Followers

Monday, September 21, 2009

Ang Pagtitipon..

ATTN: All Engkantos
WHAT: It's princesa's blowout for Tinkerbell. At last nakapasa na din at gagraduate na ang tinkerbell sa nursing course niya this coming October.
WHEN: September 19, 2009 tonight at exactly 8:00 PM. Please be there on time hanggang 10Pm lang yung venue. Ituloy na lang natin somewhere pag nabitin.
WHERE: CONGO GRILL Trinoma
Please confirm kung sino aattend:

==================================================
Friday morning pa lang, isang GM ang ipinadala ng Dyosa sa lahat ng mga engkantos upang i inform sila sa nalalapit na pagtitipon na gaganapin kinabukasan ng gabi. Ang kanilang bunso na si tinkerbell (Dating bunso pero ngayon hindi na , Mas bata pa pala sa kanya si Maxwell ng 2 months) ay ipagdiriwang ang kanyang pagka pasa sa kanyang exam na magpapatunay na siya ang gagraduate na this coming October. Naipangako sa kanya ni Princesa Darwin na siya ang sasagot sa blowout ni tinkerbell.

Maaga pa lang ng sabado ng hapong iyon ay magkasama na ang Dyosa at ang Princesa, nag a apprentise kasi ang Dyosa sa parlor ni princesa kaya madalas pumunta ang Dyosa. Ang usapan kasi ay 8PM kaya 7:00Pm pa lang ay gumayak na ang Dyosa at Princesa dala dala ang karwahe papunta sa Trinoma. Habang binabagtas ang kahabaan ng Quezon ave. panay na ang text ng mga naunang sila Shoti at tinkerbell, ganun din sila Amasona at Maxwell na paparadting na din sa nasabing lugar. Exacly 8:15 ng kami ay makarating sa venue. Naabutan na agad namin si amasona na naghihintay sa amin, habang ang tinkerbell at shoti ay galing sa kanya kanyang paglilibot sa loob ng trinoma at nagsabing papunta na daw sila sa place. Dumating kami sa place na puno at maraming costumers na nag kumakain kaya habang nahihintay ng aming reservation at naghintay muna kami sa labas. Maya maya ay dumating na ang Maxwell then sumunod ang Kondesa, na ikinabigla at ikinatuwa ng lahat. Hindi na kasi masyadong nakakasama ang kondesa sa mga gimik ng mga engkantos. At sumunod din na dumating si Dingdong. Walo kaming lahat na sabay sabay na nagsalo salo sa isang hapunan. First time na nangyari ito sa engkantadiya na magkaroon ng isang dinner. Usually kasi puro inuman at tagayan ang aming mga ginagawa. Habang kami ay nag di dinner at nagpaabot din ang mensahe ang Dukesa at si Popoy na sila ay paparating na.

Magkakatabi, magkakausap ibat iba ang mga topic ng usapan, nag bibiruan nag aasaran. Nasentro ang asaran kay tinkerbell na napag alam ng lahat na hindi pa ito kumakain ng gulay. Kaya nachallenge siya ni amasona at binigyan siya nito na gulay at i dare na kainin. Nagtawanan ang lahat. Pabirong sinabi naman ni maxwell na tipong parang nanay na nanay ang dating ni amasona habang pinapakain niya si tinkerbell ng gulay. At gaya ng dati pang biruan, si Dindong naman ang nagpasimuno ng pang aasar kay tinkerbell tungkol sa palalaro ng farmville sa facebook na ayun sa kanya ay nakalimutan na daw ni tinkerbell ang "Country story" na isang laro din mula sa facebook at ngayon na engganyo na din daw na maglaro si tinkerbell ng farmville.. At ipinagmamalaki nitong nasa level 17 na daw siya at naabutan na daw niya ang Dukesa. Sa totoo lang, tanging si Dingdong lang ang nakapag patiklop kay tinkerbell pag dating sa pambuburaot. Dati rati kapag kami ang nag aasar kay tinkerbell, lumalaban ito ng burautan. Pero nang dumating ang Dingdong, tila yata nakahanap ng katapat ang tinkerbell. Likas naman talagang malakas mamburaot ang Dindong, maski mismo ang Dyosa ay binuburaot din nito. Tawanan ang lahat.. masaya, nakakaaliw.

