Followers

Monday, September 19, 2011

Mga Encantong Gala ( Part 2 ) Bicol Adventure

Mga Encantong Gala ( Part 1) Baguio Adventure 

Long overdued plan na ang mag out of town ang mga encantos. At last natuloy din. Sa invitation ni Pilyo, nagpaunlak ang 3 pang encantos, sina Fox, Rocco at si Hapon. Fiesta ng Our Lady of Penafrancia sa Naga City, Camarines Sur. Friday night 9pm ang larga. Sa Cubao Bus Terminal nagkita kita ang apat na encantos. Naunang dumating si Fox na galing pang fairview, at sumunod ay si Hapon na galing pang Ortigas, from work direcho na siya ng cubao. Samantalang sina Pilyo at Rocco ay magkasabay na dumating galing Sampaloc, Manila.

Almost 6am na ng nakarating ng Naga city at sa CWC (CamSur Watersports Center) agad ang unang destinasyon. Pagkadating ay may na ispo-tan agad si Rocco na umayon sa kanyang panlasa. Si Foreigner #1. Ikaw na Rocco! ikaw na ang pang international ang dating!!  Na tila sa kanilang obserbasyon ay isang Briton, na ayon na din sa accent niya ng pananalita ng Wikang Ingles. Ang picture ay stolen shot ni Fox. Nagtawanan ang apat ng biglang nag flash ang camera ni Fox habang kinukunan ng shot si Foreigner No. 1. Buti na lang at malayo ang table ni foreigner at busy sa kakachat gamit ang kanyang Imac.

Foreigner No. 1

Nagkayaan itong sila Fox at si Pilyo na i try daw ang Wakeboarding since yun naman talaga ang kanilang ipinunta sa CWC. At tutal andun na lang din naman sila why not try it diba? And as a beginner, try nila ang nakahulod. Hindi pa nila kaya ang naka tayo na gaya ng ginawa ni Foreigner No. 1 na tila isang professional na. Nag try si Fox na mag wakeboarding nang nagkatayo pero di siya nagtagumpay.


si Fox

si Pilyo
Isa pang foreigner ang dumating. Si Foreigner no. 2,  Kaibigan yata ni Foreigner No. 1. At siyempre. Ganun din ang peg. Borta, Matangka at Gwapo.

Foreigner no. 2
Dumating na ang kanilang sundo, galing na Naga City. Family Friend ni Pilyo. Saktong papunta na sila sa parking area nang pumarada ang blue na kotse. ang driver? Si Tonton. Twink ang binata. Nagkatinginan sila Rocco at Fox. (alam na!) Dinala sila nito sa bahay kung saan naginain sila ng tanghalian. Dahil nga sa fiesta, expected na madaming pagkain. Uminom ng konti at nakipag kwentuhan kay  "manong Friendship" na sa pagpapakilala ni Pilyo sa taong ito ay kanyang tinuturing na "Idol". Daddy siya ni Tonton na sumundo sa kanila sa CWC. Gaya ni Tonton,  Low profile din si Manong, pero dalawang magagarang sasakyan ang kanyang pag aari. Simple lamang kung itong manamit. Pero sa kanyang pakikisalamuha sa tao ay mababatid mo agad na ito'y isang professional at sa dami ng kanyang julalay ay mababatid mo na ito'y ginagalang at nirerespeto. 

Matapos ang kanilang tanghalian at inihatid sila ni Manong Friendship sa isa pa nilang bahay. Medyo may kalayuan pero namangha ang apat sa ganda ng bahay. Dito na sila nag stay buong gabi. Nagkwentuhan, nag inuman at ng videoke. 


Kinabukasan ay nagtungo ang apat sa Basilica ng Our Lady of Penafrancia upang mag simba. (di nga lang nila tinapos ng misa dahil sa dami ng tao at siksikan). Pero at least na witness nila kung paano icelebrate ng mga bicolano ang kapistahan ng Reyna ng Penafrancia.




Basilica of the Our Lady of Penafrancia

The Altar

Matapos mag simba ay direcho agad ang apat sa L.A. (Legazpi, Albay). Upang mawitness ng malapitan ang the famous and majestic Mt Mayon Volcano. Kahilingan ito nila Rocco at Hapon. Sa picture lang daw nila nakikita ang Mt. Mayon and since andun na rin lang naman daw sila sa Bicol, ay napagkasunduan nilang apat na magtungo sa Albay. Medyo hindi sila pinalad na makita ang kabuuan ng Mt. Mayon Volcano sapagkat ito ay natatakpan ng makapal na ulap. Imbes na magpagala gala ang apat ay nag suggest itong si Pilyo na maghanap ng Resort upang makapag relax kahit sandaling oras. Pero bago yun ay nagpa reserve na sila ng ticket sa Bus biyaheng Lespazi to Manila at biyaheng 7pm ang kanilang kinuha.






Nagpahatid ang apat sa resort. At sa sandaling oras ay nakapag relax naman ang apat habang naghihintay ng oras ng biyahe pauwi ng manila. Sa resort ay nakilala nila si Joacquin, (Joacquin Burdado, dami kasing tato sa katawan), si Tom (Tomador kasi ng alak), Si Maximo (Ala Maximo Oliveros ang peg, effem na twink) at si Karl (Karly (curly) hair, boy kulot, na pinakiusapan nilang mag take ng picture pero walang picture na nag register sa camera. Tinanong pa ang apat kung "Hol Bade?" as in whole body? LOL). Naging tampok sila sa usapan ng apat na encantos. Tawanan nang tawanan ang apat na encantos sa pambuburaot sa mga nilalang na ito at hindi nila alam na sila ang pinag uusapan at pinagtatawanan ng mga encantos.

sino sila?


Bago sumapit ang alas siyete ng gabi ay bumalik na ang apat sa Bus Terminal. Biyaheng Manila, sakay sila ng Philtranco Bus. at saktong 7pm lumarga na sila at almost 6am na sila nakarating ng Maynila.



Ang Nagkuwento:

Mr. Mahusay
(na taga Norzagaray na napunta ng Bicol, LOL)

=============================================
Next Target destination:

CDO (Cagayan de Oro) then DAVAO....





















4 comments:

Anonymous said...

si Hapon ang BEST ACTRESS !!!

pamintang-paminta ang behaviour ng fowtah from Naga to Albay!

Anonymous said...

hay naku. si hapon?

divang diva kamo ang peg! hahaha

Anonymous said...

TSE. wag kayong magulo, depressed pa din ako at late na kami nagsimulang magtitigan ni tom.

may mga nakalimutang banggitin si mr mahusay:

Mutya - yung twink na kung sumisid ay parang sirena.

Dolfo - yung kuyang naka motor na sumaglit lang sa resort. nag break lang ata.

Tapos yung tatlong na-late, dumating nung paalis na tayo.

Anonymous said...

awesome!

marhk