Followers

Sunday, July 31, 2011

Ang Bagong Engkanto... si Hapon

Makailang beses na din siyang nakasama sa tagayan kasama ang ilan sa mga engkantos. Nakilala siya ni Fox sa Twitter at ilang beses na din nag tagpo ang kanilang landas sa blogsphere. Marahil ay marami ang nagtataka kung bakit siya napabilang sa mundo ng engkantadiya. Hindi siya gwapo, hindi rin rin siya pangit, hindi rin siya macho. Pero may mga katangian siyang nakatawag pansin sa ilang sa mga engkantos. Ang kanyang katalinuhan, ang kanyang appeal. ang kanyang galing sa pakikisama, pati na din ang galing niya sa pagkanta na sa tingin ng mga engkantos ay sapat na para mapabilang sya sa grupo. 

Nauna nang nagpost si Pilyo tungkol sa kanyang kuneksyon sa mga engkantos. Ang Venn Diagram. OO, hindi pa man siya nagiging engkanto ay swak na agad ang kanyang personalidad para maging engkanto.

Kagabi, bilang official na pagiging engkanto, isinama siya sa 4th Anniversary Celebration upang ipakilala siya at tanghalin bilang isang engkanto. At dahil nabakante na ang isang position para sa engkanto, Ngayon ay tatawagin siya bilang  ENGKANTONG HAPON.

Japnanese Ninja


Add caption

Sa iyo engkantong hapon,

Sa ngalan ng aking mga kasama at kapatid na mga engkantos, I Welcome you sa mundo ng Engkantadiya. Naway, pantunabayan ka ng mga laman lupa at kutong lupa. Pati na din ang mga immortal na sila Bianca, Shalala, Gorabella, Mr. Mahusay at Felix Bakat (na taga Norzagaray). Lasapin mo at i enjoy mo  ang pribelehiyo ng pagiging isang tunay na engkanto.



====================================

6 comments:

Anonymous said...

correction! GWAPO sya ha?

papapayatin ko sya ng konti, then... akin na sya!


- Shalala

Anonymous said...

Dalawang beses akong umapela sa pag-join ng mga engkanto this year, sa kanya lang ako hindi kumontra. .

Anonymous said...

welcome sa yo pare!!! one of these days, tagay tayo pre!!!


-felix bakat (ng Norzagaray)

Anonymous said...

hmmm.... ginawa nyo na pala siyang engkanto. sana ako din. :-(

Anonymous said...

welcome! imbey ako sa singing voice nya ha. sana ako rin may ganyan. inggitera much? lol.

-jc

Anonymous said...

maraming salamat. pasensya na din kung kanta ako nang kanta. nagpigil pa ako nun.