Followers

Saturday, November 28, 2009

Nosebleed Chronicle: Issue ni Kuya

Umaapila ang Wall Street sa espekulasyong magsusuot si Bell Gates ng red cocktail gown sa taunang pagtitipon ng mga makapangyarihang nilalang sa ilalim ng lupa. Makakasira daw ito sa imahe ng business tycoons at malamang na sumadsad pababa ang market value ng kaharian.

Isang oras lang naman daw ang hinihingi ni Bell Gates, gusto lang naman daw nya ma-feel kung pano ang pakiramdam ng nakasuot na gown.

Nagpahayag di umano ang Wall Street na hihikayatin nyang umurong ang mga investors kapag itinuloy ni Bell Gates ang balak.

Ngiti lang ang sinagot ni Bell Gates. Baket ? hindi lang naman Wall Street ang money market ah? Meron pang Dow Jones, Forex, Nasdaq at marami pang iba.

Ang tanong: Masira kaya ang relasyon ng Wall Street at Bell Gates dahil lang sa gown issue?

------------------
Nagulat ang si Big Brother sa gym ni EJ Tamaraw, ang grand winner ng nakaraang “T-Back Open”. Pano naman kasi sobrang mga hot ang mga client ni EJ sa gym. Halos lahat ay mga gwapo at cuties. Pano ba naman kasi ang mga nagji-gym dito ay mga estudyante ng …. Big4 University na matatagpuan sa Taft Avenue!

Ayan tuloy, libang na libang si Big Brother sa panonood ng mga hotty cuties na labas-masok sa gym. (I like the word: labas-masok, hehehe). Nagagalit si Bianca ng PBB, dapat daw wholesome, ok.

Gusto daw magtayo ng isang maliit na barong-barong si Big brother sa labas ng gym, at doon daw matutulog para lang makasilay sya ng mga cuties.. Big brother ha? Desperado ka na, ayaw ng mga lamanlupa ng ganyan…..

------------------
May tampuhan itong si Big3 at Big4. Pano naman kasi pareho nilang pinapakialaman ang lovelife ng bawat isa. Isinusumpa kasi ni Big4 ang isang ex ni Big3. At eto naming si Big3, hinaharang nya ang mga karir ni Big4. Pakialaman ba ng lovelife. Para kasing magkapatid na itong si Big3 at Big4: magkarugtong na ang kanilang ugat at berdeng dugo. Naku ha? Magbati na kayo kasi Christmas na.

-------------------
Talagang hindi na nagpaparamdam si Edward Cullen matapos nyang iwan si Isabelle. Wala na rin syang kontak sa mga vampires. Nakakalungkot isiping magpapasko, mawawala ang isang cullens…… Nagagalit na si Jacob sa pangyayari, manong magparamdam naman daw.

Natatakot din ako kay Jacob, baka sa kanyang galit kay Edward Cullen, maging lobo sya…. (takot na talaga ako, oo)

--------------------
Nagre-recruit si Big brother ng bagong lamanlupa. Against ang ibang mga lamanlupa na idinaan sa “anonymous”. Sabi ng isa, ang member ay hindi hinahanap – kusang natatagpuan yan. Oo nga naman. Pero dahil sa announcement nga ni Kuya, may isang blogger dawn na gustong maging myembro hmmmm… Isa lang ang masasabi ko: magugustuhan sya ng mga lamanlupa. Oo.

Clue: Genki deska, hai!

----------------------
Anoooooooooooooooooo? As in grabeeeeeeeeeeeee! Ito palang si “adictus mellitus” ay adik sa Farmville. Akalain mo, ang bilis ng level-up nya sa farm. Hindi nakatiis ang isang baklang magsasaka. Tinanong nya kung bakit ang bilis ng level up ni “adictus mellitus”.

Ang sagot: bumibili pala sya ng COINS gamit ang credit card! Muntik nang himatayin si baklang magsasaka nang marinig nyang almost 100 dollars na pala ang nagagatos nitong si “adictus mellitus” sa kanyang Farmville na may dalawang villa !

Monday, November 23, 2009

Advertisement

Isang paanyaya mula sa mga Lamanlupa.

