Followers

Saturday, December 31, 2011

Salamat sa 2011....

Before the 2011 ends, i would like to thank you guys for a wonderful year we've been together. Those happy moments, the joy and the laughter we shared together. The gimmiks, the tagayan session, the adventure and everything.

Papa Pilyo - salamat sa company.. ikaw ang pinakamadalas kong nakakasama.. hindi lang sa tagayan, sa movies, sa gym, sa pag tambay natin sa isetan recto tapos nating magpamasahe sa bulag, at nag nagkukwentuhan habang nagmamasid sa paligid.. at sa.... alam mo na!.. sa pagpunta natin sa bicol, sa baguio, sa splash island. Salamat sa madaming masasayang alala na na share mo sakin nitong nakaraang 2011. Next year, alam kong paalis ka na din at iiwan mo na kami. I hope makahanap ka din ng mga tulad namin para di ka malulungkot. Pero alam kong babalik ka din. Tandaan mo.. till death do us part ang drama natin.. hanggang pagtanda, walang iwanan! I love you Papa Pilyo!

Mugen - Still, you're my best confidante... alam mong pag seryosong issue.. ikaw ang una kong nasasabihan, at ganun ka din sakin, weather it personal or simple issue lang regarding the encantos. Salamat sa trust na binibigay mo sakin. Kahit minsan kulang ka na din sa oras, but i understand, jowa muna bago kaibigan. hehehe. Isa ka sa pinagkukuhaan ko ng lakas ng loob to hold on. Minsan alam mong nadidiscourage na ako, pero you keep on encouraging me. Salamat sa mga kwentuhan natin, yung mahabang lakaran natin. Kahit hinihingal na ako sa kakalakad.. ang tibay mo kasi sa lakaran! hahaha Looking forward to still be with you mugen.. You and Papa P whom i love most!.. Salamat.

Bunso -  alam mong ikaw pa din ang pinakamamahal kong bunso. You tried your best na makasama samin everytime na may lakad tayo kahit alam ko may lakad ka pang iba. Hindi ka nakakalimot. Isang pinakamasayang alala ng 2011 ang nakabonding ka namin sa Splash Island.. at sa tuwing matatapos ang tagayan natin, magkasabay tayo umuuwi. Pero lately.. alam kong may ibang priority ka na.. ang lovelife. kaya di na tayo nagkakasabay pag uwi.. . i know you're happy. I always wish for your happiness bunso. love you!!

Hapon - it's been  months pa lang tayo magkakilala but im glad naging mabuti kang kaibigan para sa amin. The moment i saw you and talked to you, naging magaan agad ang loob, kaya sabi ko sa Mugen, i going to make you an encantos, hindi naman ako napahiya at nakasundo mo agad sila. Lalo na si papa P at Mugen. Pero gaya ng sabi ko sayo, dont abuse yourself too much.. you're still young, talented and intelligent person. Malayo pa ang mararating mo. Tandaan mo ang promise mong  New Year's Resolution mo ha!.. Salamat sa bonding moment natin sa Bicol... We love you Jap!!.. looking forward to be with you more!

Rocco - thanks to Mugen, i've found you!.. lam mong kahit minsan puro kalokohan tayo, but i know, you're one sincere person na nakakasama ko.Salamat sa 2011 and finally.. you've become  a part of the group. Dati bisita ka lang.. once in a while ka lang namin nakakasama. One bonding moment i cant forget being with you is yung nanood tayo ng movie just the two of us together. Isama mo pa yung Bicol escapades natin. Remember tandem tayo.. ako si Kim at ikaw si Dora.. kaya Kimmy Dora tayo! hahaha Love you papa rocco!

JC - salamat sa patuloy na pag aalaga at pagmamahal  kay Mugen, nag 360 degree turn ang buhay ni Mugen because of you. Ikaw ang  kanyang inspiration. Salamat din sa bonding moment natin. I remember watching movie THOR, of course with mugen. Looking forward to be with you.. (kahit wala si Mugen) hahaha.. FafaFOX loves you!!


at sa ibang encantos... LOVE YOU VERY MUCH!!


