Followers

Wednesday, December 30, 2009

Year-End Report:

January:

Nagpunta ng Cebu ang Prinsesa para umattend ng Sinulog Festival kasama si Bloigg.. Pabulong na sinabi ni Bianca....Hindi naman daw talaga sinulog festival ang sinadya ng princesa.. kundi para i meet ang kanyang twink na ka chatmate na isa palang tukling.. Pagkauwi ng Princesa galing cebu.. kasama niya ang Dyosa.. nag hanap ng mga bagong makakasama ang dalawa. Nakarating sa malayong lugar.. nakita ang dalawang nuno sa punso.. (Princesita at Ewok) at ang Pinaka Nuno sa Punso..hahaha (si Tasya Pantasya) hahaha..


February:

Early February... nagkaroon ng videoke session ang mga engkantos sa Music 21.. halos lahat ng mga engkantos ay naroroon.. pati na din si guest#1.. ang ang bagong engkanto na si Angelo.. na sandali lang ay nawala din... dahil sa di niya pagkakaunawaan sa Dyosa.. At ganun din ang alitaptap na nawala na lang matapos ding magkaroon ng di pagkakaunawaan sa Dyosa.. (mukhang kontrabida yata ang dating ng Dyosa? hahaha)

Dumating mula Cebu si Bloigg.. sinundo nila Dyosa at Princesa.. kasabay noon ay ang unang pagtatagpo ng Princesa at ni Lukayo.. na ginawang engkanto at tinawag na Kondesa. Samantala ang Bloigg ay ginawa na ding official na engkanto.. kahit na matagal tagal na din siyang kasama ng iba pang mga engkantos. "PGR" ang naging tawag sa kanya.. PGR means.. Patong Gandang Reyna".. itanong nyo kay Bianca kung bakit naging PGR ang tawag sa kay Bloigg..

Nag karoon ng night swimming ang mga engkantos sa Antipolo sa pangunguna ni PGR at ni Princesa. Isang napakasayang pagtitipon ng mga nilalang.. At dito umusbong at naging official ang pag iibigan ng dalawang Engkantos.. Si Princesa at si Kondesa.. Dalawang bagong engkantos ang nadagdag.. sina Luna Mystika at si Dabo..

March:

Nagbalik ang dating hinagupit na si Alitaptap.. na ngayon ay mas gustong tawagin na Tinkerbell. Galing siya sa isang masalimuot na mundo.. kakaiba sa mundo ng mga engkantos.. Malaking pasasalamat niya sa Dyosa.. at naging magkaibigan ulit sila.. na naging dahilan ng kanyang muling pagbabalik.


April:

Dark days ito para sa mga engkantos... Nagkahiwalay ang Princesa at ang Kondesa.. matapos ang halos dalawang buwan na pag iibigan.. Malungkot ang mga engkantos.. na naging saksi sa maayos at magandang pag iibigan ng dalawang nilalang.. subalit hindi kinaya ng kanilang mga powers ang sigalot na nangyari sa dalawang engkanto..

May:

Isang malaking pagtitipon ang nangyari sa Garahe Bar kung saan winelcome ang mga bagong engkantos.. sina Maxwell... Shoti... Popoy... at si Deathnote... Nag imbita ang PGR sa kanilang bahay sa Antipolo at naimbitahan ang ilang mga engkantos.. pati na din ang dalawang bagong engkantos na sina Maxwell at Popoy..


June:

Isang malaking controversiya ang kinasangkutan ng Princesa at isang dating engkanto na ngayon ay wala na sa engkantadya. Nagalit ang princesa, wala daw katotohanan ang kontrobersya. nagbigay din ng testimony ang Dyosa at ang Amasona .. kwinesyon ang kredibilidad ng dating engkanto.. At dahil dito.. tuluyan nang natiwalag ang engkantong ito kasama ng isa pang engkanto na tinuturing niyang bestfriend...

Makalipas lang ang isang linggo.. isa na namang engkanto ang tiniwalag, dahil sa hindi pagkakaunawaan na ang mga sangkot ay sina: prinsesa at kondesa at nadamay sina dyosa at amasona.

