(posted by Rain Darwin)
Ngayon ay August 1, 2009. Mamaya lang ay magdiriwang ng ikalawang anibersaryo ang engkantadya. July 28 ang aktwal na anibersaryo ngunit mas mainam na ipagdiwang ito ng sabado ng gabi (August 1) upang lahat ay makadalo. Gusto kong magpa-late – para dramatic entrance. Pansamantala ko munang aagawin kay papa joms ang kanyang title bilang dramatic entrance queen. Tutal marami naman syang ka-share sa title. Hindi tulad ni lukayo na nag iisa lang syang…. dramatic exit queen !
Kagabi napuyat ako sa pag-iisip ngunit natulog akong may ngiti sa labi. Payapa ang kalooban, at gumaan ang aking pakiramdam. Ilang lingo ba naman akong tuliro. Maraming katanungang simple lang naman ang kasagutan. Para akong adik at bangag na paikot ikot lang sa tanong na ayaw magbitaw ng kasagutan. Ilang international calls ba naman ang aking iniwasan. Ilang e-mails ang naghihintay ng aking kasagutan. Lahat sila ibinitin ko sa ere. Pansamantalang tumakas sa katanungan.
Handa na ang aking luggage. Maayos pa naman ang aking mga long sleeves at necktie na itinago ng aking ina sa probinsya limang taon na ang nakakaraan. Nagtatampo sakin ang aking ina. Simple lang naman daw ang kanyang hiling na mamalagi na ko sa pilipinas, hindi ko pa sya mapagbigyan. Napaisip tuloy ako. Tumatanda na talaga sya. Ulyanin na. Binigyan nya kami ng pakpak noon, upang lumipad ng malaya. Ngayong nasanay na ako sa paglipad, gusto nya akong bawian ng pakpak.
Nalaman ko nung isang linggo, naghahanap pala ng buyer ang aking ina sa kanyang napundar na ari-arian. Paghahati-hatian naming magkakapatid yun bilang pamana. Nakusensya tuloy ako. Alam ko naman talagang ibinebenta na nya yun. Ngunit ang pagpupursige nyang makahanap ng agad ng buyer ay alam kong pangsilaw sakin. Oo nga naman, malaki-laki rin ang aking share. Pwede nyang ipamukha sakin na hindi ko na kailangang pumunta pa ng amerika upang magpaalipin muli sa mga dayuhan. Oo nga’t mukha akong pera. Nagpapakatoo lang naman ako hehehe. Ngunit ang isiping napi-pressure ang aking ina sa pagbebenta ng ari-arian wag lang akong umalis ay nakakapag bagabag sa aking kunsensya.
Kelan lang kapiling ko ang aking mga kapatid. Dalawang araw silang namalagi dito sa Manila. Halos magsiksikan kami sa kwarto sa pagtulog. Gusto raw nila akong maka-bonding. Ipinagluto ako ng masarap na pagkain at ipinag shopping.
Kelan rin lang nagsipag datingan ang aking mga kaibigan at malayong kamag anak. Natatawa na lang ako nang sabihin nilang gusto raw nila akong makita. Nauwi tuloy sa tagayan.
Handa na ang aking briefcase na punong puno ng importanteng dokumento sa aking paglisan. Ngunit kaninang madaling araw ako nag desisyon, matapos timbang timbangin ilang mga bagay. At sa aking desisyon…. Natulog akong mapayapa.
Kanina lang kausap ko ang aking employer. Pumunta rin ako sa aking agency upang i-settle ang ilang mga bagay. Maraming letters akong ginawa na pinadala ko through emails. Habang ang buong mundo ay nagdadalamhati sa pagkawala ni cory. Ako naman masayang nakikipag ugnayan sa aking mga dating kasamahan sa amerika.
Pano na nga kaya kung tutuloy ako sa August 7 ? Naisip ko ang aking pamilya. At sunod kong naisip ang aking mga kapatid na engkanto na pangalawa kong pamilya.
Matutulad ako kay bloiggster at papa mahrk na inggit na inggit kapag may gimik ang mga engkantos. Hindi ko na matsa-tsansingan si papa tagay. Malimit ko pa namang pisil pisilin ang kanyang umbok. Wala namang pakilaam si silentboi sa pambuburaot ko sa partner nya. Hindi ko na rin mapipisil ang balls ni antimanic. Hindi ko na mapipisil ang utong ni papa joms. Hindi ko na maaakbayan si papa lukayo aheheh. Plano ko pa namang tsansingan na si Maxwell kasi medyo close na kami hehehe. Isusunod ko si shoti, pero wag muna, baka ma misinterpret nila heheh. Naalala ko tuloy si jaycee aka antimanic. Noon suplado ako sa kanya, takot tuloy sakin ang bata. Ngayon pinipisil pisil ko na ang balls. At lumalaban na rin sa burautan ang bata. Minsan gusto kong dakmain ang umbok ng dyosa… kaya lang baka ako MAHAGUPIT … aw! Hehehe.
Pag ako umalis… mawawalan ng buraot sa engkantadya. Lulungkot daw sabi ni Papa Lukayo. Isa raw ako sa nagpapasaya sa engkantadya.
Habang isinusulat ko ang entry na to. Tinitingnan ko ang aking maleta na punong puno ng damit pang opisina. Nagsukat ako ng coat and tie. Parang hindi na sakin bagay. Hindi ko na kayang dalhin. Mas bagay pa rin sakin ang pormang welder.
Hindi ko na kailangang maiyak ngayon. Hindi tulad ng dati na tumutulo ang luha ko tuwing maiisip kong lilisanin ko na naman ang pilipinas. Nakapag desisyon na ako. Kanina nang mamatay si cory, naisip ko ang kahilingan ng aking ina. Naalala ko ang aking mga kaibigan. At ang engkantadya. Matutuwa silang lahat sa aking ibabalita.
Hindi na ako magsusuot ng coat and tie. Tatalikuran ko na ang aking pagiging I.T. Professional. Pagiging entrepreneur na lang aking magiging drama ahehe. Dagdagdan ko na lang ang aking naipundar na negosyo. Siguro pati pag tinda ng pirated CD sa Quiapo papasukin ko na hahaha. Forever na sigurong welder ang image ko hehehe. Masaya ako sa aking desisyon. Hindi lang pera ang kaligayahan ng isang tao. Konting pera lang at mayaman sa kaibigan ay sapat na upang mabuhay ng disente at masaya.
Pero siempre, daramatic entrance ako mamyang gimik sa engkantadya.

2 comments:
Shet! Kuya RAINna naiyak naman ako! Maraming maraming maraming salamat sayo! LAB YAH!
wag ka mag alala napi-feel ko successful ang parlor mo. magiging chain of parlors itu! magkakaroon ka rin ng show na "buhay at gunting kasama si Ming" at higit sa lahat tatalunin mo si Papa P. na magpapatigil ng trapiko sa EDSA. Ang laki ng billboard mo kasama si Gloria Romero. Ganda ng lolah mo! =)
glad you're staying. Marami na kaming OFWs. Wag ka na dumagdag. hehe =)
Post a Comment