Followers

Sunday, February 20, 2011

Paalam muna...

Medyo mamamaalam muna ang blog na ito..
pansamantala..

hiatus muna.

wala din munang tagayan ng mga engkantos... busy ang lahat
May kanya kanyang pinagkakaabalahan ang ang engkantos..

=======================================

Wednesday, February 16, 2011

Ang Aking Mga Valentine Date..

Mula nang mapunta ako sa kaharian ng Engkantadiya, lubos ang aking kasiyahan, kagalakan. Feeling ko ang haba haba ng aking hair. Daig ko pa si TANGLED, at abot kabilang lupalop ang aking hair. Hindi ko na nga makita ang dulo nito dahil sa haba. San ka pa, sandamakmak na hottties at wafu ang aking mga kadate.

Hindi na ako sumabay sa pag di date ng mga lovers nitong nagdaan Valentine's Day pero take note hindi lang isa kundi ANIM naman na nag gwagwapuhang mga engkantos ang aking naka date nitong valentine's day. For sure inggit na inggit sakin si Bianca Echusera. Pati na din ang bagong contrabida sa buhay ko na si Gorabella Flores. February 14 ang Valentine's Day at ito ay para lamang sa mga Lovers, mag asawa at mag jowa. Ang February 13 at 15 naman at para lamang sa mga mistress or kabit or esKABETche. Kaya minarapat kong itapat ang aking VALENTINES DATE sa February 16.. oh diba? bongga? Nag simula ang aking Date 6pm ng gabi. At eto ang una kong date.


Si Papa P. a.k.a Engkantong Welder

Face pa lang.. yummylicious na. Since may ari siya ng gym, aba, todo buhat siya a beauty ko. Kesehodang gawin niya akong dumb bell. keribels lang.. Parang nag work out na din ako kasabay si papa p. Kwentuhan kami ng mga buhay buhay, Ang sarap ng feeling habang buhat buhat niya ako sa kanyang matipunong braso. hehehe

Bago sumapit ang 7pm, nagpaalam na ako kay Papa P. Another engkanto kasi ang aking makakadate. Sa totoo lang, love na love ko itong engkantong ito. galit siya kay Bianca Echosera kaya lamang ang beauty ko sa kanya. Sa tuwing umi eksena si Bianca, kumukulo ang dugo nitong engkantong ito. So far wala pa naman akong negative feedback na naririnig tungkol sakin mula sa kanya. Kaya proud akong makadate siya.



Si Papa Lukayo

Since hindi pa ako nag didinner at nagutom ako sa yummylicious na katawan ng una kong nakadate nag dinner lang naman kami ni Engkantong Lukayo sa isang mamahaling resto. Dinner by candle light with matching violin on the side. Ang take note again, siya ang nagbayad ng aming kinain. Aba dafat lang noh!! wala akong cash na dala.. kahit credit card wala.. Check lang.. eh hindi naman sila tumatanggap ng check. Kaya itong si papa lukayo na lang ang nag bayad. Sampung credit cards yata ang dala dala. hahaha

Pagkatapon naming mag dinner, nag text na ang sunod kong makakadate. Si Papa Dingdong. Nag aantay na siya sa Mall, nakabili na daw siya ng Movie Ticket para sa Last Full Show na aming papanoorin. Kaya gustuhin ko mang makasama pa ng matagal si Papa Lukayo, may nag hihintay na sakin. Sumakay ako ng cab.. (hindi taxi ang tawag ko.. sosyal ako eh bakit ba?). Nagmamadali ako at naghihintay na ang aking 3rd date.


Si Papa Dingdong aka Engkantong Boy Next Door


2 Hours din ang tinagal ng aming movie date. Siyempre, nag enjoy ako sa aming movie date, di mawawala ang holding hands at may pasandal sandal sa balikat ni papa dingdong. Ang sarap ng feeling habang nakasandal sa balikat niya. Ang bango bango.. ang tigas ng kanyang mga muscles. Hindi nga ako masyadong nakapag concentrate sa aming pinapanood. Ay teka, ano nga bang title nung movies? Ah ewan.. nakalimutan ko na.. basta nanood kami ng sine. Hahahaha. Pagkatapos ng movie, mga around 10 pm na yata, at palabas na kasi ng movie house ng biglang may nag text!! (hindi ako si Vice Ganda noh!! haller!!! mas maganda ako sa kanya!!) Si papa Tagay. Naka sked pala kaming tumagay. Yun daw ang gusto niyang set up ng aming date. Tatagay daw kami. Kaya nagpaalam na ako kay papa dingdong at sugod agad ako sa bar kung nasaan si papa tagay.

Si Papa Tagay aka Engkantong Alcoholic

Pag dating ko sa bar, naka isang bucket na pala si papa tagay, Alcoholic talaga itong papa kong ito. Parang embudo kung uminom. Kaya sabi niya sakin, humabol daw ako. Ayun, hindi pa man niya nauubos ang isang bucket, umorder pa ng dalawang bucket ng sanmiglight. Patay, lalasingin yata aketch nitong si papa tagay, pano na ang next date ko. So habang kami ay tumatagay, kwentuhan kami ni papa tagay, bulungan ng mga sweet nothing, oh diba, ginawang luneta ang bar! kesehodang madaming utaw, magkatabi kami ng upuan at parang naka mighty bond ang aming mga braso at nagkikiskisan. Ang sweet diba? Eh sweet naman talaga itong si papa tagay kahit alcoholic pa siya.. Sa totoo, mag lalo siyang Sweet kapag naka inom na. Kaya sige lang.. inom lang ng inom. Hindi niya alam, dinadaya ko siya sa tagay. Ayaw kong malasing ng husto at may ka date pa kasi ako after ng aming tagayan. Syet! 12 midnight pala. At biglang nag text ang aking sunod na kadate. Nagpaalam na ako kay papa tagay at nagdahilang hinahanap na ako sa bahay. Kaya walang nagawa si papa tagay kundi payagan akong umuwi.