Ang mga engkanto po ay naghahanap ng Kutong Lupa in training. Kinakailangan po na siya ay between 20-25 years old (bawal po ang 19 and below at baka biglang kiligin ang DAKILANG buraot) discreet, lalaking-lalaki kumilos, gymfit at higit sa lahat eh kayang tumungga ng anim na San Mig Light ng hindi nalalasing. Bawal po ang balat sibuyas dahil trip ng mga engkanto mamburaot sa isa't isa. Bawal rin po ang makipaglandian sa kapwa engkanto sapagkat mabilis pa kay Kuya kapag i-nevict siya sa kaharian ng Diyosa. Ang mapipiling bagong Kutong Lupa ay makakatanggap ng kabuhayan showcase courtesy of Ms. International at Ms. Asia Pacific. Magkakaroon rin po siya ng sangkatutak na mga kuya na maninindak ng mga boylets na kakarir sa magiging bagong engkanto. Higit sa lahat, magkakaroon siya ng priviledge na na-eenjoy lang ng isang opisyal na engkanto gaya ng libreng make-over sa parlor ni Buraot at mga matalinhaga at nosebleed na mga payo galing mismo kay Buff Daddy.

Ang mga interesado ay sagutan lamang ang form na ito at ilagay sa comment box.

Internet Handle: _____________________
Stats: _______________________________
Location: ____________________________
Edad: ________________________________
School: ______________________________
Allowance Per Week (If Student) ______
Sex Position (T,B,V) _________________
Paboritong Show Sa TV: _______________
Paboritong Music Artist: _____________
Favorite Sports: _____________________
Favorite Dish: _______________________
Favorite Tambayan Place ______________
Favorite Color _______________________
Nagpupunta ba sa Malate: Yes ___ No ___
Gymgoer: Yes: ______ No: _______
Hobbies: _____________________________
Bakit Gusto Mo Maging Engkanto:
______________________________________
______________________________________
______________________________________

Deadline of submission of Entries is on December 1, 2009. Magregister na. Dali! Baka ikaw na ang hinihintay namin.

Sunday, November 22, 2009

Nosebleed Chronicle: HOT

Ramdam na sa buong katawan ang lamig ng December ngunit hindi ito alintana sa init ng katawan ng mga lamanlupa na kahit umulan man o bumagyo at dagdagan pa ng shower ng yelo…… HOT pa rin ang anim na lamanlupa.

Hot # 1

Si Sam Gilbys. Sawi sya sa pag-ibig, isang lingo pa lang syang iniwan ng kanyang partner na si “toooot” (bawal mag drop ng name baka ma-nuno sa punso) ay tila yata hindi ininda ang pag-aabandona sa kanya. Tanong ng mga lamanlupa….. SAWI BA SYA? Eh bakit hot sya! Blooming si Sam ngayon, lumiit ang tyan, gumanda ang katawan, at kuminis ang mukha. Ang inaasahang Sam Gilbys na bubulaga samin sa tagayan ay dugyot, malalim ang mata at may maitim sa tagiliran na mistulang si Edward Cullen. Pero bakit? Bakit gwapo at hot syan ngayon?
Magaling lang talaga sigurong magdala ng problema itong si Sam Gilbys. Duguan ang kanyang puso ngunit puno ng sigla kanyang pisikal na katawan. Hmmmm. That makes him HOT ! (clue: he has the most gorgeous face among kutonglupa!)

Hot # 2

Si Gerald Anderwear. Isa syang kutonglupa na under species ng lamanlupa. (wala akong panahong iexplain ang difference ng lamanlupa sa kutong lupa, kaya nga nosebleed noh). Pero itong si Gerald super hot kagabi. Simple lang ang kanyang porma. Tahimik ngunit malalim. Hmmmmm… Dyosa ha? Gwardyahan mo yang si Gerald, baka may mangarir dyan at mahagupit mo na naman. Pero in Fairview, itong si Gerald, gwapo naman talaga. Ngunit sa pansamantala nyang pagliban sa tagayan, ang bumuluga samin ay gwapong Gerald Anderwear ! Gumanda ang kanyang katawan, kuminis ang mukha at HOT tingnan, oo hot sya hehehe. Magbibigay na ako ng clue kasi hindi matatahimik ang Mahrk at Bloiggster. Siguradong mag-ooverseas call sila , gagastos ng dolyares sa telepono, mang-aabala sa mga trabaho namin, mangungulit para lang malaman kung sino ang HOT na to.

