Followers

Tuesday, September 27, 2011

Ahhh ok, fine.

Sino ang dumating na? Si papa mahrk daw?
Sino sya? Alam mo di ko na sya kilala, eh kasi naman kinalimutan na nya ako, tayo pala. Eh di ba kapag dumating ang isang kaibigan galing sa ibang bansa, kinokontak ang mga kaibigan? Just to say Hi lang.
Sino na nga ulet si Papa Mahrk? Dyosa paki-refresh please.
Nuhbahhhhhhhh, move on na lang aketch!

PS
Magkano ba ang isang Hi mo at bibilhin ko na lang.
Charot.

- isang alagad ni Carmi

Thursday, September 22, 2011

Updated List ng mga Encantos

1. Fox - July 2007

2. Pilyo - July 2007

3. Mugen - July 2007

4. Tagay - July 2007

5. Marhk - July 2007

6. Bloigg - Dec 2007

7. Bunso - Dec 2007

8. Silent_boi - Dec 2007


9. Lukayo - Jan 2009

10. Johnny Cursive - June 2009

11. Maxwell - May 2009

12. Shoti - May 2009

13. Popoy - May 2009

14. Dingdong - Aug 2009

15. Dingding - Sept 2009

16. Seph - Dec 2010

17. JC Wimpykid - Oct 2010

18. Karps - Nov 2010

19. Rocco - May 2011

20. Hapon - July 2011


ang dami na pala natin...

Monday, September 19, 2011

Mga Encantong Gala ( Part 2 ) Bicol Adventure

Mga Encantong Gala ( Part 1) Baguio Adventure 

Long overdued plan na ang mag out of town ang mga encantos. At last natuloy din. Sa invitation ni Pilyo, nagpaunlak ang 3 pang encantos, sina Fox, Rocco at si Hapon. Fiesta ng Our Lady of Penafrancia sa Naga City, Camarines Sur. Friday night 9pm ang larga. Sa Cubao Bus Terminal nagkita kita ang apat na encantos. Naunang dumating si Fox na galing pang fairview, at sumunod ay si Hapon na galing pang Ortigas, from work direcho na siya ng cubao. Samantalang sina Pilyo at Rocco ay magkasabay na dumating galing Sampaloc, Manila.

Almost 6am na ng nakarating ng Naga city at sa CWC (CamSur Watersports Center) agad ang unang destinasyon. Pagkadating ay may na ispo-tan agad si Rocco na umayon sa kanyang panlasa. Si Foreigner #1. Ikaw na Rocco! ikaw na ang pang international ang dating!!  Na tila sa kanilang obserbasyon ay isang Briton, na ayon na din sa accent niya ng pananalita ng Wikang Ingles. Ang picture ay stolen shot ni Fox. Nagtawanan ang apat ng biglang nag flash ang camera ni Fox habang kinukunan ng shot si Foreigner No. 1. Buti na lang at malayo ang table ni foreigner at busy sa kakachat gamit ang kanyang Imac.

Foreigner No. 1

Nagkayaan itong sila Fox at si Pilyo na i try daw ang Wakeboarding since yun naman talaga ang kanilang ipinunta sa CWC. At tutal andun na lang din naman sila why not try it diba? And as a beginner, try nila ang nakahulod. Hindi pa nila kaya ang naka tayo na gaya ng ginawa ni Foreigner No. 1 na tila isang professional na. Nag try si Fox na mag wakeboarding nang nagkatayo pero di siya nagtagumpay.


si Fox

si Pilyo
Isa pang foreigner ang dumating. Si Foreigner no. 2,  Kaibigan yata ni Foreigner No. 1. At siyempre. Ganun din ang peg. Borta, Matangka at Gwapo.