Nagkaroon ng despedida party ang mga engkantos para kay PGR.. na pupuntang Jakarta, Indonesia... magiging OFW na ang Reyna.. (pero bakit daw sa Indonesia pa.. ? tanong ni Santino. hahaha).. Halos lahat ng mga engkantos ay present.. Maliban kay Santino na nasa ibang bansa na.


July:


Nagcelebrate ng birthday ang Princesa.. Videoke Session.. sa Music 21 ulit.. May dalawang bisita na nakisaya sa kanyang kaarawan.. Si mksurf8 at si G.. Masaya ang pagtitipon.. Siyempre ang star ng pagtitipon ay masaya.. Pero nagulat yata siya ng matanggap ang bill ng kanyang credit card.. Imbes na P3,300 .. P33,000 ang nakasulat sa kanyang bill.. Nawindang ang princesa.. di kinaya ang nakita sa kanyang bill.. at ayun.. sumugot sa Music 21 para ireklamo ang kanyang bill hehehe

And later that month.. nag celebrate din ng ika 2nd year anniversary ang mga engkantos.. Dalawang taon ng samahan.. pagkakaibigan.. pagkakapatiran..at pagmamahalan.. hindi maikakailang sa dalawang taong ito.. napatunayan ng bawat engkanto na naging bahagi sila ng buhay ng bawat isa. Lalo na ng mga original na sina Dyosa.. Princesa.. Amasona.. Diwata at Santa.. More years of frienship.. friendship for life..

August:

Isang bagong engkanto ulit ang napabilang.. si Dingdong.. Hindi aksidente ang kanyang pagkakabilang sa grupo.. matagal na plinano ng Amasona na gawin siyang engkanto.. nagkataon lang na na involved siya sa isa pang engkanto.. pero walang nangyari... di nag prosper ang kanilang naumpisahang pagsasamahan..

September:

Ang isa sa mga bunsong engkantos ay nagcelebrate ng kanyang graduation... si tinkerbell.. Nagtipon tipon ang mga engkantos.. First time nangyari ang isang pagtitipon na kung saan ay nag dinner sa isang resto ang mga engkantos. Na usually ay puro tagayan lang ang nangyayari. At dito nabuo ang tinatawag na mga lamanlupa at kutonglupa. Mga lamanlupa ay yung mga elders.. na sina Dyosa.. Princesa.. Amasona.. Diwata.. PGR... Popoy.. Tasya.. at si Santa.. at ang mga kutong lupa naman ay sina.. Silentboi... Tinkerbell.. Shoti... Maxwell ....Dingdong.. at Shoti..


October:

Nagcelebrate ng kanyang kaarawan ang Diwata sa DB Bar.. halos kumpleto ang mga lamanlupa at kutong lupa. Masaya.. walang kasing saya.. kitang kita sa mga mukha ng mga umattend.. lalo na ang may kaarawan na si Diwata.

November:

Another dark days din ito para sa mga lamanlupa at kutonglupa... matapos ang 10 months na pagsasamahan ng dalawang engkantos.. nauwi din sa paghihiwalayan.. Sobrang nalungkot ang Dyosa..ang princesa at ang amasona na noon ay magkakasama nang matanggap nila ang masamang balita..

Samantala... isang engkanto naman ang nakahanap ng bagong magpapatibok ng kanyang puso. At masaya na din ang ibang engkantos para sa kanya.. Yun nga lang.. kasabay ng kanyang panibagong pag ibig ay ang kanyang pananahimik.. pag la lie low sa mga nakagawian niyang activities.. which for the engkantos.. its a sign of his contentment and happiness.


December:

Ito na yata ang pinakamasaya at memorable na month para sa mga lamanlupa at kutong lupa. Hindi lang buwan ito ng kapaskuhan.. ito rin ang buwan kung saan isang engrandeng pagtitipon tipon ng mga lamanlupa at kutong lupa para i celebrate ang Holiday Season. Sa isang hotel ginawa ang pagtitipon.. may palitan ng regalo.. kainan at mawawala ba naman ang inuman..... masaya.. halos lahat ay nag enjoy.. sana next year.. ulitin natin to..


