Followers

Tuesday, January 24, 2012

Bagong Anyo, Bagong Bihis, Bagong Encantadiya..



Babaguhin na ang sistema. Parang susuyuin ang bagong recruit, embrace, ganung peg hehehe. isasama sa lakad, babarkadahin then, kapag willing talaga syang maging encanto, saka na magkakaroon ng celebration.

It's a long process na raw. It takes 6 months to 1 year para makapag decide ang lahat kung talagang encanto na sya by heart.

preferred naming new member ay yung wala pang circle of friends na PLU para naman hindi maging malungkot ang kanyang PLU life lol.

sa mga gustong maging encanto na may existing circle of friends, ok lng naman kaya lang ang gusto namin, dapat nasa enkantadiya ang loyalty. Selfish namin ano? hahahahaha.


BASIC QUALIFICATION

1. straight acting at discreet - yup kelangan po namin to kasi may mga members kaming may asawa't anak, or yung iba naman ay mga single dad.

May mga member kaming OUT sa family and friends. Pero we make sure na straight acting sila para naman pag sinama sa bahay-bahay eh hindi mabubuking ang ang host na encanto.

2. MAY ANGAS FACTOR. Hahahah. Buraot kasi ang mga encantos, kaya kailangan may angas para hindi maapi sa burautan hahahah.

3. MARUNONG MAKISAMA. Marunong magmahal ng kaibigan at kayang protektahan ang kapakanan ng kaibigan.

Kahit sino welcome, estudyante, mayaman, mahirap, yuppies, bum. Hindi issue samin kung may pera kang iko-contribute sa tagayan. Basta ang mahalaga kapiling ka ng mga kapwa encantos.

MISCONCEPTION ABOUT ENCANTADIYA
- may hazing daw dito, kariran, orgy.

MALI YUN.

Wala ditong hazing, dati may kariran pero ngayon bawal na, at higit sa lahat WALANG ORGY ! (wish ko lang meron para matikman ko ang mga hot na ecantos... char!)

Hindi totoong mahirap makapasok sa samahan namin. Kasi kapag may nakita kaming potential member, sinusuyo namin at binabarkada. Ganun lang kasimple! Then ini-screen, ina-assess, at mahalaga ang opinyon ng bawat isa kung pwede o hindi pwede.

 4. Hindi porke partner ka ng isang encanto, eh automatic member ka na din due to by virtue or marriage. Kailangan dumaan ka din sa proseso. kailangan pumasa ka din sa panlasa ng ibang encantos, para hindi naman sisihin yung partner mong encanto pag nagka problema ka sa ibang mga encantos.

 5. Pag hinabol mo ang encantos, malamang hindi ka iimbitahang maging member.

at totoo yung di kelangang mag-contri sa tagayan. pero magiging alipin ka ng encantong sasagot sayo. haha. (hello master pilyo)

6. Kailangan magpa impress ka sa taltong encantos. Kay Fox, Pilyo at Mugen. Silang tatlo ang members ng selection committee. Lalong lalo na kay Fox. Pag pumasa ka kay Fox, di bale na hindi ka pumasa sa dalawa, basta kay fox pasado ka.. Pasok na pasok ka!

7. Kung ang purpose mo sa pasali ay para mag FISHING lang, mangarir, wag mo na balakin sumali pa. May karerista na sa grupo. Wag mo na dagdagan pa. LOL






Saturday, January 21, 2012

Matira Matibay...

Sino ang matitira? 

(Madami pa naman)\

Sino ang mawawala?

(meron na ilan sa kanila)

Sino ang tatagal?

(kilala ko sila)

Sino ang bibitiw?

(meron na diba?)

Sino ang andiyan lang?

(Sino ano, at si ano.. siya.. at si ano)

Sino ang talagang tuluyang naglaho na?
(ahh.. sila nga!)

Sino ang pasulpot sulpot pa?

(Sila ano.. ahhh sila nga)

Sino ang may malasakit pa?


(meron pa! ramdam ko pa ang malasakit nila)

Sino ang KIBURLA lang?


(eh di Kiburla lang din sa kanila)

Sino ang may pangakong hanggang sa pagtanda andiyan pa din?

(kilala ko lahat sila.. kung sino sino sila)

Sino ang TOKIS lang?

(Siya nga yun.. TOKIS talaga!)

**************

Tingnan na lang natin...








----------------------------

Sunday, January 8, 2012

Usapang Bianca, Shalala at Gorabella...

Nag GM si Bianca. "Mga Sis, taralets, gimik tayo tonight! Miss ko na kayong dalawa! kita kits 9PM same Place"

Sa isang Bar sa QC. Nagkita kita ang tatlong Mahadera, talipandas ng mga contrabida ng engkantadiya. Si Bianca, Shalala at Gorabella. 

Bianca: Ano na mga sis? Kamusta na kayo? Di na tayo nagkikita kits ah.
Shalala: Oo nga teh.. dumaan ang Pasko at Bagong Taon. Di tayo nakapag bonding.

Gorabella: Dangan kasi, di naman tayo inimbitahan ng mga amo nating encantos eh. teka mga ateng, gumigimik pa ab sila?

Bianca: Oo naman, kaso lang, exclusive na yata ang gimik nila. Bawal na daw ang intruders!

Shalala: Pansin ko nga mga teh. Wala na din ako balita sa mga gimiks nila lately. Ayan tuloy, wala na akong ma iblind item.

