Followers

Thursday, April 5, 2012

Visita Iglesia

 Ang Visita Iglesia ay isang taunang tradisyong Kristiyano na pagdalaw sa pitong simbahan tuwing araw ng Huwebes sa huling linggo ng Cuaresma. Ito ay isinasagawa upang gunitain ang 14 na himpilan o bahagi ng pagpasan ng krus ni Hesukristo hanggang siya'y maipako at muling mabuhay. 



Dala ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang tradisyong ito ay nag-ugat sa kaugalian ng mga sinaunang Kristiyano na gunitain ang Banal na Sakramento sa pamamagitan ng pagdalaw sa pitong naglalakihang basilika sa Roma. Ito ay ang mga sumusunod:
  • Saint John Lateran
  • St. Peter
  • Saint Mary Major
  • Saint Paul Outside the Walls
  • Saint Lawrence Outside the Walls
  • Holy Cross in Jerusalem
  • Saint Sebastian Outside the Walls (na pinalitan noong taong 2000 ng Sanctuary of the Madonna of Divine Love)
Kaiba sa sinaunang paniniwalang ito, ang pagsasagawa sa visita iglesia ng mga Filipino ay isang paraan ng pagninilay sa paghihirap ni Kristo. Kadalasan, pitong simabahan ang binibisita at sa bawat isa ay dinadasal ng mga deboto ang 2 bahagi ng Istasyon ng Krus. Sagrado ang bilang pito sa Bibliya at paniniwalang Kristiyano – sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang daigdig at sa ika-pitong araw, siya'y nagpahinga; may pitong handog na regalo ng Banal na Espiritu; pito rin ang bilang ng ispiritwal at korporal na gawaing kahabagan; at pitong sakramento.


Source: WIKIFILIPINO

=========================================

Last year pa dapat itong post na ito. ngayon lang nagawa. Dalawang encantos ang nag bisita iglesia sa buong maynila.  eto ang mga simbahang kanilang binisita.

Quiapo Church

San Sebastian Church

San Beda Church in Mendiola

UST Chapel

Manila Cathedral in Intramuros

San Agustin Church in Intramuros

Sta Cruz Church in Manila




No comments: