Followers

Wednesday, December 30, 2009

Year-End Report:

January:

Nagpunta ng Cebu ang Prinsesa para umattend ng Sinulog Festival kasama si Bloigg.. Pabulong na sinabi ni Bianca....Hindi naman daw talaga sinulog festival ang sinadya ng princesa.. kundi para i meet ang kanyang twink na ka chatmate na isa palang tukling.. Pagkauwi ng Princesa galing cebu.. kasama niya ang Dyosa.. nag hanap ng mga bagong makakasama ang dalawa. Nakarating sa malayong lugar.. nakita ang dalawang nuno sa punso.. (Princesita at Ewok) at ang Pinaka Nuno sa Punso..hahaha (si Tasya Pantasya) hahaha..


February:

Early February... nagkaroon ng videoke session ang mga engkantos sa Music 21.. halos lahat ng mga engkantos ay naroroon.. pati na din si guest#1.. ang ang bagong engkanto na si Angelo.. na sandali lang ay nawala din... dahil sa di niya pagkakaunawaan sa Dyosa.. At ganun din ang alitaptap na nawala na lang matapos ding magkaroon ng di pagkakaunawaan sa Dyosa.. (mukhang kontrabida yata ang dating ng Dyosa? hahaha)

Dumating mula Cebu si Bloigg.. sinundo nila Dyosa at Princesa.. kasabay noon ay ang unang pagtatagpo ng Princesa at ni Lukayo.. na ginawang engkanto at tinawag na Kondesa. Samantala ang Bloigg ay ginawa na ding official na engkanto.. kahit na matagal tagal na din siyang kasama ng iba pang mga engkantos. "PGR" ang naging tawag sa kanya.. PGR means.. Patong Gandang Reyna".. itanong nyo kay Bianca kung bakit naging PGR ang tawag sa kay Bloigg..

Nag karoon ng night swimming ang mga engkantos sa Antipolo sa pangunguna ni PGR at ni Princesa. Isang napakasayang pagtitipon ng mga nilalang.. At dito umusbong at naging official ang pag iibigan ng dalawang Engkantos.. Si Princesa at si Kondesa.. Dalawang bagong engkantos ang nadagdag.. sina Luna Mystika at si Dabo..

March:

Nagbalik ang dating hinagupit na si Alitaptap.. na ngayon ay mas gustong tawagin na Tinkerbell. Galing siya sa isang masalimuot na mundo.. kakaiba sa mundo ng mga engkantos.. Malaking pasasalamat niya sa Dyosa.. at naging magkaibigan ulit sila.. na naging dahilan ng kanyang muling pagbabalik.


April:

Dark days ito para sa mga engkantos... Nagkahiwalay ang Princesa at ang Kondesa.. matapos ang halos dalawang buwan na pag iibigan.. Malungkot ang mga engkantos.. na naging saksi sa maayos at magandang pag iibigan ng dalawang nilalang.. subalit hindi kinaya ng kanilang mga powers ang sigalot na nangyari sa dalawang engkanto..

May:

Isang malaking pagtitipon ang nangyari sa Garahe Bar kung saan winelcome ang mga bagong engkantos.. sina Maxwell... Shoti... Popoy... at si Deathnote... Nag imbita ang PGR sa kanilang bahay sa Antipolo at naimbitahan ang ilang mga engkantos.. pati na din ang dalawang bagong engkantos na sina Maxwell at Popoy..


June:

Isang malaking controversiya ang kinasangkutan ng Princesa at isang dating engkanto na ngayon ay wala na sa engkantadya. Nagalit ang princesa, wala daw katotohanan ang kontrobersya. nagbigay din ng testimony ang Dyosa at ang Amasona .. kwinesyon ang kredibilidad ng dating engkanto.. At dahil dito.. tuluyan nang natiwalag ang engkantong ito kasama ng isa pang engkanto na tinuturing niyang bestfriend...

Makalipas lang ang isang linggo.. isa na namang engkanto ang tiniwalag, dahil sa hindi pagkakaunawaan na ang mga sangkot ay sina: prinsesa at kondesa at nadamay sina dyosa at amasona.

Nagkaroon ng despedida party ang mga engkantos para kay PGR.. na pupuntang Jakarta, Indonesia... magiging OFW na ang Reyna.. (pero bakit daw sa Indonesia pa.. ? tanong ni Santino. hahaha).. Halos lahat ng mga engkantos ay present.. Maliban kay Santino na nasa ibang bansa na.


July:


Nagcelebrate ng birthday ang Princesa.. Videoke Session.. sa Music 21 ulit.. May dalawang bisita na nakisaya sa kanyang kaarawan.. Si mksurf8 at si G.. Masaya ang pagtitipon.. Siyempre ang star ng pagtitipon ay masaya.. Pero nagulat yata siya ng matanggap ang bill ng kanyang credit card.. Imbes na P3,300 .. P33,000 ang nakasulat sa kanyang bill.. Nawindang ang princesa.. di kinaya ang nakita sa kanyang bill.. at ayun.. sumugot sa Music 21 para ireklamo ang kanyang bill hehehe

And later that month.. nag celebrate din ng ika 2nd year anniversary ang mga engkantos.. Dalawang taon ng samahan.. pagkakaibigan.. pagkakapatiran..at pagmamahalan.. hindi maikakailang sa dalawang taong ito.. napatunayan ng bawat engkanto na naging bahagi sila ng buhay ng bawat isa. Lalo na ng mga original na sina Dyosa.. Princesa.. Amasona.. Diwata at Santa.. More years of frienship.. friendship for life..

August:

Isang bagong engkanto ulit ang napabilang.. si Dingdong.. Hindi aksidente ang kanyang pagkakabilang sa grupo.. matagal na plinano ng Amasona na gawin siyang engkanto.. nagkataon lang na na involved siya sa isa pang engkanto.. pero walang nangyari... di nag prosper ang kanilang naumpisahang pagsasamahan..

September:

Ang isa sa mga bunsong engkantos ay nagcelebrate ng kanyang graduation... si tinkerbell.. Nagtipon tipon ang mga engkantos.. First time nangyari ang isang pagtitipon na kung saan ay nag dinner sa isang resto ang mga engkantos. Na usually ay puro tagayan lang ang nangyayari. At dito nabuo ang tinatawag na mga lamanlupa at kutonglupa. Mga lamanlupa ay yung mga elders.. na sina Dyosa.. Princesa.. Amasona.. Diwata.. PGR... Popoy.. Tasya.. at si Santa.. at ang mga kutong lupa naman ay sina.. Silentboi... Tinkerbell.. Shoti... Maxwell ....Dingdong.. at Shoti..


