Followers

Sunday, March 14, 2010

Nosebleed Chronicle: Bratinella

Nananahimik si Bianca Echosera nang mag txt itong si Pilyo na may kaganapang nangyayari sa boundary ng straight at gay sa malate. Sakay ng magic carpet, suot ang kanyang pulang kapa… naglakbay ang Bianca sa isang bar na malapit sa Common Ground. Kung saan nag-iinuman ang mga encantos.

Pang-straight daw ang bar. Oo nga’t nasa boundary ang bar ng straight at kabadingan, eh bakit tila yata habang lumalalim ang gabi eh may mala-butch Francisco na pumapasok sa bar ? hmmm. Teka, mukhang mga straight naman teh ang mga nasa table katabi ang kanilang mga gf, pero bat kaya malilikot ang kanilang mata?

Kinompirma ni Papa Joms, mga pamintang buo daw ang aming mga nakita. Paakbay-akbay pa raw sa mga GF pero kinikilig kapag nakakakita ng mga hot na hunks !
Mag-aalas dose nang dumating ang Bianca, kasabay nina X at “bratinella”.
Ang naabutan nila sa tagayan ay sina dugyot, yagit, kulogo at kurikong.
Pero bakit naman yata konti lang ang mga encantong nag-inuman?

Wala naman daw kasi sa plano. Nagkataong 8th monthsary nina na dugyot at yagit eh sumabit itong sina kulogo at kurikong sa selebrasyon kaya ayun nagawi sila sa malate. Si burnek naman ay nasa timog naghihintay na akala yata doon ang tagayan ay tinamad nang sumunod sa malate.

Hot ang kasama ni X na si bratinella nang bumulaga sa grupo. Si dugyot na mahilig sa bata ay napatitig kaagad kay bratinella na may kagwapuhan ngunit dagling napahiya nang titigan ng masama ni selosong yagit.

Sino nga ba si bratinella? Sya raw ay naka-mit ni X na taga planet romeo. How cheap…. (sabi ni Bianca). Two days pa lang silang magkakilala hanggang niyaya ni X si bratinella na makipag-inuman sa grupo bilang guest.

Base sa obserbasyon ni Bianca, mahangin daw itong si Bratinella. Pa astig daw sa simula pero nang biglang humangin ay bilang naging IC Mendoza daw ang karta.
Nagyaya si Dugyot sa bar na malayo sa mga bar ng mga bading at nagawi sila malapit sa Tiya Maria Bar kung saan umorder sila ng san mig light at liempo.

Entertain to the max itong mga encantos kay bratinella, pero bakit sarcastic yata itong si bratinella. Nanggagalaiti itong si Bianca dahil, Superstar daw umasta itong si bratinella na naliliitan yata sa pagkatao ng mga encantos.

Tinanong ni Yagit kung ano ang trabaho ni Bratinella.. Ang sagot ay MAN (Master of Nursing). Taas ang kilay ni Bianca, at the age of 21 sya ay MAN. O di ba? Huling huli ang pag nose bleed ni Ate Bianca. Trabaho ang tinatanong iha, hindi ang tinapos mo.

Hindi kinaya ni Kurikong ang bagyong dumating sa enkantadiya kaya pa-simpleng tumalikod sa table na huling huli sa kamera. Kung tutuusin si kurikong na ang pinakamabait at pinaka-understanding sa grupo. Si Pilyo na pinaka buraot sa grupo ay walang magawa kundi nakinig na lang sa mga bida nitong si bratinella at nang talagang hindi na nya kaya ay tumabi na lang kay kurikong. Naki-join na rin ang kulogo na syang pinuno ng grupo.

Ang nagtyaga kay bratinella ay si Yagit na talagang binusisi, hinimayhimay at kinilatis ang pagkatao nitong si bratinella. Pero sa pag-uusap ng dalawa makikitang tango lang at konting salita ang kay yagit at mahabang speech kay bratinella na halos ikaputol ng litid sa leeg sa pagsasalita.

Ang tanong ni Ate Bianca…..

Bakit yata badtrip na rin si X kay bratinella dahil di na rin nya magawang kausapin?

At baket naman Kulogo nang umorder ka ng atay ng baboy eh hindi mo inalok si bratinella?

Haaay, kaya ayaw nang magsama ni Kurikong ng bisita eh, binuburaot nyo.
Pero sandali may comment si Ate Bianca. Ang pambuburaot naman daw sa mga naunang bisita ay katuwaan lang para sumaya ang grupo at katunayan nag-enjoy sila ng sobra-sobra sa pinakitang hospitality ng mga encantos.

Pero itong bratinellang ito? Nasira ang gabi ni Papa Joms !













(sorry X, binuburaot mo raw kasi ang mga bisita ng mga lamanlupa, kaya ngayon ikaw ang binuraot hahahaha. Pero in-fairview, kabura-buraot naman talaga si bratinella di ba?) hahahahaha.