Friday, December 30, 2011

Christmas Party 2011

December 29, 2011 (Thursday) - December 30, 2011 (Friday)
8:00pm Carideria Buffer (dinner)
V.Luna Q.C.
10:00pm Garahe Bar ( Drinking Session)
Sct. Tobias, Q,C,
12:00 MN - Karaoke Republic (Videoke Session)
Timog, Q.C.

* * * * * * * * * * * * * * * * * *

Though it was just  plain and simple celebration,
it was a success!!!!
Salamat sa mga umatted!!

Fox
Pilyo
Mugen
Tagay
JC
Bunso
Rocco
Lukayo
Johnny Cursive
Worlack
Hapon
Seph
Shoti
(who just dropped by in our dinner, thanks for the chocolates)


and to our guests..


James,
(who's frequenting our company)

Donnie 
(Worlack's better half, who came all the way from Jakarta Indonesia)

twit_ERo
(thanks for coming, hope you did enjoy the fun and 
hope to see more of you in the next coming tagayan)


* * * * * * * * * * * * * * * *

MERRY CHRISTMAS AND
A HAPPY NEW YEAR TO ALL OF YOU!!!



Saturday, December 24, 2011

Merry Christmas!!

Para sa mga masugid na tagasubaybay
ng aming munting kaharian...
Mula sa mga encantos..


Merry Christmas

Sunday, December 18, 2011

Malapit na!!!

May SASABOG!!!!





Abangan!!!

** Ang tunay na kaibigan.. walang iwanan,
kasama sa lungkot at saya.

Tuesday, December 13, 2011

Happy Birthday Mugen!!!

HAPPY BIRTHDAY MUGEN!!!

May you have a wonderful birthday. 
We Love you Very Much!!!



December 15, 2011
(Actual Birthday)

Attention all Encantos:

Tagayan this coming Saturday
9:00PM.
Bat Cave

Finalization of Upcoming Christmas Party
Please Be There!!



Sunday, November 20, 2011

CHRISTMAS PARTY 2011 (Planning Stage)



ANNOUNCEMENT:

Re: Christmas Party 2011

1. Tentative Date:
     a. December 28, 2011 (Wednesday)
     b. December 29, 2011 (Thursday)
     c. December 30, 2011 (Friday)

2. Venue: Videoke Session Party:
     a. Music21
     b. Videoke Republic
     c. CenterStage

3. Monito-Monito
    December 17 (Mugen's Birthday Celebration with the encantos)
    "BAT CAVE" - Timog, Q.C.
    9:00 PM.
    Please BE THERE!! Para sa Bunutan ng Kris Kringle!!










Friday, November 18, 2011

Happy Birthday HAPON !!!


Lil tomadochi  Hapon
Everdearest Hapon


Otanjoubi omedetou
Happy Birthday!!!

Watashi tachi wa anata ga dai suki desu
We love you !!!


November 24, 2011
(actual Birthday)
(Kinabog ka sa Subtitle noh?  Eh di ba  may mga foreigner na nagbabasa ng blog mo therefore nde  na sila magno-nosebleed kasi may subtitle na.}

Saturday, October 22, 2011

EAT ALL U CAN.. NOW NA!


EAT-ALL-U-CAN. Now na... as in 6PM today.

Place: Shangri-la Makati (ching).

Ayan ha? inimbitahan ko kayo, may mga nagti-txt sakin na feeling inaapi sila. Txt nyo si Dadi ng direction papuntang Shangri-la (ching ulet). RSVP.

After that tatagay-tagay tau somewhere.

Thursday, October 20, 2011

Pinagtsismisan nyo ba ako ha?

Pinagtsismisan nyo ba ako sa YM ha? or paranoid lang.

Matapos kasi akong mag-press release na wala akong pera. Biglang dumating si Papa mahrk, iniwanan nya ako ng 16,000.00 (yung 6K ay bayad nya sa nahiram nya sakin).

Nakapagtatakang he didn't speak a word when he handed me the money. Muntik na tuloy akong mag-nose bleed. Nang nagtanong akong bukaket?  Nagmamadali syang umalis, ang narinig ko lng ay ... iiwan nya raw sakin muna ang 10K at naglaho na syang parang bula.