October:

Nagcelebrate ng kanyang kaarawan ang Diwata sa DB Bar.. halos kumpleto ang mga lamanlupa at kutong lupa. Masaya.. walang kasing saya.. kitang kita sa mga mukha ng mga umattend.. lalo na ang may kaarawan na si Diwata.

November:

Another dark days din ito para sa mga lamanlupa at kutonglupa... matapos ang 10 months na pagsasamahan ng dalawang engkantos.. nauwi din sa paghihiwalayan.. Sobrang nalungkot ang Dyosa..ang princesa at ang amasona na noon ay magkakasama nang matanggap nila ang masamang balita..

Samantala... isang engkanto naman ang nakahanap ng bagong magpapatibok ng kanyang puso. At masaya na din ang ibang engkantos para sa kanya.. Yun nga lang.. kasabay ng kanyang panibagong pag ibig ay ang kanyang pananahimik.. pag la lie low sa mga nakagawian niyang activities.. which for the engkantos.. its a sign of his contentment and happiness.


December:

Ito na yata ang pinakamasaya at memorable na month para sa mga lamanlupa at kutong lupa. Hindi lang buwan ito ng kapaskuhan.. ito rin ang buwan kung saan isang engrandeng pagtitipon tipon ng mga lamanlupa at kutong lupa para i celebrate ang Holiday Season. Sa isang hotel ginawa ang pagtitipon.. may palitan ng regalo.. kainan at mawawala ba naman ang inuman..... masaya.. halos lahat ay nag enjoy.. sana next year.. ulitin natin to..


So there... ang Year End Report ng mga kaganapan sa mundo ng Engkantadiya.

(just for the record lang ito.. para may babalik balikan tayong mga memories..)



HAPPY NEW YEAR!!!

Monday, December 28, 2009

Engkantong Christmas Party ng mga Lamanlupa at Kutonglupa

Dec 27, 2009, bandang 3pm nag check in sila Purple abode at si Wall street. Samantalang ang ibang lamanlupa at kutong lupa ay naggagayak pa lang. At ano daw itong balita ni Bianca na agahan daw ng mga engkantos ang pagpunta sa Hotel. at baka magutom ang dalawa (purple abode at wall street) at baka pag late na dumating ang mga engkantos ay di na nila mabuksan ang pinto dahil sa pagod... Pagod saan? hahahaha kaya nakiusap ang dalawa kay Bianca na sabihan ang mga lamanlupa at kutong lupa na agahan ang punta.


Samantalang ang iba ay on the way na patungong hotel ay ilang minuto lang ay dumating na ang dalawa.. sina Piolo Pachelu at si Guest#1. May nagbulong kay Bianca.. na kaya daw maaga dumating ang dalawa ang nag titipid.. libre nga naman ang room.. bakante.. ayun.. nagkulong agad ang dalawa. Ay!! taas ang kilay ng mga lamanlupa at kutong lupa.. (ano kaya nangyari sa loob ng kwarto?!?) hahaha

Mga bandang 5pm dumating si Gerald Anderwear.. Hot pa din talaga ang kutong lupang ito. Na akala yata ay late na siya.. at 12noon nag start ang party. "ang aga mo naman?!!" tanong ni Bianca!.

Nasa biyahe na ang ibang engkantos.. tumawag si purple abode kay Cesar Mutano na kasama sila Sam Gilbeys at Luna Mystika. Ano kasama ni Cesar Mutano si Luna Mystika? Tanong ni Bianca.. diba may nakaraan sila? Sabay kanta ng "Muling Ibalik andg Tamis ng Pag ibig".. Nawindang si Bianca hahaha

Nagtext si Purple Abode kay Cesar Mutano.. nagpapabili ng STREPSILS.. strepsils?!? Bakit namaga kaagad ang lalamuna niya? ilang oras lang silang nag.... hahaha hmmmm.. napaisip tuloy si Bianca kung ano nangyari at kailangan ni Purple Adobe ang Strepsils.. Bumulong si Sam Milbeys.. "baka may pumasok na foreign body sa lalamunan niya kaya namaga".. Ano daw? Foreign body?!!! hahaha. Ang tanong.. gano ba kadaming foreign bodies ang pumasok.. at biglang namaga? hahaha

Mga bandang 7pm na nang dumating si Cesar Mutano, Sam Gilbeys at Luna Mystika. Pag bukas ng pinto ..Say ni Bianca.. Welcome!! mabuhey!!.. sabay pasok sa ang tatlo at inilapag agad ang mga bitbit na pagkain sa mesa. Nadatnan namin ang lima na nanonood ng TV.. sa sala sila Gerard Anderwear, Piolo Pachelo, Guest #1 at si Rapunzel at sa kwarto naman ay si Wall Street... na tila wala sa Mood. nakakunot ang noo.. (nabitin daw) bulong ni Bianca.. hahaha.. At napag alaman na si Wall Street pala ang may kailangan ng Strepsils.. Ano daw?!! lalamuna niya ang namamaga? May Foreign Bodies? hahaha biglang tumbling si Bianca hahahaha

Habang hinihintay ang mga ibang lamanlupa at kutong lupa ay nanonood lang sila ang TV at ang iba naman ay nasa balcony.. tinatanaw ang ganda ng view. Habang nagyoyosi.




