Followers

Monday, January 31, 2011

Happy Birthday!!



Kahit malayo ka sa piling namin.
Alam namin masaya ka diyan sa iyong kinaroroonan
at hangad namin ang iyong tagumpay.
At mananatiling ikaw ay nasa aming puso at isipan.

(Advanced)
HAPPY BIRTHDAY!!!
Papa Silentboi
(engkantong OFW)
(February 1, 2011 is his actual Birthday)
and that's tomorrow!!




Lukayo's Birthday

Thursday, January 27, 2011

Good Luck sayo Kapatid na Engkanto

Mga Kapatid!! 
Isang kapatid nating engkanto ang sasabak sa pagsubok. 
He will take his Board Exam tomorrow. 
Let's pray for him. Sana makapasa ang ating kapatid.

Wednesday, January 26, 2011

libreng pagkain

MGA KAPATID,

punta tau sa UST 400 years nila ngayon, may libreng pagkain sa buong campus. Dala lang tayo ng pinggan. Hehehe.

Attention Dadi Fox: ano? masaya to! Remember ang pinakamasarap sa lahat ay....... LIBRE. Txt me kung sino ang pupunta, pahihiramin ko kayo ng pinggan hehehe.

- Rain Darwin (PILYO)

(kiburlah kung tawagin nyo akong PG. hehehe)

Sunday, January 23, 2011

Engkatadiya Sacred Symbols

Ngayong 2011 ang ikaapat na taon ng Engkantadiya. Habang tumatagal lalo itong tumitibay at sumasaya. Bagama’t paminsan-minsang nagkakaroon ng alitan at bangayan ay parte lang naman talaga ito ng samahan na kapag nalagpasan ay lalong tumatatag.

Over time, nagkaroon ang engkantadiya ng mga sagradong simbolo na nagpapahiwatig sa pagiging engkanto.

Ang mga simbolong ito ay hindi pisikal na makikita. Ito ay nararamdaman lamang sa pamamagitan ng damdamin o puso at isipan.


BAKLAMETER

Ito ang instrumentong ginagamit ng mga engkanto sa pagkilatis sa behavior ng PLU para masukat ang level ng kanyang pagiging discreet. Kung sya ba ay sablay sa kilos, salita at porma. Madalas itong gamitin sa pag-screen sa mga aplikanteng gustong maging engkanto. Pinagdedebatehan pa rin sa engkantadiya ang accuracy nito. Subalit, datapuwat napatunayan na ang magaling sa paggamit nito ay si SOULJACKER. Kung kaya’t sya ang naatasang maging “custodian of the sacred baklameter”.


RAINBOW CARD

Kapag ang isang engkanto ay nagka-partner ng hindi engkanto, whether he likes it or he likes it ay magigiging isang engkanto on provisional basis. Iisyuhan sya ng rainbow card na nagpapatunay na sya ay isang engkanto sa kundisyong tatagal ang kanilang relasyon ng anim na buwan. Kapag lumampas ng anim na buwan ang kanilang relasyon ay permanente na sya sa pagiging engkanto. Nasa desisyon na nya a kung nais nyang manitili sa mundo ng engkantadya o lumabas nang tuluyan sa kaharian.

Napagpasyahan ng mga engkanto na bigyang privilege ang Dyosa na matagal nang tigang este single sa kanyang status. Ang kanyang magiging partner ay hindi na iisyuhan ng rainbow card at tuluyan nang magiging permanenteng engkanto. Ikaw na! Ikaw na ang Dyosa!

Ang “custodian of the sacred rainbow card” ay ang Dyosa.


KOPITA

Ito ang ginagamit ng mga engkanto sa tagayan kapag ang alak ay hard. Kapag ito na ang ginamit, nagkakakaroon ng maraming casualties. Hindi tumitigil ang engkantong may hawak nito hangga’t hindi bangenge ang isang engkanto.

Ang “custodian of the sacred kopita” ay walang iba kundi si Tagay.


GUEST PASS

Paminsan-minsan ay may iniimbitang PLU ang mga engkanto kapag may selebrasyon o kahit ordinaryong inuman. Blogger man sya o kaibigan ng isang engkanto sa ibang grupo ay dumadaan sa permiso ng mga engkanto kung payag ba silang maging guest ang PLU na ito. Hindi lahat ay pumapayag. Ang numero unong kumokontra dito ay si Pilyo na sobrang paranoid at suplado. At dahil dyan, si Pilyo ang naatasang maging “custodian of the sacred guest pass”.