Bago matapos ang aming dinner ay dumating ang Popoy galing pa sa makati at maya maya din ay dumating na ang Kondesa na mula naman sa Novaliches. Nagstay muna sandali ang grupo habang nagpapababa ng kinain. Kwentuhan tawanan at asaran pa din. Masaya ang lahat. At maya maya at napagkasunduan ng lahat na ituloy ang pagtitipon sa isang tagayan session. Mawawala ba naman ang alak? Eh mga certified tomador ang mga engkantos. Di ka magiging engkanto kung hindi ka marunong uminom. Napagdesisyunan ng Dyosa na sa DB Bar na lang ituloy ang pagtitipon, anyway malapit lang naman ito sa Trinoma. At para na din makita ng mga "Kids" ( tawag sa mga youngsters na mga engkantos tulad nila Maxwell, Dingdong at shoti) ang lugar na madalas ding tinatambayan ng mga engkantos. Sino nga ba ang mga first timers sa nasabing Bar? sina maxwell, popoy, shoti at Dingdong.

Mula sa trinoma, hinati namin ang grupo sa dalawa at gamit ang dalawang sasakyan na dala ni shoti at Princesa (driver lang ang Dyosa). Nakakatuwa na sa paghahati ng grupo, nagkasama sama ang mga kids, si shoti, maxwell, dingdong, tinkerbell at dukesa. Samantalang sa kabilang grupo ay ang Dyosa, Princesa, Amasona, Kondesa at si Popoy. Habang nasa sasakyan kami ay nagbiro ang Dyosa na nagsama sama sa kabilang sasakyan ang 5 kids na tinaguriang the "wondergirls". tawanan ang lahat. Ang mga kids nagsama sama sa iisang sasakyan. hahaha

Pagdating namin sa DB bar, hndi na sumama ang shoti sapagkat ito ang may natanguan pang isang lakad sa kanyang mga kaibigan. Pag upo pa lang sa kanya kanyang pwesto ay umorder agad ng 3 buckets ng sanmiglight. Hindi na umorder ng pulutan sapagkat busog na ang lahat. Kaya alak na lang ang binanatan. Tuloy ang kwentuhan, tawanan at asaran. Hindi man nakasama ang shoti ay humabol at dumating naman ang diwata. Na tingin namin ay medyo may tama na, galing ito sa isang tagayan kaya medyo kargado na ng alak. Sa DB bar ay may live band, at pwede kang makijamming. Likas na mahilig kumanta ang diwata, since may tama na ito kaya naglakas ng loob na mag volunteer na kumata sa stage. Siyempre proud ang grupo, kaya masigabong palak pakan para sa aming diwata. Pinakilala ng Dyosa sa diwata ang apat na bagong diwata na nagmamay ari ng 4 na brilyante.. Ayaw pumayag ang duwata at sinabing nag iisa lang daw siyang diwata. wala na daw papalit sa kanyang trono bilang diwata. tawanan ang lahat. Naunang umuwi ang amasona ang ayon sa kanya ay kailangan daw siya sa kanilang bahay at walang kasama ang kanyang ina. Ang later sumunod naman umalis ang kondesa na may iba pa yatang party or gimik na pupuntahan.


Nang matapos ang aming inuman, ihahatid lang sana namin sina popoy at dingdong sa cubao para makauwi papuntang makati at paraƱaque, nagpagdesisyunan na grupo na dumirecho na lang sa place ni princesa. Nang binagtas namin ang erod papuntang espanya, ipinarada muna ng Dyosa ang karwahe at bumaba ang lima upang jumingle.. nakakatuwa at 5 silang humihi at tig iisang puno ang kanilang naging tabing. magkakahilera, tawanan ang Dyosa at Diwata na naiwan sa karwahe. Hahaha..

Dumating kami Parlor ng Princesa, eksaktong 1:30am. Isa sa mga dahilan ng aming papunta sa place ni princesa ay upang makilala ni tinkerbell ang kanyang "asawa" na si tata. Guard ng parlor ni princesa. Asar talo ang tinkerbell, at proud na proud namang ipinakilala ni princesa kay tinkerbell si tata. Blushing ang tinkerbell.. hahaaha. Ayon kay princesa.. gwapo at bagay daw sila ni tinkerbell. hahaha

Tuloy pa din ang kwentuhan, inutusan ni princesa ang "asawa" ni tinkerbell para bumili ng alak. Tig iisang can ng sanmiglight ang aming pinag saluhan, at may kasamang chitchirian. Ang diwata naman ay nakatulog na sa tinawatag ni princesa na "orgy room" bihisan ng mga customers sa kanyang parlor. Habang ang iba naman at nagkukwentuhan. Tinawagan ni princesa ang kanyang "companion" si DINGDING at pinapunta sa parlor at ipinakilala ang mga engkantos. Nagkakilala na din sa wakas si Dingdong at si Dingding.. hahaha.. Na laging tinatanong ni dingding kung sino si dingdong at gusto ding makilala ni dingdong si dingding na laging binabaggit ni princesa sa twitter. Masaya namang nakihalubilo sa amin si Dingding. Antok na ang lahat, restless na kaya nag decide na umalis na ang mga engkantos. Pasado alas sinko na nang kami ay umalis sa parlor ni princesa.

