Followers

Thursday, January 28, 2010

Nosebleed Chronicle: A and B sa Balay

A and B lang ang sagot matapos ang prelim exam sa UST at napagpasyahang pasukin nina A na dating alumni ng UST, at si B na ang bahay ay malapit sa UST na tropa ng mga dota boys sa UST ang BALAY na dating tinagayan nina C at B na si B ay ex ni C na ngayon ay magbarkada na silang karnal dahil partner na sya ni D na tropa ni B, na nagkakilala si C at D dahil kay B at dahil dito nagpasya na si B na i-open up sa madla ang relasyon nila ni E na hanggang ngayon ay pinagseselosan pa rin si F kahit hayagang pinamamalita ni B na crush nya si G na tropa ng barkadahan na crush nitong si H, pero ngayon si I na ang crush nya pero dedma ang I sa kanya, dahil ang balita itong si I ay meron nang kinakarir kahit naiwan sa ere itong sina J at H na dating crush si J, ngunit bagamat subalit datapuwat hindi pa rin nawawalan ng pag-asa itong si H, kahit na hindi kumbinsido itong sina B at K sa pinaggagawa ni H, pero sabi nga “look whos talking” eh kumusta naman kaya itong si K matapos nyang saktan si L na ngayon ay nababalitaang kung sinu-sino na raw ang kinakarir, why not ? sabi ni A na isa rin namang aburido sa kanyang lovelife dahil sa naunsyaming pag-iibigan na pilit binibigyan justification ni M na bigo rin sa pag-ibig, na kung saan-saan napadpad mabigyan lang kaligyahan ang sarili at pati si L ay sinama nya sa kanyang mga lakad na nagustuhan naman ni L samantalang ito namang si M ay gumigiri rin pala na parang manok na sa hotlist sya ng mga prospective partner ng isang blogger na ngayon ay tila nauunsyami rin ngunit sa kabila ng lahat intact pa rin ang samahan ng mga kutong lupa at lamanlupa sa kaharian ng engkantadya.

Abot langit ang ngiti ni BIANCA.

Monday, January 18, 2010

Nosebleed Chronicle: Santino

Amoy tamod pa daw itong si pilyo nang pumunta sa airport para sunduin itong si mahrk. E pano ba naman 4am daw ang landing ng airplane. Kaya ayun, nagdownload at nanood na lang daw ito si pilyo ng twinks buong gabi hanggang madaling araw. Ang nangyari tuloy hindi daw mabuhat ni pilyo itong maleta ni mahrk dahil nga nanghihina daw. Jusme! Saan na naman napulot ni Bianca ang balitang yan!

--------------------------
Mestiso ngayon si mahrk. Ang nangyari tuloy kulang sya sa pagka-hotness. Mas bagay kasi sa kanya ang kulay moreno kasi nagmumukha syang porn model. Oo sabi ni Ate Bianca na kinikilitas ng husto ang kabuuan ni Mahrk. Buti pa daw noong isang taon morenong kutis ang bumulaga sa mga lamanlupa. Pero sa tingin namin ok naman ang kulay nya, maputi at makinis, malinis tingnan. Hay naku Bianca! Insecured ka na naman sa kulay ni mahrk, palibhasa ulekba ka!

----------------------------
Bumaha ng pagkain at alak sa music21. Alas otso pa lang inumpisahan na ang kasayahan at almost 1am na natapos. Solve ang mga lamanlupa at kutonglupa. Drink all you can, eat all you want. Yan ang drama ni mahrk. Nosebleed tuloy ang mga waiters.

----------------------------
Hindi mapigilang humagikhik ni mahrk nang itong si “concert king” ay ganado kumanta. Which in fact, hindi binibitawan ang mikropono. At talagang malakas ang kanyang istamina sa singing. Binibitawan nya lang ang mikropono kapag tutungga ng beer o kaya’y hihinga. At pagkatapos… balik na na namn sa kanya ang mikropono ! o di ba naligayahan ang mahrk ! Pero in Fairview, dito napagtanto ng mga engkantos na ito palang si “concert king” ay masayahin din at hindi boring. Sa buong taon namin sa tagayan. Noong gabi lang namin talaga nakitang sobrang nag enjoy itong si “concert king” at…. napaligaya ng husto si santino !