So there... ang Year End Report ng mga kaganapan sa mundo ng Engkantadiya.

(just for the record lang ito.. para may babalik balikan tayong mga memories..)



HAPPY NEW YEAR!!!

Monday, December 28, 2009

Engkantong Christmas Party ng mga Lamanlupa at Kutonglupa

Dec 27, 2009, bandang 3pm nag check in sila Purple abode at si Wall street. Samantalang ang ibang lamanlupa at kutong lupa ay naggagayak pa lang. At ano daw itong balita ni Bianca na agahan daw ng mga engkantos ang pagpunta sa Hotel. at baka magutom ang dalawa (purple abode at wall street) at baka pag late na dumating ang mga engkantos ay di na nila mabuksan ang pinto dahil sa pagod... Pagod saan? hahahaha kaya nakiusap ang dalawa kay Bianca na sabihan ang mga lamanlupa at kutong lupa na agahan ang punta.


Samantalang ang iba ay on the way na patungong hotel ay ilang minuto lang ay dumating na ang dalawa.. sina Piolo Pachelu at si Guest#1. May nagbulong kay Bianca.. na kaya daw maaga dumating ang dalawa ang nag titipid.. libre nga naman ang room.. bakante.. ayun.. nagkulong agad ang dalawa. Ay!! taas ang kilay ng mga lamanlupa at kutong lupa.. (ano kaya nangyari sa loob ng kwarto?!?) hahaha

Mga bandang 5pm dumating si Gerald Anderwear.. Hot pa din talaga ang kutong lupang ito. Na akala yata ay late na siya.. at 12noon nag start ang party. "ang aga mo naman?!!" tanong ni Bianca!.

Nasa biyahe na ang ibang engkantos.. tumawag si purple abode kay Cesar Mutano na kasama sila Sam Gilbeys at Luna Mystika. Ano kasama ni Cesar Mutano si Luna Mystika? Tanong ni Bianca.. diba may nakaraan sila? Sabay kanta ng "Muling Ibalik andg Tamis ng Pag ibig".. Nawindang si Bianca hahaha

Nagtext si Purple Abode kay Cesar Mutano.. nagpapabili ng STREPSILS.. strepsils?!? Bakit namaga kaagad ang lalamuna niya? ilang oras lang silang nag.... hahaha hmmmm.. napaisip tuloy si Bianca kung ano nangyari at kailangan ni Purple Adobe ang Strepsils.. Bumulong si Sam Milbeys.. "baka may pumasok na foreign body sa lalamunan niya kaya namaga".. Ano daw? Foreign body?!!! hahaha. Ang tanong.. gano ba kadaming foreign bodies ang pumasok.. at biglang namaga? hahaha

Mga bandang 7pm na nang dumating si Cesar Mutano, Sam Gilbeys at Luna Mystika. Pag bukas ng pinto ..Say ni Bianca.. Welcome!! mabuhey!!.. sabay pasok sa ang tatlo at inilapag agad ang mga bitbit na pagkain sa mesa. Nadatnan namin ang lima na nanonood ng TV.. sa sala sila Gerard Anderwear, Piolo Pachelo, Guest #1 at si Rapunzel at sa kwarto naman ay si Wall Street... na tila wala sa Mood. nakakunot ang noo.. (nabitin daw) bulong ni Bianca.. hahaha.. At napag alaman na si Wall Street pala ang may kailangan ng Strepsils.. Ano daw?!! lalamuna niya ang namamaga? May Foreign Bodies? hahaha biglang tumbling si Bianca hahahaha

Habang hinihintay ang mga ibang lamanlupa at kutong lupa ay nanonood lang sila ang TV at ang iba naman ay nasa balcony.. tinatanaw ang ganda ng view. Habang nagyoyosi.




