Ang Molato sa Punongkahoy.
(sa panulat ni RainDarwin)
Dumaan na naman si molato. Mabilis ang kanyang lakad, bitbit ang knapsack sa likod at panay ang tingin sa orasan. Bakas sa kanyang mukha ang kunot sa noo at pagkainis. Tulad ng dati, sinundan ko na naman sya ng tingin hanggang lumiit at maglaho.
Nitong mga huling araw malimit ko syang makitang tumatambay sa punongkahoy malapit sa aking tinutuluyang bahay. Malimit ko rin syang makitang dumadaan sa kalsadang aking pinagtatambayan sa tuwing lumalanghap ako ng hangin sa labas ng aming bahay. Tulad ngayon, nakita ko na naman syang dumaan papasok sa kanyang trabaho.
May kung anung klaseng magneto sya na hindi ko maipaliwanag kung bakit napapatingin ako sa kanya tuwing dumadaan sya malapit sa aking bahay, at hanggang sa kanyang paglayo, hinahabol ko pa rin sya ng tanaw. Kung tutuusin hindi naman sya kagwapuhan. Tamang may hitsura lang. Sa taas na 5’8, hindi rin naman sya kataasan. O siguro ang kanyang chinitong mata at maitim na kulay ang nagpapatingkad ng kanyang personalidad. Pinagmasdan ko ang aking kulay. Mas maitim sya sakin. Kung ako ay moreno, malamang sya ay molato.
Maangas syang pomorma. Angas na hindi fashionable. Wala syang pakiaalam kung nasa fashion pa ba ang kanyang pananamit o pinaglapasan na ba ng panahon ang kanyang brand na sinusuot. Tulad na lang na kanyang suot na caterpillar na sapatos at Dr. Martin na sinturon. Noong ako ay college pa lang, ito ang sikat. Hanggang ngayon nga, meron pa rin ako nito dahil isa rin ito sa mga paborito ko. Tulad nya, wala rin akong pakundangang isuot ang mga ito, tutal kaya ko rin naming dalhin kahit pinaglapasan na ng panahon.
Base sa kanyang porma at hitsura, nasa late 30’s sya. Sa tingin ko, ka-contemporary ko sya.
Ahhh isa pang dahilan kung bakit nakuha nya ang aking atensyon ay dahil sa angas nyang maglakad at kilos. Sa kabila ng kanyang rugged na kasuotan, mukha syang malinis at mabango. Kahit noong makita ko syang nagja-jogging na naka-jersey shorts at sando, mukha pa rin syang malinis at mabango bagama’t medyo marumi na ang kanyang shorts.
Mukha syang kanto boy na may pinag-aralan. Barumbadong magaling makisama. Maginoong bastos. Suplado. Wala syang pakialam sa kapitbahay at paligid. Suplado rin naman ako ngunit tinatantya ko ang mga tao sa paligid ko. Kung taga sa amin at nakatingin sa kin na tila kinukuha ang aking atensyon, tumatango ako o ngumingiti bilang pakikisama sa barangay.
Alam ko namumukhaan nya ako dalawang taon na ang nakakaraan. Malimit kasi kaming magkita sa netshop na pinaglalaruan naming dota at online game. Mga kasama nya ang mga reviewees ng mga civil at electrical engineering noon. Hindi ko sya makakalimutan dahil, itinuturing syang leader ng grupo. Ang iba ay kuya ang tawag sa kanya, ang iba naman ay Sir. Napaka-special nya sa grupo at sobra syang nirerespeto. Adik sya sa dota kasama ng kanyang mga ka-tropa. Ngunit kapag tumayo sya at nagmura kahit nasa kasarapan sila ng laro, tumatayo na rin ang lahat. Pikon sya. Kadalasan nagsisisihan ang mga tropa nya kung bakit siya pinikon.
Nakatira sya sa dormitory kasama ng kanyang mga tropa at kagrupo na hindi kalayuan sa aming bahay.
Ka-vibes ko ang mga kasama nya, at tulad nya, kuya rin ang tawag sakin. Seryoso sya noon at suplado na may pagka-superior. Kung tutuusin ganun din naman ako.
Siguro nga ako ang unang nagsuplado sya kanya noon. O na-misinterpret lang nya ang pagiging buraot ko.
May insidente kasing tinanong ng kasamahan namin kung taga saan sila bakit ang iitim nila. Buraot kasi ang mga tropa kong straight. Walang pakundangang magtanong ng “bakit ang iitim nyo?” May nagtanong pa ng “saang school kayo galing? “ Ang sabi ng isang reviewee ay. Secret lang pre. At tumawa.
“Ahhh baka sa barangay college kayo galing….” Pambuburaot ko. Binuraot ko sila kasi alam kong ka-close ko na sila. Tawanan ang grupo. Hindi ko namalayang nandun pala si molato. Pormal ang mukhang lumabas ng netshop.
Ang huli kong kita sa grupo nila ay yung nagsisipagsigawan ang mga reviewees sa netshop dakong 1 am dahil sa pagkapasa ng engineering board. Inabangan nila ang result sa web. Natuwa rin ako noon at nakigulo sa kantyawan dahil marami sa kanila ang pumasa. Huli na nang malaman kong galing pala sila sa isang pinakasikat na State University sa La Union. Hinanap ko sya noon para i-congratulate pero wala na sya.
Ang aming pangalawang pagtatagpo pagkatapos ng dalawang taon ay sa ilalim ng punongkahoy. Alas nwebe ng gabi yata noon at papunta ako sa ministop. Nagulat ako nang pagdaan ko sa punongkahoy ay may tao pala. Dark kasi ang suot nyang t-shirt kaya halos hindi ko sya makita. Alam nyang nagulat ako kaya dumako sya sa kalsadang naabot ng ilaw na galing sa poste. Sumilay sakin ang kang buong kaanyuan. Napatitig ako sa kanya, ganun din sya sakin. Ngingitian ko sana sya nang dumako ang tingin nya sa iba.
