Followers

Tuesday, November 9, 2010

Tagay tayo Papa Tagay

Segway lang to.. gusto ko lang ilabas ang saloobin ko.. ang laman ng isip ko at puso ko... para sayo ito papa tagay..


==========================================================

Dear Papa Tagay,

Nitong mga nakaraang araw,lingo, buwan, pansin mo, hindi tayo masyadong nagkakaroon ng communications. Siguro gawa ng sobrang busy ka masyado. Text messages lang naman usually ang best way para magkaroon tayo ng communications. Sa part ko, alam mo naman kung saan ako hahanapin, just in case magtago ako. That if kung hahanapin mo nga ako. Ikaw, batid kong kung saan saan ka napapadpad. Tinatapon sa malalayong lugar. Part naman ng work mo yun. Kaya kung minsan di ka nakakapunta sa mga tagayan ng mga engkantos naiintindihan ko. Naiintindihan namin.

Sa ganang akin, hindi man kita matext, may times kc na alangan ako na baka di ka mag reply, at isipin mo na GM yung message na pinadadala ko. Alam kong di ka nagrereply sa message lalo kung ito'y isang GM.

Malaki na ang pinagbago, ng sitwasyon natin. Dati rati, pag gusto mong mag unwind, tumagay, isang tao lang ang un among tinitext. Noon yun, nung panahong ikaw ang naghahanap pa lang ng mga kaibigang tulad mo. Matapos yung nangyari sa barkadahan nating lima, ikaw, ako, si rain, si mark at si mugen. Na nung una ay inakala nating tuloy tuloy na yung magandang samahan nating lima. Pero mas pinili niyong tatlo nila rain at marhk na bumukod at naiwan kami ni mugen sa ere. (nagkukuwento lang.. tapos na yun). Pero ganun pa man, nagbago ang desisyon mo, muli kang nagbalik. Pinapili ka pa nga ni rain, kung sila ba ni marhk ang pipiliin mo o kami ni Mugen kasama ang mga bagong kaibigan. Mas pinili mo kami. Natuwa ako doon. Di ko man ninais na magkaroon kayong tatlo ng problema, pero di rin kita pinilit na bumalik. Ikaw ang nagkusa, nakita mo siguro na sincere akong maging kasama ka sa pakikipagsapalaran sa ganitong klaseng mundo. At mula noon nagpatuloy an gating magandang samahan.

Nakita ko din yung sincerity mo bilang isang kaibigan. Kahit malayo ang agwat ng edad natin, mas pinili mong makasama ako. Ilang beses na ba tayong nag tagayan na tayong dalawa lang. Sa totoo lang MISS na MISS ko na yun. Ang Nova Stop kung saan tayo nagsimulang tumagay na tayong dalawa lang. Halos isang takbo lang ay alam mong makakarating agad ako. Ganyan ko pinahalagaan ang pagkakaibigan. Sinundo pa kita that time gamit ang aming sasakyan. Na noong una ay alangan ka pang sumama sa akin. Na ayun sa iyo ay hindi ka sanay makitungo sa taong mas may edad sayo. Pero still sumama ka pa din. Na appreciate ko yun. Sobrang naapreciate ko yun. Ang DB bar, isa ding nagging saksi ng ating mabuting samahan. Sa tuwing natatapos tayong tumagay galling sa DB bar ay nilalakad lang natin ang kahabaan ng congressional avenue sa quezon city. Para lang makapagkwentuhan. Para nga tayong mga bata, pumapasan ka pa sa likod ko. Typical na scenario ng isang bata na tuwang tuwang sumasakay sa likod ng kanyang daddy. Miss na miss ko na yun. There were times na nagkaroon tayo ng problema, sa DB bar din natin inayos ang lahat.

