Followers

Monday, April 26, 2010

si DUGYOT, si YAGIT at si KARGADOR

Isang paanyayang Blow Out ang natanggap ni Dugyot sa kaibigang pumasa kamakailan sa Bar Exam na nagtapos sa Ateneo Law School. Ang celebration ay ginanap sa Pangasinan na kung saan animo field trip ang kinalabasan, isang bus at 3 van ang sinakyan ng family at close friends nitong bagong attorney.


Medyo stressed itong si Dugyot nitong mga nagdaang araw kaya’t sumama sya sa Pangasinan at isinabit nya sina kargador at yagit para dumiretso sa Baguio pagkatapos ng kainan sa Pangasinan. As usual, umeksena na naman si Bianca, na pinaratangang gate crasher itong sina kargador at yagit, gusto rin kasing sumabit ni Bianca. Sorry ka Bianca di ka pwedeng sumama, kinahihiya ka ng mga engkanto hahahahaha.

Excited si yagit, kinuha ang kanyang alkansyang lata na punong-puno ng barya, at nang bilangin, jusme! Tama lang pambili ng Marty’s! Ito namang si Kargador marami yata ang naraket kaya punong puno ang wallet ng tigbe-bente. Si Dugyot? As usual, puro credit cards at ATM ang laman na ZERO balance naman. Pero sabi nga kahit kapos sa budget, dapat ituloy ang gimik kahit pa ibugaw pa ni dugyot si yagit magkapera lang!

Dapit hapon ng dumating ang tatlong kulogo sa Baguio. Nagulat sila nang nadatnan nila…… ang anino ni BIANCA !!! pordyosporsanto, talagang echosera itong si Bianca gustong silipin ang gagawing kabalbalan ng tatlo sa baguio!Lakad-lakad ang tatlo (habang nakasunod ang anino Bianca, maliligayahan sigurado si Papa Tagay kapag nabasa ito) !

Etong si Dugyot masyadong pa-bibo, dahil nga sa kapos ang budget niyaya ang dalawa sa transient ! 200 daw per head sabi ng landlady na ang hotel-transient ay malapit sa Saint Louis. Akyat ang tatlo ngunit tila yata sila ay reject, di tinanggap bilang transient… bakit mukha ba silang basurero ? Halakhak si Bianca.
Hindi naman noh? Wala lang daw mag-aayos ng room, balik na lang daw maya-maya. Mainit na ang ulo ni Dugyot, napahiya yata kay kargador at yagit. Kwento to the max pa naman sana si Dugyot na ito raw ang kanyang transient house kapag di pa nakakuha ng dormitory noong panahong sya ay nasa UP Baguio pa.

Napadpad ang tatlong mukhang basurero (kasama ang anino ni Bianca) sa isang mumurahing hotel sa may Bonifacio, malapit sa Maharlika. Biglang naawa daw tuloy sa sarili itong si Dugyot, dati-rati sa isang first class na hotel sya nag-i-stay sa Baguio, ngunit dahil sa global financial crisis, natutong mamulot na lang ng basura kasama si yagit, para lang maka-survive. Game naman itong si Kargador kahit saan hilahin, sige lang.

Akyat ang tatlo sa room 322 (taas ang kilay ni Bianca, nang makita ang silid). Luma na ang kama, at maraming vandals sa dingding. Dalawa ang kama, isang queen size at isang single. Sa queen size sina dugyot at yagit, sa single si kargador… at sa sahig si Bianca Echosera!

Naidlip muna sila pansamantala sa lumang kwartong animo nilaspag na ng panahon… Pero parang di komportable itong si dugyot, na inaabot yata ng pagka-feeling milyonaryo, gayong basurero na sya…. Tila yata may nangangagat. Binuksan ang ilaw… amfotah ! madaming lamok !

Asar talong tumayo si dugyot, habang ang dalawa ay himbing sa pagtulog kahit pinuputakti na ng lamok! Dali-daling pumunta sa CR upang magpa-presko, at pagdating dun juice ko! Hindi lang pangpa presko, kasing lamig pa ng iced-buko ang tubig pampaligo kasi sira ang heater. Walang nagawa itong si Dugyot kundi ibuhos na lang ang nagyeyelo-yelong tubig sa kanyang katawan, bahala nang mapulmonya.

Sumunod maligo sina dugyot at kargador na tila mukhang iced candy, ube flavor ang mga mukha matapos magshower.
Tupig ang kanilang hapunan, oo tupig na galing pa sa Pangasinan. Hindi kumain si Bianca, awang-awa sa sarili kung bakit pa raw sumama ang kanyang anino sa Baguio. Naglakad sila paikot-ikot sa Burnham Park, hmmmmm… Bianca likes the idea, eh pano ba naman nagsa-sight-sight daw ang tatlo ng mga cute na callboy.

