Followers

Sunday, January 8, 2012

Usapang Bianca, Shalala at Gorabella...

Nag GM si Bianca. "Mga Sis, taralets, gimik tayo tonight! Miss ko na kayong dalawa! kita kits 9PM same Place"

Sa isang Bar sa QC. Nagkita kita ang tatlong Mahadera, talipandas ng mga contrabida ng engkantadiya. Si Bianca, Shalala at Gorabella. 

Bianca: Ano na mga sis? Kamusta na kayo? Di na tayo nagkikita kits ah.
Shalala: Oo nga teh.. dumaan ang Pasko at Bagong Taon. Di tayo nakapag bonding.

Gorabella: Dangan kasi, di naman tayo inimbitahan ng mga amo nating encantos eh. teka mga ateng, gumigimik pa ab sila?

Bianca: Oo naman, kaso lang, exclusive na yata ang gimik nila. Bawal na daw ang intruders!

Shalala: Pansin ko nga mga teh. Wala na din ako balita sa mga gimiks nila lately. Ayan tuloy, wala na akong ma iblind item.

Gorabella: Kasi naman kayong dalawa eh. mahilig kayong mag gate crash!. Buti na lang yung dalawang amo ko, kahit minsan lang sila sumama sa gimik, lagi nila akong kasama.

Bianca: Oo nga sinasama ka nila pero, para ka naman ghost. Non existing ka naman. hahaha


Gorabella: Haller! hindi ah. andun lang ako sa tabi, pero tinatagayan ako ni papa Tagay.

Shalala: Pero teka mga sis? Ano na nga ba ang latest sa mga amo natin? Waley na ako sense sa kanila ah.

Bianca: Ahh ako basta, lagi kaming magkasama ni Papa Pilyo at ni Papa Fox. Silang dalawa lang ang updated ako sa mga nangyayari sa kanila.

Gorabella: Ako din, kay papa Tagay at Papa Seph lang ako updated. Kiburla sa mga ibang encantos. Wizh ko sila knows kasi. Parang di ko sila feel!

Shalala: Eh sino ba may sabing feel ka din ng ibang encantos? aber? hahaha Basta ako kay Papa Lukayo at papa Johnny lang ako updated lately:

Bianca: Sige nga, reporting tayo. Updating tayo ng mga kaganapan sa mga amo natin. Sige una na akembang. Well si Papa Pilyo, single lady na ulit siya ngayon. though, may kinakarir si fafa! of course twink! hahaha. Pero sabi niya sakin, UNOFFICIALLY YOURS pa daw sila, in 5 days daw malalaman kung OFFICIAL na daw sila! haha

Shalala: OMG!! ang bilis naman ni papa Pilyo makahanap ng karir, ilang weeks pa lang siyang single diba? 

Gorabella: OO nga, Last week lang siya naging single lady ah. at sinetch naman itong twink na kinakarir niya?

Bianca: Ah basta, feeling ko unti unti na naman nakakamove on si papa Pilyo eh. Basta masaya siya sa ginagawa niya, masaya na din akembang para sa kanya!

Shalala: Eh what about naman si papa fox? Ano na latest sa kanya? 

Gorabella: Ay balita ko, siya fafa fox talaga ang UNOFFICIALLY YOURS ang drama! hahaha
Bianca and Shalala: ANO???!!! sino may sabi sa iyo nyan? Amo mo?
Gorabella: Hindi no!! sense ko lang! hahaha hindi na nga sila nakakausap ng mga amo ko eh!

Bianca: Potakels ka!! feeling close ka kay papa fox ah. Kinabahan naman ako diyansa chizmax mo! Eh ako nga itong SUPER CLOSE kay fafa fox, wala akong nasesense na ganyan, ikaw pa na HINDI CLOSE sa kanya!

Gorabella: Hanuveh!, kayo naman mga sis! di ako nag fifeeling close kay papa fox no! dati na kaya kaming close (naka cross fingers sa likod! hahaha).
Shalala: Teka, kailan pa kayo naging close ni papa fox? hahaha

Bianca: Magtigil nga kayong dalawa! ah basta alam ko, masaya si papa fox lately. Lagi daw mapula hasang! lols

Shalala and Gorabella: Echusera ka teh! 

Shalala: Panong magiging mapula hasang nun, isda ba siya? haha tsaka single pa din si papa fox diba? not unless, taken na siya ..

Bianca: Gagah!! ibig kong sabihin, Masaya siya kasi madami pa ding nagpapasaya sa kanya. Mapula hasang niya kasi laging.... hahaha (magagalit sakin si fafa fox)

Gorabella: ahhh.. gets ko na kung bakit mapula hasang ni papa fox. hahaha

Bianca: Oh kayong dalawa naman, ano latest sa mga amo niyo?


Shalala and Gorabella: OUR LIPS ARE SEALED!!! hahaha


Bianca: MGA POTAKELS kayong dalawa!! hmmpf!






1 comment:

RainDarwin said...

wahhhhhhhhhhhh.

bakit nyo ko pinagtsismisan?

mga potakels kau bianca, shallala at gorabella.

baka sabihin ng mga nakabasa nito ang harot-harot ko . grrrrrrrrrrrr.