Matagal na panahon na din ang lumipas, marami na din ang nagbago, lalo na sa sitwasyon mo. You've changed a lot. Sa attitude, mas nagging confident ka ngayon sa sarili mo. Though andun pa din yung magiging maagas mo, ala robin padilla, di pa naman nawawala yun. Ikaw pa din ang tinuturing ng mga engkantos na astigin. Ilang relasyon na din ang pinasok mo. Katunayan ay isa sa mga engkantos ang naging partner mo. Na noong una ay alam mong against ako. Pero dahil sa hindi ko naman hawak ang pusot isipan niyo ay tinanggap ko na lang. Natandaan mo pa nung time na takot na takot kang ipaalam sakin ang tungkol sa inyong dalawa. Naiisip ko, para talaga akong dadi mo na kailangan mo pang ipaalam sakin.. na ikaw ay mag aasawa na.. natatawa na lang ako pag naalala ko yun. Hehehe ...Pero sa kalaunan ay hindi rin kayo nagtagal. Humingi ka sakin ng despensa. Sinisi mo ang iyong sarili. Sabi mo nasa iyo ang problema. Tinawag mo ako at tumagay upang ipaalam sakin na totoong sitwasyon ninyo nung engkantong iyon. Wala din akong nagawa. Di lang talaga kayo pinalad na magtagal. Pero ok na din sakin at least naging mag kaibigan pa din kayo up to now.

Ngayon, may roon ka nang bagong karelasyon, na hindi naming kilala, na sa tingin naming ay Masaya ka. Inaamin ko, nagtatampo kami sayo at hindi mo man lang magawang ipakilala sa amin at taong nagpapasaya sayo. Matagal na naming gustong makilala pero mas pinili mong sarilinin na lang.

Papa tagay, wala akong sama ng loob sayo, nag alangan lang siguro akong lumapit sayo gawa ng matagal na panahon na ang di tayo nagkakaroon ng ugnayan, naging busy ka, naging busy din ako. Pagpasensiyahan mo na si dadi last time kung di man kita naharap ng mabuti. Wala lang ako sa hulog that time. Madami lang akong iniisip. I felt guilty nung umalis ako na di ka man lang nabati o nayakap. Sensiyahan mo na din si dadi kung dina din ako nakakareply sa mga text messages mo. Nag aalangan pa din kasi ako sayo. Or nagkakahiyaan lang siguro tayo.. Anyway, yun lang.. im looking forward na makasama ka ulit sa one on one tagayan. Miss na miss na kita papa tagay. Lam mong mahal ka pa din ni dadi kahit di na tayo nagkakasama.. Hangad ko lagi na Masaya ka..

Nagmamahal….

dadi

21 comments:

P I L Y O said...

nice letter... parang bumalik ang 2007 na ...

rain-mahrk-tagay

vs.

fox-mugen

then after a year naging:

rain-mahrk

vs.

fox-mugen-tagay

then after 3 months:

mahrk

vs.

fox-mugen-tagay-rain

then b4 2009 if became

fox-mugen-tagay-rain-mahrk against the world

hahahaha la lang.

Mu[g]en said...

I-bring up daw ba ang nakaraan. Nahipo naman ako sa open letter ni daddy kay papa tagay. :)

marhk said...

@Dyosa: na windang ako dito Dyosa!!Hindi kinaya ng Power's ng Santa! ang lalim ng pinaghugutan! winnur!

@Princesa: ganun parang ang maldita at may attitude problem ang Santa! lolzz

silent_boi19 said...

those were the days...

nakakaiyak naman ng sulat, pero lam ko naman deep inside hindi kayang tiisin ni dadi ang taong malapit sa puso nia, hehehe...

tayo tayo na nga lang ang magkakapitbahay sa nova tapos ganun pa ang mangyayari, hirap naman no...

Bloiggster said...

parang liham ng ina sa kanyang nagdadalagang anak. hihihi

grabe, lumabas ang totoo, maitim talaga ang budhi ni marhk! LOLs

marhk said...

@Bloiggster: Hoy PGR (Pato Gandang Reyna) kala ko ba ng popromote ka ng WORLD PEACE! ampotah ng dedeclare ka na naman ng WAR!! lolzz

Well Tiyang ang masasabi ko lang maganda ako at di tulad mo nagmamaganda! lolzz

Bloiggster said...

@marhk: di bale na di ako maganda at least di maitim budhi ko! bwahahaha!

ay naku, siguradong pag-uwi natin, madodos por dos tayong dalawa dahil sa "kakaaway" natin online. hehehe

WORLD PEACE!

marhk said...

@Bloiggster: naku tiyang I maybe a wicked bitch and you a wicked witch! lolzz

Ngeek teh lam mo yan in person may proper etiquette ako sayang ang pagiging ambassadress of goodwill ko! lolzz

PAPA TAGAY said...

