Followers

Monday, August 1, 2011

Blind Items ala Mr. Mahusay.. (Give Way Ate Bianca, Shalala and Gorabella)

At last nairaos din ang pinaka aabangan ng lahat,  ang 4th Anniversary Celebration ng Engkantadiya na ginanap last Saturday, July 30, 2011 sa Karaoke Republic along timog ave. qc.. Hindi man nakarating ang ibang engkantos na sila Dingdong, na ayun sa kanya ay may work daw siya, si shoti, na nagpasabing may prior appointment daw siya kaya nagpasabi na agad na di siya makakarating, at si Karp na up to the last minute ay hindi nagparamdam sa di malamang dahilan. Well siyempre expected nang di makakarating ang mga engkantong nasa ibayong dagat na sila Papa Marhk, Bloiggy, silent_boy at ang nagliliwaliw na si Bunso. So far so good naman ang naging celebration ng kanilang 4th Anniversary (2007-2011). 

Oh by the way highway, maharil ay nagtataka kayo kung bakit ang inyong lingkod, si Mr. Mahusay ang nagsusulat ng inyong pinaka aabangang Blind Items. Eto ang mga dahilan, una, Si Biancang Echosera ay may hang over pa. Super nag enjoy daw siya sa "pakikiniig" sa mga engkantos nang gabing iyon. Lalo na sa bagong engkanto na si engkantong Hapon. Mukhang nakipag bonding siya ng husto sa bagong engkanto at sobrang humanga daw siya sa galing sa pag awit nitong bagong engkanto na ito, na sa tuwing hawak ng mikropono at pakiwari ni Biancang echosera gusto niyang hawakan ang "mikropono" ng bagong engkanto hahaha. Ikalawa, si Shalala, ayun, namaos at nawalan ng boses sa kakatili sa tuwing kumakanta ang kanyang idol na si Johnny Cursive. Kaya ayun nang matapos ang videoke session, labas ang dila at di na niya ito maipasok kaya direcho sya sa Saint Luke's Hospital at ipina opera ang kanyang dila.Ang mind you, katabing kwarto lang daw niya si CGMA, na kakatapos lang maoperahan sa kanyang Cervical Spinal Cord. Susyal ang hitad diba? hahaha. Ikatlo, si Gorabella Flores, hindi nakarating ang pobre, hindi pinayagan ng kanyang mga amo na sila Papa Tagay at Papa Seph. Ayon sa dalawang engkantos nag general cleaning daw si Gorabella, at papayagan lang daw siyang maka attend ng celebration on the condition na tatapusin niya lahat ng mga gawain bahay na ini utos sa kanya ng kanyang dalawang amo. Inuna pa daw kasi ang panonood ng Star Talk at The Buzz kaya ayun di natapos ang trabaho. Hahaha. 


So there, ako muna ang naatasang gumawa ng pinaka aabangang BLIND ITEMS. But wait,. hindi exempted dito ang mga engkantong hindi nakarating sa celebration ha. Pati sila kasama. Oh ready na kayo? Hala sige, magsitago na kayo at gaya ng mga nakaraang blind item... kakaladkarin kayo sa kahihiyan... LOL

Blind Item #1

Sino daw itong engkantong ito na "against all odds" ang drama. Sinuong nya ulan at malakas na hangin makarating lang sa celebration kaya ang siste, pag pasok niya sa room ay lahat ng mga mata ng mga engkanto ay sa kanya naka focus. Bakit? Mukhang sa sobrang lakas ng hangin sa labas ayg pati buhok niya ay binagyo yata at gulo gulo. hahaha. Oh kailangan pa bang pag isipan yan kung sino siya? hahaha


Blind Item #2

Sino itong engkantong ito na sa sobrang kalasingan ay nag ala macho dancer at gumiling giling sa lap ng kanyang partner. Hiyawan ang lahat ng makita siyang gumigiling. Kakaiba ang engkantong ito na tila yata "huling sayaw sa balintataw" ang drama eh ilang buwan lang naman mawawala ang kanyang partner at pupunta ito ng ibayong dagat. Biglang nasulyapan ko sila Bianca at Shalala, nakataas ang kilay habang gumigiling ang engkantong ito. Sa isip ng dalawa, mas magaling daw silang gumiling kung bibigyan lang daw sila ng pagkakataon. Si Bianca, gigilingan daw niya sa lap si Papa Lukayo para maging mabait na daw ito sa kanya, at si Shalala naman ay gigilingan daw niya si Papa Johnny Cursive kahit pa labas ang kanyang dila. hahaha. Kailangan pa bang imemorize yan kung sino ang tinutukoy ko? Clue? kailangan pa ba? hahaha

