Followers

Monday, April 26, 2010

si DUGYOT, si YAGIT at si KARGADOR

Isang paanyayang Blow Out ang natanggap ni Dugyot sa kaibigang pumasa kamakailan sa Bar Exam na nagtapos sa Ateneo Law School. Ang celebration ay ginanap sa Pangasinan na kung saan animo field trip ang kinalabasan, isang bus at 3 van ang sinakyan ng family at close friends nitong bagong attorney.


Medyo stressed itong si Dugyot nitong mga nagdaang araw kaya’t sumama sya sa Pangasinan at isinabit nya sina kargador at yagit para dumiretso sa Baguio pagkatapos ng kainan sa Pangasinan. As usual, umeksena na naman si Bianca, na pinaratangang gate crasher itong sina kargador at yagit, gusto rin kasing sumabit ni Bianca. Sorry ka Bianca di ka pwedeng sumama, kinahihiya ka ng mga engkanto hahahahaha.

Excited si yagit, kinuha ang kanyang alkansyang lata na punong-puno ng barya, at nang bilangin, jusme! Tama lang pambili ng Marty’s! Ito namang si Kargador marami yata ang naraket kaya punong puno ang wallet ng tigbe-bente. Si Dugyot? As usual, puro credit cards at ATM ang laman na ZERO balance naman. Pero sabi nga kahit kapos sa budget, dapat ituloy ang gimik kahit pa ibugaw pa ni dugyot si yagit magkapera lang!

Dapit hapon ng dumating ang tatlong kulogo sa Baguio. Nagulat sila nang nadatnan nila…… ang anino ni BIANCA !!! pordyosporsanto, talagang echosera itong si Bianca gustong silipin ang gagawing kabalbalan ng tatlo sa baguio!Lakad-lakad ang tatlo (habang nakasunod ang anino Bianca, maliligayahan sigurado si Papa Tagay kapag nabasa ito) !

Etong si Dugyot masyadong pa-bibo, dahil nga sa kapos ang budget niyaya ang dalawa sa transient ! 200 daw per head sabi ng landlady na ang hotel-transient ay malapit sa Saint Louis. Akyat ang tatlo ngunit tila yata sila ay reject, di tinanggap bilang transient… bakit mukha ba silang basurero ? Halakhak si Bianca.
Hindi naman noh? Wala lang daw mag-aayos ng room, balik na lang daw maya-maya. Mainit na ang ulo ni Dugyot, napahiya yata kay kargador at yagit. Kwento to the max pa naman sana si Dugyot na ito raw ang kanyang transient house kapag di pa nakakuha ng dormitory noong panahong sya ay nasa UP Baguio pa.

Napadpad ang tatlong mukhang basurero (kasama ang anino ni Bianca) sa isang mumurahing hotel sa may Bonifacio, malapit sa Maharlika. Biglang naawa daw tuloy sa sarili itong si Dugyot, dati-rati sa isang first class na hotel sya nag-i-stay sa Baguio, ngunit dahil sa global financial crisis, natutong mamulot na lang ng basura kasama si yagit, para lang maka-survive. Game naman itong si Kargador kahit saan hilahin, sige lang.

Akyat ang tatlo sa room 322 (taas ang kilay ni Bianca, nang makita ang silid). Luma na ang kama, at maraming vandals sa dingding. Dalawa ang kama, isang queen size at isang single. Sa queen size sina dugyot at yagit, sa single si kargador… at sa sahig si Bianca Echosera!

Naidlip muna sila pansamantala sa lumang kwartong animo nilaspag na ng panahon… Pero parang di komportable itong si dugyot, na inaabot yata ng pagka-feeling milyonaryo, gayong basurero na sya…. Tila yata may nangangagat. Binuksan ang ilaw… amfotah ! madaming lamok !

Asar talong tumayo si dugyot, habang ang dalawa ay himbing sa pagtulog kahit pinuputakti na ng lamok! Dali-daling pumunta sa CR upang magpa-presko, at pagdating dun juice ko! Hindi lang pangpa presko, kasing lamig pa ng iced-buko ang tubig pampaligo kasi sira ang heater. Walang nagawa itong si Dugyot kundi ibuhos na lang ang nagyeyelo-yelong tubig sa kanyang katawan, bahala nang mapulmonya.

Sumunod maligo sina dugyot at kargador na tila mukhang iced candy, ube flavor ang mga mukha matapos magshower.
Tupig ang kanilang hapunan, oo tupig na galing pa sa Pangasinan. Hindi kumain si Bianca, awang-awa sa sarili kung bakit pa raw sumama ang kanyang anino sa Baguio. Naglakad sila paikot-ikot sa Burnham Park, hmmmmm… Bianca likes the idea, eh pano ba naman nagsa-sight-sight daw ang tatlo ng mga cute na callboy.

Pero teka, silang tatlo yata ang pinagtitinginan kasi mukhang callboy ang kanilang porma! Lalong lalo na si yagit na talaga namang feel na feel ang body fit na pinahiram sa kanya ni dugyot! Disappointed ang tatlo. Walang cute sa burnham! Maaga pa raw kasi sabi Bianca, 10pm pa lang nun.

