Followers

Tuesday, July 21, 2009

Bulag-bulagan

Bulag-bulagan
(berso sa engkantadiya)

Tatahimik na lang ako.
Pakikinggan ang awit mo.
Sasabay sa kumpas sa nota ng iyong musika.
Habang ika’y umiindak sa usok ng tukso.

Nakatingin ako sa malayo, nagbubulagbulagan
Sa mapagpanggap mong kasiyahan
Pagkatapos ng saya at harot ng musika
Sa isang sulok nahahaplos ko ang iyong luha.

Hindi ako manhid, nagbubulagbulagan lang ako.
Ramdam kong ang bawat kumpas ng musika ay may pait
Ang talim na tumutusok sa puso mo’y
Tumatagos din sa puso ko.

No comments: