Followers
Sunday, November 28, 2010
MEETING CUM TAGAYAN
WHAT: MAJOR TAGAYAN
WHERE: As usual (to the BAT CAVE)
WHEN: December 4, 2010, saturday 8:00 PM
Agenda:
1. Finalize natin yung plans for the Christmas Party 2010
2. Kris Kringle.. Monito-Monito
Be there!!!..
Welcomeback party natin kay BLOIGG!!! (Hoy Bloigg!!! Pasalubong namin!!)
Sunday, November 21, 2010
madilim ang paligid sa encantadia
malungkot ang mga engkantos...
Monday, November 15, 2010
Evolution of Names
1. Engkantong Kargador = Si Fox. Sa laki ng kaha niya Mukha daw siyang kargador. At least sounds like kargad"er". Diba mga HOT ang "er".. Diba Shoti?
2. Engkantong Pulis = Si Mugen. Kung tawagin siya ay pulis pangkalawakan. Dati sgt. at arms siya.. binabantayan niya ang mga pasaway na engkantos, Ngayon, dapat yata sarili niya ang bantayan niya.. Toink!!.. lols
3. Engkantong PokPok = Si Marhk. Dahil ayun sa kanya.. isa siyang International Pokpok. Kung saan saang bansa nakakarating. At kahit sa malayong lugar. Umaaura pa dinng tunay. lols
4. Engkantong Maldita = Si Bloigg. Dahil sa kanyang taglay na katarayan. Lahat ng nambuburaot sa kanya ay kanyang tinatarayan, Kilala man niya o hindi basta binuraot siya, lagot kang bata ka!!.
5. Engkantong OFW = Si Silentboi. Siya ngayon ay nagtatrabaho sa ibayong dagat. Nagsisikap upang maitaguyod ang pamilya. Nagpapakahirap, nagpapakapawis. magkapagpadala lang ng dollar remittance.. teka.. may pamilya na ba siya? hahaha
6. Engkantong Chubilita = Si Lukayo. Kapag nakikita siya ng lahat. Isa lang ang napapansin sa kanya. Isa na siyang Chubilita. May alagang sawa na nakapalupot sa kanyang beywang. Napabayaan na niya ang kanyang sarili. Dati siyang HOT.. pero ngayon.. less HOT na lang..
7. Engkantong Payatot = Si Popoy. Kung si Lukayo ay tumataba, itong engkantong ito ay pumapayat. lalong pumapayat. Parang wala na makain. Laging puyat. Kulang sa vitamins. lols.
8. Engkantong Shalala = Si Johnny Cursive. Ang brusko brusko nitong engkantong ito pero ngutin datapwat subalit, kaboses pala niya si SHALALA. Kapag humirit na ang engkantong ito.. Humahagalpak na ang lahat.
9. Engkantong Bunso = Si JayCee. Siya pa din ang aming tinuturing na bunso. Kahit may dumating pa na isa ding JC.. wala nang papalit sa puso ng mga engkantos bilang aming bunso. Nag evolve na din siya ngayon. Self proclaimed Jollibee na siya ngayon. LOL
10. Engkantong Boy-Next-Door = Si Dingdong. Sino nga ba ang nagbansag sa kanya ng title na boy next door.. eh sino pa nga ba? tanungin si engkantong Pokpok. hahaha
11. Engkantong Busy = Si Maxwell. Umpela itong si Papa Maxwell. Hindi daw siya nawawala. Busy lang daw siya sa maraming bagay. Kaya pinalitan ang kanyang codename. From Engkantong Nawawala into Engkantong Busy. Pero sana Papa Maxwell, makasama ka na namin soon!! Miss ka na namin!!!.
12. Engkantong Belami = Si shoti. Si Papa Lukayo ang nagbansag sa kanya ng BELAMI. Mukha daw kasing porn star ng BELAMI.COM itong si Shoti. Kaya nga patay na patay itong si Papa Pilyo. Lalo pat mahilig mag suot itong si shoti ng white brief na fetish talaga ni Papa Pilyo. diba Engkantong Welder?
13. Engkantong Diabetic = Si dingding. Recently lang ay nahospital ang engkantong ito. Nagdiagnose siya na isa pala siyang diabetic. Ayan.. ang takaw mo kasi sa softdrinks.. Ingats ingat sa pagkain ng sweets..
14. Engkantong Virginal = Si JC. Ang bagong kutong lupa. Na ayun sa kanya, gusto niyang ma maintain ang pagiging virgin. (taas ang kilay nila engkantong kargador at engkantong welder) hahaha. At magpapa press release daw siya na ayaw daw niya sa Premarital Sex. (Taas Ulit ng Kilay) lols
15. Engkantong Karpentero = Si Hungry Beast. (di ko ma mention name niya dito baka daw may makakilala. Lol) Nabanggit na dito kung bakit siya tinawag na Karpentero. Isa siyang HOT na karpentero. Matigas, Matikas! at higit sa lahat. Maangas!!
so there.. Huwag na kayong umangal. Yan na talaga ang tawag sa mga engkantos. Hahaha
Sunday, November 14, 2010
Ang bagong Engkanto... si KARPENTERO
Nitong nakaraang buwan lamang, naging controversial ang binatang ito. Naging usap usapan, na noong una, ay di masyadong pinapansin ng mga engkanto lalo na si Fox, until narealized ni Fox na itong binatang is the same guy na ipinakilala ni Mugen isang taon na ang nakaraaan. At dahil na din sa kanyang blog, muling nagbalik ang interest ni Fox pati na din ang engakantong buraot na si Pilyo.
