Hindi na talaga mapigilan ang kahibangan ni Bartolome.
Akalain mo, nagpupursige syang sa private room ng 5-star hotel ganapin ang Christmas party para makapagsuot sya ng red cocktail gown!
Hindi na bago ang ganitong issue. Di nga ba’t ang birthday wish nya dati ay magsuot ng red gown. Hindi nga lang natuloy kasi nabahag ang buntot nya. Inabot ng nerbyos at paranoia. Natatakot daw syang ma-adik sa pagsuot ng red gown.
Akala ng mga lamanlupa, tapos na ang kahibangan ni Bartolome. Nakahinga na sila ng maluwag, at mapayapa nang nagtatanim, umaani at bumabayo sa Farmville. Pero nagulantang ang sanlibutan nang itutuloy daw ni Bartolome ang pagsuot ng red gown!
Hindi kumbunsido si Prospero, ang pinuno ng grupo sa kahibangan ni Bartolome. Minsan nang tumanggi si Prospero sa ideyang ito, ngunit sadyang spoiled brat at barumbado si Bartolome. What he wants, he gets, no matter what (weh, napa-inggles tuloy ako). Nagbanta pa si Bartolome na pag hindi nasunod ang kanyang kahibangan – magki-create sya ng chaos sa mga lamanlupa!
Kabog si Prospero. Kesa naman makalbo sya sa kunsumisyon. Pag-agree na lang ang ginawa nya.
Hindi nga ba’t inaway din dati ni Procopio si Bartolome dahil dito. Hindi daw ma-imagine ni Procopio na nakasuot ng red gown si Bartolome. Oo nga naman, sa isip-isip ko. Macho si Bartolome. Astig kung kumilos at walang bahid, kaya komontra agad si Procopio. Ngunit tulad nang inaasahan, minura na ni Bartolome si Procopio. Ayun, tameme si Procopio. Agree na lang rin daw sya kahit masama ang loob.
Mahabang diskusyon din ang nangyari kina Bartolome at Abner. Eh ang kaso nang mag-angas na si Bartolome, kabog ang Abner. Kalaun-launan, si Abner pa ang na-assign na mag produce ng accessories at make-up ni Bartolome.
Ayon sa isang reliable source. Lalabas na lang daw nang Hotel si Procopio at Abner kapag suot na ni Bartolome ang gown. Hindi raw nila kayang sikmurain ang magiging ayos ni Bartolome.
Nakarating naman kay Bartolome ang ideyang yun. Kinausap ni Bartolome ang mga lamanlupa. Kinutsaba. Na sasabihin sa dalawang hinubad na raw ni Bartolome ang red gown at pwede na silang pumasok. Pero ang totoo. Nakaabang ang Bartolome sa pinto naka-pose na mala-Bebe Gandang Hari. At pagbukas ni Procopio at Abner…………………. “OLA Engkantadya! “ ang maharot na bigkas ni Bartolome habang gigiling-giling ng bonggang bongga!
Ang original plan, si Maximo ang magiging escort ni Bartolome. Ayaw man nya, pero wala syang magawa. Eh si Prospero na ang nakiusap eh. Kaya go na lang ang kawawang Maximo. Si Domingo daw ang magsasaboy ng bulaklak sa kagandahan ni Bartolome. Excited daw ang Domingo. Taasan tuloy ang kilay ng mga lamanlupa.
Pero mukhang mababago daw ang plano. Gusto raw gawing escort ni Bartolome si Domingo. Ang tanong…. Masikmura kaya ni Domingo ang ideyang iyon? Abangan na lang ang susunod na kabanata.
Halos lahat ng mga lamanlupa, hindi kumbinsido sa kahibangan ni Bartolome. Mukhang si Eminiano lang yata may aprub. Sabagay, napaka-cool nitong si Eminiano, bukod sa mabait – very supportive pa.