Maya maya ay isa isa nang nagdatingan ang mga iba pang lamanlupa at kutong lupa. Dumating sila Zanjoe Merudo at si Popoy Borkenhearted. Hinarang daw sila ng guard sa hotel entrance at hinahanapan ng ID.. Kaya to the rescue si Purple Abode at bumaba ng building para sunduin ang dalawa. Pagkaayak ng tatlo.. maya maya ay dumating naman si One Hot Papa... Bago pa siya dumating ay nag sisintemiyento na itong si Purple Adobe kay Cesar Mutano.. dedmakels daw ang magiging drama niya kay One HoT Papa.. (This time si Bianca naman ang nag Roll Eyes hhahaha) Ayun kay Purple Abode.. 3 days daw niyang sinuyo si One Hot Papa.. ay nagsabi daw itong pupunta.. pero ihahatid lang daw niya ang kanyang gift at pagkaing dala.. Say naman ni Cesar Mutano.. "Ok Fine Whatever!.. ako din di ko na tinitext.. magpunta siya kung pupunta.. Pero Im still hoping na pupunta siya... (rolls eyes ulit ang Bianca) hahaha

At tama nga.. Dedmakels ang One Hot Papa.. di pinansin si Cesar Mutano.. May tension daw yata kasi.. nasa balkonahe si Sam Milbeys at alam niyang magkikita at magkakausap ulit sila ni One Hot Papa.. after almost one and a half months na di pagkikita.. ngayon lang ulit sila magkikita..

Nagutom na yata ang mga engkantos kaya nag umpisa na silang maglafangan.. este kumain. Madaming pagkain ang nakahanda sa mesa.. May Chicken, Lumpiang Shanghai, Palabok, Pichi pichi, Shomai Salad.. KFC bucket of Chicken.. BIG round of Pizza..Softdrinks.. busog ang mga lamanlupa at kutong lupa..



Dumating si Dingdong.. galing daw casino bago umakyat sa room.. Ano?!!! si Dingdong nagkaCasino? Aba matutuwa si Santino pag nalaman niyang nagkaCasino si Dingdong.. Magkakaundot.. este sundo sila.. biglang nag head spin si Bianca sa floor.. hahaha


Maya maya ay inumpisahan na ang tagayan.. habang hinihintay si SHOBE... na galing pa daw sa Manila Pen.. wow sosyal.. (may ka EB daw sabi ni Bianca!!) chismosa din talaga itong si Bianca no? kung ano ano ang chinichizmis hahaha At siyempre.. pinangunahan ni One Hot Papa ang tagayan.. Dalawang imported na alak ang binuksan.. Carlos I at Chivas Regal.. courtesy of Santino.. Nahingi si Purple abode kay santino ang alak matapos ang kanilang tampuhan.. tagay dito tagay doon.. Sosyal na ang mga lamanlupa at kutonglupa.. imported na alak na ngayon ang binabanatan.. kung dati dati ay solve na si sa San Mig Lights at Red horse.. Ngayon imported na alak na.. Salamat Santino sa alak.. mwaah mwaahh..


Dumating si Shobe... at nagpatuloy ang kasiyahan.. Na excite si purple abode? Bhaket daw? (tanong ni Bianca)... ang sagot eh itanong mo kay Cesar Mutano.. hahaha... (roll eyes naman ang mga lamanlupa at kutong lupa.. hahaha)


Nagpaalam na ang ibang engkantos gaya ni One hot Papa, Sam milbeys at Gerard Anderwear.. na kahit anong pilit ni Bianca na mag stay sila ay si talaga napigilang umalis.. Si Gerald Anderwear ay may pasok pa daw kinabkasan.. samantalang si SamGilbeys at One Hot Papa ay di malinaw ang dahilan nila kung bakit sila uuwi na.. Bumulong si Bianca.. Mag uusap daw ang dalawa.. at mag... (Hanuvah Bianca.. ikaw talaga.. Teka may dala silang bag? travellers bag? pwede pa ba silang mag check in? haha ... parang travellers lang? hahaha)


Medyo nagkakalasingan na.. at mga restless na ang mga lamanlupa at kutong lupa. nagkatipon tipon sila sa isang kwarto.. May conference yata sabi ni Bianca. hahaha sama sama silang nakahiga sa kama at yung iba naman ay naglatad sa floor.. Pinangunahan ni Cesar Mutano ang kwentuhan.. ala Lola Basyang ang dating.. nakapalibot ang mga kutong lupa.. pati na din ang lamanlupa.. taimtim.. taimtim daw?!? na nakikinig sa kwento ni Lola.. hahaha..

Bumanat si rapunzel.."Noy.. ibinibigay ko na sayo ang buhok ko.. mas mahaba pa pala ang buhok mo sakin... at may ASIM ka pa pala talaga".. tawanan ang mga kutong lupa at lamanlupa.. Tumambling naman sa ere si Bianca.. di kinaya ang kwento ni Dyosa.. hahaha

Sa mga enkantos.. si Purple Abode ang unang naging casualty.. Kakaiba talaga itong si Purple Abode... lumalabas ang paka pilyo pag nalalasing.. to the rescue lagi si Wall Street... Mala Jawo kung magbantay.. Kulitan.. tawanan sa loob ng kwarto habang tuloy ang tagayan.. this time inatasan ni Bianca si popoy brokenhearted na maging tanggero.. naubos na ang unang dalawang alak.. inilabas naman ang dala ni Shobe na Vodka... pasa pasa ng baso.. kasama ng chaser na coke.. sprite... umikot ang baso.. lahat ng engkantos.. umiinom pa din.. Si purple abode.. habang nadadagdagan ang naiinom.. lalo nagiging pilyo.. tuksuhan.. harutan.. kulitan..


Gumana ang kapilyuhan ni Purple Abode.. ang kulet.. sobrang kulet.. Nawindang si Bianca.. di kinaya ang kakulitan ni Purple Adobe. Nagpatumbling tumbling sa ere. Samantalang si Wall Street.. hindi iniwan si Purple Abode.. laging nasa tabi.. nakabantay.. parang si Jawo kung magbantay. Sumpa ng kama si Purple Abode.. tumabi kay Shobe.. hinawakan sa kamay.. tinitigan sa mga mata si Shobe.. tawanan ang lahat... Si Zanjoe Merudo.. todo bantay din ka kanyang junakis na si Shobe.. inilalayo kay Purple Abode.. (say ni Bianca.. Hanuvah!! hawak lang naman... di naman huhubaran.. hahaha) Kahit na... ganun talaga kaober protective yang si Zanjoe Merudo.. lalo na pag dating sa junakis niyang si Shobe.. hahaha.. Tawanan ang lahat.. sa kakulitan ni Purple Adobe..

Bumalik sa floor si Purple Abode.. super alalay naman itong si Wall Street.. Kung over protective itong si Zanjoe Merudo sa anak niyang si Shobe.. mas over protective itong si Wall Street... hahaha Si Bianca.. tuwang tuwa sa tabi.. habang pinapanood si Purple Adobe sa kanyang pangungulit.. Nawindang ang lahat.. nang biglang..