ENGKANTADIYA BLOG

Ito ang malayang pahayagan ng mga engkanto. Dito pino-post ang schedule ng mga events o affair ng engkantadiya. Dito rin sinusulat ang mga naganap na eksena sa mga natatapos na inuman o selebrasyon. Ito rin ang ginagamit ng mga engkanto sa pagpahayag ng kanilang mga saloobin. Dito nasusulat ang mga tampuhan, alitan, bangayan, burautan at kasayahan. Kahit sinong engkanto ay pwedeng magsulat dito na kusang binibigay ng Dyosa ang password.

Ang “custodian of the sacred engkantadiya blog” ay walang iba kundi ang Dyosa.


ICE CREAM

Nagsimula ito noong bumili si Tagay ng ice cream na ginawan ng kapilyuhan ni Pilyo. Ipinahid nya ang icre cream sa kanyang nipple at pinadilaan kay Bunso. Tawanan at kantyawan ang mga sumunod na eksena. Hanggang halos lahat ng mga engkanto ay nagsipag pahiran ng ice cream sa nipples, sa puson, dibdib, lips, at singit pagkatapos ay papadilaan sa kapwa engkanto.

Ang ice cream ay pinagbawal na matapos ulanin ng kontrobersya. Ang ice cream ay sumisimbolo ng mga kapilyuhan ng mga engkanto na pilit na sinusupil ng engkantong pulis.

Ang “custodian of the sacred ice cream” ay si SOULJACKER.


SHALALA AT BIANCA

Sila ang mahedera, intrigera, intrimitida, atribida, at gatecrasher tuwing may inuman ang mga engkanto. Sila rin ang malimit gumawa ng kwento at intriga. Sila ang source ng blind items na kadalasa’y ikinapipikon ng mga engkanto. Takot ang mga engkanto sa kanila. Dahil sila ang kumalakadkad dito sa kahihiyan.

Sina Shalala at Bianca ang misteryo ng engkantadiya. Tanging mga engkanto lang nakakaalam sa misteryong bumabalot sa kanila.


DOS POR DOS

Ito ang ginagamit ng Dyosa panghagupit sa mga engkantong pasaway. Ang dos por dos ay sumisimbolo sa pananakot, pagpapaalala, pagdisiplina o tuluyang pagpapalayas sa mundo ng engkantadiya.

Ang Dyosa ang “custodian of the sacred dos por dos”.

Thursday, January 20, 2011

ORASYON


Posted by Shalala (inspired by Bianca)

DOMINE MENE MINE MEUM ABNE MINE

MINE MEUM, YESUM CRISTUM CELEMEI

ECCE CRUCEM DOMINE FUGITE FORTIS AD

BERCE VINCIT LEO DE TRIBU JUDA DAVID

ALELUYA ALELUYA ALELUYA

QUEM QUAERITIS SUSUBANI EGO SUM HOMO

CRIATUM HOMO QUIS LOVEL, PHU PHU PHU…


Sa mga kapatid kong engkanto… sabay-sabayin nating bigkasin ang orasyong ito… Panlaban sa masamang espiritung sumanib sa ating kapatid na si SANTA.

Kailangan nya ang mga basbas galing sa mga diwata ng hangin, diwata ng tubig, at diwata ng apoy sa pamumuno ng pinuno ng mga Reyna ng mga Diwata. (papa tagay, pasok!!) Tatumbling-tumbling kayo sa hangin hanggang mahilo.

Habang nag-oorasyon, kailangang sumasayaw ng ballet ang ibang mga engkanto na nakalutang sa hangin sa pamumuno ni Pato Gandang Reyna (PGR, Bloiggy Pasok!) habang umiisplit sa ere sina Prinsesa, Amasona at Kondesa. (Rain, Joms at Lukayo, Pasok!)

Mapapasabog ng fireworks ang ating Alitaptap na nakasuot ng t-back at at ang kanyang bawat nipple ay natatakpan ng isang dahon ng makahiya. (Bunso, Pasok!) Ang mga ningning ay buhat sa kanyang mga alagad na aagaw pansin sa ating bathala.

Habang si Tasya Pantasya sumisigaw.. umiiyak, nagsumasamo ng konting awa mula sa Dyosa. (julius labas! Hinagupit ka na!)