Foreigner no. 2
Dumating na ang kanilang sundo, galing na Naga City. Family Friend ni Pilyo. Saktong papunta na sila sa parking area nang pumarada ang blue na kotse. ang driver? Si Tonton. Twink ang binata. Nagkatinginan sila Rocco at Fox. (alam na!) Dinala sila nito sa bahay kung saan naginain sila ng tanghalian. Dahil nga sa fiesta, expected na madaming pagkain. Uminom ng konti at nakipag kwentuhan kay  "manong Friendship" na sa pagpapakilala ni Pilyo sa taong ito ay kanyang tinuturing na "Idol". Daddy siya ni Tonton na sumundo sa kanila sa CWC. Gaya ni Tonton,  Low profile din si Manong, pero dalawang magagarang sasakyan ang kanyang pag aari. Simple lamang kung itong manamit. Pero sa kanyang pakikisalamuha sa tao ay mababatid mo agad na ito'y isang professional at sa dami ng kanyang julalay ay mababatid mo na ito'y ginagalang at nirerespeto. 

Matapos ang kanilang tanghalian at inihatid sila ni Manong Friendship sa isa pa nilang bahay. Medyo may kalayuan pero namangha ang apat sa ganda ng bahay. Dito na sila nag stay buong gabi. Nagkwentuhan, nag inuman at ng videoke. 


Kinabukasan ay nagtungo ang apat sa Basilica ng Our Lady of Penafrancia upang mag simba. (di nga lang nila tinapos ng misa dahil sa dami ng tao at siksikan). Pero at least na witness nila kung paano icelebrate ng mga bicolano ang kapistahan ng Reyna ng Penafrancia.




Basilica of the Our Lady of Penafrancia

The Altar

Matapos mag simba ay direcho agad ang apat sa L.A. (Legazpi, Albay). Upang mawitness ng malapitan ang the famous and majestic Mt Mayon Volcano. Kahilingan ito nila Rocco at Hapon. Sa picture lang daw nila nakikita ang Mt. Mayon and since andun na rin lang naman daw sila sa Bicol, ay napagkasunduan nilang apat na magtungo sa Albay. Medyo hindi sila pinalad na makita ang kabuuan ng Mt. Mayon Volcano sapagkat ito ay natatakpan ng makapal na ulap. Imbes na magpagala gala ang apat ay nag suggest itong si Pilyo na maghanap ng Resort upang makapag relax kahit sandaling oras. Pero bago yun ay nagpa reserve na sila ng ticket sa Bus biyaheng Lespazi to Manila at biyaheng 7pm ang kanilang kinuha.






Nagpahatid ang apat sa resort. At sa sandaling oras ay nakapag relax naman ang apat habang naghihintay ng oras ng biyahe pauwi ng manila. Sa resort ay nakilala nila si Joacquin, (Joacquin Burdado, dami kasing tato sa katawan), si Tom (Tomador kasi ng alak), Si Maximo (Ala Maximo Oliveros ang peg, effem na twink) at si Karl (Karly (curly) hair, boy kulot, na pinakiusapan nilang mag take ng picture pero walang picture na nag register sa camera. Tinanong pa ang apat kung "Hol Bade?" as in whole body? LOL). Naging tampok sila sa usapan ng apat na encantos. Tawanan nang tawanan ang apat na encantos sa pambuburaot sa mga nilalang na ito at hindi nila alam na sila ang pinag uusapan at pinagtatawanan ng mga encantos.

sino sila?


Bago sumapit ang alas siyete ng gabi ay bumalik na ang apat sa Bus Terminal. Biyaheng Manila, sakay sila ng Philtranco Bus. at saktong 7pm lumarga na sila at almost 6am na sila nakarating ng Maynila.



Ang Nagkuwento:

Mr. Mahusay
(na taga Norzagaray na napunta ng Bicol, LOL)

=============================================
Next Target destination:

CDO (Cagayan de Oro) then DAVAO....





