Clue: He’s wearing eyeglass. Ayan Mahrk at Bloiggster ha? Pag hindi nyo pa nakuha yan, naku! Pagdududahan namin na ang inyong UP Diploma ay made in Recto !

Hot # 3
Cesar Mutano. Nang mag open ng gym ang isang lamanlupa, nabenepisyuhan ng todo itong si Cesar Mutano. Eh pano ba naman, libre ang lahat ng mga lamanlupa sa gym na to. San ka pa? Yun nga lang si Cesar nga lang ang masigasig mag workout dito sa gym ni lamanlupang buraot.

To cut the story short. Gumanda na ang katawan nitong si Cesar Mutano. Lumiit ang tyan at …. Hmmmm.. Nagsusuot na sya ng body fit !!! oo body fit (sabi ni Bianca ng PBB). Katunayan ito palang si Cesar, pinagtataasan na ng kilay ng mga kasambahay… Pati ang kanyang ama, kumukunot ang noo sa kanyang masikip na tshirt.

Minsan pumasok itong si Cesar Mutano sa kanyang work. Ang bungad sa kanya ay…………… “Sir, ok ang suot mo ah… Ok ka lang?” Namula ang Cesar. Pero sa isip isip nya… Keber! Hehehehe. Inggit lang sila.

Oo nga inggit lang sila, sang-ayon ng mga lamanlupa. Ang hirap yatang magpiliit ng tyan at magpalaki ng katawan no? Matinding sakripisyo.

Pero teka… nag-react nang todo itong si lamanlupang buraot nang itong si Cesar daw ay nalilink sa …. “toot” (mahrk at bloiggster, wag nang ipilit kung sino sya at hindi sya lamanlupa!) Eh kasi nga panay ang txt sa kanya, panay ang tawag at…….. nanood sila ng NEW MOON !!! Hindi kinaya ni buraot ang mga pangyayari kaya kinompronta si Cesar. Akala ba namin mga lamanlupa ang mga priority mo, eh bakit lumalandi ka na?

Ayyyy… wag naman tayong ganyan. Bakit wala bang karapatang lumigaya si Cesar Mutano? Mabibigay ba natin ang kaligayahan nya? Eh siempre kelangan nyang chumurva noh?

Kawawang Cesar Mutano, kapag may pinakilala sya. Siguradong kakaliskisan ng todo ng mga lamanlupa! Nagparinig si buraot, pagseselosan daw nya ang magiging partner ni Cesar… (Ano daw? Ipa-firing squad ? …. Wag namang ganyan! Kung nahagupit kayo noon, wala naman gantihan!)

Hot # 4

Piolo Pachelu. Hot din si Piolo ngayon. Bakit dahil ba may bagong inspirasyon? Hmmmm… ibalita mo yan kay Mahrk at kung hindi wala kang pasalubong na chocolate at shoes at pants at tshirt. Oo (sabi ni Bianca ng PBB). Ayon sa source, lie low na rin daw sa dirty gimmicks itong si Piolo Pachelu. At kuntento na. Hmmmm. Magandang balita yan. Natutuwa ang mga lamanlupa sayo. Kahit umalis ka ng maaga, nakita namin sa glow ng iyong mata ang iyong happiness.

O di ba? Sa pag-renew mo sa kontrata sa lobo, may napala ka ! kahit hindi si Angel Locsin ang kapareha mo, sumikat ka lalo. At maaayos ang kalagayan mo ngayon.

Minsan nakita ko ang Blue tshirt ng aking kapatid na si Bianca, ang print ng tshirt: “Kay sarap maging atenista”.

Isa lang ang masasabi ko Papa Pachelu… “Kay sarap maging LAMANLUPA!” Ipabasa mo to kay Guest number 1 ha? Hmmmmm.. Mga lamanlupa Agree or Disagree ! Teka muna, teka muna… nasa kanya ang desisyon kung gusto nyang maging IMORTAL anoh! Wag muna ngayong new moon, sa ECLIPSE na lng. Proper time. Oo. (Sabi ni Bianca ng PBB).

