Followers

Wednesday, September 23, 2009

Spill spell: DINGDONG AT DINGDING

(posted by RainDarwin)


Dumating akong may bagong mukha.

Akala ko’y mahaba na naman ang buhok ko dahil ang sulyap nya sa aki’y nakaka intriga.

Diyata’t may alam ang lobo, pati ang katabi kong hindi komportable sa pagkakaupo.

Sa BPI habang umuulan nakatayo sya at tila nilalamig na.

Malamig kasi ang “ulan” sa tanghaling tapat.

Ang akbay ko sa kanya ay may haplos ng pagsusuyo matapos ang burautan sa telepono.

Ang tungga ng san mig light, hindi alintana sa namamagang ngalangala.

Malikot ang aking mata. Tila nawawala ako sa gitna ng Farmville.

Bakit ba sya nakatingin sakin? May muta ba ako sa mata o sadyang gwapo lang ako.

“Akala ko hindi ka darating, ayaw mong sagutin ang telepono eh”, sabi nya.

Naglalakad kami sa ulan nakasukob sya sa aking payong.

Ang chat sa IRC tila may bagong panimula, burautan sa una bakit ngayon tila seryoso na.

Bumalik ako sa pagkakaupo. Nakatingin pa rin sya sa akin.

Akala ko’y gusto nya ako. Hindi pala. At Katabi ko pala ang iniirog nya.

Binuksan ko ang pinto. Pumasok sya. Tulad ng nakaraan may bagong simula.

Hinubaran ko sya. Tumambad ang kanyang balingkinitang katawan.

Ang lamig ng ulan, uminit sa singaw ng Farmville.

Kumatas ang prutas, Namulaklak ang bulaklak. Ang puno’y nagkakulay.

Dumaloy ang sabaw ng buko. Tinikman, nilasap. Tinungga.

Habang ang san mig light patuloy sa pag-api sa namamagang ngala-ngala.

Tinawag ako sa labas ng Bar. Kinompronta ako ng nakaraan.

Ano ko raw si dingding? At sino naman si dingdong balik kong tanong?

Walang malinaw na sagot, kahit madulas na ang kalsada.






























































































Tanong ng mga engkanto habang nagtatanim at bumabayo sa Farmville (nakasuot ng baro't saya, may bulaklak sa tenga):

Bakit umaayaw ka na sa eksena. Ayaw mo na bang i-renew ang kontrata sa ”LOBO”?

Hindi ka ba makaka-survie na hindi si Angel Locsin ang kapareha?









































































.

(sabay-sabay sa pag-agree sa pangunguna ni TUKTOK: "EXACTLY "!)