Blind Item #3

As ever, tuwing may videoke session ang mga engkanto, hindi pwedeng hindi hahawak ng microphone ang engkantong ito. In fairness, kakaiba ang repertoire ng kanyang mga kanta, From RnB to PoP to whatever! hahaha. At may isang kanta siya na ikinagulat ng mga engkanto. Kantang pambabae, nagulat ang mga engkantos nang makita ang song na nakasalang sa Screen. Tawanan ang lahat ng nag reason out ang engkantong ito at sabihin, "Favorite to ng GIRLFRIEND KO, LAGI NIYA ITONG KINAKANTA MGA PRE" hahaha. Napatambling si Bianca at si Shalala nang marinig ito. hahaha. Clue? Videoke King siya !!!

Blind Item #4

As a part of the Anniversary Celebration, nagkaroon ng Souvenir Tshirt ang mga engkantos. Nagsipag bigay sila ng kanya kanyang size ng tshirt ang mga engkantos. Pero tila mukhang mali ang size ng mga  tshirts na nabili nila Pilyo at Fox. Porque komo body fit ang tshirt, inassume ni Pilyo na tama lang ang size na nabili, pero hindi body fit ang dating mukhang naging "stretchable" yata. Small size dapat naging Extra Small, Medium dapat naging Small, at Large dapat naging Medium. Kaya sa tuwing isusukat ng bawat engkanto ang kanya kanyang tshirt at paglabas ng CR ay nakahawak sa suso at tila yata nahihiya makita na sobrang FIT ng Tshirt at ayaw makita ang bakat nilang mga nipples.. hahaha. Pero ito na ang Blind Item. Sino itong engkantong ito na di akalain na mag fifit sa kanya ang size Medium. Kering keri daw ng engkantong ito ang kanyang suot na tshirt. Biglang nahiya daw ang ibang engkanto dahil sa size ng tshirt niya na sukat na sukat sa kanya. Samantalang ang iba ay nag iilusyon na size medium daw sila eh size large nga eh di umubra! hahaha Pero itong engkantong ito. Swak na swak sa kanya ang size Medium. Hahaha. Sino siya? hahaha

Blind Item #5

Dumating na! dumating na ang pinakabagong buraot na engkanto. Bunso, papa marhk, Pilyo, tabi tabi muna kayo! Eto na siya, dumating na! Kaya humanda na kayo. Sobrang nakakaaliw ang engkantong ito. Hindi siya kinaya ni Pilyo. Lasing na nga si Pilyo sa RedHorse ay lalo pa siyang nalasing sa kaburautan nitong engkantong ito. Halos magkanda lupasay na si Pilyo sa kakatawa dahil sa mga kakengkuyan nitong new buraot na ito. Pati si Fox, kaka relate sa mga pinagtatawanan nitong engkanto na ito at ni Pilyo. Magkatinginan lang silang tatlo, bubunghalit agad sila ng tawa. Magkakasing wavelenght daw silang tatlo. Hahaha But infairness, magaling din kumanta ang engkantong buraot na ito. Walang sinabi si Kyla. Hahaha. Sino siya? Clue? Ask Papa wimpykid about kay "Kyla". Hahahaha


=============================================

so there, yan muna ang aking blind item. Isip pa ako ng iba. so far galing lang lahat ng info na yan kay Ate Bianca. Si shalala kasi hindi ko pa nakakausap, kasi ayun sa latest news, di pa daw naibabalik ang kanyang dila sa normal. Kailangan daw ng Major Operation. Isasama na daw sa operation pati buong mukha niya. hahaha..



yours truly,

Mr. Mahusay



4 comments:

Anonymous said...

Nakalimutan mo itong engkanto na habang nakayakap dun sa crush niya eh abot tenga ang ngiti, naniningkit pa ang mga mata. Hahahaha

Hulaaaaa!!!

- Boyoyong the Clown

Johnnycursive said...

Nag-enjoy ako kahit coke zero lang ang ininom ko (nainggit sa mga nalasing), thanks guys! Haha. And nakakaloka ung tshirt ko, talagang kita ang bawat hubog at kasuluk-sulukan ng kaluluwa ko hahaha

DonCholo said...

Happy Anniv sa lahat! hehe!

POPOY said...

shirt sakin kasya lang swak lang sa abs and chest ko LOL :) hay nako... si kuya binagyo kasi di nagsusuklay... well aus lang un koya! Keri mo naman na... Ching!