Hot # 5

Zanjoe Maduro. Biglang naging HOT sya sa ng mga lamanlupa. (Oi teka, dati na syang hot ha? Mas pina-hot pa I mean). Dahil itong si Zanjoe, lie low na rin sa dirty gimmicks. As in clean living sya ng ilang araw, oo clean living sya (sabi ni Bianca ng PBB). Gumanda ang katawan di ni Zanjoe ngayon at hot syang tingnan. Umiiwas na daw sya ngayon sa karir at EB. Ang priority raw nya ngayon ay ang tropa ng mga lamanlupa… Wow ha ! ang saya !


Hot # 6 si lamanlupa X . (ayan ! nosebleed na!)

Natapos ang tagayan ng mga lamanlupa, ang natira ay si X,Y,Z. Lasing ang tatlo. Pero ang pinakamatinding lasing ay itong si Z. Oo. Sobrang pula ng mukha nya. Mag bottoms up ba naman ! Kung tops up nde sya mababangenge, pero bottoms up ang nangyari.. ayun ! pulang pula ang Y matapos mabottom ang up (ay mali ang grammar) matapos palang maubos ang alak sa baso.

Eh di lasing ngayong lumabas sa bar si X,Y,Z . Nagparinig ngayon ang Y na masarap daw ang hot shower. Sumang-ayon si X, at dahil dito nagyaya si X ng Wensha! Eto na. Hindi pala pwede si Z dahil may KARIR sa Guadalupe ! 2am may karir? Oo may karir sya (sabi ni Bianca ng PBB). Pero hindi pumayag na hindi sumama itong si X at Y, pinapili ngayon si Z ! Moment of Truth: Tropa or karir !

Ay…. Hirap nyan ha? Pwede munang isantabi ang friend over libog di ba? Pero ang pinili ni Z ay tropa. Wow ha! Over na yan!
Sa madaling salita, pumasok si X,Y,Z sa Wensha. Itong si X ay pilyo talaga (Ayan Mahrk at Bloigg ha?, hindi na dudugo ang kaliwang butas ng ilong nyo, kilala nyo na si X !)

Palibhasa lasing itong si X, may mga ginawang kapilyuhan sa Steam at Shower room !
Walang ginawa itong si Pilyo kundi mag-assess kung straight or bi ang mga hotties sa steam room at sauna. Mixed crowd kasi pag night. At sa madaing araw, karamihan mga bi daw. Pero makikita mo sila sa dining, may mga ka-date na babae o may gf pala. Hmmmm.. bi sa jacuzzi, steam at sauna pero straight sa dining? Hmmmm… Yup. Totoo yan. (itanong nyo pa kay Bianca ng PBB).

Na-challenge daw itong si X sa 2 dalawang suplado sa steam room at sauna. Akala kasi ng lahat straight itong si Cutie#1 at 2. Dahil nga lasing, nagpapungay ng mata itong si X kay Cutie #1 and 2. Eh nakakalibog pa naman ang mata ni X kapag lasing… Di ba dyosa ! aminin…. At bumigay nga itong si Cutie number 2 kaya nag hubad sa steam room at nagpakita ng kanyang mola ! Hindi nasaksihan nina Y at Z kasi nga 3 lang ang nasa steam room. Si Cutie#1, Cutie#2 at si X. Oo, bi pala si Cutie# 1 and 2. Mga suplado sila, hindi malikot ang mata pero hmmmm.. bumigay kay X.

Nang lumabas sa steam room, humiga itong si X sa tabi ng Jacuzzi, idinisplay ang kanyang macheteng katawan. Naglaway ngayon itong si Cutie#1. Nang umupo si X, nagkatitigan itong si Cutie#1 at X hanggang nag-usap… Saksi si Z kung pano magsensyasan itong si Cutie#1 at X. Dahil ito palang si Z ay nakatago sa Sauna at sumisilip sa Jacuzzi room hmmmm…. Pinagmamasdan si Cutie#1 at X.

Ang plano daw. Mauuna si Cutie #1 sa shower room at susunod si X, tapos maglalaplapan daw sila maghihipuan, then labas na. Simpleng churva kasi bawal nga sa wensha yung ganun heheheh.

Eh ang kaso nakahiga si Y sa malapit sa shower room kaya hindi makaporma itong si X at Cutie#1 . Ayun hindi natuloy ang laplapan. Tawa nang tawa si Z.