Pero teka, silang tatlo yata ang pinagtitinginan kasi mukhang callboy ang kanilang porma! Lalong lalo na si yagit na talaga namang feel na feel ang body fit na pinahiram sa kanya ni dugyot! Disappointed ang tatlo. Walang cute sa burnham! Maaga pa raw kasi sabi Bianca, 10pm pa lang nun.

Nagutom ang tatlo kumain sa may burnham, shocked si Dugyot, sobrang mahal naman ng binayaran nya. Ginto pala ang presyo dun. Advise nya sa mga tourists wag kakain sa resto na malapit sa burnham, kasi ang presyo ng pagkain mala-Italianis !
Lakad-lakad sila paakyat sa session, tila may hinahanap…. Ang lugar na style Malate! Oo, magpapaka-out daw ang tatlo, total baguio naman, hehehe. Napadpad sila sa kahabaan ng Governor Pack Road, at nagpa-picture sa UP, at ikinuwento na ni Dugyot ang kanyang naging buhay noon sa baguio, masaya man o malungkot.

Niyaya ni Dugyot ang dalawa sa Engineer’s hill na kung saan gusto nyang sariwain ang kanyang kaburautan noong sya ay estudyante pa lang. Ang engineer’s hill kasi ang tambayan ng mga ibat-ibang klaseng frat sa UP at walang araw o gabi na walang riot.
Sa ilang minutong pagtambay ng tatlo sa lugar, eto na ! nasaksihan na nila ang riot, suntukan, bakbakan ng mga estudyante. Wala namang mga deadly weapons, kumbaga suntukan lang, may mga natumba muntik pang masagasaan ng taxi, habulan hanggang naglaho nang parang bula. Napangiti tuloy si dugyot. Ang mga estudyante, walang pagbabago, mula noon hanggang ngayon. Pero in furness (fairness, hehehe turo yan ni papa joms, hahahaha). Mga twinks sila ha? Mga cute na twinks ! Luwa tuloy ang mata ni kargador hahahahaha.

Nawala ang tatlo sa kahahanap sa bar na style malate at dahil dito….
May nag TEXT !
Halos sabay na nag txt si lukayo at Popoy. Nevada square daw. Ayun, sakay ang tatlo sa taxi kasama ang si Bianca Echosera papuntang Nevada.


Lugar daw yun ng bi, eh ba’t maraming babae? Bakit nga ba Popoy at Lukayo? At parang madaming straight. Pero wait, ganun din ba sa Bed at Chelu? Marami ding bang babae at straight dun? Ahehehe, nagtatanong lang po.

Mukhang disente ang lugar, marami ngang malasado ang kilos, karamihan ay mga estudyante pero kasing dami ng lalaki ang mga babae. May nakatitigan si dugyot, hmmmm. Selos ang yagit. Ang kargador, pa-demure. Umihi ang kargador, at pagbalik nya…..

Sina dugyot at yagit, may ka-table nang koreano? Oo, shocked nga si Bianca. Lumapit ang koreano sa dalawa, nakipagkaibigan. In Fairview, cute sila ha?

Anoooo? Tinigasan si Dugyot sabi ni Bianca? (wala namang laglagan Bianca, bakit? Nakita mo bang hinipuan si Dugyot nung koreano? As in sinilid ang kanyang kamay sa brief? Hahahahah).

Pasado ala-una na nang umuwi sa hotel, pero siempre bumili ng katol si dugyot. Opo, ang katol ay para sa room na malamok hahahaha. Wala namang take-out na twink si kargador, at hindi rin sya na-take out. Walang ganoong tsismis, paglilinaw ni Bianca sa mga engkantos.

Kumusta naman sina dugyot at yagit sa loob ng hotel? Halos kainin daw ng lupa ang dalawa sa kahihiyan nang biglang pagbukas ng pinto ni kargador ay mahuli ang dalawa na nag…………. “tooooot”. Tanong ni Bianca kay kargador… nakita ba nya ang tayong-tayong Jun-Jun ni Dugyot?

Sabi ni Bianca, kung may sex scandal man ang dalawa…. Wag na lang i-upload!

Sunday, March 14, 2010

Nosebleed Chronicle: Bratinella

Nananahimik si Bianca Echosera nang mag txt itong si Pilyo na may kaganapang nangyayari sa boundary ng straight at gay sa malate. Sakay ng magic carpet, suot ang kanyang pulang kapa… naglakbay ang Bianca sa isang bar na malapit sa Common Ground. Kung saan nag-iinuman ang mga encantos.