Isang nakapasayang moment ang naganap. Bibihirang magkasama sama ang mga engkantos na halos lahat at andoon. Tanging sina Santa, Reyna, Tasya at Sirena lang ang wala. Sana sa susunod ay makumpleto ang lahat ng mga engkantos. Sa darating na pasko, tanging hiling ng lahat ay magkasama sama ulit sa isang patitipon.

Mga attendees:

Dyosa
Princesa
Amasona
Dukesa
Kondesa
Shoti
Maxwell
Popoy
Dingdong
Tinkerbell
Diwata

11 comments:

Bloiggster said...

isang grand christmas party dapat sa pagdating ko ha? bonggacious ever dapat! kasi inggit ako kagabi!

Anonymous said...

nag celebrate ang lahat dahil naipasa na ni tinkerbell ang 7 units nyang kinukuha this sem! just imagine may kasamang absent, late, lakwatsa at pambuburaot sa professors ang 7 units na yun, at sa pagkakaalam ko ilang linggo nyang hindi pinasukan ang ilang subjects pero ipinasa pa... Ang talino talaga ni tinkerbell! grabe! hahahahaha.

congrats! jusme, mag-iilang take yata sya sa Board Exam?

- hulaan nyo kung sino ako? hehehehe.

ENCANTOS' said...

kasama daw siya sa 40 thousand na nag aaral ng nursing sa school nila.. at 4 thousand lang daw silang nakapasa... at 4 hundred lang daw silang mag boboard exam.. at 4 lang daw ang papasa... at doon sa 4 na yun.. isa lang ang magkakatrabaho.. sa barangay health center pa.. taga check lang ng vital signs.. si tinkerbell kaya yun? lols

<*period*> said...

ang saya naman ng post na ito...

navi-visualize mo na yung pangyayari...at ang kuwela siguro nung umihi sa puno..ahahahaha..mabuti na lang walang rumorondang pulis

Bloiggster said...

good luck kay tinkerbell! kelan ba kukuha ng board exam ang bakla na yan? sa november o sa june next year?

DonCholo said...

aba matinditindi pala talaga ang pagsala na ginagawa sa pamantasan nila, akalain mo yun sa 40000 isa lang nagkakatrabaho hahaha!

POPOY said...

@<*period*>; -


tama ka dun kwela pero malupit ang ENKANTO!


para kay ay TINGLEBELL ay tinkerbell pala hehehe kaya yan no matter wat skul ka galing as long as u study hard aanihin mo rin pinagpaguran mo... kaya yan...

Anonymous said...

ang saya naman ng grupo niyo.. pwede bang sumali? hehehe malakas ang pakiramdam ko na mga goodlooking at mga astig itong mga engkantos...

Bloiggster said...

goodlooking? of course we are goodlooking! mga beauty titlists kami!

si rain, sya ang may ari ng parlor kung san kami nagpapaganda!

meron kaming miss international, miss asia-pacific, miss quezon city, miss manila, miss rizal, miss makati, at miss barangay LOL

jaycee_08 said...

sa mga enkantos!
maraming maraming salamat sa treat ninyo sa akin. Mahal na mahal ko kau.

@RAINna - indi na2mn umuwi sa bahay c tata. :p

@klazmyt - d ko pa lam kung sa dec or june ako ku2ha ng board.

@popoy - salamat. kaw lng ka2mpi ko ngaun. mula dumating yan si dingdong dumami na ngbuburaot sa akin.

@centurion - salamat sa pagdridrive!

@joms - kuya yung pagkaalis mo naiwan mo yung sandals mo sa db bar. nkuha tuloy ng singer yung sandals mo.^^ hehehe!

@shoti,dingdong,kem,batman,mel - salamat at pumunta kau.

jaycee_08 said...

awtz nkalimutan ko c max. salamat max! ang daya mo d ka kumaen ng gulay.