The night is still young and so are we.
- Zoe to Mugen
Second Year College
Originally Posted: August 28, 2008
---
Alas Dos
Apat na magkakatropa ang lumabas ng DB Bar sa Congressional Avenue. Sila ay kapwa may tama ng alak salamat sa apat na bucket ng San Miguel beer na kanilang tinungga. Ang dalawa ay napagkasunduang gawing opisyal ang kanilang pag-iibigan. Unang umalis ang binatang kinakati isayaw ang sarili sa dance floor. Sumunod ang pinuno na unang inakala na makakasabay umuwi ang isa sa kanyang mga alaga.
Madilim at walang sasakyan sa kanto ng Quezon Avenue at Agham Road nang bumaba dito ang isa sa mga binata. Ang pinuno naman ay patuloy na binabaybay ang daan na magdadala sa kanya sa Fairview. Ang dalawa ay napagkasunduang magpalipas ng gabi sa isa pa nilang kaibigan.
Na umamin rin ng kanyang pagkagusto sa isa sa mag-syota.
Alas Tres
Nakarating ng Malate ang binatang adik sumayaw. Ang mag-syota naman ay kumain sa isang lugawan malapit sa Espana. Dito rin sila tinagpo ng isa pa nilang kasama na may gusto sa isa. Ang pinuno ay nakarating na ng bahay. Pinipilit man nitong makatulog subalit ang pag-iisip sa isang tao ang pumipigil sa kanya upang mahimbing sa kama.
Alas Kwatro
Habang naglalakad ng pasuray-suray sa dancefloor, biglang dinikit ng isang binibini ang kanyang balakang sa binatang adik sumayaw. Pinatulan ito ng binata kaya't panandalian silang nag-exhibition at nagdirty-dancing sa palibot ng maraming bakla. Natulala ang binata at napaisip: "Babae kaya ang kasayaw ko o isa na namang tranny?" Matangkad kasi ito, mahaba ang buhok at tila may pagka-agresibo gaya ng lalaki. "Baka naman lasing lang kaya matapang." Sa huli, nanaig ang galing ng babae. Napasayaw niya at napaghubad si lalaki.
Ang tatlo ay nag-kwentuhan sa apartment ng isa sa may Morayta. Buong akala ng lahat na may mangyayari, subalit nanaig ang pride ng bawat isa. Walang gustong magpatira at walang gusto makibahagi ng jackpot ng isa. Binalak nilang dumayo sa Malate upang ipagpatuloy ang inuman. Maraming tao. Nagpasya silang tatlo na bumalik na lang ng apartment.
Hindi pa rin makatulog ang pinuno. Binabagabag siya ng kanyang damdamin para sa isang taong hindi na mapapasa-kanya.
Alas Singko
Pasikat na ang araw at pauwi na ang mga gumimik sa Malate. Patuloy pa rin ang pagkwe-kwentuhan ng tatlo sa apartment, samantalang ang binatang adik sumayaw naman ay nagmamadaling makahanap ng kaulayaw sa dance floor. All for the sake of inflating his ego and detaching himself from the events that happened earlier that night. "Kala nila sila lang, kaya ko rin sumabay." bulong nito sa sarili. Nagkita muli sila nang nakasayawan nito ilang buwan na ang nakakaraan. Matino naman ang kanilang pag-uusap, subalit narealize ng binata na maaring isang callboy ang kanyang pinagtripan nang huli silang nag-krus ng landas sa ibabaw ng ledge.
Pagulong-gulong pa rin sa higaan ang pinuno. Hindi pa rin siya makatulog.
Alas Sais
Maliwanag na ang langit. Ang mag-syota na nakitambay sa apartment ng isa nilang katropa ay papauwi na sa kani-kanilang bahay. Hawak kamay sa loob ng bus, pinaramdam nila sa isa't-isa ang pag-iibigan nilang dalawa. Walang nangyari sa buong magdamag, subalit ang kanilang relasyon ay maaring makaapekto sa samahan ng buong grupo.
Nabigo ang binata sa kanyang quest na makahanap ng kalandian sa dance floor. Marami ang naghangad ngunit wala ni isa man sa kanila ang kanyang natipuhan. Just when he was ready to give his number... saka naman walang available... Magsisimula ang bagong linggo gaya ng dati - siya na isang uring mangagawa na maraming dala-dalang pasanin sa mundo; ang mundo na patuloy ang pag-ikot at tila walang pakiealam sa kanya. Matapos kumain ng Pares at apat na pirasong fried siomai sa Bestfriends malapit sa kanyang bahay, kaagad rin itong nakatulog matapos ang isang magdamagang gimik sa piling ng mga tropa at ng sarili.
Sa kabila ng pagiging duguan ng kanyang puso, nakatulog rin sa wakas ang pinuno.

5 comments:
NOSEBLEED AKO.
may isang karakter na pwede kong i-relate ang sarili ko. Sumama akong kumain sa Pares dahil curious ako sa 2 taong ayaw aminin ang kanilang pag iibigan. HINDI KO NAMAN GUSTO ANG ISA. At hindi naman kami tumambay sa apartment. Tumambay kami sa Providence Sing Along near La Salle.
hmmmm.. wala siguro ako sa karakter. Pero may nangyari pala noong August 2008. Lahat ng karakter sa kwento KILALA ako, yung isa na lang ang hindi pa, na hindi ko naman pwedeng i-relate ang sarili ko.
Hehehehe. kadugo-dugo naman to ng ilong. BLIND ITEM TALAGA !
Hindi ako mapakali.
Pangitain ito.
May mga pangyayaring pwedeng mangyari, na kagaya ng nakaraan. History repeats itself. Mukhang sumasakit na naman ang ulo ng PINUNO. Sumasakit din ang ulo ko sa "ibig ipahiwatig" ng kwento.
Isa lang ang masasabi ko.
KUNG SAAN MASAYA ANG ISANG TAO, suportahan na lang natin. Wag na natin gawing komplikado ang lahat.
PS
Kung sino man ang nag post nito, in fairview ang galing ng pagkakasulat mo ha? Bilib ako ! Sobrang matalinghaga!
akala ko lang meron. pero wala. wala. wala. :)
Bestfriends sa Mandaluyong? Hahaha. Madalas kami kumain ni Doc M dyan kung tamad na magluto sa bahay. Ang cute naman ng kwentong ito.
maaari po bang makiraan?
galing naman ng pagkakatagni tagni ng mga pangyayari
maging ang pagtatahi ng mga emosyon
totoo po bang nangyari ito?
kasi kung oo, maaari ko bang makilala ang mga nilalang sa kuwento ito?
Post a Comment