Ang sabi ni Y, mahirap daw gumawa ng ganun sa wensha kasi bawal. Mas mainam daw sa BATH HOUSE. Nakpasok na sa bathouse si Y kaya alam nya ang kalakaran….. At dahil dito, na-curious ngayon si X kung ano ang mayroon sa bath house. Kahit naman kasi pilyo itong si X, ni minsan hindi pa sya nakapasok sa bed, chelu at bath house.
Gustong i-try ni X ang bath house…. KOMONTRA ANG MGA LAMANLUPA. Dahil kapag daw nakapasok itong si pilyo sa bath house !!! naku ! ubos ang lakas nya. At sobrang pokpok at wild daw kasi itong si X makipag sex as in parang walang nang bukas kung maka makakantot! (ay… Sorry for the word)


PS (make ur comment anonymous please, para nosebleed din kung sino ang nag comment di ba? hehehe)

Monday, November 16, 2009

WE WERE NOT WARNED !

.
Ayon sa isang palabas na hit na hit sa takilya: “You were warned”.
Lakas ng iling ng mga lamanlupa sa pangunguna ng lobo. Matapos ang kagimbal-gimbal, kahindikhindik, kagula-gulantang, nakakalungkot, nakakaiyak at nakakadismayang balitang nasagap tungkol sa dalawang lamanlupa…… Isa lang ang masasabi namin: WE WERE NOT WARNED.

Alas singko ng hapon kami pumila sa sinehan sa trinoma para manood ng 2012 at alam nyo ba? 9:15 PM na kami umabot sa schedule dahil sa haba ng pila. We were not warned, na ganun pala ka-chaotic makapasok sa 2012.

Ayon sa aming guest na ex ng isang housemate, kaya sumama syang manood ng 2012 ay dahil gusto nyang Makita si Papa Tagay na naka-bonding nya noong 2007 sa UP Village. Two years na kasi silang hindi nagkikita. Ang kaso, wala si papa tagay. Ang sabi nya: “I were not warned”.

Masyadong heartrending, tragic at thrilling ang 2012, plus the fact sa natanggap naming balita sa dalawang lamanlupa, hindi tuloy kami maka-get over sa pangyayari, tuloy napadpad kami sa makabagbag damdaming: Garahe Bar. Doon kami tumagay, nagnilay-nilay, nagbulay-bulay, nagpalitan ng kuro-kuro sa mga pangyayari. We were not warned kaya…… hahayaan muna naming hintayin ang mga susunod na mangyayari bago kami gumawa ng nararapat na hakbang.

Carried away ang isang lamanlupa sa palabas, napapasigaw sya… ng malakas. Napapatingin tuloy sa kanya ang ibang lamanlupa. At mga chicks sa likod nya ha? Napapasigaw din, nahahawa sa kanya. Pero sa totoo lang, machong-macho sumigaw si lamanlupa. Walang bahid kumbaga, kaya nga napapasabay sa kanya sumigaw ang mga chicks. (Para sa mga chicks na crush si lamanlupa: “you were not warned” – bading sya noh? Nag-aala-Zanjoe Marudo lang sya! Hahahahahahahahaha

Almost 2am natapos ang tagayan ng mga lamanlupa, at eto namang si buraot, nasarhan ng gate ng kanilang villa sa Farmville. Di nya alam kung saan matutulog, sa kalsada ba o sa ilalim ng tulay. Nag-offer naman ang ibang lamanlupa ng kanilang haws or room para dito kay buraot, sadyang hindi talaga sanay makitulog itong si buraot. Kaya naisipan nya na lang pumasok sa Wensha Timog, at magpa-umaga. He was not warned: Marami palang matatandang bading sa wensha kapag madaling araw. At dahil lasing si buraot, hindi na nagtuwalya sa Jacuzzi at steam room. Wala pakialam kung makita ang kanyang jumbo. Katunayan naidlip sya sa gilid ng Jacuzzi. At nang magising sya. Marami nang matang naglalaway sa kanya !