@dadi

nahipo naman ako dun sa liham pagmamahal mo. ang alam ko lng eh busy tayo sa kanya kanyang buhay natin. aminin ko nabothered ako sa naging takbo ng huling tagayan natin.hinde ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan aside sa pagiging busy ko sa work tsaka about kay partner, im sorry for that.
its good to know and im so flattered na nde pa din ngbago ang pagmamahal mo sakin bilang junakis. im so happy na andyan kayong lahat na kaibigan ko. one of this days dadi tatagay uli tayo hehehe..miss na din kita nde lang sya halata. muawah LABYU DADI!!

@mark and bloigg

malalantod kayo moment kaya namin ni dadi ito bat kayo nangaagaw ng eksena. kurutin ko mga tinggil nyo dyan makita nyo hehehehe

marhk said...

@Papa Tagay: alam mo naman na kayo lang ng Dyosa bawal na yang ganyan ganya! dpat lahat kasama na! lolz

@Papa Pilyo: dami mo ng atraso sa akin teh! taklesa ka din noh! lolzz

POPOY said...

I love the letter ni mudra kay junakis LOL... so plain and heartfelt... :)


i also love the WAR btween Mark and PGR- parang plants vs. zombies lang... ching LOL


Mudra... kung galit ka sakin sabihin mo ha.. Love You and LOve u mga kafatid LOL,,,, baklang bakla

P I L Y O said...

papa mahrk totoo naman ah,

rain-marhk

vs

fox-mugen-tagay

nagsumpaan pa nga tayo na di tayo maghihiwalay kahit anong mangyari, hanggang bumili ka pa ng engagement ring natin... eh kaso nawala ko yung ring. haaaays. Inaway away mo pa ko nun. Di ko alam ang gagawin ko nawala talaga.. Kulang nalang magbikti ako kasi pini-pressure mo akong hanapin... kasi talagang nawala

hanggang sumanib na ko sa 3. Kasi wala na akong fwend, tas. Ikaw naman nasa ibang bansa ka na. I felt alone and lonely. Ching. Tapos di ba sabi mo ayaw mo na makigrupo samin. Bahala na kami sa buhay namin kasi feeling mo iniwan ka namin sa ere ni papa tagay.

Tapos nung wala ka nang kaibigan. Kakalat-kalat ka na sa kalsada.. yung tipong scavenger ka na.. tas puro uling na ang mukha mo.. (CHING!!!) ayun, sumanib ka ulit sa min. Kaya nabuo ulet tayong 5.

P I L Y O said...

ang masasabi ko lang... ang pinakamabait na junakis ni dadi ay si..

JOMS !

marami syang sash, major and minor awards. Kasi wala pa syang record na nang-away at inaway nyahahahaha.

ang ibang lamanlupa at kutong lupa.. ilagay natin sila sa pedestal kasi masunurin sila..deserve nila yun... (except bloiggy na mahaderang maldita!)

TAPOS NA ANG WORLD PEACE. Back to burautan blues!

Soltero said...

bwahhaha exciting e2 ehehhe..

teka bat naging Papa Marhk against the world one time? ehehehhee :P

(si Papa P ang may kagagawan ng lahat ramdam ko LOL)

Soltero said...

teka dagdag pa pla..

ang sweet sweet naman ni Dadi..sana maging dadi ko din sya hihihi :P

jc said...

awwww. kaka-tats naman ng liham. WORLD PEACE! (pahiram papa p)

P I L Y O said...

Soltero hanubah!!! kontrabida na naman ako sau.

Ok fine. ako na si Ruby! ang bidang kontrabida.

marhk said...

shame.......i don't wash my dirty laundry in public!

PAPA TAGAY said...

hala gawin bng awayan tread ang post ni dadI? hehehe kayong dalawa(papa mark and papa rain) palaging nagaaway sa blog pero pag nagkita naman (SENSORED****) hehehe peace peace peace
WORLD PEACE(PAHIRAM DIN PAPA P)

P I L Y O said...

weh pikon si papa mahrk... labyu papa mahrk... miss na kita kaya binuburaot kita.

Papa Solts: oo na! inapi ko si papa mahrk mo. inapi ko pa si papa tagay. ako na ang masamang junakis ni dadi. mang-aagaw na ako ng moment.

GUSTO KO NA MAGBIKTI!


ching.

DonCholo said...

natawa ko sa...

mahrk

vs.

fox-mugen-tagay-rain

nagkaron pala ng ganun.. haha!



makakatouch naman to letter na to, hehe! pero sabi nga nila kapag kaibigan kahit walang regular na paguusap at pagkikita, mananatiling kaibigan...