Una kitang nakilala sa thread natin sa g4m. Yung thread na mga walang facepic exlusive. From there nadevelop ang friendship natin. I remember those times na kapag nag oonline ako, mga post mo na lang ang nababasa ko, tapos pag time mo namang mag online, posts ko naman nababasa mo. Hindi mag pangabot oras natin gawa ng nasa magkabilang panig tayo ng mundo. Naging saksi ang thread na yun kung paano tayo nagkaroon ng ugnayan sa isat isa. Naalala mo ba yung time na may isang member ng g4m na "kinakarir" mo that time? sino nga ba yun? Ahh si Creon. All praises ka pa nga sa kanya. And being your friend, tinutulungan pa kita sa pamamagitan ng pag a update ng mga nangyayari sa kanya dito. IN the first place naging kaibigan ko din naman siya. During that time also. you were about to go back to our country. And nag suggest ka na magkaroon tayo ng meet up together with the rest of our friends sa thread. Kasama pa nga natin that time sa planning ay si Alvinfairview (asan na kaya siya?). Then came july of 2007. I was at work nang mag call ka sakin and saying na mag meet tayo sa cubao at kasama mo na si papa tagay at si papa str8manly (now Rain_darwin). Nagulat ako at di ko expected na mag aaya ka ng small GEB that time. Honestly i was flattered na maimbitahan mo. And that was my first time to attend a small gathering of two or more people coming from cyberworld. Kaya medyo hesitant ako pumunta at pauntakan ang invitation mo. Sa totoo lang kinakabahan ako. Naisip ko.. this is it!. makikita ko na ang mga friends ko from cyberchat. Kundi lang dahil sa kakakulit mo sa calls mo sakin, di talga ako pupunta. So to make me at ease, i tagged along Souljacker (orbiter). Nakita ko din for the first time si papa tagay, at si papa rain. And of course si alvin fairview na tama nag inarte at that time kaya di nagtagal at umalis din agad. Masayang masaya ako that time nakilala ko at nakita ko ng personal ang mga taong tinururing kong mga kaibigan sa chat. Pero ang dali ng turn of event para satin that time. Akala ko tuloy tuloy na ang samahan. Bigla kayong nawala. DI ko alam kung bakit. Masama mang ang loob ko pero kailangan kong tanggapin na lahat tayo ay may kanya kanya choice sa buhay. Choice na pumili ng mga taong kakaibiganin. Lungkot at pagkadismaya ang naramdaman ko that time. Buti na lang at hindi ako iniwan ni souljacker. Kundi hanggang ngayon im still wandering kung sino ang mga taong kakaibiganin ko at hindi ako matututo sa tamang diskarte ng pakikipagkaibigan. Pero sabi nga.. past is past. Tapos na yun. Wala na akong bitterness sa nangyari sa atin. Ang importante ay ngayon. Now that we're back, at patuloy na magkakaibigan. Papa MArhk, kahit di tayo naging close masyado sa isat isa, alam ko sa puso at isipan natin, magkaibigan tayo at mananatiling magkaibigan habang buhay. Salamat sa friendship. ;-)
Bloiggster/Klasmeyt:
Noy, natatandaan mo pa ba nung una tayong nagkakilala sa mirc? you were using the handle name klasmeyt78. Potah ka, napeke mo ako doon hahaha. Buong akala ko kasi str8 ka at naghahanap lang ng kausap.That time kasi beginner pa lang ako sa mundo ng cyberspace. Year 2005 yata yun. At kasi naghahanap din ako ng kausap na matino. Tapos nag online tayo sa YM at doon natin tinuloy ang usapan natin. Hindi ko alam kung ano nangyari t pansamantalang nawala ang ating communication. Until one time gumawa ako ng thread sa g4m at may pumasok na isang member na ang handle din ay klasmeyt78. Napaisip ako bigla at naalala kong at one time may nakilala kong guy na parehong name ang gamit. Kaya nung tinanong kita kung ikaw ba si klasmeyt na nakilala ko sa chat. Pareho tayong unware na magkakilala pala tayo dati pa. Kaya mula noon nagpatuloy ang ating pagkakaibigan sa thread. You're a long lost friend ika nga.And I found out na naka based ka pala sa cebu. Pansamantala ulit nawala ang contact natin dahil sa nangyari sa aming nila papa marhk. Pansamantala din akong nawala sa g4m. Until i decided to make an account ulit sa g4m at gumawa ng bagong thread with different handlename. I used firefox and you used bloigg. kaya hindi tayo nagkakilala. Until one time you asked me kung ako ba si centurion na dati kong account name. At sabi mo nga ikaw si klasmeyt78. Nagkagulatan ulit tayo.Hehehe. Kita mo nga ang pagkakataon no? kung talagang magkaibigan ang dalawang tao, magtatagpo at magtatagpo pa din ang landas ng isat isa kahit anong mangyari. First time tayo actually nagkita ng personal nung umattend ka ng GEB at nataong nagvacation ka dito sa manila. Imagine after several years of chating online, noon lang tayo nagkita ng face to face. Natuwa nga ako at naibalik ulit yung link natin sa isat isa. Lalo na nung pumunta sa Rain sa Cebu. Pasalamat kami at inasikaso mo siyang maigi. And nung time na uwi ka dito manila. We welcomed you with a red carpet. Tapos nag swimming tayo sa antipolo. Ang saya saya natin that time. Though at one point medyo nagkasamaan tayo ng loob because some things na hindi naiwasan. Out of concern lang din siguro on my part. Pero you misunderstood it. Pag pasensiyahan mo na din si manong sa nangyaring iyon. But anyway, im happy that we're back as friends. Now that you're very far from us. Isa lang lagi ang pinapaalala namin sa iyo. Magingat ka at foreign land yang kinalalagyan mo. Noy, we miss you at sana soon makabalik ka ulit and enjoy natin ang tagayan with all the other engkantos. Salamat din sa friendship. ;-)
Tsupaeng:
There's only one thing i can say about you. Masyado kang mailap. Lagi ka na lang absent sa mga tagayan natin. Pero Ok lang cause i know you're still with us. Little did they know na before you become a part of out group, magkakilala na din tayo. Nag uusap na tayo sa chat pa lang. Pati sa private message sa g4m dati may contact na agad tayo. And then came a time when me and rain_darwin reached out to some of the members ng thread natin, isa ka sa mga mineet namin. You introduced to us some of our threadmates, like si twinkboi and Mike.. There was also this time na nagkabonding din tayo ng one on one. You invited me sa megamall at sabi mo nabobored ka at wala kang magawa. Thank you for that moment. Actually..di naman tayong dalawa lang eh, pinasunod din natin sila Rain_darwin, lukayo at si Twinkboi (former member). So yun, it was fun everytime na kasama ka namin. Ikaw nag comedian ng grupo. Pero ang lakas mong manlait, sobra! hehehe. Pero seriously, lagi naming inaadvice sayo ni klasmeyt na ingatan mo ang health mo. And good thing nag gi gym ka na. Ok yan para at least pumayat ka na at di ka na mukhang butete.. Alam mo Kups, thankful din ako at naging part ka ng grupo. Salamat sa friendship at sa company. Ingats ka palagi at sana matagpuan mo na din yung right one for you, para hindi ka na lagi nag lalabas ng ATM card at Credit card kung kanikanino. gets mo? ingats ka pala and hope to see you soon.
1 comment:
nakakaluha naman ang liham para kay tsupaeng! how sweet!
Post a Comment