Friday, September 16, 2011

House Rules


Sa mga mamimyesta sa Naga City (Peñafrancia Festival) mangyari po lamang na hubarin nyo muna pansamantala ang mga kapa, crown, scepter,  at sash (if applicable). Kung ano mang title meron kayo, pansamantalang ibaon nyo muna sa limot. Dahil once na nakaupo na kayo sa bus patungong Naga, isa na kayong BARAKO, astig, no trace.

Isa yan sa kwalipikasyong pinanghahawakan nyo bilang engkanto kaya utang na loob, sumunod sa mga house rules:

1.       Babaero ang drama ni Pilyo sa mga kamag-anak at kaibigan, therefore mga babaero din kayo. Wag umaura kung pumasok man tayo sa cabaret. Wag mandiri kapag pinasalat kayo ng tahong.

2.       Mga classmates kayo ni Pilyo sa UP Diliman MSCS para walang masyadong tanong ang mga wicked sisters ni Pilyo.

3.       Wag malikot ang mga mata pag nagawi sa basketball court. Malalaki kasi ang tarugo ng mga bicolano at talagang bumabakat hehehe. Kung kinakailangang piringan ang mata, piringan!

4.       Wag mabubulol kapag nagsalita ng “pare”. 

5.       Straight acting at chickboy ang dating.

6.       Wag maging suplado sa kamag-anak at kaibigan ni Pilyo.  Magagalang at malalambing ang mga bicolano, pero karamihan.... buraot!

7.       Maanghang ang mga pagkain sa bicol, kaya maghanda ng tubig bawat subo hehehe. Wag magpakita ng kahinaan. Pare, kaya mo yan!

8.       Makulet si mudang, laging tinatanong kung bakit di pa nag-aasawa si pilyo. Sabihin nyo, may ka-live-in dati! Ngayon may iba na namang dini-date. (Saka na natin pag-usapan si Carmi, hahahahahahaha)

Camsur Watersports Complex

Bahala kayo kung anong gawin nyo dito, mamborta kayo, magpacharming pero walang chorva! Hahahaha. Tayo-tayo lang dito, walang kamag-anak at kaibigan.

Sunday, September 11, 2011

Si CARMI: Ang babae sa septik tank at si CYNTHIA ang Charoterang sprikitik na umappear na vhakler. Silang nagpafeel, nagpasense, ditey sa gymsum.


Ako si Felix Bakat, nag-volunteer na sumulat ng mga kaganapan kagabi. Biglang bumait samin ni Uncle (Mr. Mahusay) sina  Bianca, Shalala at Gorabella. Noon una hindi ako makapaniwala. Ngunit, subalit, datapuwat nakita ko na lang na dumudugo ang ilong ng tatlong kontrabida, intrimitida at atribida.

Ang dahilan: Nosebleeding ang topic na binigay ng Dyosa!

Hindi rin kaya ni Uncle (Mr. Mahusay) na arukin ang ibig ipahiwatig ng Dyosa matapos nyang pagbulay-bulayin ng ilang minuto ang pamagat. Huli nang mapansin kung dumudugo na rin ang kanyang ilong.

Bilang isang kabataang matalino na nagtapos sa Barrio College na may kursong BS Ceramics, minabuti kong ako na lang ang magsulat ng mga pangyayaring magpapa-haggard sa splits end (walang basagan ng trip sa term ko!) ng mga engkantong nasa ibang bansa nagde-demand ng tsismis.

----------------------

Alas 12:01 AM (September 11, 2011)

Biglang dumilim ang paligid…. uminit… tatlong kandila sumindi.  Kapit-kamay ang mga engkanto, pigil sa kanilang paghinga. Pumikit… habang ang baklameter ay naka switch-on.




Binigkas ang orasyon….
Charoterang sprikitik umappear ka vhakler. 
Magpafeel, magpasense, ditey sa gymsum. 
Witiz shokoley ang udangchi ditey.

Pumasok si Dingding… blinowjob ang tatlong kandila sa cake… habang umiingay ang baklameter : “bakla ! bakla! welcome to the club kuya………………….. HAPPY BIRTHDAY!