Noh bah mga teh! Hindi naman ako magiging scavenger o pulubi sa daan noh? Inaamin kong minsan ay may grasa ako sa mukha pero pwede ba, mas maganda naman ako sa mga pulubi !!!

kalerqui kayo. Nasa Rural Bank ng Virgo Island ang pera ko at naipadala na ni mudang ang portion ng aking fortune sa bangko ko ditey sa manila.

Ngayon tapos na ang issue sakin ha? ibang engkanto na naman ang pagtsismisan at pasali na akembang!

- engkantong nagpapanggap na mayaman.


(ang landi ko na magsalita hehehe. Magaya nga si cristine reyes:   "hindi ako toh,,, hindi ako toh... huhuhuhu.. hindi ako toh !!!!! -   No other Woman)

Friday, October 14, 2011

Nasaan ka Elisa?

Sorry "encantong nawawala" pero kinakati ang dila ko. Ibig ko munang manahimik ngunit kelangang malaman ng mga encanto na ikaw ay ... NAWAWALA !!!

Elisa nasaan ka?

Kung nasaan ka man, sana mag-iingat ka... Bilib ako sa PAG-IBIG mo. Wala kang katulad.....

Salamat sa tiwalang ako ang unang encantong nakaalam kung ikaw ay nasaan.

Ngunit ipagpaumanhin mo ang kakatihan ng aking dila. Ibig kong malaman ng lahat na ikaw ay nawawala na parang si Elisa.

Nasaan ka Elisa?

Saturday, October 8, 2011

PATIKIM


Ito na yata ang pinakamasayang birthday na dadaluhan ko sa ecantos. According sa baklameter, marami-rami ang pupunta.

Bukod sa dalawang guests na si Xall at Dabo, ay may isa pang darating na very controversial person na magpapa-sensationalize sa dating mga issues? Chinggay! Let by gone be by gone! Chinggay ulet! 

Halos kumpleto ang encantos.

Reunion ng dating ………

Ng dating……… (magkakaibigan! Echosera kau hahahaha)

Ready na ang leotard at leggings ng apat na encanto dolls: Kimberly, Estafanie, Kate at Michiko. Meron silang intermission number na ballet.

Happy Birthday Papa Tagay, mwahhhhhhh!

PS: Kiburlah sa mga tinamaan ng aming PATIKIM. 

-          - Shalala, Bianca at Gorabella

Sunday, October 2, 2011

Happy Birthday Papa Tagay!!!

Happy Birthday sayo Papa Tagay!!!


Birthday








We Love you very Much!!!


October 3, 2011

Tuesday, September 27, 2011

Ahhh ok, fine.

Sino ang dumating na? Si papa mahrk daw?
Sino sya? Alam mo di ko na sya kilala, eh kasi naman kinalimutan na nya ako, tayo pala. Eh di ba kapag dumating ang isang kaibigan galing sa ibang bansa, kinokontak ang mga kaibigan? Just to say Hi lang.
Sino na nga ulet si Papa Mahrk? Dyosa paki-refresh please.
Nuhbahhhhhhhh, move on na lang aketch!

PS
Magkano ba ang isang Hi mo at bibilhin ko na lang.
Charot.

- isang alagad ni Carmi

Thursday, September 22, 2011

Updated List ng mga Encantos

1. Fox - July 2007

2. Pilyo - July 2007

3. Mugen - July 2007

4. Tagay - July 2007

5. Marhk - July 2007

6. Bloigg - Dec 2007

7. Bunso - Dec 2007

8. Silent_boi - Dec 2007


9. Lukayo - Jan 2009

10. Johnny Cursive - June 2009

11. Maxwell - May 2009

12. Shoti - May 2009

13. Popoy - May 2009

14. Dingdong - Aug 2009

15. Dingding - Sept 2009

16. Seph - Dec 2010

17. JC Wimpykid - Oct 2010

18. Karps - Nov 2010

19. Rocco - May 2011

20. Hapon - July 2011


ang dami na pala natin...