Formal na ipinakilala ni Mugen kay Fox ang binatang ito nang ibigay ni Mugen ang YM address nito. Mula noon, nag usap at nagkakilala ng maayos si Fox at si Karpentero. Teka bakit nga pala naging Karpentero ang kanyang bansag? Isa sa mga blog posts niya dati ay nagpag alamang marunong pala siya sa woodworking. Tables, chairs, kahit anong wood furnitures ay kayang niyang gawin. Talentado pala ang mokong.
Nakipag kita ang binatang ito kay Fox, mga 2 weeks na ang nakararaan. Sa unang pagkikita pa lamang ay nag "click" na agad ang dalawa. Siyempre di mawawala ang burautan, angasan. Laking gulat din ni Fox na ang kaangasang ipinakita ng binatang ito ay kabaligtaran sa personal. Na realized ni Fox na sa kabila ng kaangasan nito ay isang simpleng tao, may taglay na kabaitan at kababaan ng loob. Nagulat pa nga si Fox, iniexpect niya na sobrang intimidating ang dating nitong binatang ito na gaya ng pino portray niya sa kanyang blog. May mga simpleng banat ang binatang ito na tumutugma naman sa panlasa ni Fox. Kahit paano kasi ay buraot at maangas din naman si Fox. Sa ikalawang pagkikita ni Fox at karpentero ay mas lalong naging desidido si Fox na isama siya at ipakilala sa mundo ng engkantadiya. Of course with the approval of Mugen and Pilyo.
Last night, nagkaroon ng simpleng tagayan, inimbitahan nila Fox at Pilyo si karpentero na sumama sa kanila tagayan. Kinita ni Fox si karpentero sa MRT north ave station. At nagtungo sila sa bahay ni Pilyo. Ito ang kauna unahang pagkikita ni Pilyo at Karpentero. Di na kataka taka na sila ang magiging kumportable sa isat isa. Nagkakausap na sila sa text at sa ym chat. Kumbaga, extension na lang ang kanilang pagkikita sa personal. naging magaan din agad ang loob ni Pilyo sa binatang ito. Click din agad sila sa isat isa. Sa tagayan, nagkita din sila karpentero at si Mugen. First time silang nagkita, kahit matagal na silang nagkakausap sa text at sa chat. Mula pa noon itoy nasa abroad. Nakilala din niya si JC ang bagong kutong lupa, at si Dingding. masaya naman ang naging pagtanggap ng mga engkanto sa binatang ito. Sayang nga lang at wala ang ibang mga engakantos. Sa ngayon, nagkasundo sila Fox, Mugen, Pilyo, JC at Dingding na putungan na korona ang bagong engkanto. Si Karpentero.
Sa iyo Karpentero,
Isa ka nang ganap na engkanto. Naway maging masaya ka sa mundo ng engkantadiya. Soon makikilala mo din ang iba mo pang mga kapatid na engkantos. Lima pa lang kami na nakita mo at nakasama, marami pa sila. And im sure, tatanggap ka din nila na bilang kapatid na engkanto gaya ng pagtanggap namin sa iyo. Humayo ka at magpakasaya sa mundong aming ginagalawan. Ang mundo ng ENGKANTADIYA!
=============================
previous posts about other engkantos:
si JC
si Dingdong
Si Maxwell, Popoy, at Shoti
Si Lukayo.
Saturday, November 13, 2010
Abangan!!!
dati inter city lang kami.. within metro manila...
but now.. inter provincial na!!!.. we're expanding.. growing..
Tuesday, November 9, 2010
Tagay tayo Papa Tagay
==========================================================
Dear Papa Tagay,
Nitong mga nakaraang araw,lingo, buwan, pansin mo, hindi tayo masyadong nagkakaroon ng communications. Siguro gawa ng sobrang busy ka masyado. Text messages lang naman usually ang best way para magkaroon tayo ng communications. Sa part ko, alam mo naman kung saan ako hahanapin, just in case magtago ako. That if kung hahanapin mo nga ako. Ikaw, batid kong kung saan saan ka napapadpad. Tinatapon sa malalayong lugar. Part naman ng work mo yun. Kaya kung minsan di ka nakakapunta sa mga tagayan ng mga engkantos naiintindihan ko. Naiintindihan namin.
Sa ganang akin, hindi man kita matext, may times kc na alangan ako na baka di ka mag reply, at isipin mo na GM yung message na pinadadala ko. Alam kong di ka nagrereply sa message lalo kung ito'y isang GM.
