January
At sa magkaibang tagayan ang bagong dating galing abroad na si Papa Marhk ay nag aya ng isang vidoeke Session at first time niya sana makita in person si dingdong, pero sa kasamaang palad di nakarating si papa dingdong sa Videoke Session ng mga engkantos sa Music21. Nagkaroon kasi ng interest itong si papa Marhk kay Papa Dingdong noong nakita niya ang picture nito sa Christmas Party na naganap sa Atrium hotel, noong Dec 27, 2009. Bukod tanging si Papa Dingdong lang yata ang di nakarating sa nasabing Videoke Session.
February
Since it is the Love Month, di papahuli ang mga magkakapartner na mga engkantos na magcelebrate ng Valentines Day. Lihis sa nakagawiang pagcecelebrate ng valentines day, ang dalawang mag partner na si Dugyot/welder at yagit ay nag celebrate kasama ang kargador. Para daw maging discreet pa din ang kanilang celebration, isinama nila ang Kargador, na noon ay kaka break pa lang sa kanyang kauna unahang jowa, ching!!! kaya single at ready to mingle itong si kargador. Nagpaunlak naman siya sa dalawa. At ayun nga.. 3sum ang date na naganap. (wag madumi ang isip, kaya 3sum kasi 3 silang tumagay). Parang ordinaryo lang ang nangyaring date. Para di halata na nag date ang dalawa, sinama nila ang karagador. Nag umpisa ang date ng tatlo sa pagpapamasahe sa wensha at nagtuloy na lang sila sa malate at tumagay sa isang bar. Nakasuot pambahay lang ang dalawa samantalang naka maong at tshirt naman ang kargador. Nagmistulang mukhang mayaman ang dating na kargador. Itabi mo ba naman sa dugyot at yagit. hahaha.
March
First Time na mag blow job este blowout ang bunso ng kanyang ika 23rd birthday. Opo siya po ang nagbayad ng bill sa aming tagayan. Oh diba? bumawi naman ang bunso? Kahit wala siyang work may pambayad siya ng bill sa tagayan. Teka, baka may sponsor ang bunso? hahaha. Wala naman masyadong event nitong buwan na ito kaya ito lang ang na ilagay kong kaganapan na nangyari sa buwan na ito.
April
First time na gumala ang mga engkantos sa labas ng Metro Manila. Isang imbitasyon mula sa may ari ng inuupahang parlor ni dugyot na magkakaroon daw ng blowout sapagkat nakapasa daw ang anak nito sa bar exam at ito ay ginanap pa sa malayong probinsiya ng Pangasinan. Sinamantala ni dugyot ang pagkakataong makapunta sa malayong lugar kaya isinama niya si Yagit at si Kargador. Matapos ang selebrasyon, nag tuloy ang tatlo sa Baguio. Nagliwaliw ang tatlo, picture picture kung saan saan. Nag night life pumunta sa isang sikat na bar. At nagkaroon ng bonding moments ang tatlo. Isa ito sa di malilimutang masayang pagkakataon para sa tatlong engkantos.
May
Nagkaroon din ng selebrasyon ang tatlong engkantos na may birthday sa buwang ito. Si Fox, si Popoy at si Maxwell. Ngunit di nakarating si Maxwell dahil may selebrasyon din daw sa kanilang bahay. Masaya ang naging tagayan nung gabing iyon.
June:
No particular event took place during this month
July:
Siyempre ang pinagkaaabangang selebrasyon ng ika 3rd na taon ng engkantadiya. Kasabay na din nag pag celebrate ng birthday ni Papa Pilyo nagkaroon ulit ng Videoke session ang mga engkantos sa Music21. Halos kumpleto lahat ang mga engkantos bukod sa dalawang nasa abroad na sila papa Marhk at Bloigg. Isa ito sa pinaka importanteng events sa mundo ng enkantadiya. di biro ang umabot sa ikatlong taon ng masayang pagkakaibigan at pagbabarkadahan. Malayo pa ang ating mararating.