Maya maya ay isa isa nang nagdatingan ang mga iba pang lamanlupa at kutong lupa. Dumating sila Zanjoe Merudo at si Popoy Borkenhearted. Hinarang daw sila ng guard sa hotel entrance at hinahanapan ng ID.. Kaya to the rescue si Purple Abode at bumaba ng building para sunduin ang dalawa. Pagkaayak ng tatlo.. maya maya ay dumating naman si One Hot Papa... Bago pa siya dumating ay nag sisintemiyento na itong si Purple Adobe kay Cesar Mutano.. dedmakels daw ang magiging drama niya kay One HoT Papa.. (This time si Bianca naman ang nag Roll Eyes hhahaha) Ayun kay Purple Abode.. 3 days daw niyang sinuyo si One Hot Papa.. ay nagsabi daw itong pupunta.. pero ihahatid lang daw niya ang kanyang gift at pagkaing dala.. Say naman ni Cesar Mutano.. "Ok Fine Whatever!.. ako din di ko na tinitext.. magpunta siya kung pupunta.. Pero Im still hoping na pupunta siya... (rolls eyes ulit ang Bianca) hahaha

At tama nga.. Dedmakels ang One Hot Papa.. di pinansin si Cesar Mutano.. May tension daw yata kasi.. nasa balkonahe si Sam Milbeys at alam niyang magkikita at magkakausap ulit sila ni One Hot Papa.. after almost one and a half months na di pagkikita.. ngayon lang ulit sila magkikita..

Nagutom na yata ang mga engkantos kaya nag umpisa na silang maglafangan.. este kumain. Madaming pagkain ang nakahanda sa mesa.. May Chicken, Lumpiang Shanghai, Palabok, Pichi pichi, Shomai Salad.. KFC bucket of Chicken.. BIG round of Pizza..Softdrinks.. busog ang mga lamanlupa at kutong lupa..



Dumating si Dingdong.. galing daw casino bago umakyat sa room.. Ano?!!! si Dingdong nagkaCasino? Aba matutuwa si Santino pag nalaman niyang nagkaCasino si Dingdong.. Magkakaundot.. este sundo sila.. biglang nag head spin si Bianca sa floor.. hahaha


Maya maya ay inumpisahan na ang tagayan.. habang hinihintay si SHOBE... na galing pa daw sa Manila Pen.. wow sosyal.. (may ka EB daw sabi ni Bianca!!) chismosa din talaga itong si Bianca no? kung ano ano ang chinichizmis hahaha At siyempre.. pinangunahan ni One Hot Papa ang tagayan.. Dalawang imported na alak ang binuksan.. Carlos I at Chivas Regal.. courtesy of Santino.. Nahingi si Purple abode kay santino ang alak matapos ang kanilang tampuhan.. tagay dito tagay doon.. Sosyal na ang mga lamanlupa at kutonglupa.. imported na alak na ngayon ang binabanatan.. kung dati dati ay solve na si sa San Mig Lights at Red horse.. Ngayon imported na alak na.. Salamat Santino sa alak.. mwaah mwaahh..


Dumating si Shobe... at nagpatuloy ang kasiyahan.. Na excite si purple abode? Bhaket daw? (tanong ni Bianca)... ang sagot eh itanong mo kay Cesar Mutano.. hahaha... (roll eyes naman ang mga lamanlupa at kutong lupa.. hahaha)


Nagpaalam na ang ibang engkantos gaya ni One hot Papa, Sam milbeys at Gerard Anderwear.. na kahit anong pilit ni Bianca na mag stay sila ay si talaga napigilang umalis.. Si Gerald Anderwear ay may pasok pa daw kinabkasan.. samantalang si SamGilbeys at One Hot Papa ay di malinaw ang dahilan nila kung bakit sila uuwi na.. Bumulong si Bianca.. Mag uusap daw ang dalawa.. at mag... (Hanuvah Bianca.. ikaw talaga.. Teka may dala silang bag? travellers bag? pwede pa ba silang mag check in? haha ... parang travellers lang? hahaha)


Medyo nagkakalasingan na.. at mga restless na ang mga lamanlupa at kutong lupa. nagkatipon tipon sila sa isang kwarto.. May conference yata sabi ni Bianca. hahaha sama sama silang nakahiga sa kama at yung iba naman ay naglatad sa floor.. Pinangunahan ni Cesar Mutano ang kwentuhan.. ala Lola Basyang ang dating.. nakapalibot ang mga kutong lupa.. pati na din ang lamanlupa.. taimtim.. taimtim daw?!? na nakikinig sa kwento ni Lola.. hahaha..