Gorabella: Kasi naman kayong dalawa eh. mahilig kayong mag gate crash!. Buti na lang yung dalawang amo ko, kahit minsan lang sila sumama sa gimik, lagi nila akong kasama.

Bianca: Oo nga sinasama ka nila pero, para ka naman ghost. Non existing ka naman. hahaha


Gorabella: Haller! hindi ah. andun lang ako sa tabi, pero tinatagayan ako ni papa Tagay.

Shalala: Pero teka mga sis? Ano na nga ba ang latest sa mga amo natin? Waley na ako sense sa kanila ah.

Bianca: Ahh ako basta, lagi kaming magkasama ni Papa Pilyo at ni Papa Fox. Silang dalawa lang ang updated ako sa mga nangyayari sa kanila.

Gorabella: Ako din, kay papa Tagay at Papa Seph lang ako updated. Kiburla sa mga ibang encantos. Wizh ko sila knows kasi. Parang di ko sila feel!

Shalala: Eh sino ba may sabing feel ka din ng ibang encantos? aber? hahaha Basta ako kay Papa Lukayo at papa Johnny lang ako updated lately:

Bianca: Sige nga, reporting tayo. Updating tayo ng mga kaganapan sa mga amo natin. Sige una na akembang. Well si Papa Pilyo, single lady na ulit siya ngayon. though, may kinakarir si fafa! of course twink! hahaha. Pero sabi niya sakin, UNOFFICIALLY YOURS pa daw sila, in 5 days daw malalaman kung OFFICIAL na daw sila! haha

Shalala: OMG!! ang bilis naman ni papa Pilyo makahanap ng karir, ilang weeks pa lang siyang single diba? 

Gorabella: OO nga, Last week lang siya naging single lady ah. at sinetch naman itong twink na kinakarir niya?

Bianca: Ah basta, feeling ko unti unti na naman nakakamove on si papa Pilyo eh. Basta masaya siya sa ginagawa niya, masaya na din akembang para sa kanya!

Shalala: Eh what about naman si papa fox? Ano na latest sa kanya? 

Gorabella: Ay balita ko, siya fafa fox talaga ang UNOFFICIALLY YOURS ang drama! hahaha
Bianca and Shalala: ANO???!!! sino may sabi sa iyo nyan? Amo mo?
Gorabella: Hindi no!! sense ko lang! hahaha hindi na nga sila nakakausap ng mga amo ko eh!

Bianca: Potakels ka!! feeling close ka kay papa fox ah. Kinabahan naman ako diyansa chizmax mo! Eh ako nga itong SUPER CLOSE kay fafa fox, wala akong nasesense na ganyan, ikaw pa na HINDI CLOSE sa kanya!

Gorabella: Hanuveh!, kayo naman mga sis! di ako nag fifeeling close kay papa fox no! dati na kaya kaming close (naka cross fingers sa likod! hahaha).
Shalala: Teka, kailan pa kayo naging close ni papa fox? hahaha

Bianca: Magtigil nga kayong dalawa! ah basta alam ko, masaya si papa fox lately. Lagi daw mapula hasang! lols

Shalala and Gorabella: Echusera ka teh! 

Shalala: Panong magiging mapula hasang nun, isda ba siya? haha tsaka single pa din si papa fox diba? not unless, taken na siya ..

Bianca: Gagah!! ibig kong sabihin, Masaya siya kasi madami pa ding nagpapasaya sa kanya. Mapula hasang niya kasi laging.... hahaha (magagalit sakin si fafa fox)

Gorabella: ahhh.. gets ko na kung bakit mapula hasang ni papa fox. hahaha

Bianca: Oh kayong dalawa naman, ano latest sa mga amo niyo?


Shalala and Gorabella: OUR LIPS ARE SEALED!!! hahaha


Bianca: MGA POTAKELS kayong dalawa!! hmmpf!






Monday, January 2, 2012

Vacant Slot II

Last October 2011,  I made an  Encanto group Page in Facebook,
simply because all the encantos have accounts in FB,
and so it will be easy for me  to disseminate information to everybody.
I asked one of the members if he can give the account name of this encanto,
so I can add him to the group.I asked for a friend request.


Unfortunately, this encanto declined my request to add him.
For a simple reason that he can't accept the
request because that is his PERSONAL Account.
(Parang namang hindi rin Personal Account ang gamit ko at nung ibang members eh)
He texted me further saying that he is RETIRING from the group.
Napaisip ako, may RETIREMENT pala sa pagkakaibigan? 
na pag ayaw mo na, pwede ka na mag retire?
Oh well, good luck na lang sayo.. 
Salamat sa times na nakasama ka namin.


* * * * * * * * * * * * * * * *

Another member left. 
Mas pinili nyang umalis ng hindi nagpapaalam.
At ayaw niyang ipaalam. (Well alam na naman ng lahat eh)
But according to reliable source, from the very start, 
hindi daw niya talaga gustong maging part ng group. Pinagseselosan niya ang group.
He just became part of the group by virtue of Marriage. 
Meaning, kaya lang siya naging member because naging partner siya ng isa sa original member.
Since they parted ways na, tinapos na din niya ang connection niya with the group.


And with this.. as the custodian of the sacred dos por dos
i declare their positions.




PS: Naniniwala ako sa kasabihang...
"Ang Marunong Lumingon sa Pinanggalingan,  
ay Makararating sa Paroroonan"
(para ito sa ikalawang namaalam)

at sana sa pag lingon mo.. may makikita at babalikan ka pa.
Salamat sa mga times na nakasama ka namin.