DISCLAIMER: Aminado naman akong di ko talaga orihinal na ideya ito. Madami na sigurong unang nakaisip nang tungkol dito. Walang pakialaman, gusto ko din magpost e.
Dito talaga dapat ipost ito. Hehehehe. :D
-----------------------
Kung ang Law School ay parang Hogwarts lang (with the Blocks as Houses, not to mention the eccentric professors and danger-lurks-everywhere feel ), maihahambing ko naman ang mundo ng G4M sa Encantadia. Hehehehe.
Ang Mga Diwata
Isa sa mga slang na katawagan sa mga effem. Dito lahat nagsimula ang ideya kong ito. (may added value din 'yung pagbanggit ni Pinuno dun sa tungkol sa mga Hathor...Hehehehe). The liveliest of all the Kingdoms of Pinkantadia. Laging may aksyon sa kaharian nila; mapa-kama, o mapa-pagtatanggol sa kanilang kaharian. Masarap silang kasama kung gusto mo tumawa ng tumawa dahil kaya nilang gawing katatawanan ang lahat. Bagama't karamihan sa mga kaharian ng mundo natin ay may kaniya-kaniyang level ng diskriminasyon laban sa kanila, nananatili ap rin silang mahalaga sa mundo natin. Madalas kasi, sila rin ang napagbabalingan ng hindi pagkaunawa at panlilibak ng mga Mortal mula sa Straightworld.
Ang mga Hathor
Ang kaharian ng mga malalaki. Malalaki ang Biceps. Panay pandesal sa katawan. Sila ang kadalasang inuuri bilang mga "yummy", "hot", at "hunky". Ang Hathoria ay napalilibutan ng mga bahay na kung tawagin ay "Gym". Mahilig silang kumain ng maprotinang pagkain at kaaway nila ang Carbs. Bagama't karamihan sa kanila ay "narcissistic" at di nakikipamatok sa mga hindi Hathor, may mangilan-ngilan din naman ang pumapatol sa mga hindi nabibilang sa kanilang kaharian. Karamihan din sa kanila ay hindi mo magaling magpanggap na mortal (mula sa Straightworld) dahil sa kakayahan nilang magbago ng anyo. Kadalasan din naman, ang mga Hathor ay nasa "itaas".
Ang mga Sapiryan
Ang mga Sapiryan ay mga kakaibang nilalang. Hindi sila kasing-laki ng mga Hathor, subalit di rin naman sila kasing-"halimuyak" ng mga diwata. Kadalasan silang itinuturing na "twinks" at "slim". Nasa gitna yata ng Kaharian nila ang "Fountain of Youth" kaya halos lahat sila ay may mapang-akit na mukha ng bata. Sila ay kadalasang "flexible" at may pagka-contortionist. Malas din ay mga early-bloomer sila (read: maagang nadonselya). Bagamat di naman sila gaanong nakakaranas ng kasamaan ng ugali mula sa mga mortal (mula sa Straightworld), maliban na lamang kung nasobrahan sa paggamit ng pampakinis ng mukha na inilalako sa kanila ng mga diwata. In contrast sa mga Hathor, sila ay kadalasang nasa "ibaba".
Ang mga Adamyan
Isa rin sa mga pinaka-kawawang kaharian ng Pinkantadia ang Adamya. Wala silang gaanong exposure (in other words, walang gaanong pumapansin sa kanila...). Kung hindi ka nabibilang sa naunang tatlong kaharian, malamang ay Adamyan ka. Silaay kadalasang bilugan ang katawan; o di kaya'y maiitim ang balat na puno ng "blemishes"; o di kaya'y napagkakamalang kabayo. In short, sila ang mga di mabuti sa mata ang kaanyuan. Sa Pinkantadia, bukod sa mga diwata, sila ay kadalasan ding nakakranas ng diskriminasyon; hindi mula sa mga mortal (mula sa Starightworld) kundi mula mismo sa kapwa nila Pinkantado. Di matanggap ng mga Adamyan ang motto na "Di bale nang bakla, maganda naman." Oo nga naman, para mo nang sinabing sila na ang pinaka-kawawa sa lahat.
Ang mga Etherian
Sila ay ang mga kaaway ng lahat, ang mga tingin sa sarili ay Diyos at mapanghusang Etherian. Mahirap i-describe ang kanilang kaanyuan sapagkat sila ay kadalasang nagtatago sa kadiliman. Madalas silang mag-amok at magsimula ng mga hate threads lalo na ang laban sa mga Diwata. Di ko mawari kung ito ay dahil sa inggit o di kaya'y dahil sa takot sa mga ito. Para rin sa kanila, walang karapatang mabuhay ang mababang uri ng mga nilalang. Ang kadalasan lamang nilang pinakikisalamuhaan ay ang mga nabibilang sa dugong bughaw ng Hathoria at Sapiro (dugong bughaw = primerang klaseng karne).
Ang mga taga-Devas
Ang mga nilalang ng Devas ay yaong nakarating na malapit sa hangganan ng kanilang paglalakbay. Mga hindi na gaanong kabataan subalit puno ng mga karanasang maipagmamalaki kahit kanino. Maaring silang makisama sa lahat at ibahagi ang kanilang mga "inspiring" na talinhaga tungkol sa kanilang naunang kapanahunan sa Pinkantadia. Malaki ang dapat ipagpasalamat sa kanila, sapagkat sila ang nagbata ng mga naunang pahirap at sakit ng mga mortal (mula sa Straightworld). Kung wala sila, marahil ay di natin tinatamasa ang mas malawak na Pinkantadia ngayon.
Posted by:
DN a.k.a. Athena

2 comments:
naman! ang pinkantadia talaga.
may kilala akong isang taga-Devas, si tasya pantasya. lol!
so.. sino ang mga diwata, hator, sapiryan adamian at mga taga devas sa mundo ng engkantadiya?
basta ako kilala ko na kung sino ang tunay na diwata sa mundo ng engkantdiya.. nag iisa lang siya.. lols... karamihan ay mga hator.. Mga Hot papas.. lols..
Post a Comment