Followers

Tuesday, October 13, 2009

Polano at Procopio

Wala na raw sina polano at procopio. Akala pa naman ng mga lamanlupa ay tatagal sila. Sabagay, ang sabi ng lobo eto naman kasing si procopio, pasaway. Kapag nasa ibang bansa ay haliparot. Kahit ma-assign sa Afghanistan at Iraq, chumuchurva pa rin. Haaaay iba talaga kapag nasa field ng sales at marketing.

At kumusta naman si polano? Simple lang naman tong kulugong to.. Tahimik sya pero kung humagupit, ikot ang pwet ni procopio. In Fairview, mas maangas si polano kay procopio. Astigin lang kasi ang dating ni procopio, pero masarap batukan kapag nag-iinarte lalo na kapag lasing.

Darating na sa bansa si procopio . Ang tanong? May madadatnan pa ba sya? Meron pala… Mga intriga ng mga lamanlupa.
Si polano nga pala? Hmmmm. Ang balita ko blooming. Enjoy sa kanyang work bilang DJ sa kilalang radio station. Nananahimik sa kanyang hawla.

Pero sa totoo lang malulungkot ako kapag na-confirm na wala na raw talaga sila.. Balita lang naman wala pang tiyak na katotohanan. Sana naman hindi totoo. Unang-una tumubo na ang ulet ang makapal na balahibo ng lobo… Kapag may problema na naman, malalagas na ulet yun.. approaching pa naman ang taglagas o fall.

Ito lang ang masasabi ko….

Magkabayag silang harapin ang problema noh? Para tumagal sila!

3 comments:

period said...

MALIIT lang ang mundo ng mga FM stations... bigla tuloy akong napaisip, sino si polano?siguro nakilala ko na siya, kaso hindi ko alam na siya yun

Knox Galen said...

Malulungkot ako pag nalaman kong totoo nga ang balita. :(

marhk said...

teka muna? sino sila? lost horizon akech mga sis!!