Bumanat si rapunzel.."Noy.. ibinibigay ko na sayo ang buhok ko.. mas mahaba pa pala ang buhok mo sakin... at may ASIM ka pa pala talaga".. tawanan ang mga kutong lupa at lamanlupa.. Tumambling naman sa ere si Bianca.. di kinaya ang kwento ni Dyosa.. hahaha

Sa mga enkantos.. si Purple Abode ang unang naging casualty.. Kakaiba talaga itong si Purple Abode... lumalabas ang paka pilyo pag nalalasing.. to the rescue lagi si Wall Street... Mala Jawo kung magbantay.. Kulitan.. tawanan sa loob ng kwarto habang tuloy ang tagayan.. this time inatasan ni Bianca si popoy brokenhearted na maging tanggero.. naubos na ang unang dalawang alak.. inilabas naman ang dala ni Shobe na Vodka... pasa pasa ng baso.. kasama ng chaser na coke.. sprite... umikot ang baso.. lahat ng engkantos.. umiinom pa din.. Si purple abode.. habang nadadagdagan ang naiinom.. lalo nagiging pilyo.. tuksuhan.. harutan.. kulitan..


Gumana ang kapilyuhan ni Purple Abode.. ang kulet.. sobrang kulet.. Nawindang si Bianca.. di kinaya ang kakulitan ni Purple Adobe. Nagpatumbling tumbling sa ere. Samantalang si Wall Street.. hindi iniwan si Purple Abode.. laging nasa tabi.. nakabantay.. parang si Jawo kung magbantay. Sumpa ng kama si Purple Abode.. tumabi kay Shobe.. hinawakan sa kamay.. tinitigan sa mga mata si Shobe.. tawanan ang lahat... Si Zanjoe Merudo.. todo bantay din ka kanyang junakis na si Shobe.. inilalayo kay Purple Abode.. (say ni Bianca.. Hanuvah!! hawak lang naman... di naman huhubaran.. hahaha) Kahit na... ganun talaga kaober protective yang si Zanjoe Merudo.. lalo na pag dating sa junakis niyang si Shobe.. hahaha.. Tawanan ang lahat.. sa kakulitan ni Purple Adobe..

Bumalik sa floor si Purple Abode.. super alalay naman itong si Wall Street.. Kung over protective itong si Zanjoe Merudo sa anak niyang si Shobe.. mas over protective itong si Wall Street... hahaha Si Bianca.. tuwang tuwa sa tabi.. habang pinapanood si Purple Adobe sa kanyang pangungulit.. Nawindang ang lahat.. nang biglang..

"Bhe.. gusto kong maghubad.." Nagtawanan ang lahat... si Shobe.. pumalakpak.. "Yehey.. maghuhubad.. sige sige... Narining ni Wall street ang sinabi ni Shobe. "Ano kamo? Anong sabi mo?"... Natameme ang Shobe.. nag blush...di kinaya ang tinuran ni Wall Steet..hahaha. Nag hubad si Purple Abode ng Tshirt.. tapos maya maya.. shorts naman.. White brief lang ang tinira.. white brief na regalo sa kanya ni rapunzel.. sa sobrang pagka excite ayun.. sinuot agad yung brief.. tapos nag rereklamo na makati daw yung brief na suot..

Samantala.. tumawag ang Santino .. overseas call.. tumawag sa cellphone ni Purple Adobe.. kinakamusta ang mga kaganapan sa party.. bukod kay purple adobe.. nakausap din niya si Shobe.. at si Dingdong.. pati na din si Cesar Mutano.. Gusto sana ding makausap ni Bianca si Santino.. pero busy sa kakatambling kaya di na niya nakausap. hahaha.. Tapos niyang tumawag ay nag text mode na lang sila ni rapunzel.. ayun.. etong rapunzel ay nag rereport pala ng mga kaganapan blow (job) by blow (job).. kaya alam lahat ni santino ang mga pangyayari..