OH DYOSA, magpatulong ka kay bathala na pagalingin mo ang aming si SANTA na ngayon ay nalululong na sa CASINO. Lahat yata ng casino sa manila ay napuntahan na. Los Baldos na ang kanyang aura.

Ayaw naming dumating ang panahong ang bahay at ari-arian nila sa QC ay mashe-sheriff at marimata na ng bangko!

Sunday, January 16, 2011

Trivia Questions part 2

Identification: Identify the following:

Sino siya?

1. Magaling siya sa Math, magaling din siya sa English, pero pag dating sa Date at Events bobo siya.. Kaya for sure History ang pinaka mababang grade niya. Kahit nga birthday niya nakakalimutan niya eh, kaya wag ka na mag expect na igigreet ka niya ng Happy Birthday sa birthday mo kasi talagang di niya maalala. lols

2. Favorite subject naman niya is History. Eto naman, mahina siya sa Math, pero ang galing galing niya sa English. Magnonosebleed ka pag tuwing babasahin mo mga written articles niya sa English, kahit nga sa Filipino eh nakaka nosebleed pa din basahin.

3. Noong bata pa siya, kinakain niya ay kanin na sinabawan ng mantika at asin. May Picture pa nga siya sa facebook niya na initag ng sister niya.Wala pala siyang salawal sa picture nung bata pa siya. Lols Nang Makita ito ng kanyang partner ay tawa ito ng tawa. At lagi siyang tinukso nito tuwing naalala ang picture niya nung bata pa siya.

4. Mahilig siyang manood ng movies. Pero ang nakaka amaze sa taong ito, mas gusto niya pinapanood ay yung may subtitle na English sa ibaba na binabasa lalo na pag ang voice ay foreign language. Pero kahit na English ang salita, gusto pa din niya yung may sub title kasi mas naiintindihan daw niya yung movie.

5. Noong college siya, civil engineering ang dapat na course na kukunin niya, pero since hindi siya nakapasa, ibang course na lang.. pero same university pa din. Magaling daw siya sa Math kaya nga engineering daw ang gusto niyang kunin. Pero unfortunately napasama siya sa waiting list. Eh malapit na ang pasukan, kaya exam ulit siya sa ibang course, and ayun, nakapasa naman.

6. Noong college pa siya, mahilig siyang kumain ng kwek kwek (quail's egg) at tokneneng (penoy) sa labas ng school niya. Di mo aakalain na kumakain pala siya ng ganun. Anak mayaman siya pero keri niyang makisalamuha sa mga jologs at makikain ng ganung klaseng food.

7. Grabe kung malasing ang engkantong ito. Kapag nakasakay sa jeep lalo na kung sa tabi ng driver, ihihilig niya ang ulo niya sa balikat ni mamang driver. Feeling niya yata jowa niya si mamang driver. Kaya pag sobrang lasing ito, malamang sa hindi, mare rape siya nang wala sa oras. Mas mabuti pa kung saan siya uminom doon na lang siya magpalipas ng gabi.

8. Nakapagtapos siya ng college sa edad na 20. Accelerated yata siya nung high school. Matalino at gwapo, magaling din sa Math at sa English, Siya na!! Siya na ang gwapo na, matalino pa, maganda pa katawan, at Masaya ang lovelife. Ingetness factor? Lols

9. Hindi natapos ang kanyang course nung college, meaning undergrad siya, kasi nag stokwa daw siya nung 3rd year college siya para sundan ang babaeng kanyang pinakamamahal sa buhay. Ang ending, di naman sila nagkatuluyan kasi nabuntis ng iba yung babae kaya ayun.. lalaki na lang ang hinanap niya. lols.

10. Sobrang angas niya sa blog. Pati sa chat akala mo sanggano. Yung mga post niya sa blog niya barakong barako. At pag nakita mo siya at na meet sa personal di mo aakalain na siya yung nasa blog. Isa siyang mabait, at di siya ganun kaangas sa personal. Ang totoo, tiklop siya pag binabara mo. Isa lang siyang simpleng tao. Pero may prinsipyo.

Saturday, January 15, 2011

Trivia Questions

Since tahimik ang mga engkantos lately.. para maiba naman, i made some trivia questions for you to answer. Please get 1/2 sheet of paper and answer the following questions (potah.. teacher an teacher ang dating! lols)

Trivia Questions: Mga questions about the engkantadiya. Answer them if you can.