Malaki na ang pinagbago, ng sitwasyon natin. Dati rati, pag gusto mong mag unwind, tumagay, isang tao lang ang un among tinitext. Noon yun, nung panahong ikaw ang naghahanap pa lang ng mga kaibigang tulad mo. Matapos yung nangyari sa barkadahan nating lima, ikaw, ako, si rain, si mark at si mugen. Na nung una ay inakala nating tuloy tuloy na yung magandang samahan nating lima. Pero mas pinili niyong tatlo nila rain at marhk na bumukod at naiwan kami ni mugen sa ere. (nagkukuwento lang.. tapos na yun). Pero ganun pa man, nagbago ang desisyon mo, muli kang nagbalik. Pinapili ka pa nga ni rain, kung sila ba ni marhk ang pipiliin mo o kami ni Mugen kasama ang mga bagong kaibigan. Mas pinili mo kami. Natuwa ako doon. Di ko man ninais na magkaroon kayong tatlo ng problema, pero di rin kita pinilit na bumalik. Ikaw ang nagkusa, nakita mo siguro na sincere akong maging kasama ka sa pakikipagsapalaran sa ganitong klaseng mundo. At mula noon nagpatuloy an gating magandang samahan.
Nakita ko din yung sincerity mo bilang isang kaibigan. Kahit malayo ang agwat ng edad natin, mas pinili mong makasama ako. Ilang beses na ba tayong nag tagayan na tayong dalawa lang. Sa totoo lang MISS na MISS ko na yun. Ang Nova Stop kung saan tayo nagsimulang tumagay na tayong dalawa lang. Halos isang takbo lang ay alam mong makakarating agad ako. Ganyan ko pinahalagaan ang pagkakaibigan. Sinundo pa kita that time gamit ang aming sasakyan. Na noong una ay alangan ka pang sumama sa akin. Na ayun sa iyo ay hindi ka sanay makitungo sa taong mas may edad sayo. Pero still sumama ka pa din. Na appreciate ko yun. Sobrang naapreciate ko yun. Ang DB bar, isa ding nagging saksi ng ating mabuting samahan. Sa tuwing natatapos tayong tumagay galling sa DB bar ay nilalakad lang natin ang kahabaan ng congressional avenue sa quezon city. Para lang makapagkwentuhan. Para nga tayong mga bata, pumapasan ka pa sa likod ko. Typical na scenario ng isang bata na tuwang tuwang sumasakay sa likod ng kanyang daddy. Miss na miss ko na yun. There were times na nagkaroon tayo ng problema, sa DB bar din natin inayos ang lahat.
Matagal na panahon na din ang lumipas, marami na din ang nagbago, lalo na sa sitwasyon mo. You've changed a lot. Sa attitude, mas nagging confident ka ngayon sa sarili mo. Though andun pa din yung magiging maagas mo, ala robin padilla, di pa naman nawawala yun. Ikaw pa din ang tinuturing ng mga engkantos na astigin. Ilang relasyon na din ang pinasok mo. Katunayan ay isa sa mga engkantos ang naging partner mo. Na noong una ay alam mong against ako. Pero dahil sa hindi ko naman hawak ang pusot isipan niyo ay tinanggap ko na lang. Natandaan mo pa nung time na takot na takot kang ipaalam sakin ang tungkol sa inyong dalawa. Naiisip ko, para talaga akong dadi mo na kailangan mo pang ipaalam sakin.. na ikaw ay mag aasawa na.. natatawa na lang ako pag naalala ko yun. Hehehe ...Pero sa kalaunan ay hindi rin kayo nagtagal. Humingi ka sakin ng despensa. Sinisi mo ang iyong sarili. Sabi mo nasa iyo ang problema. Tinawag mo ako at tumagay upang ipaalam sakin na totoong sitwasyon ninyo nung engkantong iyon. Wala din akong nagawa. Di lang talaga kayo pinalad na magtagal. Pero ok na din sakin at least naging mag kaibigan pa din kayo up to now.
Ngayon, may roon ka nang bagong karelasyon, na hindi naming kilala, na sa tingin naming ay Masaya ka. Inaamin ko, nagtatampo kami sayo at hindi mo man lang magawang ipakilala sa amin at taong nagpapasaya sayo. Matagal na naming gustong makilala pero mas pinili mong sarilinin na lang.
Papa tagay, wala akong sama ng loob sayo, nag alangan lang siguro akong lumapit sayo gawa ng matagal na panahon na ang di tayo nagkakaroon ng ugnayan, naging busy ka, naging busy din ako. Pagpasensiyahan mo na si dadi last time kung di man kita naharap ng mabuti. Wala lang ako sa hulog that time. Madami lang akong iniisip. I felt guilty nung umalis ako na di ka man lang nabati o nayakap. Sensiyahan mo na din si dadi kung dina din ako nakakareply sa mga text messages mo. Nag aalangan pa din kasi ako sayo. Or nagkakahiyaan lang siguro tayo.. Anyway, yun lang.. im looking forward na makasama ka ulit sa one on one tagayan. Miss na miss na kita papa tagay. Lam mong mahal ka pa din ni dadi kahit di na tayo nagkakasama.. Hangad ko lagi na Masaya ka..
Nagmamahal….
dadi