Followers

Thursday, April 28, 2011

si Mr. Mahusay

Sa pag-usbong ng bagong itlog sa mundo ng engkantadiya ay pag-usbong ng bagong persona na ngayon ay bukambibig ng ilan sa mga engkanto. Unti-unting napisa ang itlog noong Easter Sunday kasabay ng paglantad ng bagong mukha at pagsambulat sa pagkatao ng isang kontrabida na wawasak sa relasyon ng mga mag-asawang PLU, iiwasan at kamumuhian ng mga engkanto.

Sya ay walang iba kundi si............ Mr. Mahusay.


Dati nang pinagseselosan nitong si Dark Knight ang pangangalantari nitong si Mr. Mahusay kay Rain Darwin na kalaunay nahumaling din si Mr. Mahusay sa gumagandang katawan ni Dark Knight. Ang kinalabasan, malimit ang pagtatalo ng dalawa sa kapilyuhan nitong si Mr. Mahusay.

Easter Sunday, Splash Island

8AM

Kung tutuusin nasa magandang cottage na ang mga engkanto. Tahimik at presko ang lugar. Ngunit sa pag-eexplore ng mga engkanto sa kabuuan ng resort, napagtanto nilang kailangan nilang lumipat sa bagong lugar na kung saan…………………….. ay nandun si Mr. Mahusay!

9AM

Naligo ang mga engkanto sa swimming pool na may waves. Lumangoy, naghabulan at nang mapagod ay nagpahinga sa kanilang bagong cottage. At doon nila nasilayan si Felix na nakatira sa Norzagaray na umanoy eye candy nitong si Pilyo. Si Felix ay kababatang kapatid ni Mr. Mahusay.

10AM

Nadiskubre ng mga engkanto na meron palang misa sa loob ng resort. Upang makabawi sa kasalanang dulot sa kapilyuhan ni Mr. Mahusay, napagpasyahan nilang umatend ng misa at mangumonyon. Huli na nang malaman nilang…. Nandun pala si Mr. Mahusay!

12AM

Napagpasyahan nilang mag-slide sa “curle of the orient”. Bumulaga si Felix at nanlaki ang mata ni Pilyo. Habang may Americano at Negrong tila sumusunod sa bawat slide na kanilang ginagawa.

1PM

Nag-slide sila sa “Rio Montanosa”. May natanaw silang animo diwata sa puti, at anino sa itim. Napahalakhak ang mga engkanto dahil napagtanto nilang sina Americano at Negro pala ang mga iyon at sinusundan na naman sila.

2PM

Sa “Magellan’s Drop” ay masayang nag-slide-slide ang mga engkanto na feeling nasa rainbow. Wala si Felix, wala si Mr. Mahusay at wala rin ang kinaiinisan nilang diwata at anino.

3PM

Nagpapalit-palit sila ng slide habang iniiwasan ang diwat at anino. Na sa bandang huli’y hinahanap hanap ni Pilyo si Felix samantalang ang mga mata naman nina Dingding, Fox at Bunso ay nakatuon kay Mr. Mahusay!

3:30PM

Nagbanlaw ang apat sa shower. Huli na nang malaman nilang nag-sho-shower din sina Mr. Mahusay at Felix. Unang umalis si Felix dahil hindi komportable sa presensya ng mga engkanto. Ngunit si Mr. Mahusay ay malikot ang mata. Malimit makipagtitigan kay Fox !!! (as in 3 exclamation points ! well figure it out)
Nawala itong si Fox. Hinanap ng tatlo. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, sabay-sabay ang tatlo nang banggitin ang …. “Mr. Mahusay nandyan ka pa ba sa shower room?” Mr. Mahusay !!! Mr. Mahusay!!!!!!!!!!

Si Mr. Mahusay…. Nawawala!

Nang bumalik ang tatlo nakita nila si Fox sa locker room. Pero si Mr. Mahusay? Nawawala pa rin.

4PM

Bumalik ang apat sa shower room, dala ang sabon at shampoo para maligo. Laking gulat nila.. nandun na naman si Mr. Mahusay. Aminado ang mga engkanto. Gwapo itong si Mr. Mahusay. Hot sa kanyang board shorts na bumabakat ang kanyang pambihirang bulge!
Nag shower ang apat sa pwestong malapit kay Mr. Mahusay. Seductive ang pamamaraan ng pagsha-shower ng apat, tuwina’y sinasabon ang mga alagang nag-uumpisang magalit.
Si Fox ay nagpasyang mag-trunks na lang nang mapansin nyang panay ang sulyap sa kanya ni Mr. Mahusay. Si Fox at si Mr. Mahusay may namumuong pagtitinginan……

Nagkakasilipan na ba sila habang magkatapat na nagsha-shower? Tanging lagaslas ng shower ang saksi kung ano man ang namagitan sa pagtititigan nina Fox at Mr. Mahusay!

Unang natapos si Pilyo. Sumunod si Dingding. Si Bunso ay panay pa rin ang sabon sa kanyang alagang nakakulong sa kanyang brief at board shorts. Si Mr. Mahusay at Fox na may distansyang 3 metro bawat isa ay patuloy pa rin ang pag-se-seduct sa bawat isa!

Hanggang nagbihis ang lahat at lumabas ng shower room na panay ang tuksuhan at halakhakan. Ang kanilang topic? Si Mr. Mahusay!

5PM

Kumain ng meryenda ang apat at pagkatapos ay nagyaya na si Pilyo. Ngunit ayaw pang umalis ni Bunso. Malikot ang kanyang mga mata. Pilit hinahanap ang imaheng nagpapagulo sa kanyang puso’t isipan. Shocked ang tatlo nang sinabi nyang…………. Ibig nyang muling Makita si Mr. Mahusay!

Thursday, April 21, 2011

Splash Island


ENGKANTOS SA SPLASH ISLAND
NGAYONG PASKO
NG PAGKABUHAY












Text Dadi Fox for the Details. Now Na!


Friday, April 15, 2011

Back to Tagayan..

Long time no TAGAYAN mga kapatid!!

Change Plan tayo, since yung iba hindi pwede ng SATURDAY






WHAT: TAGAYAN ng mga ENGKANTOS
WHEN: April 15, 2011 (FRIDAY) 9:00 PM
WHERE: TIMOG (Back to the old venue)

See you all guys!!