Monday, September 19, 2011

Mga Encantong Gala ( Part 2 ) Bicol Adventure

Mga Encantong Gala ( Part 1) Baguio Adventure 

Long overdued plan na ang mag out of town ang mga encantos. At last natuloy din. Sa invitation ni Pilyo, nagpaunlak ang 3 pang encantos, sina Fox, Rocco at si Hapon. Fiesta ng Our Lady of Penafrancia sa Naga City, Camarines Sur. Friday night 9pm ang larga. Sa Cubao Bus Terminal nagkita kita ang apat na encantos. Naunang dumating si Fox na galing pang fairview, at sumunod ay si Hapon na galing pang Ortigas, from work direcho na siya ng cubao. Samantalang sina Pilyo at Rocco ay magkasabay na dumating galing Sampaloc, Manila.

Almost 6am na ng nakarating ng Naga city at sa CWC (CamSur Watersports Center) agad ang unang destinasyon. Pagkadating ay may na ispo-tan agad si Rocco na umayon sa kanyang panlasa. Si Foreigner #1. Ikaw na Rocco! ikaw na ang pang international ang dating!!  Na tila sa kanilang obserbasyon ay isang Briton, na ayon na din sa accent niya ng pananalita ng Wikang Ingles. Ang picture ay stolen shot ni Fox. Nagtawanan ang apat ng biglang nag flash ang camera ni Fox habang kinukunan ng shot si Foreigner No. 1. Buti na lang at malayo ang table ni foreigner at busy sa kakachat gamit ang kanyang Imac.

Foreigner No. 1

Nagkayaan itong sila Fox at si Pilyo na i try daw ang Wakeboarding since yun naman talaga ang kanilang ipinunta sa CWC. At tutal andun na lang din naman sila why not try it diba? And as a beginner, try nila ang nakahulod. Hindi pa nila kaya ang naka tayo na gaya ng ginawa ni Foreigner No. 1 na tila isang professional na. Nag try si Fox na mag wakeboarding nang nagkatayo pero di siya nagtagumpay.


si Fox

si Pilyo
Isa pang foreigner ang dumating. Si Foreigner no. 2,  Kaibigan yata ni Foreigner No. 1. At siyempre. Ganun din ang peg. Borta, Matangka at Gwapo.

Foreigner no. 2
Dumating na ang kanilang sundo, galing na Naga City. Family Friend ni Pilyo. Saktong papunta na sila sa parking area nang pumarada ang blue na kotse. ang driver? Si Tonton. Twink ang binata. Nagkatinginan sila Rocco at Fox. (alam na!) Dinala sila nito sa bahay kung saan naginain sila ng tanghalian. Dahil nga sa fiesta, expected na madaming pagkain. Uminom ng konti at nakipag kwentuhan kay  "manong Friendship" na sa pagpapakilala ni Pilyo sa taong ito ay kanyang tinuturing na "Idol". Daddy siya ni Tonton na sumundo sa kanila sa CWC. Gaya ni Tonton,  Low profile din si Manong, pero dalawang magagarang sasakyan ang kanyang pag aari. Simple lamang kung itong manamit. Pero sa kanyang pakikisalamuha sa tao ay mababatid mo agad na ito'y isang professional at sa dami ng kanyang julalay ay mababatid mo na ito'y ginagalang at nirerespeto. 

Matapos ang kanilang tanghalian at inihatid sila ni Manong Friendship sa isa pa nilang bahay. Medyo may kalayuan pero namangha ang apat sa ganda ng bahay. Dito na sila nag stay buong gabi. Nagkwentuhan, nag inuman at ng videoke. 


Kinabukasan ay nagtungo ang apat sa Basilica ng Our Lady of Penafrancia upang mag simba. (di nga lang nila tinapos ng misa dahil sa dami ng tao at siksikan). Pero at least na witness nila kung paano icelebrate ng mga bicolano ang kapistahan ng Reyna ng Penafrancia.




Basilica of the Our Lady of Penafrancia

The Altar

Matapos mag simba ay direcho agad ang apat sa L.A. (Legazpi, Albay). Upang mawitness ng malapitan ang the famous and majestic Mt Mayon Volcano. Kahilingan ito nila Rocco at Hapon. Sa picture lang daw nila nakikita ang Mt. Mayon and since andun na rin lang naman daw sila sa Bicol, ay napagkasunduan nilang apat na magtungo sa Albay. Medyo hindi sila pinalad na makita ang kabuuan ng Mt. Mayon Volcano sapagkat ito ay natatakpan ng makapal na ulap. Imbes na magpagala gala ang apat ay nag suggest itong si Pilyo na maghanap ng Resort upang makapag relax kahit sandaling oras. Pero bago yun ay nagpa reserve na sila ng ticket sa Bus biyaheng Lespazi to Manila at biyaheng 7pm ang kanilang kinuha.






