Followers

Saturday, April 11, 2009

Updates sa mga engkantos....

Nitong Holyweek.. saan ng mga ba ang mga whereabouts ng mga engkantos? Ayon sa bolang kristal ng Dyosa.. narito ang kinaroroonan at pinaggagagawa ng mga engkantos..

Dyosa....
Nasa Bahay lang at nagbuburo ng sarili.. mula lunes hanggang Sabado. Pero Tumagay nung Martes ng gabi kasama ang Diwata at Ang Dukesa..

Princesa...
Lumabas din nug martes kasama ang kondesa pero nitong thursday.. Umuwi ng Bicol at nakipag reunite sa kanyang mga kaklase nung High School Sa Phisci..

Amasona...
Umattend ng Retreat nitong Wednesday at Thursday sa Tagaytay.. kasama ang kanyang pinsan at ngayon back to work na din.. kahit holyweek.

Diwata...
Walang Work.. hindi naka schedule papuntang province.. kaya tumagay nung martes kasama ang Diyosa at Diwata.. Pero ngayon ay nasa Bulacan kasama ang kanyang pamilya.

Santa..
Kasalukuyang nasa ibang bansa.. umaattend ng Seminar.. last week pa ng April uuwi. Pero halos gabi gabi nakikita ng dyosa na naka online sa YM. Lols.

PGR...
Umuwi ng Manila galing ng cebu.. madalas kasama ang alitaptap(?) at ang Tasya pantasiya sa tagayan.. Noong Martes din ng gabi sila'y nag inuman.. Kasama ni tasya na nag bisita iglesia.. sumama sa prusisyon nitong biyernes santo.

Dukesa....
May pasok sa work kahit holyweek.. nung martes napilitan umabsent from work kasi nalasing.. lols

Kondesa...
Kasama ng Princesa nung martes ng gabi na manoond ng sine at magpamasahe sa wensha.. pero ngayon.. nasa Baguio siya.. at sa lunes pa yata ang uwi.. kasama ang kanyang pamilya..

Ewok...
Umuwi din galing ng Cebu.. at dumirecho ng tagaytay kasama ang kanyang love of his life (daw!) at pimamper ang sarili sa pag jajakusi at spa..

Princesita..
Naconfined sa hospital.. pero magaling na... nasira ang phone niya.. nawala ang mga pinakamahalagang data ayun sa kanya..

Tasya pantasiya...
Kasama nila PGR at alitaptap nung martes.. Nagbisita inglesia kasama ang PGR.. tapos nitong biyernes santo.. tumatagay kasama ang ibang mga kaibigan.. lols..

Alitaptap...
Kasama din ng PGR at tasya nitong Martes.. pero nitong Thursday.. umuwi ng Pampanga.. kasama ang pamilya.. uwi yata this Sunday..

Athena...
nagbuburo din sa bahay.. gaya ng diyosa... at internet, blogspot at twitter lang ang inatupag...lols.

Sirena..
Malabo ang bolang kristal.. hindi masyadong maaninag ng diyosa ang kanyang kinaroroonan.. huling balita ng diyosa sa sirena at into ay nasa loob ng lata.. pinalilibutan ng tomato sauce.. lols..

So there... ayan ang kinaroroonan ng mga engkanto this holy week..

Disclaimer:

Kung mali ang information na nakuha ng Dyosa.. kayo na bahalang mag sabi sa diyosa para ito ay maitama agad.. lols..

-Dyosa

1 comment:

Bloiggster said...

martes at miyerkules po kami magkakasama nina alitaptap at tasya

isa sa antipolo at isa sa pasig