Di nga ba’t nilakad daw ni Eminiano at Prospero ang kahabaan ng Erod sa paghanap ng red gown? Grabeng effort daw ang ginawa nang dalawang ito, mapagbigyan lang si Bartolome. At ayon kay Prospero, nagdrama daw si Eminiano sa Boutique o rentahan ng mga elegant gown. Kesyo may stage play daw sila na magsusuot daw ng gown ang kaibigan nya, at silang dalawa ang naatasang mag rent ng gown.
Hindi namin alam kung kumbinsido nga ang gown consultant sa paliwanag ni Eminiano. Pero kiber daw sa isip isip ni Prospero. Afterall mga client sila noh? At may pambayad sila ng gown! Oo nga naman, hehehe.
Nag-enjoy daw ang Eminino sa pagpili ng mga gown… At ang kanyang natipuhan nga… red gown! Dali-dali daw sinukat ni Eminiano ang gown habang shock daw ang Prospero. Mega-explain pa raw itong si Eminiano habang sinusukat ang gown.. kesyo magkasing sukat daw sila ng original na magsusuot… at kung anu-ano pang explanation. Tumalikod na lang daw ang Prospero at itinaas nya ang kilay nang walang nakatingin.
If I know (sabi ng source) eh feel din daw magsukat ng gown nitong si Prospero, inabot lang daw ng nerbyos.
Pero ang sabi ni Prospero, hindi raw talaga bagay kay Eminiano ang pagsuot ng gown, napaka-awkward daw. Mas bagay daw yun kay Estanislao at Perigrino.
Tamang-tama padating ng bansa si Perigrino ngayong December. At nag volunteer daw si Perigrino bilang choreographer. Tuturuan daw si Bartolome ng tamang choreography.
Ang ikinatatakot daw ni Prospero, baka mapunit daw ang gown sa paghihilahan ni Estanislao at Perigrino habang naka-hang sa CR ng hotel. Sigurado raw mag-uunahan ang dalawa sa pagsukat ng gown. Dahil sa totoo lang, feel din daw ng dalawa ang pagsuot ng gown ng pasikreto at walang nakakakita.
Mukhang magiging masaya ang Christmas Party ng mga lamanlupa. Uutot sila sa katatawa sa pakwela ni Bartolome. Nakakalungkot dahil hindi makakarating ng bansa si Policarpio na ngayon ay nasa Europe. Bising busy sa kanyang hobby na cruising.
Pero request daw ni Bartolome kapag nabasa daw ito ni Policarpio. Magpa-package daw siya ng mga imported na alak para bonggang bongga daw ang Christmas Party ng mga lamanlupa.
Sana nga mabasa ito ni Policarpio. Ipa-email ko kaya kay Bartolome para mabasa. O kaya pwersahing ipabasa! Wag naman nating isaksak sa baga nya para mabasa noh?

5 comments:
mura lang ang rent sa shop ni rene salud...i can also help you out if you like puey quinones' stuff....(seriously)
hindi ko man ma-identify the following, pero mukhang nakakaaliw ang magiging eksena sa party ninyo sa december
naloloka ako sa post nato! at ekskyusmi, di ako makikipag agawan sa gown ni bartolome! ako na lang bahala sa kanyang model walk no! yun lang! wiz ko type mag gown! ewww! hayaan na lang sa baklang hibang yun!
period: talaga mura lang? i-canvass mo nga kami. hahahahahaha
Ayon sa aking source, yang si Eminano daw eh nahirapang tanggalin yung gown at ibalik sa closet.
Nakakaadik daw, yun ang press release niya sa Encantadia.
@bloiggster: Tiyang sa katarayan mo alam ko na kung sino nagiging kamukha mo? si Matutina!! bhwahahaha.......
Wish ko lng tanggapin ng DHL at Fedex ang Liquid and Fragile item sa papacakage? hehehe!!
Number one rules nila no liquid and breakable item! hahaha
Sa pag uwi ko na lang keri ko lahat yun sa bagahe ko hwag lng mabasag sa pag check in! hehehe.......
Post a Comment