Followers

Sunday, November 14, 2010

Ang bagong Engkanto... si KARPENTERO

Mula sa di kalayuan probinsiya, napadpad ang binatang ito sa kaharian ng engkantadiya. Una siyang nakilala ni Mugen, at ayun kay Mugen ay nasa ibayong dagat pa lang ang binatang ito ay naging magkaibigan na sila.At halos isang taon na ang nakararaan nang sila ay magkakilala. Matagal na din minatyagan ni Fox ang kanyang blog mula nang ito'y ipakilala ni Mugen sa kanya. Maangas kung sa maangas, astig at walang pakialam sa mundong kanyang ginagalawan, ganyan niya ipinakilala ang kanyang sarili sa mundo ng blogsphere. Mga ilang buwan din siyang nawala sa sirkulasyon. Naging abala siya sa ibang bagay. At nang magbalik, taglay pa din niya ang kaangasang nagbigay pansin sa mga ibang bloggers, lalo na ang mga engkantong bloggers.

Nitong nakaraang buwan lamang, naging controversial ang binatang ito. Naging usap usapan, na noong una, ay di masyadong pinapansin ng mga engkanto lalo na si Fox, until narealized ni Fox na itong binatang is the same guy na ipinakilala ni Mugen isang taon na ang nakaraaan. At dahil na din sa kanyang blog, muling nagbalik ang interest ni Fox pati na din ang engakantong buraot na si Pilyo.

Formal na ipinakilala ni Mugen kay Fox ang binatang ito nang ibigay ni Mugen ang YM address nito. Mula noon, nag usap at nagkakilala ng maayos si Fox at si Karpentero. Teka bakit nga pala naging Karpentero ang kanyang bansag? Isa sa mga blog posts niya dati ay nagpag alamang marunong pala siya sa woodworking. Tables, chairs, kahit anong wood furnitures ay kayang niyang gawin. Talentado pala ang mokong.

Nakipag kita ang binatang ito kay Fox, mga 2 weeks na ang nakararaan. Sa unang pagkikita pa lamang ay nag "click" na agad ang dalawa. Siyempre di mawawala ang burautan, angasan. Laking gulat din ni Fox na ang kaangasang ipinakita ng binatang ito ay kabaligtaran sa personal. Na realized ni Fox na sa kabila ng kaangasan nito ay isang simpleng tao, may taglay na kabaitan at kababaan ng loob. Nagulat pa nga si Fox, iniexpect niya na sobrang intimidating ang dating nitong binatang ito na gaya ng pino portray niya sa kanyang blog. May mga simpleng banat ang binatang ito na tumutugma naman sa panlasa ni Fox. Kahit paano kasi ay buraot at maangas din naman si Fox. Sa ikalawang pagkikita ni Fox at karpentero ay mas lalong naging desidido si Fox na isama siya at ipakilala sa mundo ng engkantadiya. Of course with the approval of Mugen and Pilyo.

Last night, nagkaroon ng simpleng tagayan, inimbitahan nila Fox at Pilyo si karpentero na sumama sa kanila tagayan. Kinita ni Fox si karpentero sa MRT north ave station. At nagtungo sila sa bahay ni Pilyo. Ito ang kauna unahang pagkikita ni Pilyo at Karpentero. Di na kataka taka na sila ang magiging kumportable sa isat isa. Nagkakausap na sila sa text at sa ym chat. Kumbaga, extension na lang ang kanilang pagkikita sa personal. naging magaan din agad ang loob ni Pilyo sa binatang ito. Click din agad sila sa isat isa. Sa tagayan, nagkita din sila karpentero at si Mugen. First time silang nagkita, kahit matagal na silang nagkakausap sa text at sa chat. Mula pa noon itoy nasa abroad. Nakilala din niya si JC ang bagong kutong lupa, at si Dingding. masaya naman ang naging pagtanggap ng mga engkanto sa binatang ito. Sayang nga lang at wala ang ibang mga engakantos. Sa ngayon, nagkasundo sila Fox, Mugen, Pilyo, JC at Dingding na putungan na korona ang bagong engkanto. Si Karpentero.

Sa iyo Karpentero,

Isa ka nang ganap na engkanto. Naway maging masaya ka sa mundo ng engkantadiya. Soon makikilala mo din ang iba mo pang mga kapatid na engkantos. Lima pa lang kami na nakita mo at nakasama, marami pa sila. And im sure, tatanggap ka din nila na bilang kapatid na engkanto gaya ng pagtanggap namin sa iyo. Humayo ka at magpakasaya sa mundong aming ginagalawan. Ang mundo ng ENGKANTADIYA!

=============================

previous posts about other engkantos:

si JC
si Dingdong
Si Maxwell, Popoy, at Shoti
Si Lukayo.

13 comments:

Marhk said...

Hungrybeast: Welcome Rotonda! hehehe

Cio said...

Marhk, salamat.

At salamat sa entry na ito na naitago talagang mabuti ang aking pagkatao. LOL

Mugen said...

Kinagagalak ka namin makasama! :)

Bloiggster said...

hungry beast, dahil engkanto ka na, halika, landian na tayo! hihihi!

wait, wait, wait... kelangang magbigay pugay ka na pala sa akin!pero since wala pa ako sa pinas, sa pag uwi ko na lang. puedeng kahit isang kiss lang sa cheek... CHOS!

welCUM! hope to meet u soon!

ay warning lang pala, mag ingat ka kay marhk... lahat gusto nyang tikman! LOL! di ba marhk? kalokah ka! hahaha

jc said...

welcome hungry beast! wag nang magsuot ng butas butas na pantalon next time. lols.

Marhk said...

@bloiggster: ampotah ka tiyang dumisplay ka na naman! sabi ng magtago ka muna at baka katakutan ang blog na ito! Naman lahat gusto kong tikman maliban syo! bhwahahaha

Mugen said...

Bloiggster:

Tapatan mo muna ang six packs ni karpintero bago ka makipaglandian sa kanya!

Cio said...

Mugen, 4 packs lang. nyahaha.

Bloig, salamat sa pagwelCUM! hehe.

JC, nextime di na ako magsusuot ng pantalon. LOL

RainDarwin said...

karpentero: buti ka pa may 4 packs.

ako, 4 fucks lang kaya ko hahahahah.

TAGAY said...

welcome sa engkantadiya papa karpentero..muawah muawah muawah

silent_boi19 said...

welcome karpentero sa mundo ng engkantadiya... enjoy!!!

Bloiggster said...

@marhk: TSE! forever TSE!

@mugen: ano ba! wag naman! walang ganyanan! mahirap! matakaw na ako ulit! syet men! hihimatayin na ako sa pagka crunches nyan!

casado said...

hahah kilala ko kung sino si Hungry Beast bwahahha :P