang sabi ni Prospero, hindi raw talaga bagay kay Eminiano ang pagsuot ng gown, napaka-awkward daw. Mas bagay daw yun kay Estanislao at Perigrino.

Tamang-tama padating ng bansa si Perigrino ngayong December. At nag volunteer daw si Perigrino bilang choreographer. Tuturuan daw si Bartolome ng tamang choreography.

Ang ikinatatakot daw ni Prospero, baka mapunit daw ang gown sa paghihilahan ni Estanislao at Perigrino habang naka-hang sa CR ng hotel. Sigurado raw mag-uunahan ang dalawa sa pagsukat ng gown. Dahil sa totoo lang, feel din daw ng dalawa ang pagsuot ng gown ng pasikreto at walang nakakakita.

Mukhang magiging masaya ang Christmas Party ng mga lamanlupa. Uutot sila sa katatawa sa pakwela ni Bartolome. Nakakalungkot dahil hindi makakarating ng bansa si Policarpio na ngayon ay nasa Europe. Bising busy sa kanyang hobby na cruising.

Pero request daw ni Bartolome kapag nabasa daw ito ni Policarpio. Magpa-package daw siya ng mga imported na alak para bonggang bongga daw ang Christmas Party ng mga lamanlupa.

Sana nga mabasa ito ni Policarpio. Ipa-email ko kaya kay Bartolome para mabasa. O kaya pwersahing ipabasa! Wag naman nating isaksak sa baga nya para mabasa noh?

Wednesday, October 14, 2009

SIGNS!

"God is GOOD"


Kagabi after ko makipag-usap at humingi ng payo kay bezfren klazmyt. Bago matulog nagdasal muna ako. Nagpasalamat at humingi ako ng sign kay Bro about sa problema ko. At d nagtagal after ko umuwi galing school. Dumating na ang sign. Ang masama yung sign na yun sapul na sapul ako. Parang binatukan at sinampal sa utak ko na tigilan ko na ang kabaliwan na ito. Sobrang pasalamat ko talaga sa kanya mabuti na lang nag open ako ng ym. Ngayon wala ng gumugulo sa isip ko. Back to normal na ulet. Maraming salamat sayo Mr. BEAN!

Tuesday, October 13, 2009

Polano at Procopio

Wala na raw sina polano at procopio. Akala pa naman ng mga lamanlupa ay tatagal sila. Sabagay, ang sabi ng lobo eto naman kasing si procopio, pasaway. Kapag nasa ibang bansa ay haliparot. Kahit ma-assign sa Afghanistan at Iraq, chumuchurva pa rin. Haaaay iba talaga kapag nasa field ng sales at marketing.

At kumusta naman si polano? Simple lang naman tong kulugong to.. Tahimik sya pero kung humagupit, ikot ang pwet ni procopio. In Fairview, mas maangas si polano kay procopio. Astigin lang kasi ang dating ni procopio, pero masarap batukan kapag nag-iinarte lalo na kapag lasing.

Darating na sa bansa si procopio . Ang tanong? May madadatnan pa ba sya? Meron pala… Mga intriga ng mga lamanlupa.
Si polano nga pala? Hmmmm. Ang balita ko blooming. Enjoy sa kanyang work bilang DJ sa kilalang radio station. Nananahimik sa kanyang hawla.

Pero sa totoo lang malulungkot ako kapag na-confirm na wala na raw talaga sila.. Balita lang naman wala pang tiyak na katotohanan. Sana naman hindi totoo. Unang-una tumubo na ang ulet ang makapal na balahibo ng lobo… Kapag may problema na naman, malalagas na ulet yun.. approaching pa naman ang taglagas o fall.

Ito lang ang masasabi ko….

Magkabayag silang harapin ang problema noh? Para tumagal sila!

Monday, October 12, 2009

Zodiac sign

Tinkerbell took the How Sexy is your Zodiac Sign? quiz and the result is Pisces-The Piece of ass

Caring and kind. Smart. Center of attention. Too Sexy, DAMN IT. Very high ### appeal. Has the last word. The best to find, hardest to keep. Fun to be around. ...Freak in the sheets. Extremely weird but in a good way. Super good in bed. Good Sense of Humor!!! Thoughtful. A partner for life. Always gets what he or she wants. Loves to joke. Very popular. Silly, fun and sweet.



Mga enkanto! post ninyo din yung sa inyo. Para malaman ng iba kung tama nga. Kasi yung iba parang wala naman sa akin like Very high sex appeal at lalo na sexy. Whahaha!

Saturday, October 10, 2009

Bulag na Gamit

If one, two, and three wanted four, but four only treats one, two and three as friends, would one, two, and three still pine for four?

If one, two, and three only knew, that four and five were going steady, would one, two, and three still pine for four?

If five only knew, that zero and four once crossed paths and were more than friends, would five still be steady with four?

All these numbers... statistics in each others' love-deathtoll.

Saturday, October 3, 2009

Berso ng mga engkanto: A+

Kung sa panahon ng tag-init dumating ka sa buhay ko, hindi sana tayo ganito.
Nang ikulong mo ako sa hawlang ginawa mo, poot ang naramdaman ko.
Hindi sayo. Kundi sa taong minahal natin.
Ngayon nagdurusa ang puso mo, nakatali naman ang puso ko.