-------------------------------
At sino naman daw itong tinataasan ng kilay ni Bianca? nagsimula at natapos ang kasayahan ay kung hindi magkayakap ay magkaholding hands itong sina langgam#1 at langgam#2. Ano daw? At kahit may pumapasok na waiter pasimple pa ring magka-hold ang hands ng dalawa sa ilalim ng mesa? Naku Bianca ha? Ipapa-confirm namin yan sa mga engkanto. Pinayagan kang mag-gate crash pero bawal kang maging tsismosa!

-------------------------------
Pilyo itong si pilyo. Kung anu-ano namang ginawang kalokohan noong gabi, nampisil na naman ng bayag ng mga kutong lupa. At pati si Maxwell hindi pinalampas. Ano daw? Pati ang Dyosa? Pinisil din? Jusme. Eh ano namang sabi ng Dyosa. (Umungol daw sabi ni Ate Bianca) Ay naku! Papa joms paki-confirm nga?

--------------------------------
Nag-behave itong si pilyo nang dumating si Dingding. At si Tagay ang pumalit. Kitang kita ng mga lamanlupa at kutong lupa kung pano pisilin ni tagay ang bukol ni Joms nang ito’y tumayo para umihi. Gustong i-confirm daw ni Bianca kung anong posisyon daw nung “bukol”. Kung padapa o patayo o pahiga. Kasi bukol daw!

--------------------------------
May magandang waitress na nag-serve. Crush kaagad ni Pilyo. Nagpa cute. Tinanong ng diretsahan ang waitress kung ano ang pangalan nya? Shanel daw. Crush din ni Lukayo. Hmmmm.. pareho ang taste nina pilyo at lukayo ha? Baka yun na ang common denominator nila.

--------------------------------
Hindi ang lobo ang dapat katakutan ng mga pilyo sa tagayan. Dahil sa totoo lang, pilyo din ang lobo pag nalalasing. Itong “mandirigma” ang dapat katakutan na tinawag na Sgt. At Arms ni Bianca. Sya kasi ang mahilig manita ng kilos ng mga lamanlupa… oo specifically lamanlupa! Takot sa kanya ang mga pilyo. Dapat madala ka sa mga titig kung hindi, pahiya ka! Oo, may laman sya kung magparinig. Kakatakot.

--------------------------------
Nagduet sina Lukayo at Dingding. Tumahimik ang lahat. Nakikiramdam ngunit kita ang ngiti sa labi ng bawat isa. Oo nga’t wala nang friction ngunit nanibago ang lahat. Pwede rin pala silang mag-duet. Nakita ni Bianca si Pilyo nakangiti rin. At……….. humahaba ang hair ! ay naku Bianca, tumigil ka nga!

--------------------------------
Maganda ang boses ni Johnny Cursive. Kayang kaya ang boses ni Gary V. Naiinlove sa boses nya ang lahat. Pero… as in pero… taken na sya ! oo taken na si Johnny Cursive. (Disappointed ang Bianca!)

-------------------------------
Gwapo ngayon si Edward Cullen. Napansin ito ni Santino. Agree ang mga engkantos. Hindi kaya dahil matagal lang syang nawala? At sa kanyang pagbabalik. Hindi makatingin ng diretso si Sabelle kay Edward Cullen. Kinantahan ni Edward si Sabelle. Niyakap pa. Kinilig ang lahat. Hindi nakaimik si Bianca. Nagno-nosebleed yata. Ang tanong. Magkabalikan pa kaya sila? Hmmmm. Wag na tayong umasa. Kasi ang balita, may bago na raw itong si Sabelle.

--------------------------------
Kakalungkot ng ending noh?





.

Nosebleed Chronicle: Welcome Back Santino!!!

Wala pang laman ang post na ito..

Pasensiya na.. nalasing ako ng sobra last night..

kaya hanggang ngayon may hang over pa ako..

Wait niyo na lang ung update ng post na ito..


- ate bianca

Sunday, January 10, 2010

Nosebleed Chronicle: Reshine

Ipinagdiwang ng mga lamanlupa at kutong lupa ang kaarawan ng aming mahal na Lukayo kagabi sa Glory Hole este Watering Hole sa Shaw. Wala pang ala-una ay tapos na ang tagayan. Kasi daw may event pa itong aming celebrant kinabukasan. Bitin tuloy ang hot daddy at ang taong grasa.

--------------------
Si Lukayo dapat ang star of the night pero bakit itong si “E” ang pinag-usapan sa tagayan! Lahat nakapansin sa kanyang ningning. “What a glittering creature”! Sabi ni Bianca. Na hindi naman imbitado eh bakit yata nag-gate crash!