"Bhe.. gusto kong maghubad.." Nagtawanan ang lahat... si Shobe.. pumalakpak.. "Yehey.. maghuhubad.. sige sige... Narining ni Wall street ang sinabi ni Shobe. "Ano kamo? Anong sabi mo?"... Natameme ang Shobe.. nag blush...di kinaya ang tinuran ni Wall Steet..hahaha. Nag hubad si Purple Abode ng Tshirt.. tapos maya maya.. shorts naman.. White brief lang ang tinira.. white brief na regalo sa kanya ni rapunzel.. sa sobrang pagka excite ayun.. sinuot agad yung brief.. tapos nag rereklamo na makati daw yung brief na suot..

Samantala.. tumawag ang Santino .. overseas call.. tumawag sa cellphone ni Purple Adobe.. kinakamusta ang mga kaganapan sa party.. bukod kay purple adobe.. nakausap din niya si Shobe.. at si Dingdong.. pati na din si Cesar Mutano.. Gusto sana ding makausap ni Bianca si Santino.. pero busy sa kakatambling kaya di na niya nakausap. hahaha.. Tapos niyang tumawag ay nag text mode na lang sila ni rapunzel.. ayun.. etong rapunzel ay nag rereport pala ng mga kaganapan blow (job) by blow (job).. kaya alam lahat ni santino ang mga pangyayari..

Umalingawngaw ang hagalpakan sa loob ng kwarto... tamang mag aalas dos na ng umaga... sobrang kulet na ni Purple Abode... si Bianca.. nahilo na sa kakatambling sa kakulitan ni Purple Abode.. at ayun.. nagpaalam na ang mga kutong lupa.. si Shobe.. si Dingdong.. pati na din ang lamanlupa na si Popoy brokenhearted.. Di na alintana ni Purple Abode ang pag alis nga mga kutong lupa.. Bagsak.. plakda sa kama... pero bago tuluyang umalis ang mga kutong lupa.. isang katawang eksena ang nangyari.. itinuro ni Dingdong ang mga paa ni Purple Abode.. tawanan ang lahat.. tila ba parang galing lang sa farmville ang senglot na si Purple Abode.. at ang dumi ng paa.. hahaha.. kita kita kung gano kadumi ang paa.. parang paa ng magbubukid.. sabagay.. true blood farmer talaga ang Purple Abode.. katunayan siya ang reigning queen ng farmville.. hahaha



Ntapos na ang kasiyahan.. unti unti na nagpahinga ang mga laman lupa at kutong lupa.. Teka.. wala yatang kutong lupa na naiwan.. lahat sila umuwi na.. Sa kwarto.. nakahiga sa kama si Purple abode at si Wall Street.. sa lapag naman ay nakahiga Si Cesar Mutano at si Luna Mystika.. Samantalang si rapunzel ay nasa sala.. sa sofa nahiga.. si Zanjoe Merudo ay umuwi din pala.. mga bandang 3am.. at sa kabilang kwarto ay sina Piolo Pachelou at si Guest #1.. Sumikat na ang araw.. isa isa na ding nag uwian ang mga lamanlupa.. tanging sila Purple Abode at Wall Street na lang ang naiwan...

Masaya.. isang napakasayang pagtitipon ng mga engkantos.. Once in a lifetime experience kumbaga.. salamat sa lahat ng mga lamanlupa at kutong lupa na nagsipunta.

Purple Abode
Wall Street
Cesar Mutano
Zanjoe Merudo
Piolo Pachelu
Guest #1
Sam Gilbeys
Gerald Anderwear
Shobe
One Hot Papa
Dingdong
Rapunzel
Luna Mystika

at Sa mga Wala na sina

Santino
Tsupaeng
Tinkerbell

Kahit wala kayo.. nasa puso at isipan kayo ng mga Engkantos..
==========================


Ito ang revelations ng Kris Kringle / monito - monito:

Codename:

Garahe Boi - Dyosa
Red Horse - Dingdong
Perry - Amasona
Silencio - Silentboi
Brokenhearted - Popoy
Hardrockboi - maxwell
Shobe - Shoti
Kembot - Papa Jason
White Brief 29 - Princesa
Cloudstriker - Tinkerbell
One Hot Papa - Papa Tagay
Watchtower - Dingding
Panda - Lukayo
Rapunzel - PGR


Mga monito ni monito

Garahe boi - Red Horse
Red Horse - Garahe Boi
Perry - Cloudstriker
Cloudstriker - One Hot Papa
One Hot Papa - watchtower
Watchtower - brokenhearted
Broken Hearted - Silencio
Silencio - Perry
Shobe - Rapunzel
Rapunzel - White Brief #29
White Brief#29 - Hardrockboi
Hardrockboi - Panda
Panda - Kembot
Kembot - Shobe
Shobe - Rapunzel

Friday, December 25, 2009

Maligayang Pasko

Sa mga lamanlupa at kutong lupa..

Raindarwin - Dingding
Marhk
Papa Tagay
Galen
Lukayo - guest no.1
Bloigg
Tsupaeng
Popoy

Silentboi
Dingdong
Shoti
Tinkerbell
Maxwell

isang mainit na pagbati mula kay FOX (Dyosa)

MALAIGAYANG PASKO!!!

kita kits sa linggo.. enchanting christmas party ng mga engkantos..

Friday, December 18, 2009

Nosebleed Chronicle: Public Apology

Mahal naming Santino at Tsupaeng,

Dalangin namin, habang binabasa ninyo itong munting liham ay ligtas kang naglalayag Santino sa mga bansang hindi pa naabot ni Tsupaeng na kanyang pinapantasyang marating.

