Followers

Wednesday, September 30, 2009

+1

Napakisimple lang nito.

Si +1 ay aalis na sa pila.
Siguro kelangan na din muna umiwas para yung nararamdaman ay hindi na lumala.
Hindi kagustuhan ni +1 na tumibok ang kanyang puso.
Kung pwede lang pigilan. Why not! Gagawin ni +1 yun.
Pero sa ngayon. Pag-iwas lang talaga ang paraan para mahinto na ito.
Mahirap na din kasi. Dahil takot na din si +1 sa mga ng yari sa kanya before.
Sana lang! Makayanan ni +1 ito.



Gech ninyo? Malamang hindi. Hehehehe!

Thursday, September 24, 2009

Falling slowly

I don't know you
But I want you
All the more for that
Words fall through me
And always fool me
And I can't react
And games that never amount
To more than they're meant
Will play themselves out
Take this sinking boat and point it home
We've still got time
Raise your hopeful voice you have a choice
You've made it now
Falling slowly, eyes that know me
And I can't go back
Moods that take me and erase me
And I'm painted black
You have suffered enough
And warred with yourself
It's time that you won.
Hehehe! Wala lang. Gusto ko lang magpost ng kanta dito. Weeehh!
Huwag na kayo magcomment. ^^
[ -jc- ]

Wednesday, September 23, 2009

Spill spell: DINGDONG AT DINGDING

(posted by RainDarwin)


Dumating akong may bagong mukha.

Akala ko’y mahaba na naman ang buhok ko dahil ang sulyap nya sa aki’y nakaka intriga.

Diyata’t may alam ang lobo, pati ang katabi kong hindi komportable sa pagkakaupo.

Sa BPI habang umuulan nakatayo sya at tila nilalamig na.

Malamig kasi ang “ulan” sa tanghaling tapat.

Ang akbay ko sa kanya ay may haplos ng pagsusuyo matapos ang burautan sa telepono.

Ang tungga ng san mig light, hindi alintana sa namamagang ngalangala.

Malikot ang aking mata. Tila nawawala ako sa gitna ng Farmville.

Bakit ba sya nakatingin sakin? May muta ba ako sa mata o sadyang gwapo lang ako.

“Akala ko hindi ka darating, ayaw mong sagutin ang telepono eh”, sabi nya.

Naglalakad kami sa ulan nakasukob sya sa aking payong.

Ang chat sa IRC tila may bagong panimula, burautan sa una bakit ngayon tila seryoso na.

Bumalik ako sa pagkakaupo. Nakatingin pa rin sya sa akin.

Akala ko’y gusto nya ako. Hindi pala. At Katabi ko pala ang iniirog nya.

Binuksan ko ang pinto. Pumasok sya. Tulad ng nakaraan may bagong simula.

Hinubaran ko sya. Tumambad ang kanyang balingkinitang katawan.

Ang lamig ng ulan, uminit sa singaw ng Farmville.

Kumatas ang prutas, Namulaklak ang bulaklak. Ang puno’y nagkakulay.

Dumaloy ang sabaw ng buko. Tinikman, nilasap. Tinungga.

Habang ang san mig light patuloy sa pag-api sa namamagang ngala-ngala.

Tinawag ako sa labas ng Bar. Kinompronta ako ng nakaraan.

Ano ko raw si dingding? At sino naman si dingdong balik kong tanong?

Walang malinaw na sagot, kahit madulas na ang kalsada.






























































































Tanong ng mga engkanto habang nagtatanim at bumabayo sa Farmville (nakasuot ng baro't saya, may bulaklak sa tenga):

Bakit umaayaw ka na sa eksena. Ayaw mo na bang i-renew ang kontrata sa ”LOBO”?

Hindi ka ba makaka-survie na hindi si Angel Locsin ang kapareha?









































































.

(sabay-sabay sa pag-agree sa pangunguna ni TUKTOK: "EXACTLY "!)

Monday, September 21, 2009

Ang Pagtitipon..