Lumiwanag ang paligid. Palakpakan ang mga engkanto sabay ng kanta .... HAPPY BIRTHDAY TO YOU..”


------------------------

DIRETSAHAN # 1

Record breaking na naman ang Birthday party kagabi. Halos alas sais na natapos, and take nota, walang nag-blow! (as in nagsuka gagah!). Samantalang noong mga nakaraang birthday parties, ala una pa lang ay marami nang casualties. Buhay na buhay ang mga pa-virgin sa alak, tulad ni Popoy at Bunso, samantalang nagmistulang pulang kamatis itong Rocco Sison dahil sinabotahe ni Tagay ang mga tagay sa kanya.

Matatandaang noong isang taon, alas syete ng umaga natapos ang Birthday ni Dingding. Dahil dito nasa kanya ang titulo ng Birthday Party Queen!

-------------------

DIRETSAHAN #2

Sa kauna-unahang pagkakataon, maagang dumating si Joms at at late naman ang Pinuno (Dyosa). Ito ay isang himala sa engkantadiya. Ano nga ba ang ikina-late ng Dyosa?

Naghihimutok si Pilyo kasi dati rati’y isa ito sa punong abala tuwing may okasyon. Kung kelan pa naman birthday ni Dingding saka pa uma-aura ang Dyosa.

Kiburlah ang pagpapasok ng Dyosa sa pintuan na talgang dinedma ang mga engkantong naghihintay sa kanya. Tila nagmamalaki pa sa kanyang pagiging late. Biglang umentrada si Pilyo.

Pilyo: “hoy, hoy, hoy! Ba’t ka late aber?” 

O di ba, wala syang galang! Kaya nga sya pilyo eh.

Namutla ang Dyosa! Umihip ang hangin… diyata’t amoy alak ang Dyosa? Kasunod noo’y ang pamumula nya sa kahihiyan.

Nabulungan tuloy ang mga engkanto. Umandar ang baklameter ni Joms… chumorvah ang Dyosa!  Sa Pasig  or sa N. Domingo? San ba talaga?

----------------------
DIRETSAHAN #3

 Napapahiya na si Pilyo dahil walang kumakain sa tinapang isdang kanyang inihain. Sa islang pinanggalingan nya kasi, tinapang isda ang mabenta pagdating sa pulutan. Buti naman pinansin ang kanyang tuyong pusit na talagang nilantikan ni Rocco Sison ng bonggang bongga!  For sure puro pusit ang kanyang i-e-ebs ngayon!

Ngunit, datapuwat subalit, biglang napa-tumbling itong si Pilyo at ibang engkanto naman ay biglang nag-cartwheel at sabay sabay umisplit sa ere at ang dahilan:

Isinilid ni Tagay ang mga isdang tinapa sa kanyang handy bag dahil uulamin nya raw sa almusal!

Well, why not? Pero Papa Tagay hindi naman kaya nakakahiya sa mamahaling handbag mo at talagang pinagkasya mo doon ang tinapa. Wag mong kalilimutang labhan yun ha? Kasi alam mo siguradong dikit doon ang amoy!

Ginto pala ang presyo ng plastic bag kapag September 11, kalokah!

-----------------------
DIRETSHAN #4

Nagmistulang yaya itong si Pinuno kay Karps na talaga naman pinagsisilbihan sa hapag kainan. Kulang na
lang ay subuan. Taas kilay ang Bianca. Rolleyes ang gorabella. At tumili ng garalgal si Shalala. Hanubah mga teh! Na-miss lang ng Dyosa itong si Karps. Kasi naman malimit umabsent kapag may tagayan! Ikaw na ang may pusong Dyosa…. tseh !

------------------------
DIRETSAHAN #5

Worried itong si Hapon baka ma-OP ang kanyang partner na pansamatala’y guest pass holder. Noong una’y silent itong si “partner”. Pamasid-masid. Diretso ang tingin. Nakakairitang tingnan na animo’y nasa silya eletrika. Hello! Hindi kaya nangangagat ang mga engkanto!

