Followers

Tuesday, May 11, 2010

Nestea Ice Tea: I-BOTTOM-less ang saya!

Isang espesyal na gabi para sa mga engkantos ang naganap noong sabado ng gabi. Tatlong engkantos ang nagcelebrate ng kanilang mga kaarawan. Ang Dominador.. si Pacifico at si Mariano.. ( na hindi nakarating ayon kay Bianca echosera ay may sariling celebration sa kanilang bahay). Teka.. mukhang mas excited pa yata si Bianca kesa sa tatlong engkantos na may birthday?...

Maagang dumating ang Dominador sa paboritong tambayan.. ang garahe bar. Nag abiso ng maaga si Dominador sa mga engkanto at sinabihan sila na dumating ng mas maaga at para di mabitin.. may liquor ban kasi pag sapit ng 12 midnight.. actually.. mas nauna pa ang Bianca echosera na dumating kesa sa mga engkantos.. Nagtataka nga si Dominador.. hindi naman kasama si Bianca sa GM ni Dominador pero bakit mas nauna pa siyang dumating... Ang talas talga ng pang amoy nitong si Bianca.

Unti unting nagsidatingan ang mga engkantos... siyempre.. sexcited.. este excited itong si Bianca.. Unang dumating si Domingo. Galing sa work at dumirecho na agad sa garahe.. As usual.. dala na naman niya ang kanyang malaking bag na puno ng kontabando.. minsan ay props niya ito kapag pumapasok sa silid na malamig na walang bintana.. hahaha (alam ni Bianca yun.. itanong niyo sa kanya. hahaha). Konting kwentuhan. Update ng mga latest news. na tila mukhang blooming ang aura ni Domingo. Ika nga.. iba na talaga ang laging nadidiligan.. namumukadkad ang kagandahan. hahaha. Habang nagkukwentuhan ang Dominador at si Domingo ay panay text itong si Bianca. tila nababahala at wala pa ang ibang mga engkantos.. mukhang siya pa ang mas excited kesa sa may birthday.

Maya maya dumating itong si Dionisio. Medyo may tension sa paligid. Hindi nagpansinan ang Domingo at Dionisio (na dating nalink sa isat isa). tahimik ang paligid.. walang nagsasalita.. maski si Dominador wala ding masabi.. Eh si Bianca? ano ginagawa? ayun.. nagmamasid lang din sa isang sulok.. nakikiramdam sa dalawa..

Dumating ang Nestea Ice Tea (maya kwento ni Bianca kung bakit Nestea Ice Tea and kanyang pangalan)... medyo nabuhayan ng konti.. siyempre.. makulit itong isi Nestea Ice tea kaya pampadagdag ng sigla sa tagayan.. Pero teka parang may hinahanap itong si Nestea Ice Tea? Hinahanap niya si Procopio.. naghanda pa man din si Nestea Ice Tea .. nag short pants ito para kapag nahimasan sila ng hita ni Procopio ay hindi siya lugi. Ayun kay Bianca at nag enjoy yata itong si Nestea Ice Tea sa himasan nila ng hita ni Procopio. Pero sa kasamaang palad ay wala si Procopio nung gabing iyon. Kasama daw ang kanyang jowa na nagcecelebrate ng kaarawan. (biglang bumulong itong si Bianca. May pabirthday sex daw kasi ang jowa kaya di makakarating si Procopio! hahaha)

Maya maya ay dumating na itong si Armando na kasama ang kanya kaibigan.. si exotic no.2 (iyon ang tawag ni Bianca Echosera sa kasama ni Armando hahaha) . Siyempre kamustahan.. sumigla pa ng konti ang atmosphere. Siyempre masaya si Bianca. unti unting nagsisidatingan ang kanyang mga alipores.

Dumating si Justo Justo na nag iisa.. wala ang kanyang Jowa.. na ang balita ay nasa bulacan at excited daw na makita ang kanyang kauna unahang pamangkin. Maaga pa lang ay nag sabi na si Justo Justo na di daw siya iinom sapagkat nag didyeta daw siya. Tinawag niya ang waiter at umorder. Nang dumating ang kanyang order. Isang glass ng pine apple juice.. tinginan ang lahat.. nagtawanan.. Talbog ang Bianca Echosera. hahaha. Ang ang Justo Justo kung maka hawak ng baso... sosyal.. nakapinky ang isang daliri.. tamang umiinom lang ng Vodka or champagne.. Taas ang kilay ni Bianca!.
Mga ilang minuto lang ay dumating na din si Pacifico.. isa sa mga birthday celebrators. As usual.. tahimik ang kutong lupang ito.. tumabi sa kinuupuan nila Dionisio at Nestea Ice tea at nakipag kwentuhan..

Dumating na din ang mag asawang sina Romilloso at Juanico kasama ang kanilang kaibigan na si Lipton (ice tea). Lumapit agad ang dalawa kay Dominador at nagbigay galang.. iniabot ang daladalang bag na kanilang regalo sa may kaarawan. Napatingin ang lahat kay Lipton. Nanibago sa kanyang hitsura. Nung una kasi siyang naisama ni Juanico at Romilloso ay mahaba pa ang kanyang buhok. Pero nang gabing iyon at nag iba ang kanyang hitsura.. lumabas ang kanyang kagwapuhan.. (taas ang kilay ulit ni Bianca) hahaha..