Ang putang ina, suplado pa rin sa loob-loob ko. Bad trip ako.
Simula noon ay hindi ko na sya pinansin. Kapag dumadaan sya sa harap, iniiba ko ang direksyon ng aking paningin. Tutal straight naman sya. Para ano pa? Ang dami ko nang tropang straight, sa dota lang at gym solve na ko. Straight nga ba talaga sya? Yun ang unang akala ko…….
Kagabi hindi ako makatulog. Iniisip ko sya. Hindi dahil sa MAHAL KO NA SYA tulad nang pakikipag-flirt ko sa twitter hahahah. Kundi dahil sa bet ko syang maging tropa. Oo, gusto ko syang maging tropa dahil may nadiskubre ako sa kanya. May nararamdaman ba akong pagnanasa sa kanya? Wala naman siguro. Crush ko sya oo, pero pagnanasa, parang wala. Parang mga encantos lang. Marami akong crush sa kanila pero hindi ko ma-imagine na makikipag-sex ako sa kanila. Charot hahaha. Ahhh alam ko na kung bakit crush ko si molato. Minsan kasi narcissistic ako. At feeling ko duplicate ko sya. Charot ulet hahahah.
Noong isang linggo kasi dumaan si molato sa aming bahay. Pababa ako noon sa hagdan at tulad ng aking nakagawian, hinabol ko na naman sya ng tingin.
Mabilis at siga syang maglakad kung kaya’t malayo kaagad ang distansya nya sa kin. Bet kong mang-stalk… Oo ako na ang stalker na wagas, hahaha.
Tumambay sya sa puno. Patago akong nagkubli sa isang punong hindi kalayuan. Gusto ko lang malaman kung bakit kailangan pa nyang umistambay sa punong yun samantalang pwede naman syang dumiretso muna sa kanyang condominium na halos hindi naman kalayuan. Nagtataka lang ako kung bakit malimit nyang gawin ito.
Maayos naman ang pagkukubli ko sa isang puno. Txt txt kay Baby P. Check kung nasaan sya….. kung may ka 3-some ba sya or ka-orgy. JOWK. Hehehe.
Naagaw ang atensyon ko sa isang gwapong estudyante naka-uniform na pang-nurse na dumaan sa punong kinukublihan ko. Busy sya sa pagti-txt. Sa tingin ko hindi sya bababa ng 20. Mga 19 or 18 o pwede ngang 17 pa lang. Twink na twink sa loob ko.
Papalapit sya sa punong kinaroroonan ni molato na may hawak ring cellphone. Lumakas ang kaba sa aking dibdib nang huminto sya sa puno. Tila nag-uusap sila at nagtalo. Lumingon sa kaliwat-kanan-likod si molato, tinatantya kung may tao sa paligid. Kitang-kita ng aking mga mata kung paano hinolding-hand ni molato si estudyanteng nurse. Tumahip ulet ang kaba sa aking dibdib at hindi ko mapigilang magbuntung hininga nang akbayan ni molate si estudyanteng nurse na parang sinusuyo. Saglit lang ang insidenteng yun at lumakad na ang dalawa patungo sa condominium na tinitirhan ni molato.
Sinundan ko sila hanggang pumasok sa gusaling hindi kalayuan sa aking kinatatayuan. Naka-shorts ako noon at ramdam ko kung paano pumintig ang aking alagang nagagalit sa eksenang nakita kanina.
Nitong mga nakaraang araw, laman si Molato ng aking isipan. Di nga ba’t kagabi lang ay hindi ako nakatulog kaiisip sa kanya. Gusto ko syang maging kaibigan. Gusto kong magkaroon ng kaibigang “katulad ko” na malapit sa aking lugar. Ngunit paano?
Ilang araw lang ay lilipad na ako patungong Australia para isakatuparan ang plano kong dual citizenship at hindi ko alam kung hanggang kelan ako doon. Ang sabi ni Dadi fox, hanggang 2 weeks lang ako dun at siguradong maho-homesick. Pwedeng two weeks lang nga, pwedeng 3 months, or 3 years hanggang magustuhan ko dun at hindi na bumalik.
Sa simpleng pag-i-stalk ko kay molato, nalaman kong sa iba pala sya nagji-gym. Samantalang kung tutuusin, malapit lang naman sya sa gym na pag-aari ko sa condo unit nya. Dahil ba nalaman nyang ako ang may-ari ng gym? Hanggang ngayon ba bad-trip pa rin sakin si molato?
Kung tutuusin hindi pa naman huli ang lahat. Pwede pang magkrus ang aming landas at kaibiganin hanggang maipakilala ko sa kapwa ko encantos. Upang maisama ko sya sa aming kaharian at maipadama ang aming samahan. Ngunit wala na akong panahon.
Pansamantala, ituturing ko muna syang isang larawan ng isang lalaking sa kabila ng hitsurang mala-barumbadong kanto boy, pormang construction worker, siga kung maglakad….. ay isa palang closetang nagkukubli sa ilalim ng puno upang makalanghap ng sariwang hangin, at madiligan ng pagmamahal ng isang kapwa nya closetang tulad nyang nahihirapang huminga sa pagtatago ng pagkatao.
Isasabit ko muna mo si molato na parang larawan sa aking puso at isipan at pagdating ng panahon, saka ko sya babalikan sa ilalim ng punong kahoy na kung saan, idinisplay nya sa akin ang kanyang tunay na katauhan.