Nagpahatid ang apat sa resort. At sa sandaling oras ay nakapag relax naman ang apat habang naghihintay ng oras ng biyahe pauwi ng manila. Sa resort ay nakilala nila si Joacquin, (Joacquin Burdado, dami kasing tato sa katawan), si Tom (Tomador kasi ng alak), Si Maximo (Ala Maximo Oliveros ang peg, effem na twink) at si Karl (Karly (curly) hair, boy kulot, na pinakiusapan nilang mag take ng picture pero walang picture na nag register sa camera. Tinanong pa ang apat kung "Hol Bade?" as in whole body? LOL). Naging tampok sila sa usapan ng apat na encantos. Tawanan nang tawanan ang apat na encantos sa pambuburaot sa mga nilalang na ito at hindi nila alam na sila ang pinag uusapan at pinagtatawanan ng mga encantos.

sino sila?


Bago sumapit ang alas siyete ng gabi ay bumalik na ang apat sa Bus Terminal. Biyaheng Manila, sakay sila ng Philtranco Bus. at saktong 7pm lumarga na sila at almost 6am na sila nakarating ng Maynila.



Ang Nagkuwento:

Mr. Mahusay
(na taga Norzagaray na napunta ng Bicol, LOL)

=============================================
Next Target destination:

CDO (Cagayan de Oro) then DAVAO....





















Friday, September 16, 2011

House Rules


Sa mga mamimyesta sa Naga City (Peñafrancia Festival) mangyari po lamang na hubarin nyo muna pansamantala ang mga kapa, crown, scepter,  at sash (if applicable). Kung ano mang title meron kayo, pansamantalang ibaon nyo muna sa limot. Dahil once na nakaupo na kayo sa bus patungong Naga, isa na kayong BARAKO, astig, no trace.

Isa yan sa kwalipikasyong pinanghahawakan nyo bilang engkanto kaya utang na loob, sumunod sa mga house rules:

1.       Babaero ang drama ni Pilyo sa mga kamag-anak at kaibigan, therefore mga babaero din kayo. Wag umaura kung pumasok man tayo sa cabaret. Wag mandiri kapag pinasalat kayo ng tahong.

2.       Mga classmates kayo ni Pilyo sa UP Diliman MSCS para walang masyadong tanong ang mga wicked sisters ni Pilyo.

3.       Wag malikot ang mga mata pag nagawi sa basketball court. Malalaki kasi ang tarugo ng mga bicolano at talagang bumabakat hehehe. Kung kinakailangang piringan ang mata, piringan!

4.       Wag mabubulol kapag nagsalita ng “pare”. 

5.       Straight acting at chickboy ang dating.

6.       Wag maging suplado sa kamag-anak at kaibigan ni Pilyo.  Magagalang at malalambing ang mga bicolano, pero karamihan.... buraot!

7.       Maanghang ang mga pagkain sa bicol, kaya maghanda ng tubig bawat subo hehehe. Wag magpakita ng kahinaan. Pare, kaya mo yan!

8.       Makulet si mudang, laging tinatanong kung bakit di pa nag-aasawa si pilyo. Sabihin nyo, may ka-live-in dati! Ngayon may iba na namang dini-date. (Saka na natin pag-usapan si Carmi, hahahahahahaha)

Camsur Watersports Complex

Bahala kayo kung anong gawin nyo dito, mamborta kayo, magpacharming pero walang chorva! Hahahaha. Tayo-tayo lang dito, walang kamag-anak at kaibigan.

Sunday, September 11, 2011

Si CARMI: Ang babae sa septik tank at si CYNTHIA ang Charoterang sprikitik na umappear na vhakler. Silang nagpafeel, nagpasense, ditey sa gymsum.


Ako si Felix Bakat, nag-volunteer na sumulat ng mga kaganapan kagabi. Biglang bumait samin ni Uncle (Mr. Mahusay) sina  Bianca, Shalala at Gorabella. Noon una hindi ako makapaniwala. Ngunit, subalit, datapuwat nakita ko na lang na dumudugo ang ilong ng tatlong kontrabida, intrimitida at atribida.