ATTN: All Engkantos
WHAT: It's princesa's blowout for Tinkerbell. At last nakapasa na din at gagraduate na ang tinkerbell sa nursing course niya this coming October.
WHEN: September 19, 2009 tonight at exactly 8:00 PM. Please be there on time hanggang 10Pm lang yung venue. Ituloy na lang natin somewhere pag nabitin.
WHERE: CONGO GRILL Trinoma
Please confirm kung sino aattend:

==================================================
Friday morning pa lang, isang GM ang ipinadala ng Dyosa sa lahat ng mga engkantos upang i inform sila sa nalalapit na pagtitipon na gaganapin kinabukasan ng gabi. Ang kanilang bunso na si tinkerbell (Dating bunso pero ngayon hindi na , Mas bata pa pala sa kanya si Maxwell ng 2 months) ay ipagdiriwang ang kanyang pagka pasa sa kanyang exam na magpapatunay na siya ang gagraduate na this coming October. Naipangako sa kanya ni Princesa Darwin na siya ang sasagot sa blowout ni tinkerbell.

Maaga pa lang ng sabado ng hapong iyon ay magkasama na ang Dyosa at ang Princesa, nag a apprentise kasi ang Dyosa sa parlor ni princesa kaya madalas pumunta ang Dyosa. Ang usapan kasi ay 8PM kaya 7:00Pm pa lang ay gumayak na ang Dyosa at Princesa dala dala ang karwahe papunta sa Trinoma. Habang binabagtas ang kahabaan ng Quezon ave. panay na ang text ng mga naunang sila Shoti at tinkerbell, ganun din sila Amasona at Maxwell na paparadting na din sa nasabing lugar. Exacly 8:15 ng kami ay makarating sa venue. Naabutan na agad namin si amasona na naghihintay sa amin, habang ang tinkerbell at shoti ay galing sa kanya kanyang paglilibot sa loob ng trinoma at nagsabing papunta na daw sila sa place. Dumating kami sa place na puno at maraming costumers na nag kumakain kaya habang nahihintay ng aming reservation at naghintay muna kami sa labas. Maya maya ay dumating na ang Maxwell then sumunod ang Kondesa, na ikinabigla at ikinatuwa ng lahat. Hindi na kasi masyadong nakakasama ang kondesa sa mga gimik ng mga engkantos. At sumunod din na dumating si Dingdong. Walo kaming lahat na sabay sabay na nagsalo salo sa isang hapunan. First time na nangyari ito sa engkantadiya na magkaroon ng isang dinner. Usually kasi puro inuman at tagayan ang aming mga ginagawa. Habang kami ay nag di dinner at nagpaabot din ang mensahe ang Dukesa at si Popoy na sila ay paparating na.

Magkakatabi, magkakausap ibat iba ang mga topic ng usapan, nag bibiruan nag aasaran. Nasentro ang asaran kay tinkerbell na napag alam ng lahat na hindi pa ito kumakain ng gulay. Kaya nachallenge siya ni amasona at binigyan siya nito na gulay at i dare na kainin. Nagtawanan ang lahat. Pabirong sinabi naman ni maxwell na tipong parang nanay na nanay ang dating ni amasona habang pinapakain niya si tinkerbell ng gulay. At gaya ng dati pang biruan, si Dindong naman ang nagpasimuno ng pang aasar kay tinkerbell tungkol sa palalaro ng farmville sa facebook na ayun sa kanya ay nakalimutan na daw ni tinkerbell ang "Country story" na isang laro din mula sa facebook at ngayon na engganyo na din daw na maglaro si tinkerbell ng farmville.. At ipinagmamalaki nitong nasa level 17 na daw siya at naabutan na daw niya ang Dukesa. Sa totoo lang, tanging si Dingdong lang ang nakapag patiklop kay tinkerbell pag dating sa pambuburaot. Dati rati kapag kami ang nag aasar kay tinkerbell, lumalaban ito ng burautan. Pero nang dumating ang Dingdong, tila yata nakahanap ng katapat ang tinkerbell. Likas naman talagang malakas mamburaot ang Dindong, maski mismo ang Dyosa ay binuburaot din nito. Tawanan ang lahat.. masaya, nakakaaliw.