Pero teka.. medyo lumalalim na ang gabi.. hinahabol kasi ng mga engkantos ang Liquor Ban. Lumapit ang waiter at nagsabi na last order na daw.. Kaya umorder si Domingo nag last 2 buckets ng San Mig Light. Medyo nakakarami na din ang lahat kaya medyo may kakulitan na ang mga engkantos. Itong si Nestea Ice Tea ay tila nasapian na naman ng kaluluwa ni Bianca. Aba aba!.. panay ang angkla sa braso ni Juanico na jowa ni Romilloso.. Game na game naman ang Juanico.. at itong si Domingo ay naglabas ng kanyang digicam at panay ang shot sa mga happy moments ng mga engkantos..



Teka.. mapunta tayo sa usapin kung bakit naging Nestea Ice tea ang tawag dito sa isang kutong lupang ito. Noong unang mga nakaraang tagayan at naibroad cast niya sa lahat na nag eenjoy siyang maging isang Jollibee (Jolly - B).. (Jolly = Happy B = Bottom).. Tuwang tuwa ang Armando at nadagdagan na ang kanyang mga kapanalig.. hahaha (tanong niyo kay Bianca Echosera kung saan magkapanalig itong si Nestea ICe tea at si Armando).
Nag level up na ang kutong lupang ito.. HIndi na siya ngayon Jollibee or Jolly-B.. isa na siya ngayong Nestea Ice Tea.. bakit daw Nestea Ice tea.. ( nosebleed itong si Bianca ).. Alinsunod sa promo ng Nestea Ice tea.. I-BOTTOMLESS ang saya!.. nagets ng lahat ang ibig sabihin ng kutong lupang ito.. Napatambling itong si Bianca sa kakatawa!.. hahaha

Biglang napunta ang attensyon ng lahat kay Nestea Ice Tea.. na game na game naman nakikipag lokohan sa lahat. Lalo na nung tinukso siya sa kaibigan ni Juanico.. Si Nicanor!(lipton Ice tea).. tila yata na mesmirize ang kutong lupang ito sa pagtitig kay Nicanor.. Naging center ng tuksuhan ang dalawa.. enjoy na enjoy naman ang lahat.. at game na game din kasi itong si Nicanor! hahaha

Dumating na ang 12midnight.. umpisa na ng Liquor Ban.. gaya ng inaasahan... bawal na ang mag order ng alak. Isinarado na ang gate ng bar.. mangilan ngilan na lang ang mga taong nasa loob at inuubos na lang ang natitirang beer. Pasa ala una ng madaling araw ng maghiwa hiwalay ang lahat..

Pero medyo may nabitin.. may isang engkantong gusto pang uminom pero paano? May liquor ban na nga diba? Nag aya itong si Domingo na pumunta daw sa bahay ni Nestea Ice tea at doon ituloy ang kanilang nabitin an inuman.. Medyo malayo ang lugar nila Nestea Ice tea.. kaya nagdadalawang isip itong mang imbita sa kanilang lugar. Hindi kalaunan ay nagpasiya na din siyang ayain ang tatlong engkantos na sumama sa kaniya.. Sil Dominador, Si Domingo at si Dionisio.. Pumara ng taxi at dumirecho na sa bahay ni Nestea Ice tea..

Unang tangkang pagbili ng alak.. sa mercury drug.. nakapaskil sa harap. "liquor ban! no sale of Liquor".. hanap ulit ng ibang mabibilhan sina Domingo at si Nestea Ice Tea.. Sa isang sulok na tindahan ay nakakita ang dalawa ng mabibilhan.. Samantala si Dominador at Dionisio ay nagutom.. tumambay sa bilihan ang burger habang naghihintay sa dalawa na bumibili ng alak.

at nang makabili na ng alak.. dumirecho na agad silang apat sa bahay ni Nestea Ice tea at doon nila pinagpatuloy ang nakakabitin na inuman.. Alas sinko na nang umaga nang silay magpasyang magsiuwian..

Si Bianca Echosera.. bago tuluyang umuwi at nagbigay pa ng huling mensahe...

nagpapasalamat daw pala si Dominador sa mga nagsipunta sa tagayan..salamat daw ng madami!.

Domingo
Dionisio
Pacifico
Romilloso
Juanico
Justo Justo
Armando
Nestea ice Tea
Exotic No. 2
Nicanor





3 comments:

Anonymous said...

Sa totoo lang ha? napipikon na si Romilloso kay Bianca Echosera....

Panay na ang parinig, buti hindi pikon si Bianca.

Haaaay, aminin man natin o hindi, si bianca ang nagpapasaya sa tagayan natin noh? first to come, last to leave. hay naku, kayong mga engkanto wag nyo namang masyadong apihin si bianca, kayo din, kapag nawala sya.... wala na rin tayong .....................

NESTEA !!!! hahahahah.

Anonymous said...

Tama. wag niyo masyadong burautin si Bianca Echosera. kundi dahil sa kanya. walang kwento tungkol sa mga engkantos. siya lang ang bukod tanging "pepeng" saksi sa lahat ng mga kaganapan sa loob at labas ng engkantadiya. hahaha

mahalin natin si Bianca. kahit isa siyang echoserang froglet. hahaha

Anonymous said...

final na ba yung here comes the bride sa byernes? inform na ba kau ni papa joms?

for sure mauuna na naman kaagad sa sinehan si bianca echosera!