Ang liham na ito ay ang paghingi namin ng paumanhin sa napakalaking kasalanang aming nagawa (mga engkanto) sa pagbabalewala ng inyong presensya ngayong darating na Christmas party. Bagamat sa kaso ni Tsupaeng na inuuna ang “fafah” bago ang engkantadya ay justifiable lamang kung bakit nakalimutan ka ng mga engkanto sa monito-monito. Dahil dito, ang paghingi namin ng paumanhin sayoTsupaeng ay may kasamang pambuburaot dahil sa yong di pagpaparamdam tuwing may tagayan. Minsan ka nga lang sumama sa tagayan….may kasama ka pang “durog” na halos ikatulala ng mga engkanto. Eh pano ba naman, nagkwento nang nagkwento ang kasama mo ng buhay ng manikang si Barbi at ang kanyang lovelife daw. Ayan tuloy, shocked ang mga kutong lupa, di makapagsalita, dugo ang mga ilong. Ang nag-enjoy lang yata ay si Papa Joms na talagang na-“educate” sa latest life ni manikang barbi, hahahahahaha.

Sa kaso mo naman mahal naming santino, kahit ikaw ay “naglalayag” ay ramdam namin ang iyong presensya dito sa blogosphere. Walang araw na hindi ka nagparamdam at nagpahiwatig. Kung kaya’t, kahit nasa malayo ka, para ka na rin naming kapiling.

Kagabi, kasama ko ang Dyosa sa gym. Matapos nyang pagsawaan ng tingin ang mga gwapong twinks na nagbubuhat, inumpog nya ang kanyang ulo sa wall… sabay sabing… “malaki pala ang kasalanan natin kay Mahrk”. Ang sagot ko naman,,,, ”ikaw lang Dadi, kasi ikaw ang pinuno noh?” Hugas ako ng kamay, hehehe. Pero dahil nga sa isa ako sa promotor ng monito-monito ay nakukunsensya din ako sa mga pangyayari, muntik ko na ring ang i-umpog ang aking “ulo” sa twink na bakat na bakat ang kanyang “ulo” sa kanyang jersey shorts, heheheh.

Hayaan mong ipaliwanag namin mahal na santino ang dahilan kung bakit hindi ka namin isinama sa monito-monito. Unang-una, wala ka sa Pilipinas. Sino ang magbubunot para sayo? At paano mo ipapadala ang gift mo? Pangalawa, hindi ka rin naman makakarating sa Xmas Party.

Pasensya ka na kung naging bobo kami ng Dyosa. Pwede nga palang ako ang bumunot para sayo, at pwede nga palang ipadala mo ang gift mo. Nanghihinayang tuloy ang kuripot na si Bloiggster. Oo nga naman kung nabunot mo sya, siguro kahit lahat ng series ng Harry Potter pwede mong iregalo sa kanya.

Sobrang ipinagdaramdam ng Dyosa ang aming naging kapalpakan. Gusto na nya tuloy mag-voluntary crown dethronement. Sabi ko wag ! Mapapariwara ang mga engkanto kapag si Tsupaeng ang namuno, hahahahaha.

Naiintindihan ko rin kung bakit halos 30 mins mo akong sinumbatan sa phone. Nanghihinayang din ako sa dolyares na ginastos mo para lang sumbatan ako. Pero at least na-realize ko ang aming pagkakamali.

Ang paghingi namin ng tawad ay bukal saming damdamin. Bagama’t may pagka-comedy ito, iniiwasan namin ang maging sobrang seryoso kasi nga baka sa mental kami pulutin, alam mo na.
Umaasa kaming maihahandog mo ang iyong kapatawaran ngayong pasko. Hinihintay po kasi namin ang mamahaling alak na ibibigay mo. Bitin po kami sa isa, gawin mo na sanang dalawa.
Maraming salamat po santino .

At sa yo Tsupaeng, patawad din. (Roll eyes ang mga lamanlupa.. Oi deserved nya rin ang sorry noh? Kahit dedma na nya tayo)

Ang karugtong ng inyong ugat at litid,
PRINSESA

NOTED BY: DYOSA

Signed by:
Dyosa
Amasona
Diwata ng mga Diwata
Diwata ng Hangin
Diwata ng Apoy
Diwata ngTubig
Diwata ng Lupa
PGR (Pato Gandang Reyna)
Alitaptap
Kondesa
Dukesa
Prinsesa
Popoy

(Signature in hard copy to be expedited upon request)

Tuesday, December 15, 2009

Mga totoong wishlist

Eto ang mga WISHLIST ng mga lamanlupa and kutong lupa. Kung nakita niyo na ang wish ng nabunot niyo, gora na.. bili na agad.. pero kung wala pa ang wish ng nabunot niyo.. wait lang kayo..

=======================================
codename: Perry

1. Gym Gloves

o kaya eh

2. Earphones na Phillips

=======================================
codename: rockhardboi

tshirt lang. v neck sana. wag kulay pink, violet or red. kahit plain lang oke na. small or medium ako, dependa sa shirt.

========================================
codename: garahe boi

boxerbrief na lang.. plain color or bulaklakin pwede na din. medium to large ang size.. stretchable naman yun eh.. Bench or mossimo or penshoppe ang tatak

========================================
codename: watchtower

polo shirt na lang na dark colored.. medium lng..

==========================================
codename: white brief # 29

wish:
obvious naman white brief ang gusto ko. Penshoppe ang tatak, sexy cut. Size 29.

=========================================
codename: KEMBOT.

wishlist:
- workout shirt na sleeveless
- tshirt (w/ or w/o collar) na large sa bench. Simpleng print lang pero wag naman ung pang-kunduktor na print. preferrably in navy, maroon, black, chocolate brown, pewter or gunmetal. Haha =P
- navy or black na boxer briefs sa penshoppe (large)

=========================================
codename: RedHorse

Simple lang hiling ko

Oakley na shades haha!

pero kung namamahalan kayo dun

Imported na chips na lang(e.g. Ruffles,Doritos) AYOKO ng Pringles ah!!! yung dami depende sa minimum, pero kung galante naman kayo tatanngapin ko naman kahit damihan nyo.. :D

=========================================
Codename: Broken Hearted

simple lang naman wish ko:

1.Tumbler from Starbucks
2.Boxerbrief sa Mossimo or Bench yung MOBO size:Medium:27
Color:White/Black

=========================================
codename: rapunzel

1. The Venetian Betrayal by steve berry

2. The Amber Room by Steve Berry.

3. The Brotherhood of the Holy Shroud by Julia Navarro

Maari naman pong makita ng mga aklat na ito sa Power Books, National Bookstore, at lalo na sa Fully Booked!

