Makailang beses na din siyang nakasama sa tagayan kasama ang ilan sa mga engkantos. Nakilala siya ni Fox sa Twitter at ilang beses na din nag tagpo ang kanilang landas sa blogsphere. Marahil ay marami ang nagtataka kung bakit siya napabilang sa mundo ng engkantadiya. Hindi siya gwapo, hindi rin rin siya pangit, hindi rin siya macho. Pero may mga katangian siyang nakatawag pansin sa ilang sa mga engkantos. Ang kanyang katalinuhan, ang kanyang appeal. ang kanyang galing sa pakikisama, pati na din ang galing niya sa pagkanta na sa tingin ng mga engkantos ay sapat na para mapabilang sya sa grupo.
Nauna nang nagpost si Pilyo tungkol sa kanyang kuneksyon sa mga engkantos. Ang Venn Diagram. OO, hindi pa man siya nagiging engkanto ay swak na agad ang kanyang personalidad para maging engkanto.
Kagabi, bilang official na pagiging engkanto, isinama siya sa 4th Anniversary Celebration upang ipakilala siya at tanghalin bilang isang engkanto. At dahil nabakante na ang isang position para sa engkanto, Ngayon ay tatawagin siya bilang ENGKANTONG HAPON.
Japnanese Ninja |
Add caption |
Sa iyo engkantong hapon,
Sa ngalan ng aking mga kasama at kapatid na mga engkantos, I Welcome you sa mundo ng Engkantadiya. Naway, pantunabayan ka ng mga laman lupa at kutong lupa. Pati na din ang mga immortal na sila Bianca, Shalala, Gorabella, Mr. Mahusay at Felix Bakat (na taga Norzagaray). Lasapin mo at i enjoy mo ang pribelehiyo ng pagiging isang tunay na engkanto.
====================================
====================================