Ang dahilan: Nosebleeding ang topic na binigay ng Dyosa!

Hindi rin kaya ni Uncle (Mr. Mahusay) na arukin ang ibig ipahiwatig ng Dyosa matapos nyang pagbulay-bulayin ng ilang minuto ang pamagat. Huli nang mapansin kung dumudugo na rin ang kanyang ilong.

Bilang isang kabataang matalino na nagtapos sa Barrio College na may kursong BS Ceramics, minabuti kong ako na lang ang magsulat ng mga pangyayaring magpapa-haggard sa splits end (walang basagan ng trip sa term ko!) ng mga engkantong nasa ibang bansa nagde-demand ng tsismis.

----------------------

Alas 12:01 AM (September 11, 2011)

Biglang dumilim ang paligid…. uminit… tatlong kandila sumindi.  Kapit-kamay ang mga engkanto, pigil sa kanilang paghinga. Pumikit… habang ang baklameter ay naka switch-on.




Binigkas ang orasyon….
Charoterang sprikitik umappear ka vhakler. 
Magpafeel, magpasense, ditey sa gymsum. 
Witiz shokoley ang udangchi ditey.

Pumasok si Dingding… blinowjob ang tatlong kandila sa cake… habang umiingay ang baklameter : “bakla ! bakla! welcome to the club kuya………………….. HAPPY BIRTHDAY!

Lumiwanag ang paligid. Palakpakan ang mga engkanto sabay ng kanta .... HAPPY BIRTHDAY TO YOU..”


------------------------

DIRETSAHAN # 1

Record breaking na naman ang Birthday party kagabi. Halos alas sais na natapos, and take nota, walang nag-blow! (as in nagsuka gagah!). Samantalang noong mga nakaraang birthday parties, ala una pa lang ay marami nang casualties. Buhay na buhay ang mga pa-virgin sa alak, tulad ni Popoy at Bunso, samantalang nagmistulang pulang kamatis itong Rocco Sison dahil sinabotahe ni Tagay ang mga tagay sa kanya.

Matatandaang noong isang taon, alas syete ng umaga natapos ang Birthday ni Dingding. Dahil dito nasa kanya ang titulo ng Birthday Party Queen!

-------------------

DIRETSAHAN #2

Sa kauna-unahang pagkakataon, maagang dumating si Joms at at late naman ang Pinuno (Dyosa). Ito ay isang himala sa engkantadiya. Ano nga ba ang ikina-late ng Dyosa?

Naghihimutok si Pilyo kasi dati rati’y isa ito sa punong abala tuwing may okasyon. Kung kelan pa naman birthday ni Dingding saka pa uma-aura ang Dyosa.

Kiburlah ang pagpapasok ng Dyosa sa pintuan na talgang dinedma ang mga engkantong naghihintay sa kanya. Tila nagmamalaki pa sa kanyang pagiging late. Biglang umentrada si Pilyo.

Pilyo: “hoy, hoy, hoy! Ba’t ka late aber?” 

O di ba, wala syang galang! Kaya nga sya pilyo eh.

Namutla ang Dyosa! Umihip ang hangin… diyata’t amoy alak ang Dyosa? Kasunod noo’y ang pamumula nya sa kahihiyan.

Nabulungan tuloy ang mga engkanto. Umandar ang baklameter ni Joms… chumorvah ang Dyosa!  Sa Pasig  or sa N. Domingo? San ba talaga?

----------------------
DIRETSAHAN #3

 Napapahiya na si Pilyo dahil walang kumakain sa tinapang isdang kanyang inihain. Sa islang pinanggalingan nya kasi, tinapang isda ang mabenta pagdating sa pulutan. Buti naman pinansin ang kanyang tuyong pusit na talagang nilantikan ni Rocco Sison ng bonggang bongga!  For sure puro pusit ang kanyang i-e-ebs ngayon!

Ngunit, datapuwat subalit, biglang napa-tumbling itong si Pilyo at ibang engkanto naman ay biglang nag-cartwheel at sabay sabay umisplit sa ere at ang dahilan:

Isinilid ni Tagay ang mga isdang tinapa sa kanyang handy bag dahil uulamin nya raw sa almusal!