=======================================

codename: SILENCIO

1. brief from bench, mossimo or penshoppe, large

2. perfume from oxygen

=======================================

codename: One Hot Papa

blutooth na headset, yung mura lang from CD-R king

=======================================

codename: SHOBE

gift certificate from sodexho, ikaw na bahala kung magkano.

=======================================

codename: PANDA

1. gift certificate mula sa Bench or Penshoppe o F&H o Sodexho

2. Cash Pwede din

3. manlibre ng mga batang kalye (ages 4 and below) at picturan bilang katibayan
==============================================


codename: CLOUDSTRIKER

1. gym glove na nike

2. amino acid capsul

3. mega mass choco flavor

Sunday, December 13, 2009

Nosebleed Chornicle: Wishlist

Ipinagdiwang ni souljacker kagabi ang kanyang ika-labing pitong kaarawan (walang pakialaman sa age hehehe) kapiling ang mga lamanlupa. Sobra syang nahipo sa regalo at white forest cake na inihandog sa kanya ng mga lamanlupa. Napa-pindot si Bianca sa bell habang kitang-kita sa eksena ang ningning sa mga mata ni souljacker nang awitan sya ng … happy birthday !

Ipinagdiwang din kagabi ang birthday ni stonedgym. Ngunit hindi sya nakarating kagabi. Hindi daw pinayagan si stonedgym ng kanyang mommy na lumabas ng bahay. Malamig daw kasi, baka sipunin sya. Blame it to the weather ! sabi ni Ate Bianca. (Peace stoned gym, we love you.)

Dalawa ang candles na blinow(job) ni souljacker. Tig-isa sila ni stonedgym. Nagtatanong si Ate Bianca kung ano daw ang birthday wish ni souljacker…… Ano daw??? (bulong). Echosera talaga itong si Ate Bianca heheheh.

Hot pa rin si hot#1 kagabi. Yun nga lang, hindi dumating si Edward Cullen. Suggestion ng mga lamanlupa kay Jacob, patawan na raw si Edward Cullen ng corporal punishment. Pero ngayon pa lang bad-trip na itong si Vulturi, as in seryosong bad-trip na kasi raw hindi sinasagot ang txt at tawag nya kay Edward. Scared na si Ate Bianca. Baka raw magka-chaos ang encantadia. New Moon pa lang noh? Hindi pa “The Breaking Dawn”.

Okay ang porma ni Dingdong kagabi. Luwa ang mata ng mga lamanlupa. Astig sa kanyang suot na leather jacket at body fit na tshirt. Huli pa naman syang dumating kagabi at talagang dramatic entrance ! Sabi ng isang lamanlupa…. Nakaka-“L” daw tingnan….
As in nakaka “ligayang” pagmasdan kasi ngayon lang nakitang pomorma si Dingdong ng ganuno ka-astig. Matagal na nawala sa sirkulasyon itong si Dingdong kaya na-miss ng mga lamanlupa.

Dalawa ang invited guests kagabi: sina Johnny Cursive at Darknight . Close na sila sa mga engkanto. Ilang beses na rin silang naanyayahan sa mga tagayan. Niluluto at ginigisa pa ang kanilang pagiging vampire. Sang-ayon na ang mga lamanlupa para mapabilang ang dalawa sa kulto. Pero sabi nga ng lobo, hayaan muna nating i-enjoy ang moment na kasama ang dalawa. Afterall, New Moon pa lang. Next year pa ang Eclipse. May panahon pang makapag-isip-isip ang dalawang ito bago sila maging vampire.

Teka nosebleed si Ate Bianca kasi seryoso na raw ang usapan.

Balik tayo sa rebelasyon.

At ano itong nakita namin Jacob ha? Na tinuturuan mong mag-yosi itong si Dingdong ! Nag-react nang husto itong si Zanjoe Maduro nang makitang nagyo-yosi ang alaga nyang si Dingdong ! Ayun, kinuha ni Zanjoe ang yosing hawak-hawak ni Dingdong at pinagsabihang….. “Cigarette smoking is dangerous to your health”.

Roll eyes ang mga lamanlupa. Smoker kasi itong si Zanjoe. Pero tama ka, sabi ni Ate Bianca. Wag nang turuan ang mga hindi nagyo-yosi kasi talagang mahirap alisin kapag na-adik ka na dito.

Uso yata ang bawalan at kontrahan kagabi. Kasi itong si L, pasimpleng tumitig ng masama kay J nang makitang nagyo-yosi si J. Pasimple ring pinagbawalan. Pero hmmmm… kita ka ng mga lamanlupa pre… Eh dati naman palang nagyo yosi itong si J noong college, eh bakit pinagbabawalan mo L ha?

Pero ang cute nyong dalawa kagabi ha? Pareho kayong naka black. Blooming na blooming ang dalawa. Bagay na bagay kayo sabi ni Bianca !

Pinagbawalan din ni R na uminom ng madami si D. Dumating sa puntong pinagtataguan ng alak si D. Eh pano naman kasi imbudo itong si D as in kung makakalaklak ng alak para wala nang bukas. 6am pa naman ang pasok nya at marami silang kaso (sa korte?) anoooo? Diyatat attorney pala itong si D!!! (nosebleed ka ngayon santino ! hahahaahha)

Sabay-sabay nagtakip ng ilong mga lamanlupa dahil sa nosebleeding na usapan nitong sina Naruto at Bleach. Pano ba naman puro anime ang kanilang usapan. Nakatunganga ang mga lamanlupa habang bumabangka ang dalawa. May humihikab na, may nagro-roll eyes, at may nagtitinginan na lang. Tuloy pa rin ang dalawa, walang pakialam kung dinudugo na ang mga kasamahan. Hindi nakatiis itong si Pilyo. Ang sabi ba naman… “Isa lang ang pinapanood kong anime.. yung Hentai !” Buraot ka talaga pilyo!

Umamin itong si Rocky sa kaibigan nyang straight na sya ay bi. Ang kaso itong palang pinagsabihan ni Rocky ay ipinagsabi din sa iba pang mga kaibigan. Kinorner tuloy itong si Rocky ng kanyang mga kaibigan, kinompronta ang kanyang kasarian. Napa susmaryosep tuloy itong is Paul Jake.

Tanong ni Paul Jake… “So anong sinabi mo? Umamin ka?”