Pero nang medyo tipsy na si “partner” ay… lumabas ang kanyang naturalesa!

Winnur! Kumembot na si “partner” ! at talagang nag-mega-Queen of all media na! Kaliwa’t kanan ang kanyang chika-chika, wala pang dalawang oras ay ka-close nya na lahat ng engkanto at nakikipagburautan na! At eto pa.. natalbugan nya si Hapon! Nakakalokah talagah.

Umaura tuloy itong si Hapon kay Pilyo…

Hapon: “Pilyo, tingnan mo ang partner ko, nahihiya pa sya nyan ha? … na-o-OP pa sya sa lagay na nyan. Pero kung makipagchikahan sa lahat parang wala nang bukas!”

Pero bet ng mga engkanto si “Partner”.  Masaya at ang kulet kasama. Kaya di magtataka kung  alukin ng Dyosa si “partner”  ng ………….. “rainbow card”.

----------------------

SIKRETONG MALUPIT WALANG CLUE!

Umaura ng todo itong si Carmi na talagang nilublob ng tadhana sa septic tank dahil sa kanyang mga nagawang kasalanan! At si Cynthia namang spirikitik na kung pumilantik daig pa ang kinikiliti ng mga machong vhakler!

Nawindang ang baklameter, hindi kinaya ang mga ka-aurahan nina Carmi at Cynthia na talagang nagpa-feel, nagpa-sense ditey sa valur!

 Itong si Carmi, todo ang pag haplos sa kamay ni Cynthia na matagal nang taken.  Dedmakels si Carmi sa mga tsismosang vahkler!

Magpa sense mag pa-feel, i-gangbang bang ang unang malalasing… itong si Cynthia  nagkuwaring lasing, umaasang magiging jolibee ditey sa vahlur!

O vahkler o vahkler, bakit nakatulog si Carmi nang walang humipo sa kanyang bakat na yellow short. O dahil ba ka takot ang lahat kay Cynthia na talagang gwardya sibil ang kibur !

May away bang namagitan kay Cynthia at Carmi dahil sa selosang naganap. Vuhkeet naman engkanto pa ang pagseselosan samantalang echos lang naman ang lahat!

Magpa sense magpa feel ito si Carmi kay Cynthiang vahkler. Kitang kita ni Remington kung pano mag-kiss ang dalawa sa lips. Ang sagot ni Remington: GORABELS ! kiss lang kau, afterall una syang naging sayo!


 Kinikilig itong si Cynthia dahil sa kinakausap na sya ni Carmi na taken na! At na-sightsung ko everluu, na naghakawan sila ng kamay. Sa sobrang pagkakilig, nag-spirikitik sya na tila epileptic. Gulong sa tawa si Remington na hindi maka-get over sa reaction ni Cynthiang vahklur!


Charoterang sprikitik umappear ka vhakler. 
Magpafeel, magpasense, ditey sa gymsum. 
Witiz shokoley ang udangchi ditey.


















Monday, September 5, 2011

HAPPY BIRTHDAY DINGDING !

(Disclaimer: Posted by Rain Darwin)

Bhe Happy Birthday, I love you.



September 11, 2011
(actual Birthday)

(kunwari ako ang custodian of the sacred blog, kebs kung taasan ako ng kilay ng Dyosa!)

magpapaka-sweet kami sa isa't isa kasi malapit na syang lumipad... (at ako naman free na yeheyyyy, makakatikim na rin ng ibang putahe ! )

Party Night: September 10, 2011  10PM @ Pilyo's Gym, unlimited  food and drinks lol !

Friday, September 2, 2011

CONGRATULATIONS DINGDING !

CONGRATULATIONS DINGDING !!!

For passing the international examination for foreign nurses. 
Test result date: Sept. 2, 2011

WE ARE PROUD OF YOU !!!