Si Papa Shoti aka Engkantong Belami


Si papa Shoti ang sunod kong nakadate. Buti na lang hindi ako masyadong nalasing. At para hindi mahalatang nakainom ako, nag mumong ako ng mouth wash at nag spray ako ng pabango. Saktong ala una na ng madaling araw nang Nadatnan ko siyang naghihintay sa aking pagdating. Nagluto daw siya ng dinner para sa aming dalawa. Magtagal na daw niya akong hinihintay sa kanyang bahay at lumamig na ang food na nakahanda sa mesa. Nalusaw na din ang kandila at puti na daw ang kanyang mga mata sa kaka hintay sa akin.. Siyempre, panay hingi ko ng sorry dahil pinaghintay ko siya ng matagal. Noon una galit siya pero dahil sa panunuyo ko, at sa aking kagandahan (wag na kumontra) napa amo ko din later si papa shoti. Ininit niya ang food sa microwave oven at pinalitan niya ang lusaw na kandila. At ayun nga.. itinuloy namin ang aming dinner by candle light. Ang sweet talaga ni papa shoti. Mahal ko na siya!! (inggit ka? lols). Gusto ni papa shoti na doon na ako sa kanya magpalipas ng gabi. Pero kailangan ko na umuwi. Sobrang nag enjoy ako sa aming late dinner. At ako'y nagpaalam na.

Habang binabagtas ko ang daan patungo sa aming bahay, biglang nagtext si Papa Piolo, si engkantong bunso. Nasa vicinity lang daw siya at nakikipag tagayan. Tinanong niya ako kung nasa bahay lang daw ako. At gusto daw niyang pumunta sa bahay. Tagay daw kami. Sinabi kong papauwi pa lang ako at galing sa date. Aba, gusto yatang humabol pa at mag date din daw kami. Kaso sa bahay na lang daw at para tipid. At ako daw ang mag painom. Haay si engkantong bunso talaga. mahilig sa libre. hahaha.

si Papa Piolo aka Engkantong Bunso


So there, napakasaya ng aking Valentine's Date. Salamat sa aking mga yummilicious at wafu na mga kadate. Anim na engkantong nagbigay kulay sa aking Valentine's Day.



Nag enjoy ng husto,

SHALALA



======================================
Disclaimer:

Ang mga larawang nasa itaas ay kahawig ng mga engkantong aking naka date!!






Monday, February 14, 2011

Post Valentine..

WHAT: POST VALENTINE TAGAYAN cum Post Birthday Celebration ni Papa Karps
WHEN: February 19, 2011 (Saturday) 8:00 pm
WHO: All the ENGKANTOS
            invited also sila:
                   Shalala
                   Ate Bianca
                   Gorabella Flores

WHERE: TO THE BAT CAVE (alam niyo na yun)


Si papa Karps ay muling nagbalik.. matapos ang ilang linggong hibernation.. At dahil birthday niya February 14, .. icecelebrate natin kahit late na..

Huwag mawawala..

Sunday, February 13, 2011

Happy Birthday!!!


Happy Birthday papa Karps!!!
Nasaan ka man ngayon.. naway maging masaya ka sa inyong kaarawan!!
(February 14, 2011)
Actual birthday




Lukayo's birthday
Silent_boi's birthday

Para sa mga kapatid kong engkanto...



Maligayang araw ng mga Puso sa inyo...
Nawa'y maging masaya ang Valentine's Day niyo..

from: Dadi/kuya/pafs/pinuno

Friday, February 11, 2011

Mga Plano ng mga Engkantos..

Madaming plano sa Engkantadiya.. sana matuloy... (cross fingers)

1. Tagayan sa bahay nila engkantong karpintero - long overdued na ito actually.. nag hihintay lang kami ng go signal ni papa karps. Papa karps.. magparamdam ka.. at inform mo kami kung tuloy pa ba o hindi ang planong ito.

2. Holy Week sa Calaguas Island - Nag set na kami ng date - April 21-24, 2011 ( Holy Thursday - Easter Sunday) - Si Engkantong Pilyo ang host. Kaya yung mga engkantong nag wowork - mag file na kayo ng leave , anyway.. holy week naman ito.. for sure.. may vacation leave naman kayo.

3. Birthday ni engkantong welder - (sa July pa ito) mukhang sa ibang bansa niya icecelebrate. Asian city lang naman. TOur promo.. kaya can afford naman daw. (tentative). Yung mga wala pa daw Passport, kumuha na the soonest possible...

Yung mga mag bibirthday...

February - Karps (14)
March - Bunso (16) and Bloigg (22)
May - Popoy (3), Maxwell (5), Fox (6), JC (25)

Sabihin niyo na agad kung ano ang plano niyo.. para ma bookmark na agad.. hehehe

Well.. mga plans pa lang naman ito.. sana matuloy..