Sabi ni taong grasa: “Ay! Nag-reshine na si E at ngayong gabi ang kanyang image reappraisal, matapos agawin ng ibang ng mga kutong lupa ang kanyang kasikatan noon !” Agree ang lahat. Kasi nga iba ang ang aura nitong si E. Bagong gupit, as in clean cut, kuminis ang mukha, at preskong presko ang gwapong mukha. Hindi tulad noon na para syang nilaspag ng isandaang mga bakla.

----------------------
Matatandaan kasing sa pagsulputan ng mga bagong kutong lupa. Nawala ang ningning nitong si E na dati rati’y apple of the eyes ng grupo. Kumabaga natalbugan sya ng mga bagong myembro. Ayan tuloy, nilait lait sya ni Bianca sa blog. Hindi tuloy sya nagparamdam ng halos isang buwan. Inisnob pati ang xmas party. At sa kanyang pagbabalik kagabi…. Inagawan nya ng kasikatan ang birthday celebrant !
----------------------
Agree ang lahat na nag-reshine na nga itong si E. Pero si Bianca ay hindi kumbinsido. Bakit naman? Tanong mga lamanlupa. Eh kasi daw, nagkataong dalawa lang ang present na kutong lupa. Kung present lahat ang mga kutonglupa siguradong kakabugin na naman ang kanyang ningning.

Weh! Ang sama talaga nitong si Bianca, hay naku pinayagan kasi ni hot daddy na mag-gate crash itong si Bianca!

-------------------------
Aminado namang walang control itong si taong grasa pag nalalasing pero ingat sa pagbigkas ng mga salita kapag nasa pampublikong lugar. Pero bakit itong si Guest # 1 ay walang control kagabi. Napalakas ang kanyang pagkukuwento na may “gay overtone”. Ayan tuloy shock ang mga lamanlupa. Tinginan sa sa paligid kung narinig nila ang sinabi ni Guest #1.

Guest #1 naman. Di mo ba alam mga barako tayo kagabi. Dapat binulong mo na lang. Ayan tuloy nawala ang pagkalasing ni taong-grasa. Baka sabihin tuloy ng mga nasa paligid natin ay mga bakla tayo noh !!! Naku hindi tayo bakla ! Hindi tayo bakla ! Remember. (Mga babae tayo na nakakulong sa katawan ng mga lalaki, bwahahahahahah)

--------------------------
Bumilib si Bianca sa memory ni Hot Daddy. Kasi pagsapit ng 12:01 bigla na lang nyang inanounce na… Monthsary ngayon nina “Ben Affleck at Matt Damon” yeheyyyyyyyyy !

Napapindot tuloy sa bell si Bianca. Tuwang tuwa kay hot daddy. Dyatat alam ang monthsaries at birthdays ng kanyang mga alagad.

----------------------------
Present kagabi si Johnny Cursive samantalang hinahanap ng mga lamanlupa si Darknight. Gustuhin man daw dumalo ni Darknight eh kaya lang first shift daw sya. Teka bakit nga ba special mention itong dalawa? Cge nga Bianca sagutin mo nga?

Bianca: “Kasi sina Johnny Cursive”at “Darknight” ay magbayaw, at junakis sila ni Sam Concepcion !

Ano daw Bianca? Gumagawa ka ng issue ha? Next topic na lang.
(ay nag nosebleed ang mga kutonglupa hahahahaha)

-----------------------
Magdyowa itong sina wall street at forex. Istrikto si wall street kasi nga mapaglaro sa mga investors itong si forex. Kaya naman pinapayagan lang ni wall street na umatend sa session itong si forex kapag present si Nasdaq. Istrikto din kasi itong si Nasdaq. May pagka-ugali sila ni wall street.

Wala raw tiwala si wall street kay Dow Jones na president ng stock market association. Kasi daw nababasa ni wall street sa pahayagan kung paano mangharot ng investors itong si Dow Jones. At eto pa: parehong pareho ang preference nina wall street at Dow Jones. Pag nagsanib pwersa ang dalawa – parang may gagawin daw kalokohan.

-----------------------
Disappointed kagabi si E.T. Falcon, kasi wala si Siam Concepcion. Wala tuloy syang naharot except kay E na talagang nag-reshine. Wala rin sina Gerald Anderwear, Dingdong at Sam Gilbys na sa tuwing tagayan ay hindi nawawala.
Next week ang sunod na tagayan at sa Music 21 timog gaganapin. Ang pakiusap ng Dyosa, sana lahat naman ay dumalo sa pagsalubong kay nawawalang SANTINO !