Followers

Wednesday, February 29, 2012

Ikaw na ang Mahaba ang Hair!!






November 2010, kasabay ng pag welcome sa isang bagong encanto (papa Karps), may naimbitahan kaibigan  ang isa sa mga orig na encantos na tatawagin nating encanto A. Ayun sa encanto A, ito kanyang kaibigan  ay Brokenhearted daw. Bihira daw sumama sa kanila at matagal na daw nilang hindi nakakasama ang kaibigan nilang ito. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay isinama ni encanto A ang kanyang kaibigan..

Ang syste.. na starstruck yata ang isa pang encanto na tatawagin nating encanto B sa isinamang kaibigan ni encanto A. Si encanto B ay may partner that time. Pakitang gilas itong si encanto B. Mukhang na impress sa dating ng kaibigan ni encanto A. Usap usap, pa charming charming. Sinasamantala habang wala pa ang kanyang jowa na noon ay parating pa lang. 

At nag dumating ang kanyang jowa, ay bigla siyang nag behave. Pero hindi yata mawala ang pagka starstruck niya sa kaibigan ni encanto A. Kaya ayun, nakahalata yata ang kanyang partner. Hanggang sa dumating ang point na hindi na nakapag pigil ang kanyang partner. At para mapansin siya ni encanto B ay nag sunog siya ng tissue paper sa table, na ikinagulat ng lahat. Senyales na iyon na nag aalburuto na ang kanyang partner. Walang nagawa si encanto B kundi ayain na umuwi ang kanyang partner.

Hinahanap hanap ni encanto B yung kaibigan ni encanto A  tuwing may inuman ang mga encantos.. at napag alamang nakipag balikan ito sa kanyang dating partner.



Fast Forward...



Break na si encanto B at ang kanyang partner.. at may bago na siyang partner..

Kailan lang nagkaroon ng tagayan ang mga encantos. Birthday celebration ito ng isang encanto na tatawagin nating encanto C. Madami ang pumunta. Mga encantos pati na din ang ibang mga kaibigan ni encanto C. Isa sa mga dumating na bisita ni encanto C ay yung kaibigan ni encanto A. Na nagkataong common friend nila encanto A at encanto C ang taong ito.

Present sa inuman si encanto B. Na ngayon ay may bagong jowa na. Kamustahan, balitaan, usap usap. Hanggang sa grupo grupo na ang nag uusap. Napag alaman, na nung unang nagkita si encanto B at ang kaibigan nila encanto A at C ay attracted din pala ito kay encanto B. Remember, brokenhearted that time ang kaibigan nila encanto A ay C, single at ready to mingle. Kaso lang, that time ay taken si encanto B. Nakarating ito sa kaalaman ni encanto B at biglang ningning ang kanyang mga mata. Namula ang nga mga hasang!

Ikaw na! hahaha.. ang haba ng hair mo teh!!

Ngayon, taken na ulit si encanto B at mahal daw niya ang kanyang partner at ang kaibigan nila encanto A at C naman ay taken pa din sa dati niyang partner na kanyang binalikan.

and with that.. biglang nag comment si encanto B.... "we're not really meant for each other"











6 comments:

Garpppy Garp said...

At least hindi na kailangang maging pulis pangkalawakan si Encanto A. LOL.

Anonymous said...

kung noon nagsunog ng tissue si DINGDING sa ibabaw ng table para mapansin ang kanyang pag-alburoto.....

NAGYAYA naman si Baby P ng uwi, kebs kung hindi pa tap0s ang inuman.

Habang tumathunderette si Encanto B lalo yatang nagiging hot or siguro may gayuma sya sa kanyang bayag na buhat pa sa kanilang ISLA!!!



- ang comment na to ay pinagsama-samang pwersa nina shalala bianca at gorabella.

kirsh said...

Palakpakan! Ikaw na talaga, Encanto B! Haha!
Katuwaan lamang. Walang seryosohan. Di naman masama ma-attract. ;)

Ms. Chuniverse said...

Kung taman ang hinala ko.... higad talaga si Encanto B.


Level 99. Ganyan.



Hahaha!




:)

Anonymous said...

Gosh idol ba niya si Kris Aquino?? kasi sinunog niya noon ang kama ni Joey Marquez. Ngayon si Encantro napkin namana ang sinunog niya Kris Aquino lang ang peg Char!!

POPOY said...

my god kaw talaga! di ka nagtino nandun na nga si fafa mo naglandi kapa... "as if ako di mahalay nun" LOL

kaw na nga ang mahaba ang buhok.. kaw na!