Nagutom ang tatlo kumain sa may burnham, shocked si Dugyot, sobrang mahal naman ng binayaran nya. Ginto pala ang presyo dun. Advise nya sa mga tourists wag kakain sa resto na malapit sa burnham, kasi ang presyo ng pagkain mala-Italianis !
Lakad-lakad sila paakyat sa session, tila may hinahanap…. Ang lugar na style Malate! Oo, magpapaka-out daw ang tatlo, total baguio naman, hehehe. Napadpad sila sa kahabaan ng Governor Pack Road, at nagpa-picture sa UP, at ikinuwento na ni Dugyot ang kanyang naging buhay noon sa baguio, masaya man o malungkot.

Niyaya ni Dugyot ang dalawa sa Engineer’s hill na kung saan gusto nyang sariwain ang kanyang kaburautan noong sya ay estudyante pa lang. Ang engineer’s hill kasi ang tambayan ng mga ibat-ibang klaseng frat sa UP at walang araw o gabi na walang riot.
Sa ilang minutong pagtambay ng tatlo sa lugar, eto na ! nasaksihan na nila ang riot, suntukan, bakbakan ng mga estudyante. Wala namang mga deadly weapons, kumbaga suntukan lang, may mga natumba muntik pang masagasaan ng taxi, habulan hanggang naglaho nang parang bula. Napangiti tuloy si dugyot. Ang mga estudyante, walang pagbabago, mula noon hanggang ngayon. Pero in furness (fairness, hehehe turo yan ni papa joms, hahahaha). Mga twinks sila ha? Mga cute na twinks ! Luwa tuloy ang mata ni kargador hahahahaha.

Nawala ang tatlo sa kahahanap sa bar na style malate at dahil dito….
May nag TEXT !
Halos sabay na nag txt si lukayo at Popoy. Nevada square daw. Ayun, sakay ang tatlo sa taxi kasama ang si Bianca Echosera papuntang Nevada.


Lugar daw yun ng bi, eh ba’t maraming babae? Bakit nga ba Popoy at Lukayo? At parang madaming straight. Pero wait, ganun din ba sa Bed at Chelu? Marami ding bang babae at straight dun? Ahehehe, nagtatanong lang po.

Mukhang disente ang lugar, marami ngang malasado ang kilos, karamihan ay mga estudyante pero kasing dami ng lalaki ang mga babae. May nakatitigan si dugyot, hmmmm. Selos ang yagit. Ang kargador, pa-demure. Umihi ang kargador, at pagbalik nya…..

Sina dugyot at yagit, may ka-table nang koreano? Oo, shocked nga si Bianca. Lumapit ang koreano sa dalawa, nakipagkaibigan. In Fairview, cute sila ha?

Anoooo? Tinigasan si Dugyot sabi ni Bianca? (wala namang laglagan Bianca, bakit? Nakita mo bang hinipuan si Dugyot nung koreano? As in sinilid ang kanyang kamay sa brief? Hahahahah).

Pasado ala-una na nang umuwi sa hotel, pero siempre bumili ng katol si dugyot. Opo, ang katol ay para sa room na malamok hahahaha. Wala namang take-out na twink si kargador, at hindi rin sya na-take out. Walang ganoong tsismis, paglilinaw ni Bianca sa mga engkantos.

Kumusta naman sina dugyot at yagit sa loob ng hotel? Halos kainin daw ng lupa ang dalawa sa kahihiyan nang biglang pagbukas ng pinto ni kargador ay mahuli ang dalawa na nag…………. “tooooot”. Tanong ni Bianca kay kargador… nakita ba nya ang tayong-tayong Jun-Jun ni Dugyot?

Sabi ni Bianca, kung may sex scandal man ang dalawa…. Wag na lang i-upload!

10 comments:

Ate Viangka said...

Say daw ni Ate Bianca na may isang Engkanto ang makikigaya! Soulsearching daw ito at aakyat siya sa Baguio mag-isa!

Mamatay na sa inggit ang mga lamanglupa sa kanyang gagawing adventure dun! Bwahahaha!

Anonymous said...

ay naku for sure di sya nag-iisa, sasama sa kanya si vyanka!

Anonymous said...

kahit si kasama si viagka... for sure.. may kasama siyang iba..

Anonymous said...

Pakisabi kay biagra, tigilan na nya ang kabubuntot sa mga engkanto.

Anonymous said...

Ahhh ganun, kanya-kanyang lakad na? di man lang nagyaya. buti pa si bianca alam ang lakad nyo.

GurlalashChenes said...

Ay ang drama ni anonymous. Kung ako nga eh shinerva ko lang yung akyat nila eh. Kevs ba, may sarili rin akong sherva nung araw na yun, muntikan pa akong makakain ng hotdog kinagabihan.

Diva, happiness pa rin kahit soloflyt lang akez?

Anonymous said...

sino ang engkantong aakyat ng mag-isa sa baguio? pwede ko ba syang samahan?

(engkantong close kay bianca)

Anonymous said...

dapat may label kung sino si kargador, dugyot at yagit.

Anonymous said...

@anonymous

Si kargador yung nka blue..(right)
si Dugyot yung naka white.. (left)
Si Yagit yung naka black.. (center)

Anonymous said...

ang ganda naman ng katawan ni kargador.

kargador na kargador ang dating !