August
Isang engkanto ang nangibang bansa upang humanap ng greener pasture. Si Silentboi. Kakalungkot mang isipin na mawawalay siya sa piling ng kanyang mga kapatid na engkanto pero kung sa ikakaganda ng kanyang buhay at masaya na din ang mga engkantos para sa kanya.
September:
First time na nagkaroon ng birthday celebration ang isang engkanto, si Dingding, at ito'y tumagal ng halos 10 hours. Lasingan kung lasingan, lunuran sa alak kung lunuran. At itoy ginanap sa isang private place na pag aari din ng isa pang engkanto. Dala ng espiritu ng alak, naging naughty ang mga engkanto. (alamin niyo na lang kung ano yung ginawa ng mga engkantos nung gabing iyon. Clue: Icecream, Yun na!) At dito nabuhay ang isang imortal na nilalang, si Shalala. Nag ikina tampo ni Bianca Echosera. Nasapawan daw siya sa presensiya ni Shalala at mega walk out daw siya.
October:
Dahil nga sa pangingibang bansa ng isang engkanto, napag desisyunan ng mga pioneers ng engkantadiya na mag recruit ng mga bagong kutong lupa. Madami ang naging prospects pero bukod tanging dalawa lang ang napili, sina JC wimpy kid, the virginal engkanto at si Karpentero. Sila ay mula sa mundo ng blogsphere. Masaya at mainit ang pagtanggap ng mga engkantos sa dalawang bagong kutong lupa. Naging aktibo din ang mga engkantos sa pagboblog. Na enganyong gumawa ng sariling blog sila tagay, marhk at si silentboi. At madami din blogger ang nakilala ng mga engkantos. Special mention kay Soltero, Nimmy, MsChuniverse and the rest.
November:
Medyo dumilim ng konti ang paligid ng engkantadiya. Nagkaroon ng tampuhan ang dalawang engkantos na ikinabahala ng husto ng pinuno. Isang tampuhan na nag ugat sa isang di pagkaka unawaan. Medyo nagstop ang ikot ng mundo para sa mga engkantos. Somehow lahat ay naging effected. Hoping na sana, the soonest possible ay maayos din ang lahat.
December:
Siyempre ito ang pinakamasaya at pinakaaabangang buwan ng tao. Madaming plano at magagandang bagay ang inaasahan. Ang yearly christmas Party ng mga engkantos. Pero bago yun, ay nag celebrate ng kanilang kaarawan ang dalawang engkantos, sina Mugen at si Shoti. Na halos magkasunod lang na araw ang kanilang birthday.
Dec 27, 2010 naganap ang pinakamasayang araw sa mga engkantos. Ang Christmas Party. Ito na yata so far ang pinakamasayang Pasko para sa mga engkantos. Bukod sa nagkabati na ang dalawang engkantos na nagkasamaan ng loob, ay halos complete attendance bukod kay silentboi na nasa ibang bansa. At dumating mula sa ibang bansa sila bloigg at si Marhk kay lubos ang naging kasiyahan ng mga engkantos.
Isang bisita ang isinama ng isang engkanto sa nasabing kasiyahan. Ang partner ng isa sa mga engkantos na si papa tagay. Napagkasunduan ng mga pioneer na "by virtue of marriage" marapat lang na gawin din siyang isang engkanto. Si Engkantong Albularyo. One of this coming days ay magkakaroon ng formal na pag welcome para sa bagong engkantong ito. And after a very long time na hindi nagpakita si Maxwell sa mga tagayan since January, na akala ng mga engkantos ay tuluyan nang tinalikuran ni Maxwell ang group. At last nagpakita siya sa tagayan. Kakaibang maxwell ang kanilang nakita. He's so fresh, so hot and looks at his best. Naglalarawan ng isang happy soul. Long time no see Maxwell.!!
Isa itong gabi na hindi malilimutan sa puso at isipan ng mga immortal na nilalang ng mundo ng engkantadiya.
So there, year end report ng mga kaganapan sa loob at labas ng engkantadiya.
HAPPY NEW YEAR to all of us!!!
This the first year end report i did for the year 2009
disclamer:
Again, this is just for the record purposes only