Bago matapos ang aming dinner ay dumating ang Popoy galing pa sa makati at maya maya din ay dumating na ang Kondesa na mula naman sa Novaliches. Nagstay muna sandali ang grupo habang nagpapababa ng kinain. Kwentuhan tawanan at asaran pa din. Masaya ang lahat. At maya maya at napagkasunduan ng lahat na ituloy ang pagtitipon sa isang tagayan session. Mawawala ba naman ang alak? Eh mga certified tomador ang mga engkantos. Di ka magiging engkanto kung hindi ka marunong uminom. Napagdesisyunan ng Dyosa na sa DB Bar na lang ituloy ang pagtitipon, anyway malapit lang naman ito sa Trinoma. At para na din makita ng mga "Kids" ( tawag sa mga youngsters na mga engkantos tulad nila Maxwell, Dingdong at shoti) ang lugar na madalas ding tinatambayan ng mga engkantos. Sino nga ba ang mga first timers sa nasabing Bar? sina maxwell, popoy, shoti at Dingdong.

Mula sa trinoma, hinati namin ang grupo sa dalawa at gamit ang dalawang sasakyan na dala ni shoti at Princesa (driver lang ang Dyosa). Nakakatuwa na sa paghahati ng grupo, nagkasama sama ang mga kids, si shoti, maxwell, dingdong, tinkerbell at dukesa. Samantalang sa kabilang grupo ay ang Dyosa, Princesa, Amasona, Kondesa at si Popoy. Habang nasa sasakyan kami ay nagbiro ang Dyosa na nagsama sama sa kabilang sasakyan ang 5 kids na tinaguriang the "wondergirls". tawanan ang lahat. Ang mga kids nagsama sama sa iisang sasakyan. hahaha

Pagdating namin sa DB bar, hndi na sumama ang shoti sapagkat ito ang may natanguan pang isang lakad sa kanyang mga kaibigan. Pag upo pa lang sa kanya kanyang pwesto ay umorder agad ng 3 buckets ng sanmiglight. Hindi na umorder ng pulutan sapagkat busog na ang lahat. Kaya alak na lang ang binanatan. Tuloy ang kwentuhan, tawanan at asaran. Hindi man nakasama ang shoti ay humabol at dumating naman ang diwata. Na tingin namin ay medyo may tama na, galing ito sa isang tagayan kaya medyo kargado na ng alak. Sa DB bar ay may live band, at pwede kang makijamming. Likas na mahilig kumanta ang diwata, since may tama na ito kaya naglakas ng loob na mag volunteer na kumata sa stage. Siyempre proud ang grupo, kaya masigabong palak pakan para sa aming diwata. Pinakilala ng Dyosa sa diwata ang apat na bagong diwata na nagmamay ari ng 4 na brilyante.. Ayaw pumayag ang duwata at sinabing nag iisa lang daw siyang diwata. wala na daw papalit sa kanyang trono bilang diwata. tawanan ang lahat. Naunang umuwi ang amasona ang ayon sa kanya ay kailangan daw siya sa kanilang bahay at walang kasama ang kanyang ina. Ang later sumunod naman umalis ang kondesa na may iba pa yatang party or gimik na pupuntahan.


Nang matapos ang aming inuman, ihahatid lang sana namin sina popoy at dingdong sa cubao para makauwi papuntang makati at paraƱaque, nagpagdesisyunan na grupo na dumirecho na lang sa place ni princesa. Nang binagtas namin ang erod papuntang espanya, ipinarada muna ng Dyosa ang karwahe at bumaba ang lima upang jumingle.. nakakatuwa at 5 silang humihi at tig iisang puno ang kanilang naging tabing. magkakahilera, tawanan ang Dyosa at Diwata na naiwan sa karwahe. Hahaha..

Dumating kami Parlor ng Princesa, eksaktong 1:30am. Isa sa mga dahilan ng aming papunta sa place ni princesa ay upang makilala ni tinkerbell ang kanyang "asawa" na si tata. Guard ng parlor ni princesa. Asar talo ang tinkerbell, at proud na proud namang ipinakilala ni princesa kay tinkerbell si tata. Blushing ang tinkerbell.. hahaaha. Ayon kay princesa.. gwapo at bagay daw sila ni tinkerbell. hahaha