Pang-straight daw ang bar. Oo nga’t nasa boundary ang bar ng straight at kabadingan, eh bakit tila yata habang lumalalim ang gabi eh may mala-butch Francisco na pumapasok sa bar ? hmmm. Teka, mukhang mga straight naman teh ang mga nasa table katabi ang kanilang mga gf, pero bat kaya malilikot ang kanilang mata?

Kinompirma ni Papa Joms, mga pamintang buo daw ang aming mga nakita. Paakbay-akbay pa raw sa mga GF pero kinikilig kapag nakakakita ng mga hot na hunks !
Mag-aalas dose nang dumating ang Bianca, kasabay nina X at “bratinella”.
Ang naabutan nila sa tagayan ay sina dugyot, yagit, kulogo at kurikong.
Pero bakit naman yata konti lang ang mga encantong nag-inuman?

Wala naman daw kasi sa plano. Nagkataong 8th monthsary nina na dugyot at yagit eh sumabit itong sina kulogo at kurikong sa selebrasyon kaya ayun nagawi sila sa malate. Si burnek naman ay nasa timog naghihintay na akala yata doon ang tagayan ay tinamad nang sumunod sa malate.

Hot ang kasama ni X na si bratinella nang bumulaga sa grupo. Si dugyot na mahilig sa bata ay napatitig kaagad kay bratinella na may kagwapuhan ngunit dagling napahiya nang titigan ng masama ni selosong yagit.

Sino nga ba si bratinella? Sya raw ay naka-mit ni X na taga planet romeo. How cheap…. (sabi ni Bianca). Two days pa lang silang magkakilala hanggang niyaya ni X si bratinella na makipag-inuman sa grupo bilang guest.

Base sa obserbasyon ni Bianca, mahangin daw itong si Bratinella. Pa astig daw sa simula pero nang biglang humangin ay bilang naging IC Mendoza daw ang karta.
Nagyaya si Dugyot sa bar na malayo sa mga bar ng mga bading at nagawi sila malapit sa Tiya Maria Bar kung saan umorder sila ng san mig light at liempo.

Entertain to the max itong mga encantos kay bratinella, pero bakit sarcastic yata itong si bratinella. Nanggagalaiti itong si Bianca dahil, Superstar daw umasta itong si bratinella na naliliitan yata sa pagkatao ng mga encantos.

Tinanong ni Yagit kung ano ang trabaho ni Bratinella.. Ang sagot ay MAN (Master of Nursing). Taas ang kilay ni Bianca, at the age of 21 sya ay MAN. O di ba? Huling huli ang pag nose bleed ni Ate Bianca. Trabaho ang tinatanong iha, hindi ang tinapos mo.

Hindi kinaya ni Kurikong ang bagyong dumating sa enkantadiya kaya pa-simpleng tumalikod sa table na huling huli sa kamera. Kung tutuusin si kurikong na ang pinakamabait at pinaka-understanding sa grupo. Si Pilyo na pinaka buraot sa grupo ay walang magawa kundi nakinig na lang sa mga bida nitong si bratinella at nang talagang hindi na nya kaya ay tumabi na lang kay kurikong. Naki-join na rin ang kulogo na syang pinuno ng grupo.

Ang nagtyaga kay bratinella ay si Yagit na talagang binusisi, hinimayhimay at kinilatis ang pagkatao nitong si bratinella. Pero sa pag-uusap ng dalawa makikitang tango lang at konting salita ang kay yagit at mahabang speech kay bratinella na halos ikaputol ng litid sa leeg sa pagsasalita.

Ang tanong ni Ate Bianca…..

Bakit yata badtrip na rin si X kay bratinella dahil di na rin nya magawang kausapin?

At baket naman Kulogo nang umorder ka ng atay ng baboy eh hindi mo inalok si bratinella?

Haaay, kaya ayaw nang magsama ni Kurikong ng bisita eh, binuburaot nyo.
Pero sandali may comment si Ate Bianca. Ang pambuburaot naman daw sa mga naunang bisita ay katuwaan lang para sumaya ang grupo at katunayan nag-enjoy sila ng sobra-sobra sa pinakitang hospitality ng mga encantos.

Pero itong bratinellang ito? Nasira ang gabi ni Papa Joms !













(sorry X, binuburaot mo raw kasi ang mga bisita ng mga lamanlupa, kaya ngayon ikaw ang binuraot hahahaha. Pero in-fairview, kabura-buraot naman talaga si bratinella di ba?) hahahahaha.

Thursday, February 25, 2010

Encantadia sa Splash Island

Nagpaplano ang Pinuno para Swimming ng mga engkantos sa Splash Island ngayong summer either March 14 or 21.

Plano pa lang, pero excited na si Bianca tila gustong sumama.

Survey to kung ano ang preferred date nyo: March 14 or 21 ? Next question... Sasama ba kayo kung kasama si Bianca?