Umalingawngaw ang hagalpakan sa loob ng kwarto... tamang mag aalas dos na ng umaga... sobrang kulet na ni Purple Abode... si Bianca.. nahilo na sa kakatambling sa kakulitan ni Purple Abode.. at ayun.. nagpaalam na ang mga kutong lupa.. si Shobe.. si Dingdong.. pati na din ang lamanlupa na si Popoy brokenhearted.. Di na alintana ni Purple Abode ang pag alis nga mga kutong lupa.. Bagsak.. plakda sa kama... pero bago tuluyang umalis ang mga kutong lupa.. isang katawang eksena ang nangyari.. itinuro ni Dingdong ang mga paa ni Purple Abode.. tawanan ang lahat.. tila ba parang galing lang sa farmville ang senglot na si Purple Abode.. at ang dumi ng paa.. hahaha.. kita kita kung gano kadumi ang paa.. parang paa ng magbubukid.. sabagay.. true blood farmer talaga ang Purple Abode.. katunayan siya ang reigning queen ng farmville.. hahaha



Ntapos na ang kasiyahan.. unti unti na nagpahinga ang mga laman lupa at kutong lupa.. Teka.. wala yatang kutong lupa na naiwan.. lahat sila umuwi na.. Sa kwarto.. nakahiga sa kama si Purple abode at si Wall Street.. sa lapag naman ay nakahiga Si Cesar Mutano at si Luna Mystika.. Samantalang si rapunzel ay nasa sala.. sa sofa nahiga.. si Zanjoe Merudo ay umuwi din pala.. mga bandang 3am.. at sa kabilang kwarto ay sina Piolo Pachelou at si Guest #1.. Sumikat na ang araw.. isa isa na ding nag uwian ang mga lamanlupa.. tanging sila Purple Abode at Wall Street na lang ang naiwan...

Masaya.. isang napakasayang pagtitipon ng mga engkantos.. Once in a lifetime experience kumbaga.. salamat sa lahat ng mga lamanlupa at kutong lupa na nagsipunta.

Purple Abode
Wall Street
Cesar Mutano
Zanjoe Merudo
Piolo Pachelu
Guest #1
Sam Gilbeys
Gerald Anderwear
Shobe
One Hot Papa
Dingdong
Rapunzel
Luna Mystika

at Sa mga Wala na sina

Santino
Tsupaeng
Tinkerbell

Kahit wala kayo.. nasa puso at isipan kayo ng mga Engkantos..
==========================


Ito ang revelations ng Kris Kringle / monito - monito:

Codename:

Garahe Boi - Dyosa
Red Horse - Dingdong
Perry - Amasona
Silencio - Silentboi
Brokenhearted - Popoy
Hardrockboi - maxwell
Shobe - Shoti
Kembot - Papa Jason
White Brief 29 - Princesa
Cloudstriker - Tinkerbell
One Hot Papa - Papa Tagay
Watchtower - Dingding
Panda - Lukayo
Rapunzel - PGR


Mga monito ni monito

Garahe boi - Red Horse
Red Horse - Garahe Boi
Perry - Cloudstriker
Cloudstriker - One Hot Papa
One Hot Papa - watchtower
Watchtower - brokenhearted
Broken Hearted - Silencio
Silencio - Perry
Shobe - Rapunzel
Rapunzel - White Brief #29
White Brief#29 - Hardrockboi
Hardrockboi - Panda
Panda - Kembot
Kembot - Shobe
Shobe - Rapunzel

Friday, December 25, 2009

Maligayang Pasko

Sa mga lamanlupa at kutong lupa..

Raindarwin - Dingding
Marhk
Papa Tagay
Galen
Lukayo - guest no.1
Bloigg
Tsupaeng
Popoy

Silentboi
Dingdong
Shoti
Tinkerbell
Maxwell

isang mainit na pagbati mula kay FOX (Dyosa)

MALAIGAYANG PASKO!!!

kita kits sa linggo.. enchanting christmas party ng mga engkantos..