1. The Month and year the engkantadiya was established.

a. July, 2007

b. July 2008

c. August 2007

d. August 2008


2. The following are the Favorite tagayan places ng mga engkantos except:

a. Quattro, Timog

b. Garahe Bar Timog

c. Gerry's Grill Trinoma

d. DB bar Congerssional Ave.


3. There were only ___ original members of the engkantadiya.

a. 6

b. 5

c. 4

d. 7


4. The place where the first GEB of the engkantadiya was held.

a. Quattro

b. Klowns Araneta

c. Garahe

d. DB Bar


5. Event where all the engkantos have their first dinner together.

c. Fox's birthday

b. Bunso's Graduation

c. Bloigg's Despedida

d. Papa Marhk's Arrival


6. Unang batch ng engkantos na naging part ng engkantadiya aside from the original members.

a. bunso and shoti

b. Maxwell and dingdong

c. bunso and silentboi

d. Popoy and karpentero


7. JC the wimpy kid is one of the newest members who were introduced by fox to the group, kanino

siya unang na starstruck?

a. Johnny Cursive

b. Mugen

c. Lukayo

d. Fox


8. Fox being the "leader", he has the right to invite someone to be a part of the group. Itong ang mga

taong kanyang inimbitahan na naging part ng group, except.

a. Bunso

b. Silentboi

c. Lukayo

d. karpentero


9. Sinong engkanto/s ang nakasama ni Fox na naglamyerda sa Baguio noong April 2010?

a. Shoti and Dingdong

b. Dingdong and Bunso

c. Pilyo and Dingding

d. Lukayo and Johnny Cursive


10. May ilang mga engkantos ang OFW or naging OFW.. sino sino sila?

a. Pilyo, Dingdong, Dingding

b. Silentboi, Bloigg, Marhk

c. Fox, Dingdong, Shoti

d. Karpenterto, Mugen, JC


11. Mga Engkantos na naging members "by virtue of Marriage" sa mga dati nang engkantos except:

a. Karpentero

b. Johnny Cursive

c. Dingding

d. Jc wimpy Kid

e. albularyo


12. Nag invite si bloigg sa kanyang kaharian sa bundok ng tralala, Sino sa dalawang bagong engkantos that time ang kasamang tumagay?

a. shoti and Maxwell

b. Popoy and Shoti

c. Popoy and Maxwell

d. Shoti and Karpentero


13. Anong event yung ginanap sa GYM ni pilyo kung saan inabot ng almost 10 hours ang tagayan?

a. Dingding's birthday

b. Pilyo's birthday

c. Fox' birthday

d. Mugen's birthday


14. Sinong dalawang engkantos ang halos kasabay na magbirthday ni Fox at araw lang ang pagitan?

a. Karpenteto and Bloigg

b. Dingding and Dingdong

c. Popoy and Maxwell

d. Shoti and Mugen


15. Lahat ng mga sumusunod ay nakabonding na ni Fox ng one on one except:

a. Lukayo

b. Maxwell

b. karpentero

c. Tagay

d. Mugen

e. Bunso


16. Sa mga dating naging engkantos, sino ang pinaka controversial at gumawa ng eksena sa blog?

a. Princesita

b. Anghel

c. Ewok

d. Luna Mystika


17. Isa sa mga naging invited guest na bloggers sa tagayan na bigla na lang naglaho at di na nagparamdam matapos burautin ni bunso. Nawala na din siya sa Blogsphere at di na din ang blog.

a. Mksurf8

b. Jason behind doors

c. Jake Tomato

d. Wandering Commuter


18. Aside from Pilyo and Bunso, matindi ding mamburaot ang engkantong ito. Pasimple lang pero pag namburaot siya mapipikon ka pag di ka sanay.

a. Dingdong

b. Tagay

c. Marhk

d. Bloigg


19. Sinong engkanto ang may malaki at buhay na nunal sa likod? (mahirap pero hulaan niyo na lang)

a. Pilyo

b. Tagay

c. Dingdong

d. Shoti

e. Mugen

f. Bloigg

g. Karpentero

h. Bunso


20. Sinong engkanto ang may traumatic experience sa pagkanta noong bata pa siya kaya di na siya kumakanta ngayon. Clue na yan hindi siya kumakanta pag nag vivideoke session ang mga engkantos. Walang Choices!! lols