Oo, ate Bianca umamin daw itong si Rocky na sya ay bading. Shocked daw ang kanyang mga kaibigan. Tinanggap naman ng maluwalhati itong si Rocky na kanyang mga kaibigan sa kabila ng kanyang kapansanan (hahahahahah kapansanan talaga !!!)
Pero siempre may mga kaibigang hindi naniniwala…. kasi nga talagang sobrang straight acting itong si Rocky as in no trace. Ang sabi pa sa kanya ay… “baka nasa stage ka lang ng identity crisis!”

Jusme naman ! 27 sya ka na tapos nasa identity crisis ka pa ? Lifetime ang iyong identity crisis? Parang si Lobo ! lifetime din hahahahahaha.

Nagbunutan ang mga lamanlupa para sa kanilang monito-monito ngayong darating na Christmas Party na gaganapin sa Hotel. Kasama sina Johnny cursive at darknight sa monito-monito… (natatawa si ate Bianca sa word na monito-monito hahahaha).
Ang bawat isa ay may code. At iyon ang gagamiting name sa bunutan. Kaya’t walang idea kung sinong lamanlupa ang mabubunot. May nag suggest na dapat daw magka-idea ang lamanlupa kung anong gustong gift ng kanyang monito. Dapat daw may wish list. Hmmm.. Good idea sabi ng lobo.

Kaya post nyo na lang sa comment kung ano ang wish nyo using below format. Your name must be anonymous.
--------------------------
Codename: XXXXX
Wish list (in order of priority)
1.
2.
3.

PS. Para sa mga iba pang detalye.. mag antay ng text message mula sa Dyosa..

Tuesday, December 8, 2009

Nosebleed Chronicle: Sagip Puri

Naka-survive ang mga lamanlupa sa bagyong Ondoy. Hindi na kinailangan ang saklolo ng sagip kapamilya ngunit sa nahaharap na problemang pinansyal ngayong pasko, makasurvive kaya sila?

Sagip Puri

Natanggap na ang Christmas bonus, pero parang dumaan lang sa kamay. Nawala nang parang bula. Yan tuloy sa Christmas party ng mga lamanlupa naubusan ng budget. Nagpapakiramdaman, walang nagdo donate na barya kahit inilibot na ang lata ng donasyon.

Oo nga’t sinagot na ni Makisig ang accommodation sa Hotel, pero ang problema sabi ni Jacob, wala pa raw budget sa cognac. Aba’t talagang sosyal, broke(back) na ang mga lamanlupa pero Chivas Regal Cognac pa at Johnny Walker pa rin ang gustong lalaklakin. Pwede namang lambanog na lang sa batangas eh bakit sa may signature pang alak !

Binulungan ni Jacob si Makisig. Humingi raw ng donasyon kay Santino…..

Nagpakailing-iling itong si Makisig. No Way daw! Magkaaway pala as in may hidwaan pala sina Santino at Makisig!!!

At baket naman magkaaway? Tanong ng mga lamanlupa. According kay Bianca ng PBB ang reason daw ay: lalaki!

Anoooooooooooooooo? Ang babaw naman! Dahil lang sa lalaki masisira na ang friendship? Hindi naman siguro. Echosera talaga itong si Ate Bianca.

Ma pride itong si Makisig. Wag na raw lumapit kay Santino. Magko callboy na lang daw ang mga lamanlupa sa pangunguna ni Makisig para may pambili ng signature na alak.
Wait… may binubulong itong si Jacob…. Ahhhhhhhhh ok. Si Jacob na lang daw ang lalapit kay Santino tapos ang back up daw ay si Edward Cullen. Wow ha! nasa sirkulasyon na pala itong si Edward Cullen, matapos nyang iwan si Sabelle. Kaya wag kang epal Makisig ha? kahit hindi ka umeksena…. Makaka hingi ng donasyon ang mga lamanlupa kay Santino noh?

At bakit naman kung makahingi kayo ng donasyon kay Santino eh parang pinupulot lang nya ang pera? Aber??

Well according kay ate Bianca…. Nanalo daw si Santino ng 400 dollars sa casino!!!
Ganun !!!! Pwes pati panigarilyo, ipasagot na rin kay Santino !!!

Pero sabi nga ni Makisig. Wag na lang daw nating asahan si Santino, malay mo may pinagkagastusan sya ng malaki (sa mga lalaki nya, hahahahah). Ay, walang ganyanan, pero hmmmm… eh bakit Makisig parang concern ka pa rin kay Santino? Ha?

Anyways ang plano ng ibang mga lamanlupa, mag callboy na nga lang daw. Kahit 500 lang ang presyo… pwede na !!! wag lang T.Y. hahahahahaha.

Teka… may nangangalabit.. may bumubulong… Anoooooooooooooo? Si Jacob magko-callboy na rin daw!!!!!!!

Wahhhhhhhhhh! Mga lamanlupa! Sabay-sabay tayong mag ROLL EYES ……

Pag nag callboy si Jacob ay naku papa Joms, ibubugaw ka na rin ni Ate Bianca !

Ano daw??? Si Makisig? Mag-sho-show na raw sa cam? 100 pesos per view? Ay! Parang pay per view !!! hahahahaha. Ano ulet??? Talagang nagsho show daw itong si Makisig, ang bayad ay pasa LOAD? Ano ba yan !!! Hindi naman siguro totoo… As in mag pasa ka lang ng 2 pesos? Pwede ka nang mag view sa show nya? Sobra naman yata… Hindi naman yata totoo yan.

Ang bottom-line daw dito. Dahil nga sa broke(back) ang mga lamanlupa. Kelangan daw ng himala ni Santino ! Sagipin ang puri ng mga lamanlupa !!!

----------------------------

Ano daw?????????? Ay uber na yan ha? Napa-tumbling at nagpagulong-gulong itong si Makisig dahil sa binulong ni Jacob.

Kasi daw itong si Machete ay nagtitinda ng Panty at Bra sa opis !!!! (napa-sirko ulet si Makisig) nang sabihing racket daw talaga ito ni Machete. Ang akala daw kasi ni Makisig eh, isang beses lang nagtinda at nakatuwaan lang, pero ha? Racket daw talaga nya ito as in racket….