Well, why not? Pero Papa Tagay hindi naman kaya nakakahiya sa mamahaling handbag mo at talagang pinagkasya mo doon ang tinapa. Wag mong kalilimutang labhan yun ha? Kasi alam mo siguradong dikit doon ang amoy!

Ginto pala ang presyo ng plastic bag kapag September 11, kalokah!

-----------------------
DIRETSHAN #4

Nagmistulang yaya itong si Pinuno kay Karps na talaga naman pinagsisilbihan sa hapag kainan. Kulang na
lang ay subuan. Taas kilay ang Bianca. Rolleyes ang gorabella. At tumili ng garalgal si Shalala. Hanubah mga teh! Na-miss lang ng Dyosa itong si Karps. Kasi naman malimit umabsent kapag may tagayan! Ikaw na ang may pusong Dyosa…. tseh !

------------------------
DIRETSAHAN #5

Worried itong si Hapon baka ma-OP ang kanyang partner na pansamatala’y guest pass holder. Noong una’y silent itong si “partner”. Pamasid-masid. Diretso ang tingin. Nakakairitang tingnan na animo’y nasa silya eletrika. Hello! Hindi kaya nangangagat ang mga engkanto!

Pero nang medyo tipsy na si “partner” ay… lumabas ang kanyang naturalesa!

Winnur! Kumembot na si “partner” ! at talagang nag-mega-Queen of all media na! Kaliwa’t kanan ang kanyang chika-chika, wala pang dalawang oras ay ka-close nya na lahat ng engkanto at nakikipagburautan na! At eto pa.. natalbugan nya si Hapon! Nakakalokah talagah.

Umaura tuloy itong si Hapon kay Pilyo…

Hapon: “Pilyo, tingnan mo ang partner ko, nahihiya pa sya nyan ha? … na-o-OP pa sya sa lagay na nyan. Pero kung makipagchikahan sa lahat parang wala nang bukas!”

Pero bet ng mga engkanto si “Partner”.  Masaya at ang kulet kasama. Kaya di magtataka kung  alukin ng Dyosa si “partner”  ng ………….. “rainbow card”.

----------------------

SIKRETONG MALUPIT WALANG CLUE!

Umaura ng todo itong si Carmi na talagang nilublob ng tadhana sa septic tank dahil sa kanyang mga nagawang kasalanan! At si Cynthia namang spirikitik na kung pumilantik daig pa ang kinikiliti ng mga machong vhakler!

Nawindang ang baklameter, hindi kinaya ang mga ka-aurahan nina Carmi at Cynthia na talagang nagpa-feel, nagpa-sense ditey sa valur!

 Itong si Carmi, todo ang pag haplos sa kamay ni Cynthia na matagal nang taken.  Dedmakels si Carmi sa mga tsismosang vahkler!

Magpa sense mag pa-feel, i-gangbang bang ang unang malalasing… itong si Cynthia  nagkuwaring lasing, umaasang magiging jolibee ditey sa vahlur!

O vahkler o vahkler, bakit nakatulog si Carmi nang walang humipo sa kanyang bakat na yellow short. O dahil ba ka takot ang lahat kay Cynthia na talagang gwardya sibil ang kibur !

May away bang namagitan kay Cynthia at Carmi dahil sa selosang naganap. Vuhkeet naman engkanto pa ang pagseselosan samantalang echos lang naman ang lahat!

Magpa sense magpa feel ito si Carmi kay Cynthiang vahkler. Kitang kita ni Remington kung pano mag-kiss ang dalawa sa lips. Ang sagot ni Remington: GORABELS ! kiss lang kau, afterall una syang naging sayo!


 Kinikilig itong si Cynthia dahil sa kinakausap na sya ni Carmi na taken na! At na-sightsung ko everluu, na naghakawan sila ng kamay. Sa sobrang pagkakilig, nag-spirikitik sya na tila epileptic. Gulong sa tawa si Remington na hindi maka-get over sa reaction ni Cynthiang vahklur!


Charoterang sprikitik umappear ka vhakler. 
Magpafeel, magpasense, ditey sa gymsum. 
Witiz shokoley ang udangchi ditey.