We were not warned: May isang engkanto palang ayaw ng intriga, ayaw ma-blind item. Kaya naman humihingi ng sorry ang mga authors as in (with s) ng mga nakaraang blind items. Sorry po next time di ka na namin iba-blind item. Promise.
We were not warned: Eto palang si “toot” ay isa nang TOP ! Windang ang lahat ! Umamin na raw kasi itong si “toot” kay “toot” na nagta-top na sya! Ang sabi ni Zanjoe Maduro: “Welcome to the club ! Since dumarami na tayo: head count please !”

As to this moment, 4 of the engkantos are confirmed to be OTHERWISE ! (you know who u are.)

Wednesday, November 11, 2009

Berso sa Antipolo

.
Natural lang sa magkakaibigan ang tampuhan. Wag mong isiping hindi ka nila mahal. Ngunit mas mainam na mahalin mo muna sila bago ka nila mahalin. Ang tunay na kaibigan diretsang sasabihin sayo ang iyong kapintasan, kasabay ng pagyakap sayo ng buong-buo sa kabila ng iyong mga kahinaan.



.

Sunday, November 8, 2009

Secret Crush..

masayang naghaharutan ang dalawang engkantos sa chat. nag bibiruan..naglalandian.. tinatanong kung ano ang mga latest na kachurvahan na kanilang pinag gagagawa lately.. Kinakamusta ni engkanto A kung ano na ang latest kay engkanto B... ayun kay engkanto B.. masaya naman daw siya at tuloy pa din ang kanyang paghahanap. Meron daw siyang natitipuhang dalawa.. katunayan.. nag dedate na daw sila. (siyempre hindi niya sabay na dinidate yung dalawa). kinamusta ni engkanto A yung dalawang dinidate ni engkanto B. Sagot ni engkanto B.. ayos naman daw.... kaso ung isa sa dinidate niya ay almost taken na daw... meaning nakareserve ang puso para sa iba.. yun isa naman daw..trip na trip daw siya.. pero.. siya naman daw ang nag se second thought kung tutuluyan ba niya o hindi.. so sa makatuwid.. parang wala lang sa kanya itong dalawang dinidate niya..

sa takbo ng kanilang pag chachat... biglang nasabi ni engkanto B kay engkanto A..

"may secret crush ako sa mga engkantos. "

"Oh? sino naman itech?" tugon ni engkanto A..

Walang kagatul gatul na sagot ni engkanto B ay.. " si papa ______ (insert the name of engkanto)."

"ganun?" tanging naitugon ni engkanto A.

"So panu yan.. hindi na secret yan.. kasi sinabi mo na eh" follow up ni engkanto A.

"Eh madaldal ako eh.. LOLS" tugon ni engkanto B.

"Ako din naman may secret crush eh" banat naman ni engkanto A kay engkanto B.

"OMG!!! ikaw din meron? Sinetchiwa?" tanong ni engkanto B.

"kaya nga secret eh.. pag sinabi ko sayo.. hindi na secret yun... Basta!!" sagot ni engkanto A.

"baka pag nalaman mo kung sino ang secret crush ko.. mawindang ka!!! hahaha"...

"sino ba kasi itech na secret crush mo?"

" Later on malalaman mo" Basta sa tuwing nakikita at nakakasama natin siya.. unti unti nalalaglag ang panty ko.. at unti unting nagiging super crush ko na siya.. lols"

"ikaw ha... lagot ka.. gusto mo bang mahagupit ng latigo?"

"Eh bakit.. crush lang naman ah.. wala namang masama sa crush.. kung kayo nga... daming niyong crush.. bakit ako hindi pwede? hahaha"


OO NGA NAMAN... CRUSH LANG NAMAN EH.. WALA NAMANG NAMAMATAY SA CRUSH LANG.. LOLS..


Nosebleed Item (Unang Yugto)

Bakit ba pinagpipilitan ng karamihan na kapag chinito ay hot. Na kapag ang isang lalaki ay gwapo, ang unang papasok sa isip – sya ay chinito.

Tulad na lang itong si Yuan, nakikipagtalong chinito daw itong si Tom. Sa unang tagayan pa lang kasi, crush na pala ni Yuan si Tom. Humingi ng payo sa mga lamanlupa. At ang payo ng karamihan – “Maglaway ka na lang kay Tom noh ! dahil hindi ka nya papansinin !”. Tahimik tuloy ang Yuan. Hindi nakatiis ang mga lamanlupa. Nagtanong. “Bakit nga ba nagustuhan mo si Tom”. Sagot ni Yuan… “Eh kasi tsinito sya.”