And take nota…. Malaki daw ang kumisyon nitong si Machete sa pagtinda ng panty at bra !!! Hindi kaya hindi lang makatanggi ang mga staff ni Machete dahil managerial level na ang posisyon nya? Naku ha? “No buy of panty and bra…. No salary increase”. Ay Machete, wag naman sanang ganyan……

Pero in fairview, may signature naman daw itong panty at bra na tinitinda ni Machete. Hindi naman daw galing sa ukay-ukay noh !!! sobra ka naman Ate Bianca. Mamahalin naman daw. Kumbaga ka-level ng calvin klein sa states. Eh nasa pinas sya, kaya…. Kalbin klayn ang leybel !

At dahil doon daw !!! itong si Jacob magtitinda na rin daw ng Panty at Bra sa pinag tuturuang eskwelahan pero gagamit sya ng ibang brand: Sarah Lee !!!!!!! Ay panalo !!! kapag hindi bumili ang estudyante ng sarah lee bagsak sa Physics. Ano daw? Pati sa Biology ibabagsak din? Uber na yan Jacob ha?

Pansin ko lang Jacob… kapag magko callboy ang mga lamanlupa.. magko callboy ka na rin.. at magbebenta ka na rin ng Panty at Bra dahil gusto mong gayahin si Machete.
Ano daw? Kukuha na ng bangketa si Jacob malapit sa school? Used male underwear ang ibebenta ? Hahahahahahahahahahhaahhaha.

--------------------------------

Na-gym daw itong si Forex. Palibhasa may seksi at hot na katawan, mataas daw ang market value nitong si Forex sa mga investors pero bumulusok pababa down to zero level ang kanyang value nang:

Nang mag-bench press daw itong si Forex pahiga sa bench sa center ng gym, nalaglag daw ang barya galing sa bulsa kasama ng…. condom wrapper !!!! na ginamit nina Forex at Wall Street sa kanilang pag-niniig ! Tawanan daw ang lahat nang nasa gym ! nagmistulang nasa comedy show daw itong si forex… dahil binuraot ng mga mga kasamahan. Pinagpyestahan ang condom wapper na ang tatak: PREMIERE (DOTTED RED).

Tinawag tuloy syang MASTER !!! Malupit sa Babae !!! Sigaw ng mga gymgoers… Teka !!! mga gymgoers KUNG ALAM NYO LANG, AS IN KUNG ALAM NYO LANG !.. hindi sa babae ginamit ni Forex ang condom noh! Kundi sa pwet ng Lalaki !

































































































































































(wala na noh ! scroll down pa kayo dyan !)

Thursday, December 3, 2009

updates...

Engkanto A:

busy sa work... actually.. nagbibisi busihan.. lapit na bakasyon.. tinatamad ng pumasok.. gusto na mag bakasyon.. hahaha.. lovelife...wala... pero may prospect(s) lols..... karir... paminsan minsan.. balak mag tago this christmas.. daming inaaanak eh.. lols

Engkanto B:

busy sa negosyo.. sa karir... lovelife... masaya naman siya. Nagbaksyon pansamantala sa probinsiya upang ayusin ang family business. Masaya naman siya ngayon sa kanyang career at karir.

Engkanto C:

Careerwise.. he's improving... medyo updgrading siya ngayon sa kanyang status bilang teamleader.. promotions means more responsibilities.. Lovelife.... zero... karir... zero din.. at mukhang tinalikuran na niya (pansamantala) ang mga nakagawian niya..
lately nagkakasakit at di nakapasok sa work.. salarin? veggie chicharon... lols

Engkanto D:

Biglang nanahimik... soulsearching daw.. tinext ni engkanto B... nireplyan ng.. "wag mo muna akong itext".. Huling nakita at nakasama ni engkanto A nung tumagay sila sa DB bar.. at mag open tungkol sa kanyang problem s lovelife...

Engkanto E:

Nakatagpo ng ka match.. na pinakilala sa kanya ni engkanto B.. ayun.. biglang nag lie low... sa twitter..sa blogging... sa ym.. pati na din sa text.. siguro pati nightlife nabawasan na din.. and so far... masaya naman daw siya ngayon sa kanyang lovelife..

Engkanto F:

Matapos ang kanyang nabigong pag ibig... ibinuhos ang sarili sa work para maging busy.. paminsan minsan.. lumalabas kasama ang mga kaibigan.. minsang inaya ni engkanto C na gumimik kasama ang ibang tropa.. kahit paano nalibang naman.. ngayon.. he's back to old self daw..

Engkanto G:

Di masyadong busy.. panay ang out of town.. kasama ang pamilya.. at ngayon tila may bagong karir.. sana lang hindi ito tulad nang dati na kilala pala ng ibang engkantos.. nung makita ang face pic eh.. isa palang effem...lols..

Engkanto H:

Panay din ang travel.. hindi lang out of town.. kundi out of the country din.. medyo.. busy din sa work lately.. 3 stations of work siya ngayon.. manila.. makati.. at pasig... lagare... so far.. careerwise.. ok naman siya.. lovelife.. wala yata eh..

Engkanto I:

Nag eenjoy siya ngayon sa bago niyang work.. mas gusto daw nya atmosphere sa new work place niya ngayon.. medyo di na siya masyadong nakakasama sa mga gimiks.. busy daw kasi.. careerwise.. he's doing great.. lovelife... hmmmm... ask him.. hehehe

Engkanto J:

busy din sa work.. medyo hassle sa kanya yung schedule niya lately kasi wala siyang gimik pag weekends.. weekdays kasi restdays niya.. pero alam ko.. back to normal na daw ulit schedule niya ngayon.. kaya gimik gimik na naman ulit.. kasama niya pala sa work ang isa pang engkanto.. same company sila...

Engkanto K:

Wala masyadong updates sa kanya.. busy daw siya ewan ko lang kung saan.. matagal na din kasi siyang wala sa sirkulasyon..

Engkanto L:

He's coming back home... ilatag daw ang red carpet... at paparating na daw siya.. OFW kung ituring niya sarili niya.. pero pag dumating siya nang walang pasalubong sa mga engkantos..humanda siya... lols

Engkanto M:

Nasa karagatan siya ngayon.. medyo may tampuhan sila ni engkanto B. ano dahilan? ask them.. lols.. may karir yata siya ngayon... kaya medyo masaya daw siya... pag uwi daw niya at kung sila pa daw ng karir niya.. ipapakilala daw niya sa mga engkantos..



so there... yan ang updates so far sa mga engkantos..