Tuloy pa din ang kwentuhan, inutusan ni princesa ang "asawa" ni tinkerbell para bumili ng alak. Tig iisang can ng sanmiglight ang aming pinag saluhan, at may kasamang chitchirian. Ang diwata naman ay nakatulog na sa tinawatag ni princesa na "orgy room" bihisan ng mga customers sa kanyang parlor. Habang ang iba naman at nagkukwentuhan. Tinawagan ni princesa ang kanyang "companion" si DINGDING at pinapunta sa parlor at ipinakilala ang mga engkantos. Nagkakilala na din sa wakas si Dingdong at si Dingding.. hahaha.. Na laging tinatanong ni dingding kung sino si dingdong at gusto ding makilala ni dingdong si dingding na laging binabaggit ni princesa sa twitter. Masaya namang nakihalubilo sa amin si Dingding. Antok na ang lahat, restless na kaya nag decide na umalis na ang mga engkantos. Pasado alas sinko na nang kami ay umalis sa parlor ni princesa.

Isang nakapasayang moment ang naganap. Bibihirang magkasama sama ang mga engkantos na halos lahat at andoon. Tanging sina Santa, Reyna, Tasya at Sirena lang ang wala. Sana sa susunod ay makumpleto ang lahat ng mga engkantos. Sa darating na pasko, tanging hiling ng lahat ay magkasama sama ulit sa isang patitipon.

Mga attendees:

Dyosa
Princesa
Amasona
Dukesa
Kondesa
Shoti
Maxwell
Popoy
Dingdong
Tinkerbell
Diwata

Wednesday, September 16, 2009

Ang Bagong Engkanto..... Si Dingdong...

Mula sa twitter world ang binatang ito. Kaibigang turing ni amasona na isang core member na engkanto. Tawag sa kanya ni amasona ay "kumandante" at "supremo" naman ang tawag niya kay amasona. Magkabilang sila sa isang grupo na tinatawag na pexers (pinoyexchange.com) Matikas, astig at may pinag aralan at propesyonal ang binatang ito mula sa prestihiysosong unibersidad sa Maynila. Bago pa man napabilang ang binatang ito ay makailang beses na ding naimbitahan sa mga tagayan ng engkantadiya, ngunit sa kadahilanang di pinag aadiya ng pagkakataon, andung nasa malayong probinsiya siya o kaya may ibang gimik, kaya hindi matuloy tuloy ang kanyang pag sama sa tagayan.

Nitong buwan ng Agosto, isang plinanong tagayan ang nabuo at naimbitahang muli ang binatang ito. Dahil sa nasa work shift pa si amasona, inihabilin siya kay kondesa na isa ding engkanto. Nagkaroon siya ng pagkakataong ma meet ang Diyosa, and Princesa at ang Diwata. At mula noon, tuwing may tagayan, palagi na siyang nakakasama at unti unti na din niyang nakikilala ang iba pang mga engkantos gaya nila Shoti, Tsupaeng, Popoy at si Dukesa. At ayun sa kanya ay dati pa niyang nakita si Sirena. At nitong huling tagayan naman at nakilala din niya sina Maxwell at Tinkerbell. Samakatuwid halos lahat na ng mga engkantos ay nakilala na niya ng personal.

At dahil diyan, na suggest ko kay amasona na gawing official engkanto na si dingdong. Ayun kay princesa, kumpleto na ang Big 4 (UP, Ateneo, UST at La Salle) sa pagkakapasok ni dingdong sa engkatadiya..Teka bakit nga ba dingdong ang tawag sa kanya? Ayon na rin sa mga nakapansin at karamihan sa mga engkantos, may pagka hawig ang binata kay Dingdong Dantes.. kaya nakasanayan nang tawagin siyang Dingdong..



Sa iyo Dingdong.. maligayang pagdating sa kaharian ng engkantadiya.. Naway mag enjoy ka sa aming kaharian.. Masaya dito sa engkantadiya.. enjoy ka lang.. At laging tandaan ang mga tagubilin ng Dyosa.. Lahat magkakapatid.. lahat nagbibigayan.. lahat samasama sa lungkot at kasiyahan.. Kung alinlangan ka at magkaroon ka ng problema... alam mo na kung sino ang iyong lalapitan..

Buo na ang apat na diwata ng kaharian ang engkantdiya..

Diwata ng Hangin = ___________________
Diwata ng Tubig = ____________________
Diwata ng Apoy = ____________________
Diwata ng Lupa = ____________________

Hulaan niyo kung sino sino sila... Isa na si Dingdong sa mga diwata.. hahaha