Ang putik naman oo ! Mukhang bombay kaya ang mata ni Tom. Halos makalbo ang lobo at tanggal ang balakubak ng mga lamanlupa dahil pinanggigiitan na tsinito daw si Tom! Eh samantalang kitang kita nga sa mata ang pagiging Bombay noh !
----------------------------------
At teka muna Yuan, itong si Paul Jake bombayin din naman ah. Bakit nilalandi landi mo kagabi, kesyo gusto mo sya makatabi sa pagtulog kagabi! PUSANG INA NAMAN., hindi chinito si Paul Jake ha? At Bombayin din sya !
------------------------------------
Pangalawang teka. Eh bakit tumataas ang kilay ng lobo dahil pinangalanan nating Paul Jake si “toooot”. Bakit hottttttttt ba sya? Sumagot ka Yuan ! Sumagot ka !!!!
-----------------------------------
Balik tsinito tayo. Ito namang si Paul Jake, mahilig din sa tsinito. Ngunit nang pumunta sya sa mall, nagkatitigan sila ng mala-Jaiho (meaning mestisong Bombay). Ayun sira ang preference ni Paul Jake, crush na nya si Jai Ho ! Tanong tuloy ng mga lamanlupa. Ano na ang preference mo?
Sagot ni Paul Jake. “Jai Ho na!”

Roll eyes ang mga lamanlupa.
------------------------------------
Bumangka nang husto sa tagayan si Yuan. Pinasaya ang mga lamanlupa. Pati ang mga guests umutot sa katatawa. Minsan lang ganito si Yuan. Sobrang masaya. Sobrang makulit. Eh bakit nga ba ganito ang attitude nya kagabi?

Sabin ng lobo… Eh kasi wala si Tom!

Oo nga naman, pa-demure itong si Yuan kapag kaharap nya si Tom.
Isa lang ang masasabi ng mga tsismosong lamanlupa! Hindi pa maka get over si Yuan kay Tom !
-------------------------------------
Nalasing si Yuan. Kung anu-anong ikinuwento na hindi nagustuhan ni kuya. At dahil doon, kumuha ng typewriter ang kuya, gumawa ng release paper… Ipapa-notaryo na raw !
Ano naman ang papel? Tanong ni Melay?

Eviction pala para kay Yuan! Naku ha? Kuya walang ganyanan!
-------------------------------------
Nag-usap ng masinsinan si Albert Martirez at Zanjoe Maduro kagabi. Pano nga kasi, pareho ang pinagdaraanan ng dalawa. Sa kahahanap ng seryosong relasyon, kung hindi nasasaktan ay nakakasakit na pala ng mga taong na-link sa kanila.

Tulad ni Zanjoe Maduro, match-maker na rin Si Albert Martirez. Katunayan, may ipinag-match si Albert ng dalawang kaibigan nya – isang kaibigang lamanlupa, at isang kaibigang bughaw ang dugo. Kapag hindi nag work out ang relasyon ng dalawa. Masasaktan din ang loob ni Albert dahil pareho nyang kaibigan ang dalawa….. Ganun din ang naramdaman ni Zanjoe Maduro noon.
----------------------------------------
May umaalis, may bumabalik. May minamahal, may sinasaktan, may iniiwan at may nang-iiwan. Tumatagal man ang relasyon, at sa huli HIWALAYAN din ang kalalabasan. Ganito ang labanan sa relasyon ng PLU.

Kaya nga tama ang sinabi ni Zanjoe Maduro na sinang-ayunan ni Albert Martirez.
“ANG KARELASYON, NAWAWALA. PERO ANG TUNAY MONG MGA KAIBIGAN, MAKAKASAMA MO HABAMBUHAY.”

Matamis ang pagkakaingiti ng KUYA.

Saying goodbye?

Countdown:

5 days to go!

15 days to go!

41 days to go!

and lastly is unknown.
pero sure na sure next year na talaga yun.
Malungkot man pero kelangan tangapin. :(

Thursday, November 5, 2009

complete the sentence

AANHIN MO ANG GWAPO KUNG ___________________________